Dahil sa pagod at sama ng loob ay nakatulog naman din ako kaagad. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Sakto kasing nakaharap sa sikatan ng araw ang bintana namin at nakalimutan ko palang ibaba ang kurtina kagabi. "Oh, buhay pa rin pala ako..." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil pagpihit ko ay nasa tabi ko na si Grantt. Hindi ko namalayan ang pagdating nito kagabi. Sobrang naging mahimbing ang tulog ko dahil hindi na ako nag-overthink pa. "Aish! What is he doing here?" pabulong kong saad. Pinakatitigan ko ang gwapo niyang mukha. Hindi pa rin maalis sa sistema ko ang nangyari kagabi at naiinis pa rin ako sa kanya. Pirmahan ko na kaya ang annulment paper namin, 'no? Akmang babangon ako pero agad niyang naiyapos ang kanyang kamay sa bewang ko. Isi

