CHAPTER 5

1521 Words
Hapon na rin nang makauwi ako rito sa bahay namin sa Tagaytay. Pakiramdam ko ay naninigas na ang aking katawan dahil sa lamig kahit na naka-long sleeves naman ako. Marami naman akong makapal na jacket ang kaso ay tinatamad akong maghanap pa kanina sa condo. Alanganin na rin kasi ang biyahe ko dahil galing pa ako sa isang meeting. Napakunot-noo ako dahil hindi naka-lock ang main door namin. Marahan akong pumasok. "Where's your wife? Bakit ikaw lang ang nandito?" Boses iyon ng ina ni Grantt. Mula sa kinatatayuan ko ay parehong nakatagilid na anggulo nila ang nakikita ko. Hindi ko masabi kung kakarating lang ba nito rito. "Mom, I told you nasa trabaho si Yongsann." Sa tono ng pananalit nito ay alam ko na kaaagad kong saan na naman patutungo ang usapan na ito. Matagal naman na akong aware na ayaw talaga sa akin ng biyenan ko ito. Well, naiintindihan ko naman dahil nga naging boyfriend ko ang isa niyang anak na basta na lang nawala na parang bula samantalang naging asawa ko naman ang isa niya pang kugtong na anak na akala mo ay palaging may dalaw dahil mainitin lagi ang ulo kapag ako ang kaharap. Ano bang klaseng sitwasyon itong napasok ko? Ni hindi ko naman pinangarap ang maging ganito, eh. "Trabaho? Na naman? Nakailang punta na ako rito at palagi siyang wala, Grantt. Sigurado ka bang walang lalaki ang asawa mo?" Napakuyom naman ako. Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal ay mas lalong pinag-iinitan ako nito. Wala naman akong ginagawang masama. Tsaka kasalanan ba ang magkaroon ng regular na trabaho? Hello? Ang iba nga diyan ay halos palayasin na sa pamamahay nila dahil sa pagiging tambay, eh. Kapag naman mahirap at jobless ang naging asawa ng kanyang anak ay paniguradong mas mai-stress siya. Baka nga isumpa niya pa. "Mom! Ayan na naman tayo eh! Paulit-ulit na lang ho. Bakit ba gusto ninyong pahintuin ng trabaho si Yongsann? Eh ayaw nga, 'di ba?" Halata sa boses ni Grantt na naiirita na rin sa kakulitan ng kanyang ina. Gusto kong makisali na sa usapan nila pero hindi ko alam kung bakit parang napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. "Eh bakit ayaw niyang huminto sa trabaho? Sinabihan ko na siya na dumito na lang sa bahay, 'di ba? Kaya hindi kayo nagkakaroon ng anak dahil palagi siyang walang oras sa'yo." "Anong koneksyon, Mom? Pareho naming ayaw magkaroon ng anak. Alam niyong hindi ganon kasaya ang marriage namin at isa pa hindi ba at si Dad naman talaga ang nagpumilit na ipakasal kami sa isa't-isa?!" Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko. Gusto kong mag-walk-out para hindi ko na marinig pa ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig ngunit hindi ko magawa. Curious pa rin talaga ako. "Gusto mo bang kumuha ako ng katulong ninyo para naman may mag-asikaso sa bahay na ito? Eh, parang wala ka naman kasing asawa. Kung hindi na ninyong kayang panindigan ang pagiging mag-asawa ninyo, mag-divorce na lang kayo!" "Mom!" "Nag-asawa ka lang ba talaga para gawing miserable ang buhay mo, Grantt?!" Katulong? What the hell? Hindi na ako nakatiis pa at sinadya kong gumawa ng ingay nang isara ko ang pinto. Pareho naman silang napalingon sa akin. Nagtama ang paningin namin ni Grantt. Blangkong tingin lang ang ibinigay ko sa kanya at ibinaling ang aking atensyon kay Mommy Gretchen. Pinilit kong ngumit at nakipag-beso rito. "I'm sorry kung nahuli ako ng dating Tita Gretch," magalang kong saad ngunit sinadya ko talagang bwisetin siya. "Tita? Bakit ba ganyan pa rin ang tawag mo sa akin kahit ilang taon na kayong kasal ni Grantt? Pinagloloko mo ba talaga kami Yongsann?" Nahilot pa nito ang noo. Eh anong magagawa ko? Mas komportable akong tawagin siyang ganon. Tsaka alam naman nila ang totoong sitwasyon namin ni Grantt, eh. "Hindi ko po alam na pupunta ka ngayon," iba ko sa usapan. Sinuyod pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang pa sabay pagak na natawa. "Kasi kung alam mo ay hindi ka naman talaga uuwi rito. Hindi ka ba marunong sa gawaing-bahay, Yongsann? Ang gulo ng kitchen ninyo pati na rito sa sala. Baka gano'n din sa kwarto ninyo? Naku naman, kaya nga nag-asawa itong anak ko para may mag-alaga sa kanya, 'diba? Tapos..." "Mom, ako ang may gawa..." "I'm sorry, Mom. Hindi na ito mauulit pa. I'll make sure na maaasikaso ko ang bahay na ito kahit na may trabaho ako," putol ko sa sasabihin ni Grantt. Mag-aaway at mag-aaway na naman sila dahil sa akin. Masyado na akong pagod sa work ko kaya baka pati mental health ko ay bumigay na rin. "Mabuti naman at naiintindihan mo ako. Baka ka'ko may lalaki ka na? Aba naman, Yongsann." Mukha ba akong malandi? Kung meron mang may gumagawa ng kalokohan dito ay ang anak mo po 'yon at hindi ako! "Wala rin po akong lalaki, busy akong tao para sa ganon. Excuse me po, magpapalit lang ako ng damit," agad na paalam ko at tinalikuran sila. "Mabuti naman kung ganon kasi kapag meron, maiintindihan ko si Greel kung bakit umalis ng wala man lang paalam sayo." Parang isang martilyo iyon na pinukpok sa aking dibdib. Isa iyon sa pinakamasakit na salita na aking narinig sa tanang buhay ko. Alam nating nasasaktan tayo kapag walang salita tayong makapa pero merong luhang kusang lumalabas mula sa ating mga mata. Nasaksihan ko ang pagnginig ng aking kamay na nakahawak sa doorknob ng pinto ng kwarto namin. Pinilit kong huwag ipahalata sa kanila na namamasa ang aking mga mata at malaki ang epekto ng sinabi ng ina ni Grantt sa sistema ko. Bakit ba may mga taong hindi man lang alam kung paano maging considerate sa pu-pwedeng maramdaman ng ibang tao? "Sino nga ulit iyong sinasabing girlfriend mo, Grantt? Wendy ba? Bakit hindi na lang kasi iyon." See? Ayaw niya akong magkaroon ng ibang lalaki pero parang gusto at suportado niya pa ang kanyang anak na magkaroon ng babae. Wow! Just wow. Kakaiba talaga ang pamilyang ito. Ano bang nagawa ko sa past life ko para maging miserable ang buhay ko sa kasalukuyan. "Huwag mong mamasamain ang mga sinabi ko Yongsann." Ganyan tayo, eh. Pagkatapos nating saktan ang damdamin ng iba ay umaakto tayong parang wala tayong nasabing masama. "Mom, tara na po. Ihahatid ko na kayo sa labas," rinig kong saad ni Grantt at narinig ang mga yapak nila palabas. Nakahinga ako nang maluwag. Agad akong pumasok ng kwarto at nagpalit ng pambahay na damit. Isang oversized shirt at shorts. Basta ko na lang din itinali ang lagpas balikat kong buhok Lumabas din naman agad ako at pumunta ng kusina. Parang gusto kong hilutin ang aking sentido dahil sa kalat sa mesa. Kaya naman pala na trigger na naman ang galit sa akin ng ina ni Grantt. Aish, thas jerk! Pasalamat ka at wala ako sa mood na makipag-argumento dahil pagod ako. Sinimulan kong damputin sa sahig ang mga plastic ng frozen goods na nakakalat at inilagay iyon sa basurahan. Pati ang shell ng itlog na nasa lababo. Sunod kong sinamsam sa mesa ang mga, plato, platito mangkok, kutsara't-tinidor, sandok, baso at kung ano pang gamit ang nakakalat lang. Inilagay ko iyon lahat sa lababo at binuksan ang faucet. Hininaan ko lang muna para lang matanggal ang mga tira-tirang pagkain. Pagpihit ko ay halos mapamura ako dahil sa gulat. Kamuntik pang maglapat ang bibig ko sa dibdib ni Grantt. "What the hell are you doing? Doon ka na para matapos agad ako rito," sermon ko sa kanya. Sinadya ko ring magdabog nang bahagya. Siya naman pala talag ang may kasalanan kung bakit nanermon ang kanyang ina. Wala na siyang ambag sa buhay ko kundi ang bigyan ako ng sakit sa ulo. Nag-angat ako ng tingin para suriin kung ano ba ang kanyang ginagawa. Nang magtama ang aming mga paningin ay hindi siya umimik. Ni hindi gumalaw mula sa pagkakatayo niya. Pati mga mata niya ay hindi kumukurap, titig na titig lang sa akin. "Anong problema mo?" asik ko sabay iling. "Ano ba kasing pinaggagawa mo para maging ganito kagulo ang kusina? Nag-cooking show ka ba ng mag-isa?" talak ko na talaga. "I'm sorry," seryoso niyang saad. "Sa mga nasabi ni Mom sa'yo," dagdag niya pa. Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na seryoso ang paghingi niya ng sorry. Masyado na ba siyang nakokonsensiya sa mga paghihirap na ipinaparanas niya sa akin sa loob o labas man ng pamamahay na ito? "It's fine. May point naman ang mama mo. Wala akong karapatan na sisisihin o magalit sa kanya. Tsaka aware naman akong gusto niyang huwag na akong magtrabaho para maalagaan kita at ang bahay mong ito." Babysitter pala ang kailangan niya para sa anak niya at hindi manugang. Tsk. "Let's make it then," suhestiyon niya pa. Napataas-kilay naman ako. "Make what?" "Let's make a baby," dagdag niya pa. Pakiramdam ko ay saglit akong nabingi dahil sa aking narinig. Heto na naman at nagiging unpredictable na naman ang kugtong na ito. Hindi ko alam kung bakit automatic na napatingin ako sa mapula-pula niyang lips. Napansin kong nakatitig din siya sa labi ko. Pull yourself together, Yongsann. Nakokonsensiya ang siya kaya niya nasasabi ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD