CHAPTER 3

1000 Words
"Have you gone mad?" asik ni Grantt nang makita akong lumabas ng kwarto. Inayos ko naman ang sling bag kong dumudulas sa naka-expose kong balikat. Naka-short shorts lang ako na pinaresan ng sando crop top. Uso naman na ito ngayon kaya walang may pakialam kung ganito ang suot ko. Well, except for this annoying guy who always interferes in my life. Jeez. He pretends to be concerned, but he just wants to make it clear to me that he dislikes everything about me—my actions, my clothes, my way of speaking, and everything else about me. What a jerk! Who would have thought that I would end up being married to this heartless man instead of his asshole brother? Kung nasaan man ang lalaking iyon, wether he is still breathing or not, I hope that he is miserable as he should be. I hate him as much as I despise this man in front of me. "Not really, pero kung makakausap kita minu-minuto ay baka higit pa roon ang mangyari sa akin. Why? Ano na namang problema mo ha? Pasensiya naman at wala akong ballpen na mahanap, tsaka isang buwan pa naman..." "Ganyan ang suot mo papuntang studio? Are you kidding me?" Halos magsalpukan na ang kanyang kilay. Agad ko namang sinuri ang sarili ko sa salamin na nasa bandang likuran niya mismo. Wala namang problema sa suot ko. Ang sexy ko nga eh. Once in a blue moon lang din ako magsuot ng ganito gawa ng isang akong desenteng manager nila. "Hindi naman ako didiretso ng studio, magkikita kami ni Kenth at isa pa, dadaanan ako mamaya ng condo ko para magpalit bago pumunta ng studio. Relax, huwag kang mag-alala na baka maagaw ako ni Kenth sa'yo," pang-iinsulto ko sa bandang huli. "You sure are insane. Gustong-gusto mo talagang naiisyu kayo ni Kenth 'no?" "Eh, ano naman? May gawin ako o wala, naiisyu ako. Wala ng mawawala sa'kin Grantt. Mind you own life. Tsaka sabi ni Wendy ay naiwan mo raw ang laptop mo sa condo niya. Like seriously, boy? Gusto mo bang ako pa ang kukuha ng gamit mo sa lugar ng girlfriend mo? Ilang beses na bang pumunta ako roon para kunin ang ganito at gano'n mo? Aish, I'm sick of it. C'mon, marami na akong iniisip kaya maging masinop ka naman sa gamit mo," sermon ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang babaeng iyon kung bakit tuwing may naiiwan na gamit ang bwiset na ito ay ako ang tinatawagan agad. Hindi naman ako yaya ng isang ito ha? "Ginagawa mo iyon dahil manager kita hindi dahil sa asawa kita. Huwag kang magreklamo dahil sinasahodan ka naman." Tuluyan akong napataas-kilay at parang gusto ko na naman siyang sugurin. Pasmado talaga ang bibig ng lalaking ito eh. Wala ba talaga siyang konsensiya? "At sa tingin mo naman papayag ako na mapunta sa condo ng babae mo ang mga gamit mo kapag tunay na mag-asawa tayo? In your dreams, Grantt. Baka noon palang ay napatay ko na kayo pareho." "Harsh, tsk," aniya sabay bahagyang tumawa. Hindi ko masabi kung sarkastiko ba iyon o hindi. "Hindi tunay na mag-asawa? C'mon, Yongsann. Legal ang kasal natin. Anong pinagsasabi mo? Fine, isang buwan lang naman na at malaya na tayo sa isa't-isa." Napairap na lang ako sa hangin at mas minabuting talikuran na siya. Lugi lang ako kapag nakipagbangayan pa ako sa kanya gayong may lakad ako at siya ay wala. Nahirapan akong magmaneho dahil sa sakit ng pulso-pulsuhan ko. Hindi ko rin maintindihan ko bakit nitong mga nakaraang araw ay madalas akong makaramdam ng hilo o kaya ay panghihina. It's not like I'm pregnant because fingers can't get you pregnant, right? I mean, that jerk always uses that method to heat my nerves up, but we haven't had s*x, and it won't happen at all. Matapos ang mahaba-habang biyahe ay narating ko rin ang parking lot ang building kung saan naroon ang condo unit ni Wendy. Nakaabang na ito at agad na inabot sa akin ang laptop ni Grantt. "Thank you for picking up this, Ma'am Yongsann," nakangiti nitong saad. Pinigilan ko ang aking sarili na titigan ito mula ulo hanggang paa. Kahit wala itong make-up ay maganda pa rin ito. Kaya siguro patay na patay sa kanya ang baliw kong asawa. Matatanggap pa kaya nito si Grantt kapag nalaman nito ang katotohanan patungkol sa amin? Sana nga matanggap pa kasi kahit naman abnormal ang isang iyon ay sakin lang naman siya ganon. He's kind to everyone except to me and I am like that too so I do understand him when it comes to dealing with people around us. Mukha namang magiging mabuting boyfriend o husband siya sa kay Wendy. Kung hindi dahil sa punyetang marriage contract namin ay baka official na silang couple ngayon. Pero kahit gano'n ay sinasabi pa rin isip ko na hindi deserve maging masaya ng lalaking iyon pagkatapos ng annulment namin kaya binabawi ko na agad ang sinabi kong dapat na tanggapin nito ang lalaking iyon. "Ma'am Yongsann?" untag sa akin ni Wendy. "Ah, sorry. Thank you for returning this also. That jerk... I mean, sumasakit ang ulo ko sa alaga kong iyon." Tumawa lang naman ito at napatango. "Totoo po, nakailang punta na kayo rito para kunin ang gamit niya rito." "How old are you, Wendy?" biglang liko ko sa usapan. Halata namang saglit itong natigilan dahil sa tanong ko. "I'm 28 already." "Magkasing-edad lang pala tayo, huwag mo na akong pino-po. Mas lalo akong tumatanda," biro ko pa. Tila nahihiya naman itong napakamot sa batok. "Sige na, Wend. I gotta go." "Thank you po, ingat sa biyahe." Nagkangitian pa kami. Nang makaalis na ako sa parking lot ay napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ako ang nakakaramdam ng konsensiya? Hindi ba dapat ang lalaking iyon ang mas na makonsensiya? Hay naku, Grantt. Hindi kita maintindihan. Tsk. Kung mahal mo si Wendy noon pa man, bakit ka nagpakasal sa akin? In the first place ay hindi naman ikaw ang boyfriend ko noon. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD