May mga maling desisiyon ba akong nagawa sa buhay na hanggang ngayon ay pinagsisihan ko? Wala naman.
Hindi ko pinagsisihan na sinuway ko ang gusto ng tatay ko na maging abogado katulad niya. Ayoko kasing umastang matalino pero bobo naman pagdating sa pera.
Wala naman talaga akong plano sa buhay, wala naman akong dream job, gusto ko lang maging nanay. Magbuntis at mag-alaga ng aking mga supling.
Imposible naman mangyari ‘yun kaya nag-business na lang ako katulad ni mama, gumawa at nagbenta nalang ako ng sabon, pabango at kung ano-ano pang pampaganda. Lumago naman ang business ko, marami akong resellers na nagbebenta para sa’kin kaya most of the time wala na akong ginagawa.
Wala naman akong ibang hobby, kundi matulog at kumain.
Parehong pareho kami ng nanay ko, ang pagkakaiba lang namin, sugal ang pinangagamitan niya ng pera niya, ako naman nagdu-donate sa bahay ampunan at kung anu-ano pang mga charities.
Ang dami ko na rin namang natulungan, pero bakit ganon? ang dami kong ambag para sa ibang tao pero parang wala pa akong ambag para sa sarili ko.
Sa totoo lang, walang nagpapasaya sa’kin. Kung plinano ko ba ng maigi ang buhay ko mas magiging masaya ba ako?
Hindi ko mapigilan maiyak habang nakatali ang mga kamay at paa ko sakay ng mountain truck, nasa truck bed ako ng saksakyan kasama ang tatlo sa mga treasure hunters na enjoy na enjoy pa sa kanilang pagtulog. Ginawang unan nila ang mga boteng pinaglagyan ng mga espiritu at sako ng kamatis na ninakaw nila sa mancion.
Nasayang lang ‘yung effort ko sa pag-akyat ng pader, mahuhuli lang pala ako ng Jin na ‘yun and unfortunately, nahukay din nila ang mapa ng treasure ng lolo at ako raw ang susi ng kayamanan nito bilang huling lalaking magdadala ng apelyido ng aming angkan.
Gusto kong kilabutan sa mga kababalaghang nangyayari sa buhay ko ngayon pero naiisip ko rin, kung tuluyan ba akong namatay kagabi o kung mamatay na ako ngayon, kuntento na ba talaga ako sa naging buhay ko? Kung sasakyan ko nalang ang mga trip ng oportunistang mga treasure hunters na ‘to at mahanap namin ang kayamanan, magiging masaya na ba ako?
“Guys, gusto ko lang namang maging masaya.” Sa sobrang frustration ko, nasabi ko ‘to ng malakas dahilan para magising ang isa sa tatlong treasure hunters na katabi ko. Humihikab siyang tumitig sa’kin.
“Alam mo, mukha lang kaming mga goons pero masayahin naman kaming mga tao, kung tatanggapin mong maging treasure hunter katulad namin, sinasabi ko sa’yo, magiging masaya ka. Hunter Kentaro pala.” Sabi niya at nakipag-handshake sa akin.
“Maikiko.” Inabot ko ang nakatali kong mga kamay sa kanya para makipag-handshake.
“Sa’n ba tayo pupunta?” Tanong ko.
“Sa training camp.” Sagot niya.
Ilang minuto pa, nakarating na rin kami sa sinasabi niyang training camp, palagay ko, tanghali kami nakarating sa sobrang init.
Isang malawak na mala desyerto ang training ground nila malapit sa dagat, at hindi lang sila sampu, marami pang ibang naka-itim ang nagpa-practice ng arnis sa tirik ng araw.
“Anong nangyayari ba’t ang dami niyo naman?”
Tanong ko kay Kentaro habang tinatanggal niya ang tali ng mga kamay at paa ko.
“Nasa 100 ata kami dati, ang iba tumakas, ang iba natigok, kaya 71 nalang tayo ngayon.” Nginitian niya ako at sabay umalis karga ang sako ng kamatis.
“Hoy, ang sabi mo masaya kayo dito!” Pahabol na sigaw ko sa kanya habang mabilis siyang naglakad papalayo. Na-scam na naman ako, ayoko talaga sa mga taong ‘to!
“Maiki!”
May babaeng biglang tumawag sa'kin.
“Hoy Maikiko!” Tawag niya ulit. Nagulat ako nasa likod ko na pala siya.
“Hoy sino ka?”
“Maiki, bakla, ako ‘to si Camille!” Sabi niya.
Trinay ko na alalahanin siya, pero masyado siyang dugyutin at maskulados bilang babae, hindi ko alam kung sino si girl kaya sinimangutan ko nalang siya.
“Sige… makinig kang mabuti… ughhhh….ughhhhh… ugrghhghhhhhh… arggghhhh.”
Ay biglang umungol ang gaga.
“Teh, anong nangyayari sa’yo, ba’t biglang umuungol ka diyan?”
“Hindi mo na talaga ako maalala? Ako ‘yung sikat na sikat dati nung high school ta’yo, kasi lagi akong may scandal sa CR ng campus, natatandaan mo na ba?”
“Camille… Camille Sungayan? Oh my gand, oo nga, wala pa akong cellphone nun pero napapanuod namin ‘yun by group, hoy gaga, oo nga naging kaklase din kita, anong nangyari sa’yo?”
“Ayan, kinakalimutan mo ‘ko ah. Treasure hunter na ako ngayon, ikaw? Sasapi ka na ba samin?”
“Hindi, kinidnap nila ako, mabuti pa, tulungan mo nalang akong makatakas dito.”
“Huh? Bakit ka nila kikidnapin? saka, ka-close ko ang mga ‘yan, mga mababait ‘yan, halos lahat ng mga lalaki dito naging boyfriend ko na.”
“Hoy, bruha ka talaga… Saka, ba’t ka na padpad dito? pa’no ka naging treasure hunter?”
“‘Di ba, na-kicked out ako nung highschool, pinalayas ako sa bahay namin, kaya sumama ako sa boyfriend ko dati na member ng samahan na ‘to, kaya dito na ako, masaya naman, nakahanap ako ng pamilya.”
“Oh nasa’n na ‘yung dating boyfriend mo?”
“Natyugi, napatay ng mga obrubrakar.”
“Ano na naman ‘yang mga obrubrakar na ‘yan?”
“Sila ‘yung mga parang maliliit na manananggal pero mukha silang baboy ramo na color brown, kumakain sila ng mga kaluluwa sa lugar na ‘to, kaya minsan ‘yung mga multong nahuhuli namin, ipinapakain namin sa kanila, dahil kung hindi, kami 'yung kakainin.”
“Kaya pala may mga bote sila. Camille, parang awa mo na tulungan mo na ‘kong makatakas dito, parang ‘di ko na kakayanin ang mga kababalaghan na ‘to.”
“Magi-enjoy ka dito, meron ditong higanteng malaki ang tite.”
“Talaga? Nasaan ang higante na ‘yan?”
“Tara dito.”
Hinila ni Camille ang kamay ko papunta sa isang mapangheng lugar.
“Hoy! Ambaho naman dito, ba’t dito mo ko dinala?”
“Dito ang banyo nung higante, katatapos lang non kumain kaya panigurado iihi ‘yun.”
Na-curious din ako sa itsura ng higanteng umiihi kaya sinakyan ko nalang ang kagagahan nitong si Camille. Naupo kami sa mapangheng lugar at nagkwentuhan habang naghihintay sa pag-ihi ng higante.
“Ba’t ang dami mo namang naging boyfriend dito? Ang ganda-ganda mo naman.”
“Syempre, prinsesa ang trato sakin ng mga lalaki dito, kaya nga nagustuhan ko dito eh, walang sino man ang nag-judge sa’kin, kung bobo man ako, walang natapos or p****k, walang kumakantyaw sakin, special ako dito, kaya minsang try mo din jumowa ng treasure hunter. Uy teka lang, naiihi ako, pwede ba umihi dito?”
“Kadiri ka naman! dun ka sa ibang lugar. Ayokong makita 'yan.”
“Ihing-ihi na ako, dyan ka lang, babalik ako.”
Iniwan muna ako ni Camille sa mapangheng lugar na ihian raw ng higante. Nakakatawa lang isipin na naghihintay talaga ako sa higante raw, kung totoo naman kaya.
Parang naririnig ko na ang dagundong na papalapit.
OMG! May higante ngang lumalapit, oh no! Nagtago ako sa mas madamuhan na part para ‘di ako makita.
Totoo nga ang higante, parang tao lang naman na 3 storey building, masculado din na parang puputok na ang mga ugat at medyo mabuhok. Oh no, the daddy of my dreams.
Ayan na, dinudukot na niya ang laman ng giant salawal niya. Pero bago ko paman makita, mabilis ang pangyayari, umabot sa’kin ang iniihi niya. Halos malunod ako sa ihi, kaya sumigaw ako at lumayo sa flow nito.
Sumuka-suka ako at sumigaw.
“Uworrr… woorrr… Ambaho!”
“Ikaw, manyak ka! Sinisisilipan mo ‘ko! Halika dito at kakainin kita!” Galit na sigaw ng higante at nilabas ang kanyang pangil.
Tumili ako at tumakbo ng mabilis papunta sa kampo ng treasure hunters, hinabol ako ng higante na pumangit ang itsura sa galit.
Unfortunately, dahil sa wala akong regular exercise, naunang sumuko sa pagtakbo ang mga lamang loob ko, bumagal na ang pagtakbo ko at basang basa pa ng ihi.
Wala na akong nagawa at kinamay na ako ng higante.
Kitang kita ko ang laki ng pangil at nangagalaiti niyang mga mata.
Naglalakad na rin papunta sa’min ang mga hunters at ganon din ang hegante, naglakad din siya ng bahagya palapit sa mga hunters, kaya feeling ko magkakilala lang naman sila.
“Heron, kasama namin siya, ano bang naging problema?” Sabi ni Prof Elmo sa hegante.
“Nahuli kong sinisilipan ako ng manyak na ‘to!”
“Hoy hindi kita sinisilipan, curious lang ako, assumero ka! Edi syempre first time kong nakakita ng higante, nacurious ako.” Sabi ko habang hawak-hawak niya.
“Heron, siya ang bago nating makakasama, siya ang bago nating iti-train para maging treasure hunter, nakikita at nararamdaman ka niya dahil bukas na ang kanyang third eye, kaya maging ang pag-ihi mo ay nakikita niya. Pasensya ka na, hindi na ito mauulit.”
“Dapat lang, ayoko ng baklang m******s sa lugar na ‘to dahil malas ‘yan!” Sabi ng higante.
“Napaka-homophobic mo, panget mo, uulitin ko, curious nga lang ako pero nung nakita kita nandiri ako dahil napaka baho at napakapanget mong higante, ang laki-laki mo pero ang liit ng utak mo, hindi dahil maskulado ka o malaki ka, may karapatan ka ng takot-takutin ang maliit sa’yo. Tandaan mo, abs lang ang meron ka pero wala kang utak.”
Matapang kong sinabi sa higante kahit hawak-hawak niya ako maging ang buhay ko. Nanggagalaiti niya akong hiniyawan, amoy na amoy ko ang hininga niya na parang kaldero ng kanin na sampung araw na ‘di hinugasan. Yuck! Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin at inilapit niya ako sa mata niya.
“Francisco, magsorry kana, kakainin ka niya.” Sigaw ni Kentaro.
Dahil pumanghe ako, naasiwa at nabahing siya sa sarili niyang ihi, lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at nagawa kong tumalon sa kaliwang mata niya at inuupercut at sinipa ko ‘to hanggang sa maramdaman niya ang hapdi.
Well, na out of balance ako, naghulog ako at lumagapak sa buhangin, and most probably nabalian din ako ng buto. Keri lang, ang mahalaga, blinack-eye ko ang eyeball niya.
To be continued.