CHAPTER 12 : KABAYONG MUKHANG GIRAFFE

2052 Words
Ang sabi ko sa ospital, pero inilipad ni Jessie Bell ang sugatan at walang malay na si Jin sa isang bahay kubo.  Hingal na hingal ako sa pagtakbo kakasunod kay Jessie Bell.  “Travis, Travis… emergency, emergency, may pasyente kami, buksan mo ang pinto!” Sabi ni Jessie Bell habang kumakatok at umiikot-ikot sa labas ng maliit na bahay at aligagang hinahanap si Travis.  Pinahiga ko muna si Jin sa legs ko. Grabe ang sugat at bugbog niya sa katawan, hindi na siya makadilat at sobrang nanghihina. Kawawa naman.  “Jessie Bell, sino ba kasi ‘yang Travis na ‘yan?” dalhin nalang natin si Jin sa ospital, nag-aagaw buhay na siya!” “Hello? Obrubrakar ang may kagagawan niyan, sinasabi ko sa’yo, hindi siya magagamot sa ospital, hintayin nalang natin si Travis, ‘yung ex-boyfriend kong albularyo, magaling ‘yun.”  “Magaling siyang albularyo?”  “Magaling humalik hihi. French kiss, ganun… Hayy back in the day when everything was perfect.”  “Alam mo Jessie Bell, ‘pag may nangyaring masama kay Jin, gagawin kitang pang hampas ng langaw, kakainis ka.” “Jessie Bell, Jessie Bell, may sweetheart, nagbalik ka!”  Dumating na si Travis galing palengke, matanda na, mga 70 years old na ata. Una niyang napansin ang sweetheart niyang si Jessie Bell, at nag-reunion muna ang dalawa bago talaga kami papasukin ng bahay at gamutin si Jin?! Tinapalan ni Mang travis ng kung anu-anong dahon ang mga sugat ni Jin. Wala pa rin itong malay at inaapoy ng lagnat. Habang naghihintay ako sa susunod na mangyayari, naglalandian naman ang mag ex-lovers na si Jessie Bell at mang Travis.  “Jessie Bell, my sweet heart, sinabi ko na sa’yo noon pa na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa aking buhay, matagal akong naghintay na bumalik ka sa’kin dahil saiyo lang ako sasaya.” “Travis, alam mo naman na masyadong complicated ang sitwasyon natin. Fairy ako, tao ka… Gusto kong maging normal ang buhay mo at makapaghanap ka ng normal na mapapangasawa, isang babaeng magbibigay sa’yo ng mga supling. Bakit mo pa ‘ko hinintay? Pa’no ka na ngayon? Tatanda ka nalang ng mag-isa?”  May biglang pumasok na mestisa, sexy at magandang babae na ka-edad ko ata.  “Travis... pinagluto kita ng spaghetti... ay may mga bisita ka pala. Sige, katukin mo nalang ako ‘pag nakaalis na sila. Bye!” Maharot na sabi ng babae na umalis din kaagad ng makita kami ni Jin.  “Ako lang pala ang babaeng mamahalin ah!” Inis na lumayo si Jessie Bell kay Travis.  “Oo… Jessie Belly, my sweetheart... mga side chicks ko lang ‘yun, ikaw talaga ang hihintay kong makasama habang buhay.” Panunuyo ni Mang Travis.  “Teka nga lang… Jessie Bell, mang Travis, bago kayo diyan mag-reunite, sabihin niyo muna kung ano na ba ang lagay nitong si Jin, ang taas na ng lagnat oh. May kailangan bang bilhin na gamot, ano ba? Ano na bang nangyayari sa kanya?”  “Ahhhh… mamatay na siya. Hindi ko na siya kayang gamutin pa, masyado matindi ang pinsalang tinamo niya sa pakikipaglaban sa mga obrubrakar.” Sabi ni Mang Travis.  “Huh? Mang Travis naman, lumalandi ka na tapos ‘yung pasyente mo mamatay na pala, hindi mo na sinabi kaagad na wala ka nang magagawa, edi sana sinugod ko siya sa ospital. Jessie Bell, ano ‘to? dinala mo ba kami dito para sa reunion niyong mag-ex?”  “Travis, gawan mo ‘yan ng paraan… ‘Pag nagamot mo si Jin, papayag na ako na mag-kiss tayo.” Sabi ni Jessie Bell.  “Huh? ‘Di naman ako nagre-request na magkiss tayo ah.”  “Basta ‘yun nga ang kondisyon, ano? Gusto mo ba o gusto?!”  “Sige… may paraan pa para gumaling ‘yang kaibigan niyo, pero magiging mahirap ito, at matanda na ako para ako pa ang gumawa para sa inyo.” “Ano ba ‘yung paraan? Ako ‘yung gagawa. Mang Travis, si Jin ang nagligtas ng buhay ko kaya gagawin ko kung anong pwede kong gawin para gumaling siya.”  “Hihingi tayo ng tulong sa kaharain ng Purpolo City.”  “Purpolo City? Sa’n ‘yun? Sa Pilipinas lang ba ‘yan? sa Luzon? Visayas? sa Mindanao?” “Sa kabilang dimensyon, sa mundo ng mga engkantado. Maililigtas mo ang buhay ng kaibigan mo kung pupunta ka ro’n at hihingi ka tulong sa kanila. Makakaya mo ba?” “Let’s go! Kaya ko basta gumaling lang ‘to si Jin. Gusto ko na maipagpatuloy niya pa ang buhay niya. Pa’no ba ‘yan puntahan?”  Pinahiga ako ni Mang Travis para umpisahan ang orasyon na magdadala sa’kin sa Purpolo City.  “The bluetooth devayz is connectidah successfole.” Sabi nung babae sa speaker ni Mang Travis. Magpapatugtog siguro siya ng relaxing music.  ♪ Kailangan ba na magwakas itong pag-ibig... bukas ka ya’y wala ka na sa’king isip… ♪ Parang ‘di naman relaxing ang naririnig ko, love song ata ‘to ni Jovit Baldivino.  “Mang Travis, ano bang tugtog ‘yan? Kailangan kong marelaks hindi mag-karaok…”  “Puggggshhhk!!!” Isang maitim na kawali ang tumama sa mukha ko. Walang hiyang mang travis na ‘yun, hinampas ako ng kawali. Puro Itim na lang ang nakita ko pagkatapos no’n.  Ouch! Sakit nung hampas ng kawali ah, bumubukol ata.  Pero ang smooth sa pakiramdam, para akong lumulutang… Parang lumulutang ako sa dilim.  Ilang minuto din siguro akong nagpalutang-lutang, hanggang sa maramdaman ko nang nakahiga na ako sa isang lugar.  It’s so relaxing. Naririnig ko ang tunog at yapak ng kabayo, pati ang huni ng mga ibon. Ang sarap at mabango ang simoy ng hangin, hindi ko pa dinidilat ang mga mata ko pero pakiramdam ko nasa paraiso na ako.  Charan! Purple world? Oh-my-gosh! Pagmulat ko, purple lahat ang nakikita ko.  Purple ang langit na may maraming moons at stars, may planeta din ito na katulad ng Jupiter pero purple. Purple ang mga brick at ang mga large size na halaman, pati ang mga hayop na may kakaibang itsura, purple din. Wow! Hindi ako magtataka kung si Barney ang prinsipe ng kaharian na ‘to.  “Hello friend!”  “Jessie Bell? Nandito ka rin? Hinampas ka din ba ng kawali ni Mang Travis?”  “Hindi kawali... hinampas niya ko ng… ieeee… ah basta alam mo na ‘yun.” “Hoy! Ang lalandi niyo talaga, ikaw ang liit-liit mo… Teka lang nai-excited ako, ang ganda naman ng lugar na ‘to, baklang-bakla, purple lahat. ‘Di ba engkanto ka? dito ka ba galing?” “Uhm, not exactly. First time ko din dito, pero siguro ‘yung mga parents ko dito galing bago sila i-deployed sa mundo ng mga tao, kaya siguro purple din 'yung mga halaman ko.”  “So halika na, ilipad mo na ‘ko sa kahiraan nila.”  “No, ayoko na... ang bigat kaya nung kaibigan mo. Mag-horseback riding nalang tayo!”  “Hindi ako marunong diyan, ‘di nga ako marunong mag-bike, saka kabayo ba ‘yan? Mukhang giraffe ang mga ‘yan eh.”  Pinilit ako ni Jessie Bell na sumakay sa kabayo na mukhang giraffe. Mababait naman sila at masunurin. Pero nung sumakay na kami, there’s no turning back, kailangan kong yumakap ng todo sa leeg ng kabayong mukhang giraffe dahil sa sobrang bilis ng takbo, kala mo bus sa edsa kapag madaling araw. Nakayakap din sa likuran ko si Jessie Bell at inenjoy namin ang nakakalokang ride na ‘to.  After a 5 minute ride. Narating na rin namin ang isang malaking puting palasyo. Nagsawa na siguro sila sa kulay purple na environment kaya white, gold and silver naman ang motif ng kanilang palasyo. Naka-gray armor suit ang mga kawal dito, mababait ang mga ito at agad kaming pinapasok sa opisina ng hari.  Sinamahan kami ng isang babaeng attendant sa opisina ng prinsipe na kasing lawak ng campus covered court. Nakatanaw siya sa malaking bintana pagdating namin.  “Ehurm.. Ehurm… Mahal na prinsipe Andrey, kasama ko ang isang nilalang mula sa daigdig at isang diwata, nais nila kayong makausap kung inyong mamarapatin.”  So hindi Barney ang pangalan niya? pero, oh my gosh! Hindi ko mapigilang mapanganga nung humarap ang prinsipe… Ang gwapo!!! Parang lahat ng lahi sa mundo na sa kanya. Asian ang mukha niya, pero pang-african ang lips niya sa sobrang lapad, mukhang malambot, sarap papakin, rawr! Pero pang-amerikano ang skin color niya, ang puti, nakakasilaw, green naman ‘yung eye color niya at malaki ang katawan, pang-daddy, my goodness, hindi ko na alam ang gagawin ko, pa’no ba mag-apply na prinsesa o kahit taga laba lang ng brip ng prinsipeng ito. Dyusku!  “Maiki, tinatanong ka ng prinsipe kung anong kailangan mo, sumagot ka na! Ano bang nangyayari sa’yo?” Sabi ni Jessie Bell.  “Uhmmm... ehem, mm… mahal kita prinsipe, ah I mean, mahal na prinsipe… ako si Francisco, you can call me honey, I mean… Maiki… ayon.” “Magandang araw sa’yo Maiki at sa’yong kaibigang diwata… ano ang maitutulong ko sa inyo?” Ahhhhhhh!!! Pwede mo ba akong i-one night stand prinsipe? Nakakaloka kasi, nakaka-buntis ‘yung boses niya, malalim at sobrang ganda. Ang perfect!  “Ah, mahal na prinsipe, may girlfriend ka na ba?”  “Hoy! Anong ginagawa mo? Hihingi tayo ng gamot para sa kaibigan mo ‘di ba?”  “Oo nga, hihingi ako ng gamot, chichikahin ko lang muna… Marketing strategy, makipag-close ka muna sa taong hihingan mo ng pabor! Sorry po mahal na prinsipe.”  “Walang problema, sa katunayan, wala pa akong girlfriend o asawa Maiki.” Sabi ng prinsipe. At ngumiti siya sa’kin na dumurog sa buong pagkatao ko.   “Ah, ‘yun nga po mahal na prinsipe… Hihingi ako ng gamot para sa kaibigan kong nag-aagaw buhay ngayon, inatake kasi kami ng mga obrubrakar at napuruhan siya sa pakikipaglaban. Sa katunayan, ako talaga ang pinagdidiskitahan ng mga panget na obrubrakar na 'yun, pero niligtas ako ni Jin kaya siya tuloy 'yung napahamak. Ngayon, comatose siya at sabi ni mang Travis, malubha ang kalagayan niya at posibleng mamatay na siya.” “Nakakaawa naman ‘yung kaibigan mo, pero may magandang balita ako sa’yo Maiki, meron kaming gamot na makakapagpagaling sa ano mang uri ng pinsala sa katawan ng tao.”  “Mahal na prinsipe, gagawin ko po ang lahat ng ipag-uutos niyo kahit alipinin niyo ako, kahit linisin ko ang buong palasyo, kahit paliguan ko kayo at pakainin... kahit kainin niyo po ako, gagawin ko, bigyan niyo lang po ako ng gamot para sa kaibigan ko.”  “Wala kang dapat na ibigay na kapalit Maiki, masaya akong tumulong sa mga nangangailangan, pero kung nais mong suklian ang tulong naibibigay ko, may gusto rin akong ihingi ng tulong sa’yo.”  “Kahit ano, mahal na prinsipe.”  “Tungkol ito sa aking ina, nagbago ang kanyang pag-uugali simula nung iwan kami ng aking ama, si amang haring Barni.”  Huh? So Barney talaga ang pangalan nung hari? Sinasabi ko na nga ba eh.  “Nagpunta ang aking ama sa inyong daigdig matagal na panahon na ang nakakalipas para umibig sa isang dalagang taga ro’n. Simula noon, naging mainitin na ang ulo ng aking ina, hindi siya masaya, hindi rin siya malungkot, nangibabaw ang galit sa kanyang puso. Hindi ko na siya nakikitang tumatawa o ngumingiti mula noon. Gusto ko sanang sumigla muli ang kanyang buhay at makita kong muli ang kanyang pagtawa.”  “Prinsipe, gusto kitang tulungan pero… Hindi kasi ako… Hindi ako pumapatol sa babae lalong lalo na kung mas matanda, never... Hindi ko kaya, pwede bang iba nalang?”  “Maiki, huminahon ka… hindi mo aasawahin ang aking ina. Nais kong ipakilala ka sa kanya bilang aking nobya." Lumaki ang eyeballs ko. Is this the fulfillment of my dreams? OMG!  To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD