Napailing ako at tumayo. Hindi ko na kaya pang pakisamahan sila. Ang pangit nilang ka-bonding. Lumabas ako ng kwarto at minabuting sa upuan na nasa labas na lang maghintay.
Bakit pa ba ako sumama rito? Para maging witness sa pagmamahalan nila? Ito ba ang tinatanong niya kung kaya kong i-handle. Well, I can't.
Parang gusto kong pukpukin ang aking dibdib dahil bigla-bigla ko na lang nararamdaman ang paninikip nito. Hindi ko alam kung bakit. Ang bigat ng pakiramdam na naramdaman ko kahapon ay parang bumalik sa sistema ko.
Magpa-check up kaya ako since nandito rin naman ako sa hospital na 'to?
Eh kaso kailangan ko pang magpa-set ng appointment eh. Baka sa susunod na lang. Stress lang ito.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng text sa kay Grantt.
Mauna na pala ako, may meeting pa kaming pupuntahan ni Venice...
Hindi ko pa man iyon nai-send ay bumukas na ang pinto. Kaswal kong tinapunan ng tingin si Grantt at tumayo na rin mula sa pagkakaupo.
"I gotta go, kita na lang tayo sa studio bukas kung pwede na kayong mag-rehearse ni Wendy," deklara ko habang hindi makatingin ng diretso sa kanya. Mas nadagdagan lang ang inis ko dahil sa kanyang pagmumukha.
"Bukas?" wala sa mood niyang saad. Siya na nga itong lumandi sa harap ko mismo tapos para siya pa itong dehado. Kugtong talaga.
"Bukas, hindi mo naman kayang pabayaan si Wendy, 'di ba? Siya ang priority mo sa buhay kaya I'm sure bukas ka pa makakapagtrabaho. Hindi ko pwedeng antabayanan kayo. I have my own life too," pandidirekta ko pa sabay irap sa kanya.
Hindi ko na kayang itago pa ang frustration na nararamdaman ko. Parang ito yata ang kauna-unahang naramdaman ko ito.
"Are you mad..."
"I am not, why would I?"
Pagkasabi ko niyon ay agad ko siyang tinalikuran. Tahimik akong sumampa sa elevator at pinindot ang G button. May mga kasabay ako kaya pahinto-hinto pa ito sa ibang floor.
Nagulat pa dahil pagbukas ng elevator sa Ground Floor ay si Grantt ang sumalubong sa akin. Napakurap-kurap ako dahil sa gulat.
Paanong nandito na kaagad siya?
Bigla kong naalala na dalawa nga pala ang elevator dito. Pang VIP members iyong isa kaya malamang ay mas mabilis ang usad niyon at malaya siyang sumakay doon dahil VIP din siya rito.
Hinawakan niya ang aking kamay at kinaladkad papunta sa isa pang elevator. Gulong-gulo naman ako sa kanyang naging gawi kaya hindi ako naka-angal nang pindutin niya ang rooftop button.
"What are you doing, Grantt?!" Sa wakas ay naitanong ko rin ngunit hindi niya ako sinagot. Maya-maya pa ay narating din namin ang rooftop.
"Ano bang ang problema mo?!" naiirita kong tanong ulit sa kanya.
"Sabihin mo sa akin ang totoo."
"Totoo? Ha! Anong totoo ang pinagsasabi mo? Alam mo, may meeting pa akong dapat na puntahan kaya please lang! Huwag ka ng magdrama, Grantt. Let me go, okay? Please?!"
"Answer my question then."
"Ano ba kasi 'yon? Direktahin mo kasi ko kasi lutang ako ngayon, Grantt! Hindi kita maintindihan!"
"Nagseselos ka ba kay Wendy? Galit ka ba dahil sa halikan namin? Ano?!"
Pagak naman akong natawa. Bakit ba ang insensitive ng taong ito? Bakit na ang slow niya mag-isip.
"Hindi," kalmado kong sagot habang pilit na pinapakalma ang aking sarili. "Grantt, hindi ako nagseselos sa inyo pero nabastosan lang ako sa ginawa ninyo sa harap ko. Like, alam mo namang nandon ako, diba? Asawa mo pa rin ako, anong gusto mong maging reaksyon ko?"
"Nagseselos ka nga..."
"Grantt, hindi! Hindi ako sabi nagseselos! I'm just mad because you disrespect me! Kahit saang anggulo tingnan ay mali... Whatever! Just let me go, hmmm? Sa bahay na lang tayo mamaya mag-usap. Magpokus ka na lang muna kay Wendy."
"Yong..."
"Please? Mali-late na ako sa meeting ko. Please? Huwag muna ngayon," puno ng pakiusap kong sabi. Halata ring kumalma siya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Iniwan ko na siyang mag-isa sa rooftop. Mula LCEH ay dumiretso ako sa studio. Pagkarating ko ay naghihintay na rin pala sa akin si Venice. Siya kasi ang kasama ko sa appointment ko maghapon.
"I'm sorry, Ven. May pinuntahan lang ako," agad kong paumanhin.
"It's okay, Ma'am Yongsann. How's Ate Wendy?"
Hindi ko alam kung bakit tila tuluyang nawalan ako ng gana na tapusin ang araw na ito. Kahit saan ako magpunta ay naririnig ko ang pangalan na iyon. Nagsisimula na akong marindi. Hindi ko maamin na nagseselos ako pero sa pagiging moody ko ngayon ay mukhang ganon na nga ang nararamdaman ko at hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Hindi.
"She's fine," tipid kong sagot.
Fine with my jerk husband.
"Tara na, baka ma-late tayo," yaya ko sa dalagita. Sumunod naman agad ito sa akin.
Kinita namin ang isang producer na gusto mag-produce ng second album ni Venice. Isa itong well-known producer at minsan na ring nakatrabaho namin ni Grantt noon.
Pero unlike Grantt, mukha unfair ang treatment na natanggap ni Venice galing dito. Baka dahil ay hindi ganon kasikat si Venice dahil rookie ito. Hindi ko iyon ma-voice out dahil inaalala ko mararamdaman ng bata. Napaka-humble pa naman din nito.
Kaya ang ginawa ko ay pagkatapos ng discussion namin ay pinalabas ko na muna ito sa meeting room para masinsinan na kausapin si Sir Allan.
"Bakit hindi si Director Hannah ang kinuha ninyo? Hindi ba at siya ang ibinigay ninyo kay Grantt noon? Mas mapapaganda ang music video kapag ganon."
"Look here, Ms. Yongsann, hindi ganon karami ang supporters ni Venice. Baka malugi lang tayo. Alam mong mahal ang talent fee ni Hannah," pabirong saad nito pero nababakas ko pa rin ang pang-iinsulto nito.
"Paano maggo-grow si Venice as soloist kung hindi natin ibibigay ang best natin para mas dumami pa ang supporters niya? Normal lang iyon dahil nagsisimula palang naman siya. Walang nag-uumpisa na sikat kaagad. Tsaka ang first album niya ay napakaganda ng feedback. Deserve niya ng expert team ngayon comeback niya."
"Ms. Yongsann, business is business. Nasasabi mo lang iyan dahil alaga mo si Venice. Kung alaga ni Judie ang pinag-uusapan natin, sasabihin mo pa rin ba ang mga iyon?"
"Oo, pinaghirapan nilang makapasok sa industriyang ito kaya deserve nilang tratohin ng pantay. Palibhasa ay pera lang ang iniisip ninyo," pandidirekta kong saad. "Di bale, gagawa ako ng paraan para makuha si Director Hannah."
"Sinasabi ko sa 'yong mahal ang..."
"Huwag niyo ng problemahin, magagawan ko ng paraan iyan. May pera ako. Kaya ko maglabas kahit magkano kung alam ko namang worth it iyon. Magkita-kita na lang tayo next week."
Kailangan ko si Grantt para dito. May mga koneksyon ang kugtong na iyon sa industriyang ito.
Tumayo na ako at lumabas ng meeting room. Natigilan ako dahil mukhang narinig pa rin ni Venice ang usapan namin ni Mr. Allan.
Ngumiti ako at hinaplos ang likuran nito. "Let's go," yaya ko rito. Wala namang imik na sumunod ito sa akin. Sa studio na kami dumiretso.
"Baka next week ay kikitain na natin lahat ng magiging staff sa filming ng MV ng song mo. Be prepared, okay? Do maintain your figure. Huwag ka ring mag-over think. Chill lang tayo," saad ko.
Tumango naman ito. "Okay lang sa akin kahit hindi si Director Hannah ang magdi-direct ng MV ko. Tama naman si Mr..."
"Huwag kang mag-isip ng ganyan, Venice. Deserve mo ang kung anumang hinihiling ko kay Mr. Allan. Hindi ka lang maganda kundi may talent ka. Tandaan mong kahit saan ka pa mapuntang agency in the future ay deserve mo ang fair treatment, okay? Huwag mong ibaba ang pagtingin mo sa iyong sarili dahil lang mababa ang tingin sa 'yo ng iba. Huwag ding masyadong mataas to the point na may maaapakan ka na. Balance attitude and great mindset. Iyon ang pinakasekreto para tumagal at maging successful sa industriyang ito."
Natural na ngumiti dahil sa sinabi ko. Mukhang nawala rin ang alinlangan na nabasa ko sa mga mata nito kanina.
"Thank you po at sinabi ninyo 'yan. I'll always remember that."
Tumango ako at ngumiti rin. Nauna na rin itong umalis. Nakatayo lang ako ng ilang minuto sa labas ng rehearsal room at kinukumbinsi ang aking sarili na makakaya kong dalhin sa team ni Venice si Direktor Hannah.
Napabuntong-hininga ako at tinawagan ang kugtong na Grantt kahit labag man sa aking kalooban. Mabuti na lang at kaagad ako nitong sinagot.
"Yong?" bungad nito sa tonong parang walang nangyaring bangayan kanina sa pagitan namin.
"I need your help."
"What is it?" mahinahon niyang tanong.
"Kailangan ko si Director Hannah."
"For?"
"Venice."
"Ohh, alright. Let's talk about it in person."
"Thanks!"
"Ako na ang bahala, umuwi ka na lang muna. Magpahinga ka at alam kong hindi ka pa ganon kagaling. Huwag ka na munang magtrabaho."
"Okay," sagot ko kahit wala akong balak na sunding siya. Marami pa akong dapat gawin ngayon. Isang krimen ang magpahinga.
Agad na pinatay ko ang tawag at baka mamaya ay sa bangayan pa kami mapunta. Wala na talaga kaming peace of mind pareho.
Napangiti ako at dumiretso na sa office. Sa studio na lang din ako nagpalipas ng oras. Kasama ko sima Judie na kumain ng tanghalian.
Pagsapit ng 1:00 p.m ay nakipag-ugnayan naman ako sa designer na siyang gagawa ng outfits ni Venice. Naging mahaba ang usapan namin dahil sinigurado kong magiging maganda ang kinalabasa ng proyektong ito.
Gusto kong sa comeback na ito ay maipakita ni Venice ang kung anumang meron siya at kung ano ang kaya niya pang gawin. Ayaw kong may nangmamaliit sa mga alaga ko.
Sabihin na natin hindi ko ito ginagawa para lang sa artists ko kundi para rin sa reputasyon bilang manager nila. It's a win-win situation tho.
Nang matapos ang appointment ko ngayong araw ay mas minabuti kong umuwi ng Tagaytay. Hindi naman uuwi si Grantt kaya ako na lang. Baka mamaya ay bigla na naman lang sumulpot ang ina niya roon, huhusgahan na naman ako.
Nang makarating ako sa bahay at dumiretso ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Iba pala talaga ang lakas ko noong teenager palang ako kumpara ngayong tatlong taon na lang ay lagpas na ako sa kalendaryo.
"Nandito ka na pala," saad ng boses lalaki.
"Ay kabayo ka!" hiyaw ko dahil sa gulat. Kamuntik pa akong malaglag sa kama dahil sa biglang pagpaimbabaw ng boses na iyon.
Si Grantt iyon at kakalabas niya lang ng shower room. Wala rin siyang pantaas na damit at tanging tuwalya lang ang pambaba niya. Tumutulo pa ang tubig na galing sa kanyang buhok papunta sa kanyang mukha.
Why so hot? Damn it!
Bago pa man tuluyang lamunin ang isip ko ng tukso ay hinila ko na pabalik sa aking katawan ang diwa ko.
"What the f**k, Grantt? Anong ginagawa mo rito?" dagdag asik ko habang madilim ang paningin na tinititigan siya.
Akala ko pa naman ay hindi siya uuwi eh. Sana pala ay sa condo ko na lang ako muna dumiretso. Pagod ako ngayon kaya wala akong lakas na maki-usap sa kugtong na kagaya niya.
"Baka nakakalimutan mong bahay ko ito, Yong. Uuwi at aalis ako kung kailan ko gusto. Tsaka sinabi ko naman sayong huwag kang papasok ng trabaho, 'diba? Magpalit ka ng damit mo bago ka humiga diyan. Hindi mo ba napansin na bago ang bedsheet na 'yan?"
Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Bagong palit nga at bago lang din sa paningin ko ito. Nanliit ang mga mata ko ng mapagtantong masyadong girly ang design. Kahit na nagustuhan ko ay sigurado akong hindi siya bibili ng ganito.
Lumapit ako sa kanya, iyong pulgada na lang ang agwat namin sa isa't-isa.
"Huwag mong sabihin galing kay Wendy ito? Bakit? Pati ba bedsheet ay couple din kayo? Hoy, Grantt Gomez ha? Hindi pa tapos ang one month kaya huwag mo munang burahin ang bakas ko sa pamamahay na ito. Be patient naman. Masyado kang excited na mawala ako rito."
"Anong pinagsasabi mo? Pwede na at huminahon ka rin? Sabi mo kanina ay hindi ka nagseselos pero tunog nagseselos ka ngayon."
Mas nairita pa ako lalo sa sinabi niya. "Sinong nagsabi sayo na nagselos ako ha? Kahit naman kasi sino ay maiinis na ka-clingy-han ninyo sa isa't-isa. Tama bang maghalikan kayo sa harap ng manager mo? Really, Grantt..."
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla niya na lang akong hinalikan. Kinabig niya ang bewang ko para hindi ako makapalag pa.
Nang pinigilan ko ang aking sarili na gantihan siya ng halik ay marahas niyang kinagat ang labi ko. Nang bahagyang umawang ang bibig ko ay iyon ang kinuha niyang pagkakataon para tuluyang ipasok ang dila niya sa bibig ko.
With that, I lost my control too. I kiss him back. Sinundan ko ang bawat ritmong ginagawa ng kanyang bibig.
Hindi ko inaasahan ang kanyang sunod na galaw. He pinned me down as he use his thigh to support my back. In a blink of an eye, he manages to strip my clothes out and playfully suck my sensitive part right down on my chest while gently palming the other one. He made a circular motion around my n*****s using his tongue. That made me moan his name for the first time.
"G-rantt... Ugh," mahina kong usal. "Wendy," dagdag ko para agawin ang kanyang atensiyon. Buong akala ko ay hihinto siya sa kanyang kabaliwang ginagawa kapag narinig niya ang pangalan ng kanyang girlfriend pero mali ako.
Tila ba wala siyang narinig. Nagawa niya pa akong buhatin papunta sa kama namin. Sinikap kong salubungin ang kanyang tingin. I feel so confused. Ngayon ko lang nakita ang ganitong titig niya sa akin. Titig na kay Greel ko lang noon nakita.
"Hindi ako si Wendy," paalala ko pa sa kanya nang magkaroon ako ng pagkakataon na magsalita.
He presses his lips to mine. He successfully gets access to my most sensitive part down there, rubbing it slowly with his fingers while looking directly into my eyes. I bite my lips to stop myself from moaning. The work of his fingers never fails to give me so much pleasure.
"Hindi mo kailangan ipaalala 'yan. Kilala kita kahit nakapikit pa ang mga mata ko. That stare, breathe, smell, taste, warmth, I know it's you, Yong. This bed is ours. Me and only you," bulong niya sa akin.
"G-Grantt!" impit na usal ko. I can't believe that he actually put his tongue into my hidden entrance. I want to curse but the leisurely feeling is making my mouth say his name instead. This leisurely pain is a mind-blowing one.
"I'll make you sore so you have no choice but to stay here. Siguraduhin ko ring ako lang ang iisipin mo sa oras na umalis at bumalik ako rito. I'm tired of waiting for you. Ubos na ang pasensiya ko. I'll make you mine tonight, Yong."
Ang sinabi niyang iyon ay naging palaisipan sa akin.
Did he really wait for me? Why?