CHAPTER 2

1826 Words
Ang tunog ng cellphone ko ang siyang tuluyang nagpabalik ng aking diwa. Si Kenth ang nasa caller ID kaya agad ko iyong sinagot habang sinusuot ang earbuds ko. "Hello, Kenth?" Kahit na isa itong sikat na artista ay komportable kami sa isa't-isa. Isa rin ako sa well-known childhood best friends nito. Isa ito sa 2% na nakakaalam sa tunay na estado namin ni Grantt. Ito rin ang madalas kong nakakasama sa inuman kapag sobrang stress ako. We are nothing but friends. "Nakabalik na ako from L.A," masayang bigay-alam nito sa akin. Napangiti naman ako. Dalawang linggo rin itong nawala. Lumabas ako ng kwarto para magluto ng agahan namin ng kugtong kong asawa. Responsible wife pa rin ako kapag kasama ko siya. Napahinto ako sa may pinto ng kitchen nang makita kong nagluluto na pala siya ng agahan. Marami iyon kaya sure akong makakakain pa rin ako kahit na siya ang nagluto. "Pupunta ako ng studio ninyo, sabay tayong mag-lunch, ha?" Dumiretso ako sa kinaroroonan ng fridge at binuksan ito para kumuha ng tubig. "Wala ka bang balak magpahinga muna?" usisa ko na may halong suhestiyon. Hindi rin madali ang biyahe from L.A to Philippines. It's quite tiring lalo pa at isang fashion show ang pinuntahan nito roon. "Kailan ka pa naging concern?" sabat ni Grantt. Akala siguro nito ay siya ang kausap ko. Napataas-kilay naman ako. Ngayon ay magagantihan ko na ito. Lumapit ako sa kanya at ginaya kung ano ang ginawa niya sa akin. Bahagya akong tumingkayad at binulungan siya. "I am not talking to you, jerk! Si Kenth ang kausap ko." Sinadya ko ring haplosin ang kanyang solid na tiyan dahil sa abs. Sa isang iglap ay agad akong nakalayo sa kanya. Isang madilim na tingin ang ibinigay niya sa akin. Ngumisi lang ako at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Kenth na parang walang nangyari. "Magkasama kayo ni Grantt?" "Yeah, anyway about sa lunch. Sure thing. Kita na lang tayo kung ayaw mo naman palang magpahinga. Bye." Agad kong pinatay ang tawag at binalingan ng tingin si Grantt. Titig na titig naman siya sa akin. "What?" I asked innocently. "You're talking to a guy in front of your husband? Where are your manners, Yongsann?" I laughed sarcastically. "Now you're claiming that you're my husband, huh? Since when did I become your wife?" I questioned, full of sarcasm. "What did I say? Pagod lang ito, Grantt," kausap niya sa kanyang sarili. Harapan niya talagang ipinagkaila na asawa niya ako. Hindi na ako nakaimik pa. Naupo na lang ako habang hinihintay siyang matapos sa pagluluto niya. "May duet song kayo ni Wendy this coming sunday. May apat na araw pa kayo para makapag-rehearse," bigay-alam ko sa kanya. Hindi naman siya nag-atubiling lingonin ako. "What else?" "Wala ba kayong balak na mag-release ng bagong kanta? Maraming fans ninyo ang naghihintay. Hindi ko na hawak pa ang tungkol doon kaya kausapin ninyo ng producer ninyo. I'm sure hindi mo alam na matinding backlash ang natanggap ko kagabi... Nevermind. Hindi ka naman magiging interesado." Napahinto naman siya kanyang ginagawa at pinatay na ang stove at gas tank. "Backlash what? For? Why?" sunod-sunod niyang tanong at naupo na. Maingat niyang ring inihaing ang kanyang mga niluto sa mesa pero hindi siya nag-atubiling yayain ako o abutan man lang ng plato. Wala akong choice kundi ang tumayo at kumuha ng sarili kong makakainan. "Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw sa akin ng fans ninyo ni Wendy. Eh, isang hamak na manager mo lang naman ako. Nagseselos sila dahil sa mga picture natin tuwing may big event ka eh wala namang kwenta ang mga iyon. Walang special doon. Nakatayo nga lang tayo at hindi ko man lang magawang ngumiti. Anong problem ng GraWen fans? Dahil ba mas maganda ako sa singing partner mo?" Agad naman niya akong sinamaan ng tingin. "Bakit? Maka-react ka naman diyan eh para namang nilait ko ang girlfriend mo." "Stop talking and just eat. Nakakawala ka ng gana." "Hindi naman kasi kita aagawin kay Wendy eh. Paano pa kaya kung malaman nilang nakatulog na tayo sa iisang kama? Na hinahalikan mo na lang ako kung kailan mo gusto at..." Naalala ko ang nangyayari sa amin kanina sa kwarto. Nanindig na naman ang balahibo ko sa batok. "At never mind. Sabi ko nga, kakain na ako." Hindi na ako nag-angat pa ng tingin. Ipinukos ko na lang ang atensiyon ko sa pagkain. Ilang araw din akong hindi nakakain ng maayos. Sa loob ng buwan na ito ay mukhang ngayon lang ako nakapag-almusal. "Marunong ka naman palang magluto," puri ko sa kanya at saka palang siya tiningnan. Hindi ko alam kung aksidente lang bang nagtama ang paningin namin o sadyang nakatitig na siya sa akin. "Wendy is such an amazing woman," he said with a serious tone. "Sure, she is," I respond with a nod. "She's kind and humble, right?" I add. "She's my ideal wife," he continued. I paused for a moment. His words may have struck a nerve. "I apologize if I don't fit your ideal wife image, but here I am, sitting with you and talking to you as your wife," I answered casually, attempting to hide any offense I might have taken. "Quit badmouthing her." "I'm not. I'm just stating the truth, and I have no problems with her, okay? What I mentioned was based on what your fans say. Come on, Grantt. You're hurting my ego," I retorted, giving him a blank stare. Hindi ko alam kung bakit naninikip ang aking dibdib. Ngayon lang din ako na offend sa sinabi niyang ideal wife niya si Wendy kahit na noon niya pa naman ipinagmamalaki sa akin ang babae niya. "Marunong ka rin palang masaktan?" "Hindi ako robot kagaya mo. Tsaka hindi ako nasasaktan dahil sa sinabi mo. Ano bang pakialam ko sa inyo?" Pagkasabi ko niyon ay tumayo na ako. "Are you done already?" usisa niya pa kahit obvious naman na nawalan lang ako ng gana. Aish, this jerk! Pirmahan ko na kaya ang annulment namin para matapos na itong kagagohan na ito. "Nasaan kamo ang annulment paper natin?" tanong ko. Agad naman siyang napatingin sa akin. "Nasa drawer, bakit? Nakapagdesisyon ka na ba?" "Give me one more month. I will sign it too. We've been fooling around for years, Grantt. I'll give you the freedom you've been asking for. Let's finish celebrating your 4th anniversary in showbiz first. I promise to sign the papers." Hindi siya umimik. Napailing na lang ako. Uminom ako ng tubig at dinampot ang cellphone ko sa mesa. Napakunot-noo ako nang bigla niya iyong inagaw. "What the hell? Give back my phone!" may kalakasan kong sagot. Napakuyom ako dahil naalala kong wedding picture namin ang nasa home screen ko. Iyon din ang dahilan kung bakit walang ibang nakakahawak ng phone ko maliban sa akin. Ibang phone din ang ginagamit ko kapag nasa work ako. "Anong ginagawa mo?" muling asik ko at nagawang agawin ang cellphone ko. I am left speechless as I see that my gallery is empty. All the pictures I have saved since high school are gone. I had just recovered them on my Google Drive before I forgot the password to my sss account. Only memories remain with me from a time when my life wasn't miserable yet, and now even those are gone. They have been completely erased. The weight of my emotions overwhelms me, leaving me with nothing else to do but silently let my tears flow. "Lubos-lubusin na natin since may isang buwan lang naman tayong natitira. Huwag kang mag-alala, buburahin ko rin lahat ng wedding pictures natin sa cellphone ko. Let's get out of this s**t, Yongsann. Sana makahanap ka ng lalaking deserving sa pagmamahal mo." Tuluyan niya akong iniwan sa kitchen. Dahil sa panghihina na aking naramdaman ay napaupo ako sa sahig habang nakatitig sa puting screen ng cellphone ko na may nakasulat na empty. My fists clench as I scream silently, unable to release the pent-up frustration. I hate him. He's the one who drags me into this mess, but here I am, suffering alone. I forcefully wipe away my tears and leave the kitchen. I find him in the room, packing his belongings. At talagang lalayas ka, Grantt? Tatakas ka sa bangungot na ito at iiwan akong mag-isa? Akala mo papayag ako na ako ang maiiwan? Ako dapat ang aalis at hindi ikaw. Kung may aalis man sa bahay na ito ay hindi ikaw iyon. You have to stay here para maalala mong may babae kang sinira ang buhay. "I'll leave it here," patukoy niya sa annulment paper. "Aalis ka? Talaga ba, Grantt?" puno ng pambabanta kong tanong. Napatingin naman siya sa akin. "Maghihiwalay din naman tayo, Yongsann. Anong problema roon?" "Sigurado ka bang kaya mong mawala ako sa buhay mo?" kaswal kong tanong. Napatitig siya sa akin, hindi mabasa kung anong nasa isip niya ngayon. "Bakit naman hindi ko kaya? You know that I love Wendy." Parang isang patalim iyon na itinarak sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako sa katotohanang kaya niya talagang mawala ako ng tuluyan sa buhay niya. "Okay. Sabi mo eh," ani ko at ngumiti ng natural sa kanya. Ngiting ngayon ko lang ibinigay sa kanya. Hinayaan kong makita niya kung paano magsilandas ulit ang aking mga luha. Kinuha ko ang annulment paper at naghanap ng ballpen. "Bakit ka umiiyak? Para namang hindi mo rin gusto ito, huwag ka ng umarte pa." Umarte? Iyan lang ba ang sasabihin mo? Naghanap ako nang nagnahap ng ballpen pero wala akong makita. Ngayon naman na desidido akong pirmahan ito ay walang ballpen na nagpapakita sa akin. "Alam mo bang ikaw ang pinakamasamang tao na nakilala ko?" nagtatagis-bagang kong saad. Sa inis ko ay pinagsusuntok ko siya sa dibdib. Panay naman ang ilag niya pero natatamaan ko pa rin naman siya. As weakness seeps into my body, his actions are swift and purposeful. He reaches out, his touch firm yet gentle, firmly grasping my trembling hands. Without hesitation, he turns around and stands behind me, pulling me closer to him. It feels as though he's fitting himself against my back, forming an intimate connection as he embraces me tenderly from behind. "You're too weak, Yongsann. Kaya pinili ni Greel na iwan ka," saad niya pa, his words piercing my heart and leaving me powerless. Pakiramdam ko ay muli na namang bumalik ang lahat ng sakit sa aking sistema nang marinig ko ang pangalan ng kanyang kapatid. Why did I agree to marry Greel's older brother, the same man who heartlessly abandoned me four years ago? The realization hits me like a cruel reminder of my own foolishness and naivety. Weakness and stupidity intertwine within me, intensifying my sorrow and regret. My heart cries out, burdened by the weight of my choices and the constant ache of lost love. I stand here, consumed by a bittersweet mix of emotions, longing for solace amidst the tangled mess of my past decisions.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD