CHAPTER 4

2080 Words
Ipinarada ko sa LC resto parking lot ang aking sasakyan dahil dito kami magkikita ni Kenth. Komportable akong lumabas. Hindi nakaligtas sa akin ang kislap ng camera mula sa kung saan. Hindi lang isa kundi nasa tatlo sila. Nasanay na ako sa ganitong senaryo lalo na kapag kasama ko si Grantt tuwing may meeting o event kaming pinupuntahan. Mabilis na lang sa akin na pakiramdaman ang mga reporter na nakabantay lagi sa kilos ng artista. Aish! Hindi naman ako sikat para magkaroon ng paparazzi, ah? O baka nandito na si Kenth kaya may ganito? Pasimple akong napabalik ng sasakyan ko. Tinted ang glass ng sasakyan ko kaya walang makakakita sa ginagawa ko sa loob. Agad na dinial ko ang phone number ni Kenth. Sumagot naman ito. "Where are you?" bungad kong tanong. "Nasa loob na ako ng LC resto. Ikaw ba? Nandito ka na..." "Huwag kang gagalaw o lilingon man lang sa kinaroroonan mo ngayon. Um-order ka ng pagkain na para sa'yo lang at pagkatapos ay umuwi na. Huwag ka na munang pumunta ng studio ninyo." "Hey, Yongsann. Akala ko ba ay..." "I want to have lunch with you but I can't. Maraming paparazzi sa labas ng LC resto. Naiintindihan mo naman siguro ang punto ko..." "Fine, fine, fine. Next time na lang. Pakisabi rin sa asawa mo na tigil-tigilan niya ako." Napataas-kilay naman ako at pinaandar na ang sasakyan ko. "Bakit? Anong kasalanan sayo ni Grantt?" "Siya ang tanungin mo kung anong problema niya sa akin. Palaging mainit ang ulo niya sa akin eh. Siya itong tumatawag tapos siya pa ang galit? Pinatayan pa ako ng linya?" Tinawagan niya pa talaga si Kenth? Takot ba siyang maging cheater ako kagaya niya? "Gano'n na talaga ka arogante ang lalaking iyon . Mai-stress ka lang kapag pinatulan mo pa." "Sinasabi mo bang ako na ang lang ang mag-adjust? Na naman?" Natawa naman ako at napailing. "Relax, Kenth. Ikain mo lang 'yan. Pagsasabihan ko ang kugtong na iyon, okay? Tsaka ikaw din naman, iwasan mong bwisetin si Grantt. Malakas ang saltik niyon kaya hindi ka uurungan ng abnormal na 'yon." "Whatever, ingat ka sa biyahe." "Thank you. Ikaw din." Pinatay ko na ang tawag at in-on ang speaker para makinig ng kanta. Dahil palaging nasa unahan ng playlist ko ang 'Till my heartaches ends na kanta ay iyon ang pumapailanlang ngayon. Matagal-tagal na rin na hindi ko naa-update ang playlist ko kaya halos lumang kanta ang naka-save dito. I was afraid this time would come, I wasn't prepared to face this kind of hurting from within... Napailing ako dahil sa lyrics ng kantang iyon. Hindi para sa akin ang kanta pero tuwing naririnig ko ito ay naaalala ko si Greel. Kahit anong pilit kong kalimutan ang lalaking iyon ay hindi ko magawa. Minsan ay naitatanong ko rin kung naaalala pa ba ako nito o kung nasaan na ba ito ngayon. Wala na akong balita sa kanya at kahit sino sa pamilya nito o pamilya ko ay walang bumanggit sa pangalan ng lalaking iyon. After years, kanina ko lang ulit narinig ang pangalan nito at dahil iyon sa punyetang kapatid nito na si Grantt. Aish, that jerk again! And I pray that you would stay But then you're gone and, oh, so far away... Hindi na ako natutuwa sa kantang ito. Mas lalo lang sinisira ang sirang-sira ko ng araw. Sa inis ko ay dinial ko ang number ni Grantt kahit na may usapan kami ma bawal naming tawagan ang isa't-isa kapag hindi naman related sa work. I'll cross the line too this time. Hindi iyong siya lang ang nakakagawa niyon. "Sagutin mo na, kugtong ka!" asik ko dahil nakalimang ring na ay hindi niya pa rin sinasagot. Tulog kaya? Ay ewan ko! Pinatay ko na lang. Mamaya ko na lang aawayin kapag nakauwi na ako ng condo ko. I'm a Barbie girl, in the Barbie world Life in plastic, it's fantastic... Napapitlag pa ako dahil sa malakas na tunog na iyon. Iyon ang call ringtone ko. Napaismid ako nang makitang si Grantt ang nasa caller ID. Pinaabot ko rin muna sa limang ring bago ito sinagot. "Damn you, woman!" galit na asik niya. Walang tunog na tumawa ako. Masaya talaga ako kapag nagagawa kong