CHAPTER 13 : BULONG NA NAKAKAMATAY

2121 Words
Gusto ko ‘yung pakiramdam na iniingatan, gusto ko ‘yung pakiramdam na espesyal ako, ‘yung inaalalayan, ‘yung para akong babasagin na plato na binili sa SM Department store, tapos ilalabas lang ‘pag may handaan. Gusto kong maranasan maging kuko na bagong pedikyur o kaya flat screen TV, gagawin mo ang lahat, para maprotektahan ito.  Parang ‘yung mga magagandang babae na mestisa, kinakahumalingan, inaalalayan, tinatratong prinsesa.  Hindi ko alam, posible pala ‘yung mangyari sa’kin, sa mundong ng mga engkanto.  Pinauwi ko muna si Jessie Bell para ibigay ang gamot kay Jin habang naiwan ako sa Purpulo City para sundin ang pabor sa’kin ni Prinsipe Andrey na tulungan siyang kumbinsihin ang kanyang inang maging masayahin muli. Ayaw raw ng mahal na reyna na makipag-usap kahit kanino bukod sa prinsipe at sa nobya nito, kaya ang plano, magpapanggap akong engkantada at nobya ng prinsipe.  Ipinatawag niya ang dalawang diwata na kauri ni Jessie Bell. Binihisan nila ako ng napakagandang puting gown na nababalutan ng floral designs at diamonds. Gumamit sila ng magic para sa aking ultimate transformation. Ginawa nila akong isang engkantada.  Halos hindi ko makilala ang sarili ko. Humaba at naging kulot ang buhok ko, pumuti ako na parang na overdose ng glutathione. ‘Yung mata ko, lumaki tapos ‘yung ilong ko lumiit at tumangos, ang sexy-sexy ko na, mukha na talaga akong fairy, magandang magandang fairy. Pero parang may kulang.  “Teka mga fairies, bakit wala pa rin akong s**o? Ang ganda-ganda ko pero mukha naman akong sanggol, pwede niyo ba ‘kong lagyan kahit kaonti?”  “Dito sa aming kaharian, mayroon kaming paniniwala na ang diwatang patag ang dibdib ay siyang pinagpapala.” Sabi ni fairy number 1.  “Bakit naman?” Tanong ko.  “Dahil mas magiging magaan ang kanilang hinaharap.” Sabi ni fairy number 2.  “Ay gano’n?” Hindi ako papayag na babae ako pero wala pa rin akong s**o kaya pagkaalis ng mga diwata, kumuha ako ng cotton ng unan at isiniksik ko sa b*a ng aking ng gown. Ayun, perfect! Transformation complete!  Naglalakad kami ni Prinsipe Andrey sa isang malaking hallway papunta sa painting room ng kanyang ina. “Napakagandang mong maging isang diwata Maiki.” Sabi ng prinsipe habang nakangiting tumititig sa’kin. Ngumiti lang ako, nakakakilig ang ngiti ng prinsipe, gusto kong mag-hephep hooray. “Salamat at tinanggap mo ang pabor ko sa’yo na maging nobya ko sa maikling panahon.” Dagdag niya.  “Mas malaking bagay ang gamot na binigay mo para sa kaibigan ko mahal na prinsipe kaya kahit asawahin nyo ako, matatanggap ko.” Nahiya ako sa sinabi ko. Ba’t ko ba ‘yun sinabi?  “Hahaha, pag-aasawa? Masarap isipin pero mahirap panindigan. Natuto ako sa ginawa ng aking ama. Ang pag-aasawa ay hindi mo pwedeng gawin dahil gusto mo o kailangan mo. Ang pagpapakasal ay pag-pili sa pag-ibig na dadalhin at paglalaban mo hanggang kamatayan, dahil sa oras na maisip mo na hindi ka pala sigurado, ‘yung taong ikaw ang pinili na makasama habang buhay ay maiiwang malungkot, nagagalit, maraming tanong na walang sagot. Hindi ko nais maiwan o mang-iwan Maiki… Nasubukan ko na rin makipag-relasyon sa iilang mga diwata at engkantada dito sa kaharian, pero lahat sila, iniisip agad ang pag-aasawa na hindi ko pa kayang gawin, kaya sinumpa ko sa sarili ko na hindi ako muling makikipag-relasyon hangga’t hindi ko nararamdaman na siya ang aking tunay na pag-ibig.  Napaka-sentimental naman pala ng prinsipeng ito. Parang napahiya tuloy ako. Nginiti-ngitian ko nalang ang mga sinabi niya.   “Kaya natutuwa ako na tinanggap mong magpanggap bilang aking nobya. Matatalino ang mga tao, alam kong hindi mo hahayaang magkaroon ng espesyal na pagtingin sa’kin. Hindi ba?” Seryusong sinabi ng prinsipe.  Asa ka! Edi ‘wag, kapal ng mukha, kala mo naman malandi ako noh? Ekis ka na sa’kin prinsipe ka, napakayabang mo! Bakit naman ako mafa-fall sa’yo eh mukha kang chalk?  “Syempre naman mahal na prinsipe, business partners kaya tayo, trabaho lang, saka, tao ako ‘di ba? Ba’t naman ako mai-inlove sa engkantong prinsipe? Hello? Ano ‘yun teleserye sa GMA?” “Salamat… Nandito na tayo sa silid ng Mahal na Reyna Rina. Umaasa ako na kahit papaano ay mahikayat mo siya na maging masayahin muli. Gustong gusto ko nang marinig ang kanyang muling pagtawa.”  “Yes sir!” Sinaluduhan ko ang prinsipe. Patatawanin lang pala, edi kikilitiin ko nalang ang nanay niya.  Pumasok kami sa madilim at malamig na kwarto kahit wala namang air conditioner. Malungkot ang pakiramdam sa loob, medyo nakakatakot. Mga bulok na prutas at patay na halaman ang mga nasa painting sa easel.  “Sino ‘yan?!” Galit na sigaw ng isang babae. Malaki ang eyebags, magulo ang buhok tapos nanlilisik ang mata sa galit, hindi naman siya inaano.  “Mahal na reyna.” Sabi ni Prinsipe. “Andrey! Ano na namang kailangan mo?! Hindi ba’t sinabi kong gusto ko muna mapag-isa?! Ang dami kong ginagawa na hindi ko matapos tapos!”  “Mahal na reyna, gusto kong ipakilala sa’yo ang aking nobya, si Maikiki.” Maikiki? Nag-imbento ata ng bagong pangalan ang prinsipe bilang isa akong diwata ngayon, pero bakit naman gano’n?  “Nobya? May bago ka na namang nobya? Balak mo bang ubusin ang lahat ng babae dito sa kaharian? Ni isa nga sa kanila, wala pa akong nakikitang karapat-dapat na maging prinsesa!”  Galit na galit si mother, akala mo laging may kaaway.  Pero sinungaling si Prinsipe, ‘iilang engkantada’ lang daw ang naging karelasyon niya? Che, sinungaling ka, prinsipe Andrey!  “Magandang araw mahal na Reyna Rina, kumusta po kayo?” Bati ko sa reyna.  “Syempre, masama ang araw ko, hindi mo ba nakikita? Bwisit na bwisit ako ngayon!” Binato niya ang purple na apple na ginagamit niyang model ng kanyang ipini-painting.  “Bwisit na bwisit ako!” Sigaw pa niya, tapos ‘yung mga orange pero kukay purple naman ‘yung binato niya kung saan-saan, ‘yung watermelon naman. Napaka-walang modo ng reyna na ‘to. ‘Wag lang talaga tumama sa’kin ‘yan madam, dahil ‘yung silya ang ibabato ko sa’yo. Ubas na lang ata ‘yung natira sa basket.  “Ikuha niyo ako ng prutas, ‘yung maraming maraming prutas!” Utos ng reyna.  “Ah sige mahal na reyna, ikukuha kita ng maraming maraming prutas.” Nag-volunteer na akong kumuha, gusto ko nang makalayo sa bruhang ‘to, nakaka-stress. Balak kong dalhin at ipakain sa kanya ang buong farm ng prutas.  “Maiki, maari bang samahan mo muna ang mahal na reyna? Ako na ang magpapakuha ng mga prutas na gagamitin niya sa pagpinta.”  “Prinsipe, ‘wag mo ‘kong iwan dito, nakakatakot ‘yung nanay mo, mas natakot pa ako sa kanya kaysa sa mga obrubrakar.” Mahina kong sinabi.  “Maiki, hindi siya nangangagat, sisigawan ka lang niya pero walang siyang gagawing masama sa’yo, subukan mo lang na pakitungahan siya at baka makumbinsi mo siyang magbago. Babalik ako kaagad.” Humawak ang prinsipe sa braso ko at tinitigan akong maigi. Para siyang ‘boyfriend’ ko na nagpapaalam sa’kin. Nakakatunaw ng lamang loob. Pero back to work, bawal ngang lumandi sa prinsipe ‘di ba?  Naiwan kami sa kwarto ng mahal na reyna na parang nanay ng mga obrubrakar. Tinitingnan ko lang siya habang galit na nagpipinta.  “Ikaw! Anong tinitingin-tingin mo dyan?!”  “Wala po mahal na reyna, ang galing niyo po kasing magpinta, pwede niyo po ba akong turuan?”  “Talaga, nagagandahan ka sa mga larawan na pininta ko?”  “Syempre po, ang sabi kasi nila, kung ano ang nagpipinta, siya din ang kalalabasan ng ipinipinta, kaya dahil maganda kayo, kaya maganda din ‘yung mga paintings niyo.”  “Hoy, hindi ako tanga! Akala mo ba hindi ko nakikita ang itsura ko? Maganda ba ako sa paningin mo? Nakikita mo ba ang galit ko ngayon? Muka akong halimaw!”  “Mahal na reyna, kumalma po kasi kayo, oo nga mukha kayong halimaw pero maganda pa rin kayong halimaw… oh ayan, nagagalit na naman kayo, lumalaki na naman ‘yang butas ng ilong niyo, pakinggan niyo muna po kasi ako madam. Minsan sa buhay, kailangan nating tanggapin na halimaw tayo, halimaw tayong masaktan, halimaw tayong gumawa ng mga desisyon kasi halimaw tayong magmahal, nagmahal lang tayo madam at hindi iyon pagkakamali, tanggapin mo na nagmahal ka ng sobra pero ‘yung sobra hindi pa pala sapat sa iba, kaya unti-unti, turuan niyo ‘yung sarili niyong magparaya, natalo ka isang beses, pero ‘pag pinalaya mo ‘yung sarili mo sa galit at lungkot na nararamdaman mo, dun ka mananalo madam, ipanalo natin ‘to madam.”  Natahimik at naluha si madam, este ang mahal na reyna sa mga sinabi ko.  “Maupo ka, tuturuan kita kung paano magpinta!”  Malumanay na siya, hindi na siya parang naghahamon ng away. Madali naman pala ‘tong kausap.  Pinagpinta niya ‘ko ng mga ubas na nasa basket, sinubukan ko naman pero nagmukhang buto ng pakwan ang mga ubas ko habang sige lang din siya sa pagpinta ng mga bulok na prutas.  Dahil napansin niyang pangit ang drawing ko, kahit nakabusangot ang mukha niya, pinagtiyagaan niya akong matuto na magpinta, ang gusto niya raw kasi sa mapapangasawa ng prinsipe, talented. Kaso, nabu-boring naman ako sa mga ubas, mas gusto ko sanang mag-drawing ng nakahubad na kawal. Inalok ko si madam na subukan niya ang nude art, pero ayaw niya dahil maliit daw ang mga ari ng mga engkantado, wala daw siyang mapapala rito. Si Haring Barni lang daw ang may pinakamalaking ari sa mga engkanto, kaya pala hindi siya maka-get over sa dati niyang asawa. Haliparot din pala ang mahal na reyna, naalala ko tuloy ang higanteng si Heron  "Madam, nakakita na ba kayo ng t**i ng higante?" "t**i ng higante? Hindi pa, bakit? Nakakita ka na ng t**i ng higante?" Tumango ako habang nakangiti.   "May nakilala akong higante dati, sinilipan ko siya."  "Talaga? Ikwento mo sa akin, ano ba ang nakita mo?" "Sa umpisa, hindi ko nakita kasi naihian niya ako, pero isang araw noong umihi uli ang higante, hindi ko pinalagpas ang pagkakataon, sa pangalawang pagkakataon, sinigurado ko na mai-enjoy ko ang view. MADAM! t**i ng higante ang pinaka nakakatawang t**i na nakita ko sa buong buhay ko. Kailangan niyo ring makakita nito sa buhay niyo madam, sinisisigurado ko na hinding-hindi ka titigil sa pagtawa ‘pag nakita mo ‘ang t**i ng higante, at subukan niyo na ring ipinta para naman mas maging challenging ang career niyo!" "Ikwento mo pa sa'kin, ano ba ang itsura?" Ibininulong ko sa mahal na reyna ang itsura. Hindi niya mapigilang magsimot ng ubas habang ikinukwento ko sa kanya ang nakita ko.   Hanggang sa...   Nabilaukan si madam!  Kinabig-kabig ko ang tiyan niya para mailuwa niya ang ubas.  Nailuwa niya ang ubas sakto sa pagdating ni prinsipe Andrey kasama ng mga kawal na may buhat-buhat na balsa ng mga kulay purple na prutas.  "Ina? Ayos ka lang ba? Maikiki, anong nangyari?" Tanong ni Prinsipe Andrey sa nanay niyang sinusubukang huminga ng maluwag.   "Nabilaukan kasi siya ng ubas." Sagot ko.   "Maayos lang ako, sinagip ng iyong nobya ang buhay ko. Maraming salamat sa iyo Maikiki.” Sabi ng reyna.  You're welcome mahal na prinsipe, hindi mo na ako kailangan ngitian na para mong hinuhubaran ang makapal na gown ko, ano ba 'yan?!   Lumapit si Reyna Rina sa mga kawal. "Mga kawal, tawagin ang lahat na higante sa kaharian sa lalong madaling panahon!" Utos ng reyna.  "Masusunod po mahal na reyna!" Tugon sa kanyang ng mga ito.    Naglalakad akong mag-isa sa hallway pabalik sa kwartong pinapagamit sa'kin ng prinsipe.   "Maiki!" Tawag ng prinsipe na tumakbo para maabutan ako.  "Maraming salamat sa pagligtas mo sa buhay ng aking ina, tatanawin ko itong isang napakalaking utang na loob." "Wala 'yun mahal na prinsipe, kung tutuusin pwede naman kayong gumamit ng magic, hindi niyo naman kailangan ng tulong ko." Pero ang totoo, kaya ako nagi-guilty dahil ako naman ang may kagagawan kung bakit nabulunan ang reyna.  "Maiki, wala kaming kapangyarihan bumuhay ng patay kaya isang biyaya ang makilala kita." Kinuha ng prinsipe ang kaliwang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit. Naglakad kaming magka-holding hands.   Totoo ba ito? May isang napaka gwapong lalaki ang nagsabing blessing ako sa kanya? Ramdam na ramdam ko ang espesyal na trato sa'kin ng prinsipe na hindi ko pa nararanasan mula sa isang lalaki sa buong buhay ko. Pag-ibig na ba ito?  TO BE CONTINUED. #RoadToFinale 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD