CHAPTER 10
"Happy weeksary Babe!"
Para mission accomplish ang plano, kailangan kong makipag-plastikan. Kailangan, kunwari hindi masakit, kunwari OK lang ako.
"Uhm… ah… happy weeksary?" Reply ni Jin sa bati ko, sinurpresa ko siya sa tent niya habang nagbibihis.
Hindi na ako kikiligin sa kanya kahit may abs pa siya.
Ohh… ang lambot naman, nakaka-tempt pisilin. Toot… toot… Ah ah ah, no no no, hindi ako magpapa-apekto kay Jin. Pero parang gusto ko nalang ata maging t-shirt, apaka swerte naman ng t-shirt na 'yan.
"Basta Jin ah, 'wag mong kalilimutan, 'celebration of love' na natin sa bundok ng romansa today."
May biglang sumilip na babae sa Tent. Siya 'yung kasama ni Jin kanina sa beach. Tuwang tuwa siya. Gusto ko ngang sundutin ang mata.
"Jin halika nga, may papa-check lang ako saglit." Sabi ng bruha.
"Maik, saglit lang ah."
Tuwang-tuwa naman si Jin, nagmadaling itong sumama sa kanya.
Magsama-sama kayo! Kung gusto niyo kayo nalang mag 'celebration of love'. At ikaw na babae ka, ikaw nalang din ang kumuha ng treasure. Napaka-atribida mo. Ang gusto ko lang, makaalis na sa lugar na 'to!
Nagkasalubong kami ni Prof Elmo habang pauwi ako sa tent ko.
"Hunter Maik, hey, good morning, why so upset? May problema ba?"
"Wala, naiisip ko lang, hindi pa pala ako nagc-CR ng sampung araw."
"Bakit? Ayaw mo bang maghukay?"
"'Tatae nalang, maghuhukay pa ng lupa. Hayaan mo na, saka nalang 'pag isahang hukay nalang, mga isang buwan ko pa pipigilan."
"Salamat naman at pinili mo na talagang sumama samin. Nung unang kita ko palang sa'yo, alam kong magiging magaling kang treasure hunter."
"'Wag mo nga akong inaano prof Elmo, sinabi mo din 'yan kay Jin."
Natawa siya.
"Actually, sa lahat naman. Alam kong ang tingin mo sa'kin, kidnapper, oportunista, pera pera lang, pero I enjoy watching my people grow when they begin to realize that their potential can find things more valuable than gold. That's treasure hunting Jin. Finding our purpose is just like... finding a treasure. I promise you, this journey will lead you to happiness your heart desires.Anyway, good luck sa 'celebration of love' niyo ni Hunter Jin. Please come back safely."
Tinapik ni prof Elmo ang balikat ko at umalis na. Palagay ko, sign 'to na malaya na ako, hindi niya na ako kidn*pped ngayon. OMG! I'm so happy, pero kinakabahan parin talaga ako sa sampung araw kong 'di pagbabanyo. Baka magka-almoranas ako nito.
'Bundok ng Romansa.'
Woah! ang ganda pala talaga sa burol na 'to, hindi gaanong kataas pero ang lawak ng view sa ibaba. Nakikita ko ang dagat sa kaliwa at mga bulubundukin naman sa kanan.
Madamo ang tuktok nito pero ang daming bulaklak sa gubat na dinaanan namin papunta rito. Totoo nga na napaka romantic puntahan ang lugar na 'to. Sayang, mas romantic sana kung totoong nagmamahalan kami ni Jin, mas maganda sana kung hindi peke ang weeksary. Sa mga oras na 'to kailangan ko ng itama ang lahat.
"Kailangan natin makauwi bago dumilim."
"Hintayin lang natin ang sunset Jin, gusto kong makita 'yung sunset."
Ilang minuto bago ang sunset, naupo kami ni Jin malapit sa cliff ng burol.
"Jin, anong balak mo ‘pag nakuha mo na ang treasure? Ano nang gagawin mo?"
"Hindi ko alam, baka mag-treasure hunting ulit or… hindi ko alam eh."
"'Di mo alam? So wala kang plano? Sumusunod ka lang kay Prof Elmo? Ganito, ba't 'di ka mag-soccer ulit, mag teacher or mag business o mag model?"
"Wala na akong interes sa soccer at lalung-lalo na sa lahat ng mga sinabi mo, at saka hindi ako sumusunod 'lang' kay prof Elmo, ginagawa ko ang makakaya ko parang maging successful ang misyon natin, para wala kaming masayang na pagod at sakripisyo. Ito na 'yung pinili kong gusto kong gawin Maik."
"So ano ngang gusto mong gawin 'pag wala ka ng treasure na hahanapin? -------- Hindi ka makasagot? Kasi wala kang plano, or baka gusto mo lang hanapin 'yung mga multo ng adopted parents mo?"
"Baka ganon nga... Gusto ko pa rin silang makita. Gusto ko mag-sorry sa kanila. Kung 'di dahil sa'kin.."
"Jin, wala na sila… ba't 'di mo nalang hanapin ang tunay mong mga magulang?"
"Sila na ang totoong mga magulang ko, wala na akong ibang mga magulang kundi sila lang."
"Pero patay na nga sila, malamang nasa langit na ang mga 'yun, kung hindi man o edi sa impyerno. Alam mo, 'pag namatay ako sabihan kita 'pag nakita ko sila dun. Dun naman kami magkikita kita ng mga bakla't tomboy."
"Pa'no mo nasasabi ang mga 'yan? Anong klaseng tao ka?"
Tumayo si Jin at masama ang loob na tumingin sa'kin. Tumayo rin ako na nahihiya sa mga sinasabi ko sa gitna ng paglubog ng araw.
"Jin gusto ko ng umuwi, gusto ko ng umuwi sa bahay. Uuwi na ako." Bumubuhos ang luha ko nung sinabi ko ito kanya.
"I'm sorry… Gusto ko lang din sumaya Jin, kasi napakaboring na ng buhay ko, hindi ko na din alam kung anong gagawin ko, wala naman akong ibang talent, hindi naman ako makapag-asawa, gusto ko lang sumaya, pero hindi din ako magiging masaya sa treasure hunting, kasi peke ang treasure hunting Jin, pinapaniwala ka lang nilang masaya ka pero ang totoo ginagamit lang nila 'yang pagiging malungkot mo para sa yaman. Kaya sumama ka nalang…"
"Umuwi ka na." Seryusong sinabi ni Jin at naglakad ng bahagya papalayo.
Tumakbo ako para sundan si Jin.
"Jin sandali, hindi ako marunong dito, maliligaw ako pababa."
"Pareho lang tayo."
'"Huh? Hindi ka pa nakakapunta dito?"
"Hindi pa."
"Huh? Wala ka pang dinadala dito? Hindi ka pa nagkaka-girlfriend?"
"Wala pa."
Tumigil si Jin sa paglalakad at inabot sakin ang isang bracelet na gawa sa seashells.
"Remembrance." Walang emosyon niyang sinabi at nagpatuloy sa paglalakad.
I feel sorry for Jin. Hindi ko alam ang dapat kung maramdaman o kung anong dapat kung sabihin sa kanya. Naluluha lang ako na tingnan ang napakagandang bracelet na may kakaibang uri ng seashells na binigay niya sa’kin.
Dumidilim na ang paligid. Naglalakad pa rin kami sa gubat. Pero imbes na matakot, nagi-guilty ako sa mga nasabi ko kay Jin, gusto kong mag sorry pero mabilis siyang naglalakad kahit medyo hindi niya na alam ang direksyon.
"Jin." Tinawag ko siya pero dedma lang siya.
"Jin sandali, Jin sandali lang." Kinakabahan akong naglakad ng mabilis papunta sa kanya.
"Jin, wait..."
"Ano ba? Nawawala na nga tayo, hindi ko na alam kung saan dadaan."
"Jin, parang may nakita akong baboy ramo banda ron." Mahina at natatakot kong sinabi sa kanya.
Natigilan si Jin at nakaramdam ng takot.
"Obrubrakar..." Mahina niyang sinabi.
Hinatak niya ang braso ko.
"'Wag kang maingay." Sabi niya habang hawak niya pa rin ang braso ko at sinubukang maglakad ng mabilis.
Pero tumambad sa aming harapan ang isang grupo nang nilalang na hugis baboy ramo, at para silang ipis na biglang naglabas ng kanilang pakpak at lumipad papunta samin!
"Takbo!" Sigaw ni Jin. Tumakbo kami sa magkaibang direksyon, habang hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtili.
"Jin! Ahhhhhhhhhhh!!!"
Mabilis akong nahabol ng mga obrubrakar. Ang papanget, nakakadiri, parang baboy na nakakainsulto. Tumili ako ng tumili.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!”
Sinungaban na ‘ko ng mga nakakadiring obrubrakar, para silang mga pusang nangangalmot.
"Jiiiiin."
Hindi ako makalaban, masyado silang panget at malakas.
Sinusubukan kong sampalin ‘yung isa pero ang panget talaga nakakasuka, ayoko silang makita.
Napahiga ako at patuloy na pinagkakaguluhan ng mga obrubrakar.
“Ahhhhhhhhhhhh! Jin!!!” Tili lang ako ng tili habang nakahiga at hinahampas-hampas ng kamay ang mga panget na maligno.
Biglang dumating si Jin at pinaghahampas ng kahoy ang mga obrubakar.
"Takbo, daliiiii!" Sigaw ni Jin. Hindi ako makakilos at ayoko siyang iwan.
"Tumakbo ka na! Takbo na!"
Sigaw niya uli, habang patuloy na hinahampas ang mga obrubakar na sumusungab sa kanya!
Tumili ako at tumakbo habang tinitingnan ko si Jin na pinagkakaisahan ng mga obrubakar.
"Ahhhhhhhhhh! Jin!!!"
Hindi ko nakikita ang nadadaanan ko kaya bigla akong nadulas sa isang malalim na hukay.
Tumili pa rin ako habang nasa loob ng hukay.
"Jiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin!"
Ilang sandali pa, nakita ko na nagmistulang lobo ang mga obrubakar na inililipad papalayo si Jin papunta sa kaulapan hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.
"Jin!!!"
"Jin!"
"Jin."
Wala akong magawa kundi umiyak at tumili sa loob ng malalim na hukay.
To be continued.