Nag-start ang lahat nung bumisita kami sa mancion na pagmamay-ari ng aming yumaong grandparents. Matagal ng walang nakatira sa bahay na ‘to, since kailan lang namin nalaman na kami pala ang legal and true tagapagmana ng bahay. ‘Di rin namin kaagad naasikaso, dahil sa city kami nakatira at sa city ang aming buhay.
One summer, for a change, gusto naming ma-experience mag-staycation since malapit lang sa dagat ‘yung bahay, kaya more time akong mag-swim swim doon, mag-practice maging si Little Mermaid. Pero before kaming magbakasyon sa mancion, nag-join forced muna kami ng ate ko na i-check at linisan ang bahay.
Sobrang ganda ng bahay at sobrang laki. In fairness, mabilis linisin ang bahay kasi walang gamit, wawalis-walisin lang siya at i-remove ang mga alikabok. ‘Di na namin inalis ang mga spider web dahil busilak naman ang kalooban ng mga spiders. Helpful din sila sa pag eliminate ng mga lamok sa mancion.
Walang kuryente sa mancion, kaya gumamit kami ng generator.
One week after naming maglinis, bumalik kami ng ate ko sa mancion para nga mag-staycation, this time kasama niya na kambal niyang anak na lalaki, 4 years old. So far, wala naman kaming nararamdamang kakaiba sa mancion, normal lang naman, parang wala lang. Boring. Hindi ka gaya sa mga horror movie na may bubukas na pinto o kaya gripo na wala namang tao, may biglang dadaan sa likod mo.
Kaya one night, enjoy na enjoy ko ang pagbabad sa bath tab with candle lightning. Umiinom din ako ng wine para mukha akong taga pagmana ni Don Emilio at pinaplano ang paghihiganti sa umapi sa akin. Pero nasira ang lahat ng ‘yun matapos kong mabilaukan. Napasukan pala ng ipis ang wine ko.
Habang nagbababad naisip ko din kung meron nga kayang multo sa mancion, pero ‘di ko naman sila nakikita kaya ‘di ako natatakot, so nagbiro nalang ako.
“Kung may kaluluwang nasa loob ng kubeta na ito, halika hilurin mo ako!” At tumawa ako na parang kontrabida, pero naputol ang tawa ko ng may naramdaman akong sumuldot sa likuran ko. Bigla akong na pa “ayyyyy.” Na-scared ako kaya nagtapis ako at tumakbo papunta sa ate ko sa sala.
“May sumuldot sa likod ko.” Sabi kong ganon habang nagluluto ‘yung ate ko.
“Check mo baka may daga, baka ma leptospirosis ka.” Sabi ni ate.
“Tingnan mo nga kung may kagat?” Pinakita ko kay ate ang likod ko. “Pero parang ‘di naman siya kagat, suldot siya ng daliri, mahaba ang kuko.”
“Naka-kyutiks ba?” Tanong ni ate.
“Ay komedyante ka? Nagpapatawa?” Sabi ko sa kanya.
“Wala naman, baka naman ipis lang o pako, bumalik ka dun icheck mo nga kasi.” Sabi ni ate na nagpatuloy na sa kanyang linulutong Pad Thai with shrimp, oh di ba sosyal?
Bumalik na lang ako sa CR at binuksan ang ilaw dahil naka-genset naman kami. Wala akong nakitang daga or anything sa bathtub, pero inisip ko nalang na baka ipis lang naman since may ipis nga sa mancion. Kaya sinumpa ko noon na hahanapin ko ang mga ipis sa mancion at dudurugin ko silang lahat hanggang sa lumbas ang green nilang bituka.
Alas 10 ng gabi, nagpatay na kami ng generator para matulog. Nag-apply muna ako ng puting facemask sa harap ng malaki at lumang salamin ng masters bedroom. Habang nakukumpleto ang facemask sa mukha ko, bigla akong natakot… mukha na akong multo. Tapos nag-drink akong water before ko patayin ang ilaw ng kandila. Maliwanag pa rin naman dahil sa liwanag ng buwan.
Nahiga ako para subukang matulog dahil sabi daw ni Dra. Vicky Belo, dapat before 10, tulog na. Pero hindi pa ako inaantok. Kaya nag-isip muna ako ng pampaantok. ‘Di ko naman magalaw ang phone ko kasi on social media hiatus ako, hindi naman ako nagma-masterbate… ‘pag wala p**n. CHAR! Kaya nagpunta nalang ako sa malaking bintana at pinagmasdan ang buwan, char ‘di ko man makita, nasa ibang posisyon ‘yung buwan. Naupo lang ako at iniisip kung ‘saan darating ang umaga?’ Ano ba ‘yan, super bored na ata ako.
Pero kinabahan ako ng slight nang may nakita akong lalaking nakatayo sa ibaba. Naka-pants siya at hoodie, ‘di naman siya mukhang tambay sa kalsada, ‘di ko pa confirm nun pero parang gwapo at mabango. Nagtago lang ako sa kurtina para ‘di niya ako makita. Pero actually, transparent ‘yung kurtina.
After ilang minutes, naglakad na siya papalayo.
Yun ang ginawa ko bago matulog, iniisip ko kung sino ang lalakeng ‘yun. Magnanakaw ba siya? Kasi wala kaming pera sa loob? Katawan ko lang ang mananakaw niya o kaya anak siya ng gustong mag-may ari ng bahay namin at nandito siya para bawiin ito, pero hindi… katatapos lang ng kaso, amin talaga ang bahay. Baka naman serial killer siya ng barrio ito at target niya ang magaganda katulad ko. Ayon nakatulog na nga ako.
TO BE CONTINUED…