CHAPTER 11: CHAROTERANG FAIRY

1626 Words
I’m sorry Jin. I’m sorry kung naging selfish ako, and in the end, magagawa mo palang iligtas ang buhay ko.  Gusto mo lang namang makalimutan na mag-isa ka sa mundo at patuloy na buhayin sa puso mo ang mga kinilala mong magulang…  I’m sorry kung naging maramot akong ibigay sa’yo ‘yan.  Hindi ko mapigilang umiyak sa sobrang lungkot habang hinahaplos ang bracelet na bigay ni Jin. Nakakalungkot mang isipin, malaki ang posibilidad na hindi na nakaligtas si Jin sa mga obrubrakar.  Nanghihinayang ako para sa kanya, masyado pa siyang bata at napakabuti niya. Baka mabubuting tao talaga ang may early slots sa langit. Pero ang sakit tanggapin, sa dalawang linggong nakasama ko si Jin, naging mahalaga na siya sa’kin.  I’m sorry Jin... Sana may nagawa ako.  Gano’n paman, kailangan kong magpatuloy. Pinilit kong maka-akyat mula sa hukay. Sinubukan kong maglakad sa madilim at malamig na gubat.  Wala akong makita at hindi ko na din maalala ang direksyon pababa. Pero bahala na, basta may magawa lang ako para makalimutan kong maging malungkot.  Wow!!!  Na-discover ko sa isang banda ng gubat, sa tabi ng puno ng acacia ang mga umiilaw na daisy flowers, katulad ito ng daisy na binigay sa’kin ni Camille. Pati ang mga dahon na natatapakan ko, kulay purple at umiilaw rin. Sobrang exiting ng lugar na ito, napaka-magical. Ang saya! Kung nandito lang sana si Jin, mararamdaman niya din ‘tong excitement ko ngayon.  Ayun nalungkot na naman ako!  Balisa ko nalang na tinitigan ang malalaking daisy na umiilaw… at parang may nakikita akong maliit na pwet na lumalabas sa bulaklak. Ayan, nagtu-twerk pa ata.  Ayyyy, duwende! Nakakalokang duwendeng ito, go lang sa pagtu-twerk habang may lumalabas na magical glitters sa pwet niya.  Infairness naman, mas lumiliwanag ang ilaw ng mga bulaklak sa pagkembot niya.  Napatigil ang duwende kakasayaw nang mapansin niya ako. Maganda ang duwende, mukhang maliit na bata na retokada, malaki ang mata saka ilong, mataas ang cheekbones, pouty ang lips at may pakpak. Natatawa siyang tumingin sa akin.  “Ay, may tao pala, sorry hindi ko napansin, ikaw naman kasi ‘di ka man lang umiimik diyan. Hello!!!”  “Hi, ang galing mo kasi mag-twerk, naloka naman ako sa’yong duwende ka.”  “Talaga ba? Pretty ba ‘yon? gusto ko ngang mag-guest sa show ni Jessica Soho, saka ‘wag mo ‘kong dinuduwende... ‘Di mo ba nakikita na fairy ako noh? Ako ang reyna ng malaking acacia na ‘yan, dinidiligan ko lang itong mga plants ko para lumiwanag sila at mailawan ang aking mansion. Anyway, ako nga pala si Jessie Bell.”  “Hi, Dyesebel! ako si Maik...”  “No, it’s JE-SIE---BELL, not Dyesebel.” “Ah, parang tinker bell.” “Mali ulet, more like… Jingle Bell. Ahahahaha.”  “Uy... cute mo para kang tao magsalita, pa’no mo ba natutunan niyan?”  “104 years na akong nabubuhay, ano namang gagawin ko sa acacia na ‘to ng ganyang katagal? Makipag-chismisan sa ibang mga engkanto dito eh ang boboring naman ng mga buhay nila, ‘yung tikbalang nga dito, buntis lang ng buntis, walang life goals... kaya ayun, may pak-pak naman ako, so travel lang ako ng travel, kaya ang dami ko na rin natutunan sa mga people. Teka muna pala, bakit ka nandito? Anong oras na, baka maabutan ka pa ng mga obrubrakar.”  “‘Yun nga eh, kasama ko ‘yung kaibigan ko kanina, si Jin. Tapos kinuha siya ng mga panget na ‘yun.”  “Naku, kawawa naman mga friend mo, mga hayop talaga ang mga baboy na ‘yan kahit kailan, makahuli lang talaga ako ng isa at lilitsunin ko o kaya gagawin kong afritada!”  “Same, sis.” Nalungkot uli ako, naalala ko nanaman na wala na si Jin.  “Malamang, tsugi na ‘yun. Naku condolence sa’yo ah, malungkot talagang mawalan ng kaibigan. Alam mo, relate ako dyan, ang dami ko na ring mga naging kaibigang tao na nawala na, ang iba syempre namatay na pero karamihan sa kanila nakalimot, ang sakit mawalan ng mahalagang tao sa’yo lalo na kung ‘di mo naman sila pagmamay-ari at hindi mo pwedeng kontrolin ang mga bagay na mangyayari sa kanila.”  “Tama ka ulit diyan, ang sakit kasi… uy Dyesebel secret lang natin ‘to ah, baka mamaya ipagkalat mo sa mga engkanto dito, ngayon ko lang aaminin ‘to.”  “Kapal ng mukha, artista ka? Showbiz? Ano naman pakialam sa’yo ng mga engkanto?” “Secret nga lang, kasi nahihiya ako. Okay eto na, felling ko, in-love na ako kay Jin, at ang hirap kasi… wala na nga siya.”  “Ayy, bongga ‘yan!!! Pang blind item!!!”  Sabi ng Isang malagom na boses mula sa malayo.  “Sino ‘yun?” tanong ko kay Jessie Bell. .  “Wala, ‘yung baklang kapre lang ‘yan sa unahan, syempre malaki ang tenga kaya narinig ka. Napaka-chismoso talaga niyan, pinagkalat nga niyan dati na nabuntis ako ng tiyanak, kadiri, napaka-balahura. Pabayaan mo na lang siya, may magic akong alam para mabawasan ‘yang bigat na nararamdaman mo.”  Pinahiga ako ni Jessie Bell sa mga umiilaw na dahon.  “Masaya o malungkot, ‘yun yung energy na ibinibigay ko sa mga halaman ko para umilaw sila, kaya ngayon, bitawan mo ‘yung lungkot na nararamdaman mo sa mga halaman ko, kukunin nila ito at papalitan nila ng bago, bukas magiging OK ka na.” Damang-dama ko ang magic na humigop sa lahat ng kalungkutan ko mula nung bata pa ako.  ‘Yung lungkot ko nung nabugbog at kinulong sa kubeta nung elementary dahil nakasuot ako ng panty ni Hello Kitty, ‘yung lungkot ko nung sinagasaan ako ng motor ng mga bully kong kaklase nung highschool dahil nakita nila akong naka-lip tint, yung lungkot ko na pinalayas ako sa bahay dahil ayokong maging abogado, ‘yung lungkot ko na kinailangan kong magpakabrusko sa afford kong male dormitory, nang hindi ako mapag-initan, ‘yung lungkot ko nung gumawa ako ng thesis ng lalaking nagustuhan ko nung college pero para pala ‘yun sa girlfriend niya, yung lungkot ko kapag lagi akong nami-misinterpret ng mga katrabaho ko dati sa pagiging totoo ko, ‘yung lungkot ko na wala kahit isa sa mga naging kaibigan ko ang sumuporta nung sinisimulan ko ang business ko, dahil ang totoo, wala pala akong naging totoong kaibigan,‘yung lungkot ko habang iniisip ang purpose ko sa buhay at mga gagawin ko habang tumatanda bilang isang gay person,‘yung lungkot na baka wala talaga.  Hanggang sa hindi na ako nalulungkot para kay Jin. Baka mas masaya na siya sa kinalalagyan niya kumpara sa’kin.  Pero ganon paman, lumiwanag ata ang buong gubat sa lahat ng lungkot na ibinigay ko sa mga halaman ni Jessie Bell. Pero totoo nga ang magic, naging magaan ang pakiramdam ko at nagising kinaumagahan na parang walang iniisip na problema.  Dahil hindi ako pamilyar sa lugar, nagmagandandang loob si Jessie Bell na samahan ako pauwi sa mansion.  Nakarating na kami sa kalsada na ‘di masyadong nadadaanan ng tao.  “Buti ka pa noh, palipad-lipad ka lang diyan, napapagod na ‘kong maglakad, baka pwede mo naman akong majikin na maging fairy muna.”  “‘Wag ka ngang abusada, pinagaan ko na nga ang problema mo, sinasamahan pa kita.” “Salamat talaga, napaka-effective nun. Ganon pala mag release ng lungkot noh, ibibigay mo lang sa mga halaman. Wala na akong distractions ngayon, wala na akong iniisip na problema, kahit ‘yung mga opurtunistang treasure hunters na ‘yun, out na sila sa buhay ko, mamatay sila sa gutom. Pero teka, problema ko pala, dalawang linggo na akong hindi tumatae, baka mamaya pag-uwi ko, dinosaur na ang ilabas ko sa inidoro.”  “Yuck, tumatae ka? in my 104 years never ko yan na-experience.”  “So anong purpose ng pwet mo?” “Wala, design lang. Alam mo, pagmamaganda kasi hindi talaga tumatae, s*x appeal lang dapat ang pwet, nai-imagine mo ba si Angel Locsin na tumatae? Hindi ‘di ba?”  “Sige, mga dalawang taon ko pa pipigilan, para maganda din ako.”  “Uy Maiki, look! May lalaking Zombie dun oh.”  Nakita namin ang lalaking duguan at gumegewang-gewang maglakad na parang Zombie. “Ang dami talagang kamalignuhan sa lugar na ‘to, at ngayon may Zombie na rin… pero tingnan mo, parang ang gwapo ng Zombie, ‘lika check natin.” Aya ko kay Jessie Bell at kaagad naming linapitan ang Zombie.  “Uy, si Jin yan, ‘yung friend ko na sinasabi ko sa’yo na kinuha nung mga obrubrakar at namatay, my gosh! Pa’no siya naging zombie?” Si Jin nga ang zombie, duguan siya at punit-punit ang damit niya, hinang-hina at ‘di makalakad ng maayos.  “Maiki… maiki.” Tiningnan niya ako at mahinang tinawag ang pangalan ko na parang zombie.  Tinakpan ko ang bibig ko at awang-awa ako kay Jin.  “Nakakaawa si Jin, pa’no siya naging zombie?”  “Ewan ko, first time ko nga din makakita ng zombie eh.” Sagot ni Jessie Bell.  “Pero ‘di ba dapat tumatakbo tayo ‘pag may zombie?”  “Ewan… Basta lumilipad ako. Ba'la ka dyan.”  Lumapit si Jin sa’kin, akala ko kakagatin na ‘ko pero hinang-hina siyang sumadal sa’kin.  “Hoy Jessie Bell, buhay pa siya… hindi siya zombie! Tulungan mo ‘ko dalhin natin siya sa ospital!”  To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD