At ayun nga, natapos na ang 15 minuto na palugit sa akin ni Prof Elmo. Sobrang dilim, wala na akong makita.
Tsugi na ba ako?
Baka nga tsugi na, is this really the end of me. Nakaka-sad naman, pero ganon talaga, sadyang ‘di lang talaga ako special, wala naman siguro akong greatest purpose sa daigdig na ito.
Yeah, let’s just accept the fact na we’re not so special, we were born to just die.
Sayang lang, ‘di man lang ako nagka-boyfriend, nasayang ang lahat ng training ko sa pornhub at xhamster. Naka-premium pa naman ako.
Teka, kung tsugi na ako, ba’t ang dami ko pang chika? ‘Di ba dapat may mga angels na kumakanta o kaya puting liwanag, oy assuming ako don. Heaven agad? Pero why is this so dragging?
May biglang nagpalakpakan.
“Francisco.”
“Lucifer, ikaw ba ‘yan? Oh no, Lucifer please give me a chance, hindi talaga ako prepared sa kahariaan mo please, pwede take two, magbabago na ako!” Pagmamakaawa ko.
“Francisco, gumising ka!”
Dumilat ako, nakita ko ang mga treasure hunters ek ek na nakapalibot sa akin, nasa unahan nila si Prof Elmo na kahit nakatakip ang mukha halatang tuwang-tuwa ito.
“So buhay pa ‘ko? buhay pa ko! OMG I’m so happy.” Sa sobrang saya ko, bumangon ako at masayang masayang yinakap si Prof Elmo. Yinakap din niya ako at tumalon talon kami sa tuwa.
“Oo buhay na buhay ka dahil tutulungan mo pa kaming makuha ang treasure.” Tuwang-tuwang pagkasabi niya. Sumimangot ako at tinanggal ang pagkakayakap sa kanya.
“Ayoko, hindi ako sasama sa inyo. Pinagkatiwala ng lolo sa huling lalaki na magdadala ng apelyido niya ang kayamanan na ‘yun, hindi pa tayo nakakasiguro na ako nga ang huling… ayokong sabihing lalaki pero dahil wala akong choice, sa madaling salita, madaming possiblities na hindi ako ang huling lalaki. Case number 1, baka may kabit si papa, tas may anak silang lalaki ang apelyido Balencia, Case number 2. pwede rin gawing Balencia ng ate ko ang apelyido ng mga anak niya just incase maghiwalay sila ng asawa niya and case 3... magkaanak ako... (eye roll) whatever the process will be ang daming possibilities, so tantanan niyo nga ako, tantanan niyo ang kayamanan ng lolo ko!”
“Francisco, wala kaming time “mag-over think” na katulad ng ginagawa mo, ang iniisip namin ngayon ‘yung probability ng current situation, well, as I’ve said, hindi ito pabor o pakiusap brother.” Tumingin siya sa ibang direksyon at naglakad bahagya papalayo sa akin.
“Talian niyo na ‘to, pati bibig talian niyong maigi para ‘di na dumaldal.” Utos niya sa mga alipores niya.
Lumapit sa’kin si Jin na ready na ang telang pantali.
“Yung iba, umpisahan na ang paghuhukay, dun mismo kung sa'n siya nadapa.” dagdag ni Prof Elmo na patuloy na naglakad papalayo.
“Yes Prof.” Tugon sa kanya ng more or less ten niyang mga alipores.
Actually, mas naiinis ako kay Jin kaysa kay prof Elmo. Nang dahil sa kanya, kaya ako napunta sa sitwasyon na ‘to, kung ‘di ko sana siya pinapasok sa mansion, hindi sana ako nagmumukhang kaawa-awa ngayon. Ayoko na, sobra na ‘to, hindi nila ako pwedeng apihin ng ganito.
“Manahimik ka nalang kasi para ‘di ka na masaktan.” Sabi ni Jin habang kinukuha ang kanang kamay ko para taliin.
Pero bago niya tuluyang makuha ang kamay ko, ginulat ko siya ng suntok sa kanyang balls, tinuhod ko pa ito ng malakas para double kill. Agad niyang naramdaman ang sakit at ‘di na nakalaban pabalik, tinulak ko siya hanggang sa tumiyaya siya para sure win.
Nagulat ang mga kasamahan niya at nataranta kung anong gagawin.
“Jutay!” Sigaw ko sa nakahandusay at namimilipit sa sakit na si Jin.
Tumakbo na ako papunta sa likod ng bahay para makatakas.
“Anong nangyari don? Ba’t tumatakbo ‘yun? Anong ginagawa niyo? Habulin niyo?” Sigaw ni Prof Elmo sa mga tatanga-tanga niyang alipores. Nasa likod na ako ng bahay, walang ibang paraan para makalabas sa mancion na ito kundi umakyat sa sementadong pader.
Sinubukan kong umakyat, pero masyadong mataas at madulas ang pader. Naiiyak na ako, wala ng silbi, sobrang lapit na ng mga hunters. Pero tinatry ko pa ring maka-akyat kahit papano.
“Francisco, huwag kang mag-alala, poprotektahan ka namin.”
Sabi ng babae na nakita ko sa nakaraan. Unti-unting dumami ang mga strange people na pumalibot sa’kin, sila rin ang mga espiritung nakita ko kanina.
Kung mga multo man sila, hindi sila nakakatakot kumpara sa mga treasure hunters na gustong kumidnap sa’kin. Pasalamat nalang ako na nagkaroon ako ng kakampi sa mga oras na ‘yun.
Napahinto ang mga treasure hunters, alam kong nakikita rin nila kung ano ang nakikita ko.
“Hindi namin hahayaang kunin niyo si Francisco maging ang kayamanan nila.” Sabi ng babaeng espiritu.
“Kung ako sainyo mga bata, umuwi nalang kayo at mag-aral.” Sabi ng lalaking espiritu.
“Hindi kami mga bata, mga treasure hunters kami!” Sabi ng isa sa mga alipores na sa pagkaka-alala ko tinawag itong hunter Zeus ni Prof Elmo.
“Kayo ang bumalik na sa pinanggalingan niyo kung ayaw niyong makulong sa bote.” Paos na sinabi nung alipores na naglalaro ng apoy ng kandila kanina.
“Psssst. Ang daming nangyayari, ang daming sinasabi, ikulong na sa mga bote ang mga ‘yan!” Sabi ni Prof Elmo, dumating ito na may dala-dalang bag na may lamang mga bote.
“Francisco, umakyat ka na, mga kasama simulan na ang orasyon.” Sabi ulit ng babaeng espiritu at naghawak-hawak kamay sila.
Kaagad kumuha ng mga tig-iisang bote ang mga hunters at itinutok ang mga bote sa mga espiritu.
May mga sinasabing hindi ko maintindihan ang mga espiritu sa mga treasure hunters, pakiramdam ko, dini-distract nito ang mga hunters dahilan para ‘di sila tuluyang makalapit at magawa ang binabalak nila. Kaagad naman akong naghanap ng mas magaspang na parte ng pader kung saan pwedeng makaakyat. Mabagal ang kilos ko pero pinipilit kong umabot sa dulo.
“Prof Elmo, masyadong malakas ang mga Espiritu.” Sabi ng isang alipores.
Habang sinasambit ng mga espiritu ang kanilang orasyon, may pang malakasang orasyon sa wikang latin din si Prof Elmo at nangagalaiti niya itong sinambit.
Habang halos maabot ko na ang tuktok ng pader, narinig kong nagsisigawan ang mga espiritu, isa-isa na pala silang hinihigop ng bote, may mga espiritu na patuloy parin sa kanilang orasyon kahit unti-unti na silang nababawasan.
Mahapdi na ang mga braso ko sa pag-akyat sa pader, feeling ko ang dami ko ng sugat, sayang lang ang paglu-lotion ko everyday, pero keri na, makaalis lang talaga ako dito. Para labanan ang nerbyus, umere ako ng umere sa pag-akyat.
Egghhhgehhhh....
Arrhgurrhheeeehhh...
eeeeeeeEEEEEEEEEEE...
Ganon 'yung ere.
At sa wakas, nahawakan ko na ang tuktok ng pader! Tumingin ulit ako sa ibaba. Oh no! ‘yung babaeng espiritu na lamang na lagi akong kinakausap ang natira sa kanilang grupo. Sumulyap siya sa’kin sa huling pagkakataon at tuluyan na siyang hinigop ng bote. Kawawa naman siya, grabe din ‘yung mga sacrifices nila for me, kailangang-kailangan kong makatakas.
Nagmadali akong tumalon sa pader palabas ng mansion, pero may tao palang nakaabang sa akin. Natumba ako sa kanya at tumumba kaming pareho sa damuhan. Naipatong ko ang katawan ko sa kanya at accidentally... nahawakan ko ang kanyang ari!!!
Tumingin ako sa mukha niya.
“Hindi ako Jutay.” Ang sabi ni Jin.
TO BE CONTINUED.