CHAPTER 7

1873 Words
Walang gana habang nag-aayos ako ng aking sarili. Hindi pa rin nakauwi si Grantt at hindi na ako umaasa pang uuwi pa talaga ito rito. Baka sa studio ko na lang ito makikita mamaya. Kahit sinabi niyang kailangan kong magpahinga at huwag ng pumasok ay hindi ko iyon masusunod. Meron akong appointment mamaya kasama ang pinakabata kong alaga na si Venice. Balik na naman ako sa pagiging manager ni Grantt. Mas mabuti na lang siguro ang ganon para tahimik ang kaluluwa ko. Lumabas na ako ng bahay at sumampa sa sasakyan ko. Napapitlag ako ng tumunog ang aking cellphone. Si Grantt ang tumatawag. Hinayaan ko na lang na patayin niya iyon. Wala ako sa mood makapag-usap at asaran sa kanya. Mula sa bahay ay dumiretso ako ng studio. Magdadalawang oras din ang naging biyahe ko dahil sobrang traffic. Rehearsal day pala ngayon kaya naman maraming tao sa company. Dumiretso ako sa rehearsal room ng mga alaga ko. Marami ang RR dito at bawat manager ay may sariling office na siyang nagiging meeting room para hina-handle-an nilang artists. Itong Big&High Entertainment ay isa sa pinakamalaking studio sa buong bansa. Halos 70% ng A-listers celebrity ay nasa amin din. "Hey, pretty Yongsann!" bati sa akin ni Judie, kaibigan ko sa industry at kapwa manager ko rin. Sinasabi nilang kaming dalawa ang may mga alagang big time kaya maraming naiinggit kapag nagkakaroon kami ng collaboration sa isang variety show. "Hey, gorgeous Jud! Kamusta?" "Ito, stress sa mga alaga ko. How about you? Maghapon kitang hindi nakita rito kahapon ah?" "Ahh, may meeting ako kasama ang alaga kong si Sebastian eh." "I'm sure mas stress ka ngayon dahil sa nangyari kay Wendy." Pinigilan ko namang mapakunot-noo. Anong nangyari kay Wendy? Bakit naman ako mai-stress? "Mabuti na lang talaga at maagap na partner ang alaga mong si Grantt eh no? So, kamusta naman ang singing partner ng alaga mo?" Hindi ko naman alam kung anong dapat kung isagot dahil wala naman akong alam. Naalala kong tumawag si Grantt kanina. Ngayon ay nagsisisi akong hindi ko iyon sinagot. "Honestly, hindi ko alam. Hindi ko pa nakakausap si Grantt." Bahagya naman itong napanganga at natutop ang bunganga. "Hala, sorry. Hindi ko sadyang sabihin sayo ito ha? Akala ko ay alam mo since manager ka ni Grantt. Baka ayaw kang stress-in dahil labas ka naman na sa usapan nila ni Wendy." "No, it's fine. Bakit? Anong nangyari kay Wendy?" "May nanloob sa condo ni Wendy. Mabuti na lang at naabutan ni Grantt. Nakatakas daw ang salarin at nasa hospital ngayon ang babae." Kumalabog naman ang aking dibdib. Kaya pala umalis si Grantt. Ngayon ay nakaramdam ako ng konsensiya. Sumama pa man din ang loob ko sa kanya, iyon pala ay napaka-emergency ng dahilan niya. "May sugat ba si Wendy?" "Wala naman daw pero baka after shocked ang dahilan kung bakit nasa hospital siya ngayon." Napabuga naman ako ng hangin. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung may text ba si Grantt pero wala. "Saang hospital daw ba?" "Ay, iyan ang hindi ko na alam. For sure ay nasa private one sila. Anyway, mauna na ako at may meeting pa kami." Tumango naman ako at ngumiti. "Sige, thanks for the info." Pagkaalis ni Judie ay pumasok na ako sa pumaroon ako sa office. Hindi ko magawang i-dial ang number ni Grantt kahit na nag-aalala ako sa sitwasyon nila. Kung bakit kasi kinalimutan kong kailangan ko itong kausapin bilang artist ko at hindi bilang asawa. This is exactly why they often say that we shouldn't mix our personal issue with our work. Pwede mo rin naman siyang tawagan ngayon bilang manager niya, Yongsann. Walang na mangyayari kung papairalin mo ang pride. Isa pa ay kung hindi ka nagkasakit din eh di sana natuloy siya sa pagpunta niya kay Wendy kagabi. Is life this bitter huh? Kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang Dial icon. Nasa pinaka-uhanan naman ang number niya. Akmang pipindutin ko na rin naman iyon ng bumukas ang pinto. Bumungad ang mukha ni Grantt. Pasimple akong napalunok. Sana naman hindi siya bad mood. "Grantt, I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo, nasa biyahe kasi ako kanina," agad na palusot ko. Sarkastiko naman siyang natawa at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat na maging reaksyon ko. Wala naman akong naisip na pagkakamali sa kanya ngayong araw kaya bakit siya ganito kung tumitig? "Sinabi ko na sa 'yong huwag kang magpalusot dahil hindi ka marunong magsinungaling," asik niya at lumapit sa akin. Napaatras naman ako kaya napakunot-noo siya. "What are you doing?" tanong niya pa. "Just," mahina kong saad. Just in case na tampalin mo ako. Tuluyan siyang nakalapit sa akin. Nang akmang aatras na naman ako ay hinapit niya ang bewang ko at kinabig papalapit sa kanya. Bigla namang bumilis ang t***k ng aking puso. Wala kami sa bahay ngayon kaya hindi malabong may makakita sa amin. Mahirap na kapag nabunyag ang sekreto namin. Pare-pareho kaming mawawalan ng career nito. "What are you doing, Grantt?" asik ko at bahagyang itinulak siya pero hindi man lang nagpatinag. Nagkatuosan pa kami ng paningin. Sadyang wala siyang balak na bitiwan ako. Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Kahapon pa siya ganito ha? Naumpog ba ito at parang bigla na lang nag-iba ang pakitungo niya sa akin. "I locked the door, don't worry," aniya pa at hinipo ang noo ko. Napansin kong nakahinga siya nang maluwag at binitiwan na ako. "Hindi ba at sinabi ko sayong huwag ka munang pumasok ngayon?" Ah, chineck niya lang pala ako kung okay na ba matapos niya akong ewan para puntahan ang babaeng mahal niya. Bigla ay parang gusto ko siyang sambunutan. Bakit ba parang concern siya sa akin? Bakit ba napaka-kugtong niyang nilalang?! "Mas madaling pumasok sa trabaho kaysa sa ang kumansela ng mga appointment. Tsaka baka kasi ayaw mo lang na malaman ko ang nangyari kay Wendy." Mataman naman siyang napatitig sa akin. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang itago ang konsensiyang nararamdaman ko. Kung bakit kasi hindi niya na lang ako iniwan agad eh di sana ay walang nangahas na manloob kay Wendy dahil nandoon siya. "Stop blaming yourself. It wasn't your fault, neither I. Okay naman na si Wendy. Mamaya ay magdi-discharge na siya." Napatango naman ako. Kahit ganon ay hindi pa rin ako mapanatag. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kanya. Nawawalan ako ng rason para tarayan siya. "Did you eat?" tanong niya. Sinalubong ko naman ang kanyang tingin. "Yeah." "Okay, good. Aalis na muna ako." "Kung pupuntahan mo si Wendy ay sasama ako." Agad akong tumayo at lumapit sa kanyang kinatatayuan. "Gusto ko lang kamustahin ang girlfriend mo." "Can you really handle it?" tila nang-aasar niyang saad. Napakunot-noo naman ako. Ano na namang iniisip nitong kalokohan? Bakit pilyo na naman ang kanyang ngisi. Tsk. "Handle, what?" asik ko at isinukbit ang aking bag. Inayos ko rin ang aking buhok para namang desente akong tingnan sa harap ni Wendy. Nakakahiya na magmukha akong bruha na haharap sa isang maganda. "Nevermind. Okay, kung gusto mong sumama," sukong saad niya pa. Nagpatiuna na siya. Agad naman akong sumunod. Maaga pa naman kaya bago ang meeting ni Venice ay tiyak nandito na rin ako. Lumabas kami ng studio at napansin kong ang paborito niyang sasakyan ang gamit niya ngayon. "Get in," aniya pa. "Hindi na, may sasakyan naman ako." Hindi niya naman ako pinilit. Sumakay na lang din ako sa sasakyan ko at sinundan ang daan na kanyang binabaybay. Ilang minuto pa ay huminto kami sa LC Exclusive Hospital. Ang alam ko ay lahat ng pasyente rito ay mayayaman o kaya naman ay sikat. Tama si Judie, ganitong hospital nga ang babagsakan ni Wendy. Hindi na ako nagtaka kung pagbaba ni Grantt ay meron na siyang suot na mask. Allergy pa rin siya sa mga paparazzi na posibleng pumuslit sa lugar na ito para lang makahagilap ng chismis. Hindi na rin akong nag-atubiling kausapin siya hanggang sa marating namin ang hallway kung saan nasa isa sa room nito ang babae. "Pwede ba akong pumasok?" tanong ko nang nasa bungad na kami ng kwarto ni Wendy. Saglit niya pa akong tinapunan ng tingin bago tumango. "Sure. Wala namang limit dito tsaka kasama mo naman ako," aniya at binuksan na ang pinto. Tahimik akong sumunod sa kanya sa loob. Nakahiga lang si Wendy at nang makita kami nito ay napabangon kaagad. Agad naman itong inalalayan ni Grantt. Aish, gentleman naman pala ang kugtong na ito. "Be careful," saad niya sa babae. Pasimple akong napakamot sa noo dahil sa awkward na nararamdaman. Hindi ko alam na aabot ako sa ganito, na masasaksihan ko kung paano alagaan ng asawa ko ang girlfriend niya. Wow ha? Kung seryoso kami sa married life namin ay paniguradong ni kalingkingan ni Grantt ay hindi mahahawakan ni Wendy. Pero hindi eh. Hindi kami iyong typical na mag-asawa. Sa papel lang kami binansagan Mr. and Mrs. at hindi sa totoong buhay. Oh, anong ipinuputok ng sistema mo, Yongsann? "Ah, yeah. Huli ko na rin nalaman ang nangyari. Ang dapat siguro ay higpitan mo pa ang security tools sa condo mo. Bakit hindi ka lumipat sa LC Condo? Mas mahigpit ang security nila kaysa sa iba," suhestiyon kong saad. Napangiti naman ito na para bang iyon ang pinakamagandang suhestiyon na kanyang narinig sa tanang buhay nito. "Iyon din ang sinabi ni Grantt. Pakiramdam ko ay mas lumakas ang telepathy ninyo ni Grantt dahil matagal ka na rin niyang manager." Pinigilan kong mapaismid. Manager huh? We are more than that tho. 'Tsaka baka kaya niya rin ni-recommend para magsama na talaga sila sa iisang building lang. Bakit hindi na lang sila ang nagpakasal, 'di ba? Ngumiti na lang ako nang pilit at hindi na nagsalita pa. Mataman na lang akong nagmasid sa kanila habang nag-uusap. "You have to eat para makabawi ka agad ng lakas," ani Grantt at binigyan ng makakain si Wendy. "Feed me," malambing na saad ng babae. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko. Kinilabutan din ang batok ko. Titig na titig lang ako sa kanila. Hinihintay ko ang magiging tugon ni Grantt sa sinabi ng babae. Wala namang salita na sinunod ng lalaki ang gusto ng kanyang girlfriend. So, ganito pala sila. Ganito pala maging responsableng lalaki si Grantt. Kinda cute. Cute? Hoy, Yongsann! Pull yourself together! "Ma'am Yongsann, nandito ka rin po pala," mahinang sambit ng babae. Ngumiti naman ako at naupo sa isang couch. Samantalang si Grantt ay nakaupo sa bed mismo nito. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa posisyon nilang dalawa. Nagmumukha akong third wheel samantalang ako naman ang legal na asawa dito. Relax, Yong. Ano bang problema mo sa kanila? Wala naman silang ginagawa at normal naman na sa kanila ang ganyan. Pagkatapos kumain ni Wendy ay pinainom niya rin ito ng gamot. Parang ayaw niya ring alisin ang kaniyang paningin sa babae. Gano'n siya ka-inlove? Nagulat pa ako nang bigla na lang siyang hinalikan ni Wendy. Napaiwas tuloy ako ng tingin pero sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko pa rin kung paano nila lamunin ang bibig ng isa't-isa. Shit ka Grantt! Sa harap ko pa talaga?! How dare you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD