Ding ding ding ding ding... Ang kwentong ito ay Rated SPG, ito ay hindi para sa mga bata. Hindi ito nakakatalino.
Dumating na ang aking bisita, kaagad ko siyang pinapasok sa loob ng madilim na mancion, mga nakasindi lamang na kandila ang nagsisilbing ilaw dahil mas pinili kong huwag buksan ang generator. Char, naubusan na ng gas.
Aba, bagong bihis at mukhang naligo na ang misteryusong lalaki, nakaitim pa rin siyang hoodie at may dala-dalang backpack.
“Hi.” Nahihiyang pagbati niya.
“Hello. Magandang gabi, welcome to my humble, polite, adorable, industrious home… pasok ka, ‘wag kang mahihi…” Bago pa man matapos ang aking sinasabi, dumiretso na siya sa sala at nagmasid-masid. Maghahanap na ata ng multo.
“May nararamdaman ka na kaagad? Naku, ‘wag mo munang itaboy ang multo na ‘yan, hayaan mo muna silang makapag-impake bago mo sila itaboy. Kumain muna tayo, naghanda ako ng dinner.”
“Busog ako, kakakain ko lang sa labas.”
“Sayang… adobo pa naman ang ulam, sige kain muna ako ah, sumunod ka nalang ‘pag nagbago ang isip mo.”
Pumunta na ako sa lamesa para kumain. Pero natakam ata ang misteryusong lalake at sumunod rin. Umupo na ako, pero nagtaka siya at parang may hinahanap sa mesa.
“Nasaan ang adobo?”
“Ayan, adobong kamatis with oyster sauce.” Tinuro ko ang adobong kamatis sa malaking plato.
“Ba’t walang karne?”
“Vegetarian kasi ako, keto meal ang tawag diyan, maupo ka.” Sinusubukan ko talagang umarteng prim and proper para mas nakakaganda. Naupo naman siya na parang nagtataka pa rin kung bakit walang karne ang adobo.
“Bago ang lahat, gusto ko muna, syempre magpakilala… Ako nga pala si Maiki Balencia, ang tagapangalaga ng mancion na ito, ikaw anong pangalan mo?”
“Jin.”
“Jin? Jin ano?”
“Jiniper.” Seryuso niyang sinabi.
“Jiniper? Joke ba ‘yun, Kasi… parang nakakatawa ‘yun, hahahahaha.” Gusto kong tumawa kasi akala ko mataas ang sense of humor niya at pinapatawa niya lang ako.
“Hindi, Jiniper ang pangalan ko, Jinniper Soriano. Ikaw nga Francisco pangalan mo may pa Maiki, Maiki ka pa.”
“Kanino mo nalaman ‘yun?”
“Ah…. Kay mang Renato.”
“Sino si mang Renato?”
“’Yang nakabarong na mama at pugot ang ulo sa tabi mo.” Kinilabutan ako ng slight at nanlamig. In reality may takot pa rin naman ako pero nanatili akong kalmado.
“Pero pano naman nalaman ni Mang Renato ‘yun? Wala namang tumatawag saking Franciso at wala akong sinasabing ganon ang pangalan ko.”
“Kasi… may kakayahan ang mga espiritung marinig kung ano ang nasa utak mo.” Imbis na matakot, mas nanaig ang aking kritikal na pag-iisip.
“Sige nga, itanong mo kay Mang Renato kung anong iniisip ko ngayon?”
“Ahhhh… wala na siya, nakaalis na.”
“Sa’n nagpunta?”
“Baka nagpahangin lang sa labas.” Sabi niya na parang may pag-aalinlangan.
Hmmm… I smell something fishy. Kung inaakala niya na mapapaikot niya ang ulo ko, mas kaya kong paikot-ikutin ang ulo niya, humanda siya. Hahahahaha! (Evil laugh)
Kumain naman siya kahit papaano, mukhang nasarapan din sa adobong kamatis. Pagkatapos namin maghapunan, inimbitahan niya na akong simulan ang paghahanap sa mga espiritu.
“Alam mo feeling ko, mag-start tayo sa kwarto ko kasi, may kakaiba akong nararamdaman sa kwartong ‘yun eh, feeling ko nandun nagtatago ang mga espiritu, lagi akong kinikilabutan don tapos tumatayo ‘yung balahibo kong ganon. Tara na dali, patayuin na natin ‘yang ano mo…” Pagkukumbinsi ko sa sakanya na umakyat ng kwarto.
“Ano ‘yung tatayo?”
“Ano pa bang tumatayo sa’yo? Edi balahibo? Alam mo ‘wag kang natataranta, natatakot ka ata eh, tara na!”
Pumasok na kami ng kwarto para maghanap ng ‘di umanoy kaluluwang ligaw. Sira parin ang bintana sa kwarto na natatakpan ng kurtina.
“Ano, may mga nakikita ka ba na mga espiritu?” Tanong ko sa kanya.
“Wala sila rito, bumalik na lang tayo sa sala.”
“Wala ba? Darating din ‘yan, maghintay muna tayo, papasok na ‘yan dito kasi matutulog na. Mabuti pa, magpahinga muna tayo habang naghihintay sa kanila.” Inaya ko siyang magpahinga sa kama katabi ko, at hindi naman siya nakatanggi.
“Uy Jin, may itatanong ako sa’yo… Ano bang feeling na magka-third eye?” Tanong ko nang sinusubukang makipagkwentuhan sa kanya.
“Sobrang nakakatakot, para kang sinumpa dahil kahit saan ka magpunta makakita ka ng mga bagay na ‘di mo gugustuhing makita.”
“Ganon ba? Pag-umiihi ka ba sa public toilet, may mga naninilip ba sa’yo na mga kaluluwa?”
“Kaluluwa wala, pero mga halang ang kaluluwa meron. Saan ka namang nakakita ng kaluluwang m******s?”
“Wala nga akong nakikitang kaluluwa kaya tinatanong kita, bakit hindi ba nahu-horny ang mga multo?” Tumahimik nalang siya sa tanong ko. Sampung minuto kaming hindi nagkibuan.
“Ang tagal naman ng mga espiritu na ‘yan, inaatok na ako.” Walang hiya akong sumandal sa balikat niya, mabuti naman at wala siyang violent reaction.
“Ayan na, may pumapasok ng elemento.” Sabi niya ng mahinahon.
“Talaga?! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” Tumili ako at yumakap sa braso niya.
“Bakit ka tumitili? Eh wala pa nga papasok palang.” Sabi niya na bahagyang itinaboy ang ulo ko, kaya bumitaw muna ako mula sa pagkakahawak sa braso niya.
“Ayan na, nakapasok na siya sa kwarto.”
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.” Tumili ulit ako at yumakap sa braso niya.
“Sobrang nakakatakot ang isura niya. Lalake siya, matangkad, nakakatakot ang mukha niya, nakamusangot, ‘yung pisngi ang daming butas, ‘di makinis, malaki mata at bunganga, ‘yung ilong niya, parang ‘yung ilong mo oh, parang magkamukha nga kayo eh. May kakambal ka ba?” Sabi niya habang tumitili ako.
Tumigil ako sa pagtili at bumitaw sa hayop na lalakeng ‘yun. Bumaba ako sa kama at nagpunta sa pwesto kung saan niya tinuturo ang ‘di umanoy espiritu na kamukha ko.
“Alam mo ikaw, duda ako sa’yo eh! Espiritista ka ba talaga o akyat bahay?! Ano ba talaganag kailangan mo sa akin? Sinasabi ko sa’yo wala kang mananakaw dito kung hindi ang generator na walang gaas! At kung nandito ka para pagsamantalahan ako, pwes ayoko na sa’yo!” Nakikinig lang siya sa akin nang marinig ko ang mga sasakyang parating.
Sumilip ako sa sirang bintana, at nakita ko nga ang dalawang mountain truck na huminto sa mancion. Ilang sandali, may mga nagsilabasang mga tao mula sa sasakyan, lahat sila nakasuot ng itim at pumasok sa gate ng mancion.
Naramdaman ko si Jin na nagpunta sa likuran ko. Ipwinesto niya ang mga kamay ko sa likod ko.
“Hindi ako ang may kailangan sa’yo, sila.” Sinabi niya habang tinatali ng lubid ang aking mga kamay.
To be Continued.