bwiset iyon. Deserve. "Ikaw pa ang may ganang magalit diyan eh ikaw na nga itong hindi sumagot ng tawag eh." "Alam mo namang kailangan kong magpahinga, 'di ba?" "Ay hiyang-hiya naman ako sa part na kailangan mo ng pahinga dahil pagod ka sa outing ninyo ni Wendy pero hindi ka napagod pagkatapos ng concert mo. Great," puno ng pang-iinsulto kong saad. Binagalan ko ang takbo ng sasakyan ko dahil nararamdaman ko na naman ang pangangalumbaba ng pulso-pulsuhan ko. "Tumawag ka ba para bwisetin ako?" "Hindi, dahil na miss kita." "You and your annoying sarcasm." "I'm glad that I annoyed you." "Ano bang itinawag mo, ha? Sabihin mo na at para makatulog na ulit ako." Walang tunog na napasinghap ako at humigit ng lakas para itanong ito sa kanya. "Nasaan si Greel ngayon?" Isang katahimikan sa kabilang linya ang sumagot sa akin. Binusinahan ko ang motor na bigla na lang nag-overtake sa akin. Mabuti na lang at mabagal ang takbo ko. "At bakit mo hinahanap? Hindi ka namimiss ng isang iyon kaya huwag mo ng hanapin pa." "Hindi ko naman sinabing hahanapin ko. Tinatanong ko lang naman..." "I am your husband, Yong at hindi si Greel!" Napahinaan ko bigla ang speaker dahil sa pagsigaw niya. Naihinto ko rin ang sasakyan dahil sa paraan ng pagkabanggit ng pangalan ko. Yong. How did he know that I hate that nickname of mine so much? "Stop calling me, Yong! Idiot!" sigaw ko rin. Ito ang kauna-unahang sinigawan ko siya gamit ang lahat kong lakas. "Relax, calling you by that name can't kill you, okay? Bakit? Hindi ka pa rin ba move-on sa kapatid ko? It's been years already for hell's sake." "I wanna slap you hard for saying that. You don't know my struggle, Grantt," may diing kong sambit. Mula na namang nabuhay ang galit ko sa kanya. Ang trauma ng iba ay parang biro lang din iyon sa iba. Hindi kasi nila alam kung anong pakiramdam niyon hangga't hindi rin nila nararanasan. Kahit kamuhian man natin ang mga taong ginagawang katawa-tawa ang sakit na nararamdaman natin ay wala tayong magagawa. May sari-sarili tayong nararamdaman at pananaw. Hintayin na lang natin na mangyari sa kanila ang naranasan natin para maintindihan tayo nila ng lubusan. "Come home and slap me hard, Yong." Nagtagis ang bagang ko dahil sa tawag niya na naman sa akin. "Don't provoke me, Grantt. Baka umuwi ako diyan at hindi lang sampal ang maabot mo sa akin." Natigilan ako dahil bigla na lang siyang tumawa. Mukhang tuwang-tuwa na naman ito na naasar niya ako. "I dare you, Yong," may diin na naman ang pagkakasabi niya ng huli. "Aish s**t!" usal ko dahil halos kakausad ko pa nga lang ng sasakyan ay may bigla na namang sumingit na motor sa unahan. "Why? Nagmamaneho ka pa ba?" tanong ng kugtong sa kabilang linya. Hindi ko siya sinagot. Ipinukos ko ang aking atensyon sa kalsada. Maraming drivers na pasaway ngayon. "Ouch," imbit na saad ko dahil sumakit bigla ang braso ko. Binuksan ko ang bintana at sinenyasan ang kotse ba nakasunod sa akin na mauna. Hinintay ko munang mawala ang sakit ng braso ko bago nagpausad ulit. Minuto lang din naman ang itinagal niyon. "Yong? What happened?" "None of your business, Grantt." Pinatay ko na ang tawag at binilisan ang takbo. Maya-maya ay narating ko rin ang LC Condominiums Building. Maayos kong ipinarada ang kotse ko at pumanhik diretso sa loob. Hinarangan naman ako ni Mela na siyang nakatoka sa front desk ngayon. May bitbit itong isang bouquet ng bulaklak at iniabot ito sa akin. "For me? From whom?" "I don't know either. Basta iniabot lang iyan dito, ang sabi ay para sayo raw." "Okay, thank you," saad ko at nginitian ito. Bitbit iyon ay pumanhik na ako sa elevator at pinindot ang 3rd floor button. Nang makarating na ako sa unit ko ay pabagsak akong naupo sa sofa at basta na lang itinapon sa center table ang bulaklak. "Is life this bitter, huh?" himutok ko. Tumunog na naman ang cellphone. Tinatamad na kinuha ko ito sa bulsa ng shorts ko. Kung hindi si Wendy ang nasa caller ID ay baka hindi ko ito sasagutin. Bakit naman kaya napatawag ito? "Wendy?" agad kong usisa. Hindi kami masyadong close para magchikahan. "Hello po, Ma'am Yongsann. Itatanong ko lang sana kung nasaan ngayon si Grantt." Nakagat ko naman ang dila ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot. Hindi ko pwedeng sabihin na nasa bahay namin sa Tagaytay. Walang ibang nakakaalam doon maliban sa akin, kay Grantt at sa pamilya namin. "Ah, hindi ko alam kung nasaan ngayon si Grantt. Tawagan mo na lang." "Kanina ay in another call siya," tila malungkot nitong saad. Kanina? Ako ba ang kausap ni Grantt ng tumawag ito? "Tawagan mo ulit, baka makontak mo na." "Hindi na, galit din naman iyon sa akin eh." "Eh? Why?" "Ayaw niya kasing pumunta ako ng party ni Meledrez mamaya, eh, kaso namilit ako." Ang alam ko ay hindi maagan ang loob ni Melendez kay Wendy. Kaya naman naiintindihan ko si Grantt kung ayaw nitong payagan ang babae. Overprotective pa naman iyon kapag si Wendy na ang usapan. Aish, that jerk! Bakit sa akin ay hindi naman siya gano'n? Eh, ako naman ang asawa niya. Kahit siguro mawala na lang ako ng bigla ay hindi niya ako hahanapin. Baka matuwa pa siya kapag nawala na ako sa buhay niya. Tanging kahinaan niya ang pagiging asawa ko kaya malamang sa malamang ay mas gusto niyang mabura ako sa buhay niya. "Tatawagan ko na lang. Susubukan ko kung makontak ko si Grantt. Wendy, hindi ba at alam mo namang mainit ng dugo sayo ni Melendez? Kung ako sa'yo ay hindi na ako pupunta pa." Hindi naman ito umimik. Napataas-kilay na lang ako ng bigla nitong pinatay ang tawag. That b***h. May attitude rin pala talaga eh. Naiinis kong tinawagan ang lalaking puro sakit ng ulo ko na lang ang ambag. "Ano na naman? Hindi ko nga alam kung nasaan si Greel, okay? Kung gusto mo ay si Mommy ang tanungin mo!" "Bwiset ka! Tinawagan ako ni Wendy!" bulyaw ko rin sa kanya. Saglit siyang natahimik. "Bakit daw?" "Aba'y ewan ko sa inyo. Huwag niyo nga akong idamay sa problema ninyo. Pinayagan kitang gustuhin mo ang babae mo but please? Sabihin mo sa kanyang huwag ako 'yong hinahanapan niya sa tuwing may alitan kayo!" "Galit 'yan? Nagseselos ka na ba Mrs. Gomez?" Isang sarkatikong tawa naman ang pinakawalan ko. "Selos? Me? Wake up, Mr. Grantt Gomez. Hindi pa ipinapanganak ang taong magti-trigger ng insecurities ko sa katawan. Si Wendy? Lang? I am hotter than her and I know that you know that," nangungutya kong saad. Hindi naman agad siya nakasagot. Malamang sa malamang ay nagtatagis na naman ang panga nito dahil sa sinabi ko. "She's the hottest woman I've ever known," may diin niyang sabi. Natawa ako sabay palatak. "Okay? Bakit tila sarili mo ang kinukumbinsi mo?" "Yongsann Lim!" "Yes, baby?" malambing kong saad para asarin pa siya lalo. "f**k you!" "f**k you too," kalmado kong saad. Wala ng sasarap pa sa pakiramdam na naaasar sa'yo ang taong pinakaayaw mo sa mundo. "Huwag kang bumalik dito. Gusto kong magpahinga at hindi ako mapapanatag kapag nandito ka." "Kapal ng mukha mo, dahil sinabi mo 'yan ay uuwi ako diyan sa ayaw at gusto mo." "Yongsann!" Halata sa boses nito na ayaw niya talaga akong makita ngayong araw. Dahil badtrip siya sa naging bangayan nila ni Wendy? Ohh... Ganito pala magselos ang isang Grantt Gomez ha? Bakit kasi hindi niya na lang din sabihin kay Wendy ang totoong dahilan niya? "Ayaw mong papuntahin si Wendy sa party ni Meledrez dahil baka nando'n ang ex-boyfriend niyang si Nikki, right?" "Huwag kang gumawa ng kwento, wala kang alam kaya manahimik ka na lang." "Ohh, how so sweet of you. How I wish na may boyfriend din akong kasing protective me. Sino kaya ang gano'n? Si Maxwell, Tyron o Adrienne?" banggit ko pa sa mga nanliligaw sa akin dahil hindi alam na may asawa na ako. Nasa showbiz industry din sila. "Hindi ko alam na ang baba pala ng taste mo sa lalaki. Kaya ayaw ko sa'yo, eh. Hindi ako kabilang sa standards mo." Nanliit naman ang aking mga mata. Kailan ba ako mananalo sa asaran namin ha? Nakakainis naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD