Nag-aagaw ang dilim at ang liwanag nang dahan-dahang pumasok si Shin sa kwarto ng amo nitong si Vince, upang gisingin ito nang maaga kagaya ng bilin ni Vince sa butler niya. Kaya naman maagang gumising si Shin upang gisingin ang amo nitong daig pa ang bata kung kumilos. Habang ang amo naman nitong si Vince ay tulog na tulog pa rin na parang wala pa yatang balak gumising.
"Young Master gising na po mahuhuli na po kayo sa flight ninyo," saad ni Shin habang dahan-dahang niyuyugyog ang amo na si Vince.
"Aish! Butler Shin I'm still sleepy let me sleep in a few minutes," sabay taklob ni Vince ng unan sa maamo at gwapo niyang mukha.
"Ganoon po ba, sige sasabihin ko na lang sa mga kaibigan ninyo na mauna na sila pabalik sa Pilipinas," saad ni Shin na akmang lalabas na sana ng kwarto ng amo nitong si Vince.
Mabilis pa sa kidlat na naimulat ni Vince ang kaniyang mata dahil sa sinabi ng kaniyang butler na si Shin. Kung pagmamasdang mabuti tila hindi nalalayo ang edad ni Shin sa amo na si Vince. Sapagkat limang taon lamang ang agwat nito kay Vince, dala nang kahirapan napilitan si Shin na tumigil sa pag-aaral upang makatulong sa nanay at tatay nito sa pagpapa-aral sa lima pa nitong kapatid.
"Yikes! Butler Shin, bakit hindi mo agad sinabi? Muntik ko na tuloy makalimutan na ngayon nga pala ang balik namin sa Pilipinas!" Natatarantang saad ni Vince sa kaniyang butler habang nagmamadali sa pagsusuot ng damit, kagaya ng tipikal na mga lalake tanging boxer short lamang ang suot ni Vince kapag natutulog.
Dala nang pagod ni Vince sa pamamasyal nilang magkakaibigan sa iba’t ibang lugar sa Korea, muntik na niyang makalimutan na ngayong araw ang balik nila sa Pilipinas. Bukod dito, sa Korea rin nabuo ang grupo nilang magkakaibigan. Dulot ng panganib na naghihintay sa kanila kaya naisip ni Vince at ng mga kaibigan niya na bumalik na sila sa Pilipinas. Isama mo pa rito na umaasa rin si Vince na muli niyang makikita ang taong lubos na mahalaga sa kaniya na pinangakuan niyang babalikan niya. Kagaya ni Ice Queen, parehas lamang na nanganganib ang buhay nila, sapagkat may mga tao na nais din na pumatay kay Ice Queen. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na ang grupo ni Vince at Ice Queen ang siyang kinatatakutan sa mundo ng mga gangsters.
“Dude, bakit malalim yata ang iniisip mo diyan?” tanong ni Jonathan kay Vince na tila ba naguguluhan sa ikinikilos ng kaibigan nito.
Isa si Jonathan Borromeo sa mga kaibigan ni Vince na may edad na labing-walong gulang. At mas matanda rin ito ng isang taon kay Vince. Bukod dito, nagmamay-ari ang pamilya nila ng ‘Biggest Shipping Line’ sa iba’t ibang bansa.
“Wala lang dude. Excited lang ako dahil babalik na ulit tayo sa Pilipinas!” Nakangiting saad ni Vince habang kumakain ng chocolate cake with cherry on top.
“Tamang-tama dude may nakilala akong babae at may date kaming dalawa,” nakakalokong ngisi ni Jonathan kay Vince na nababakas sa mukha ang kalituhan dahil sa sinabi ng kaibigan.
Kaagad na umasim ang mukha ni Vince dahil sa narinig sa kaibigang si Jonathan. Hindi akalain ni Vince na hanggang ngayon ay Cassanova pa rin pala si Jonathan. Hanggang sa napanguso na lang si Vince nang mapagtanto niya na maaaring magalit ang mommy niya, kapag sumama siya sa pakikipag-date ni Jonathan.
“Wala naman akong pakialam kung may date ka dahil wala naman akong balak na sumama sa date ninyo,” pahayag ni Vince kay Jonathan habang naka-pout at tila naiinis sa kaibigan niya.
“May pakialam ka dahil kayo ang may-ari ng ‘Biggest Toy Company’ dito sa Pilipinas pati na rin sa Thailand,” muling pangungulit ni Jonathan kay Vince na nababakas sa mukha ang pagka-asar sa kaibigang babaero.
Hindi tuloy maiwasan ni Vince na hindi mainis kay Jonathan dahil sa pangungulit nito sa kaniya. Naaasar din siya kung, bakit sila lamang dalawa ang gising sa private plane nilang sinasakyan?
“Ano naman ang gusto mong gawin ko?”
“Simple lang dude tutal mayaman ka naman bigyan mo ako ng maaari kong ibigay sa magiging date ko,” seryosong saad ni Jonathan kay Vince habang umiinom ng mango shake.
“Fine! Alam ko naman na hindi lang siya ang bibigyan mo palibhasa mahilig ka sa babae!” nakangusong saad ni Vince habang sinasamaan ng tingin ang kaibigan niyang tila pinaglihi yata sa pagiging babaero.
Sa halip na sagutin ni Jonathan ang kaibigang si Vince na hanggang ngayon ay nakanguso pa rin, isang malakas na tawa ang pinakawalan nito habang minamasdan ang kaibigan na tila nalugi sa negosyo. Tila ba nasanay na si Vince sa ginagawa ni Jonathan, sapagkat alam niya na parang nagpapalit lamang ng damit si Jonathan kung ipagpalit nito ang mga babaeng nakaka-date nito. Naisip din ni Vince ang palaging sinasabi ng mommy niya na maging mabait sa kapwa niya. Kaya nga hindi na nagdalawang-isip si Vince na ilibre ang kaibigan niya. Ilang oras pa ang lumipas ng lumapag ang eroplanong sinasakyan nina Vince at kaagad namang nakaramdam ng tuwa ang puso ng binata.
"Yehey! Sa wakas nasa Pilipinas na rin kami!" Nagagalak na saad ni Vince sa sarili habang nagtatatalon na parang bata. Dahilan upang mapatingin kay Vince ang mga kaibigan niya na tila ba hindi makapaniwala sa inasal ng kaibigan nila.
Hindi maitatanggi ni Vince sa kaniyang sarili ang kagalakan ng muli silang makabalik sa Pilipinas. Laking pasasalamat na lamang nila na ang pinsan niyang si Blake ang anak ng may-ari ng paaralan na kanilang pinapasukan, kung kaya’t wala na silang problema sa enrollment. Kaya nga hindi mawala-wala sa labi ni Vince ang ngiti niya dahil naisip niya na hindi na niya kailangan pang pumila ng pagkahaba-haba para lamang makapagpa-enroll.
“Tsk! Mabuti na lang talaga at kayo ang may-ari ng paaralan na pinapasukan natin, dahil kung hindi sigurado akong kailangan pa nating pumila ng pagkahaba-haba para lang makapagpa-enroll,” nababanas na pahayag ni Jonathan habang naglulumikot ang mata sa kakatingin sa mga babaeng nakakasalubong nila.
“I'm the son of the owner of our school so it means I'm the one who rules our school,” seryoso at malamig na asik ni Blake sa mga kaibigan nito.
Tanging pag-iling na lamang ang nagawa ni Jonathan samantalang si Vince naman ay tila isang bata na pinagalitan ng isang ina, dahil sa hilatsa ng mukha niya na tila takot na takot. Bukod dito, ang pinakaayaw din ni Blake ay iyong mga babaeng naghahabol sa mga lalake sapagkat para kay Blake ang nais nito ay iyong ito ang maghahabol sa mga babae. Isang malalim na buntong-hininga naman ang ginawa ni Vince habang iniisip ang taong pinangakuan niyang babalikan niya. Kung pagmamasdang mabuti hindi maitatanggi ang kagwapuhan kay Vince, na kahit isip-bata siya ay marami pa rin na nahuhumaling sa kaniya. At ang mamula-mula niyang mga labi at ang matangos niyang ilong ay tila kaakit-akit para sa mga kababaihan.
“Nasaan na kaya siya?” piping tanong ni Vince sa kaniyang sarili.
SA KABALING DAKO, may dalawang babae na tila ba nagmamadali sa pag-alis na para bang may hinahabol silang oras o tao. Mababakas din sa kilos nila na para bang hindi sila magkaintindihan sa pagkilos nila makaalis lamang agad sila sa kanilang tinutuluyang mansyon. Habang panay naman ang pagmamasid sa labas ng binata ng isa sa kanilang dalawa na para bang may tinataguan silang mga tao.
"Clown Princess, pwedeng dalian mong magligpit ng mga gamit mo! Kailangan na nating umalis at baka maabutan pa nila tayo," malamig na saad ng misteryosong babae na tila ba kikilabutan ka sa tono ng pananalita niya.
"Heto na nga nagmamadali na po mahal na reyna," sagot naman ni Clown Princess na tila ba nagmamadali sa ginagawa nitong pag-aayos ng damit.
Hindi lingid sa kaalaman ng dalawang babae na may lihim ng nagmamasid sa kilos nilang dalawa. Tila ba nag-aabang na lamang sa gagawin nila ang mga misteryosong tao na nakasuot ng itim na damit na parang sa ninja. Isama mo pa rito na para bang handang-handa na ang mga ito sa gagawin ng mga itong pakikipaglaban sa dalawang babae na binabantayan nila.
"Tsk! Kahit kailan talaga ang bagal mong kumilos," Ice Queen said with the bored look written on her face.
Ang dahilan kung bakit sila nagmamadali ay dahil sa mga taong gustong pumatay sa kanila. Bukod dito, ay mayroon din silang flight na hinahabol at nag-aalala sila na baka maiwan sila ng eroplano na kanilang sasakyan. Samantalang nababakas naman sa mukha ni Ice Queen na naiinip na siya dahil sa kabagalan ni Clown Princess.
"Saan ninyo balak pumunta? Anong akala ninyo matatakasan ninyo kami basta-basta?" saad ng isang assassin na tila nagyayabang sa dalawang babae.
Samantalang tanging pag-iling ang siyang nagawa ni Ice Queen habang matiim na nakatitig sa mga assassin na humarang sa kanila. Para bang hindi man lang kababakasan ng takot sa maganda niyang mukha si Ice Queen sa halip isang ngisi ang pinakawalan niya sa mga ito.
"Ano ba sa tingin ninyo ang ginagawa namin malamang tatakas? STUPID!" malamig na saad ni Ice Queen na tila nandidiri sa presensiya ng mga assassin na humahabol sa kanila.
"Gosh! Anong gagawin natin Ice ang dami nila baka hindi natin sila kayanin," natatarantang sambitla ni Clown Princess kay Ice Queen na tila naiyamot sa ginawang pagsigaw sa harapan nito.
Sa halip na sagutin ni Ice Queen si Clown Princess sinenyasan niya ito na kailangan na nilang tumakbo. At tila kasing bilis ng kidlat ang ginawa nilang pagtakbo makatakas lamang sa mga humahabol sa kanila. Hindi man aminin ni Ice Queen ngunit tila nakaramdam siya ng inis sa sarili, sapagkat tila duwag sila na tinatakasan ang humahabol sa kanila. Mas lalo pang nainis si Ice Queen kapag naaalala niya ang kabagalan ni Clown Princess, kaya naabutan sila ng mga assassin na nais pumatay sa kaniya.
Bukod dito, nangangamba rin si Ice Queen na baka mahuli sila sa flight nila pabalik sa Pilipinas. Hanggang sa tila naramdaman ni Ice Queen na may paparating sa gawi niya. At hindi nga siya nagkakamali sapagkat nakita niya ang tatlong shuriken na patungo sa gawi niya. Mabilis na yumuko si Ice Queen upang iwasan ang shuriken na patungo sa gawi niya. Dahil dito, isang malamig na tingin ang ipinukol ni Ice Queen sa mga humahabol sa kanila, kasabay naman nito ay ang pagtigil niya sa pagtakbo at nagpasiya na turuan ng leksyon ang mga humahabol sa kanila. Sapagkat, ang pinakaayaw niya sa lahat ay iyong ginugulo siya sa kaniyang pananahimik.
"Clown Princess, are you ready?" malamig na tanong ni Ice Queen habang nababakas ang galit sa maganda niyang mata.
"Of course Ice, kailan ba ako umatras sa laban? So bring it on baby!" saad ni Clown Princess na may nakakakilabot na ngiti na nakapaskil sa labi nito.
Kasabay nito ay dahan-dahang nilabas ni Clown Princess ang katana na nakalagay sa itim na lalagyan na hawak-hawak nito. Mabilis namang sinugod ni Clown Princess ang assassin na humahabol sa kanila, gamit ang katana nito walang awa nitong hiniwa ang dibdib ng isang assassin. Habang ginilitan naman ni Clown Princess sa leeg ang assassin na akmang sisipain ang dalaga sa bandang likuran nito. Hindi pa nakuntento si Clown Princess sapagkat mabilis nitong tinusok ng katana ang assassin sa may tiyan na akmang ipapalo sana ang baseball bat na hawak nito sa likuran ni Ice Queen.
Samantalang tila walang pagod naman sa kakasuntok si Ice Queen sa dalawang assassin na sumugod sa kaniya. Hindi pa siya nakuntento at mabilis na sinugod ang mga ito at kaagad niyang sinuntok sa dibdib ang isa, dahilan para tumigil sa pagpintig ang puso nito. Ang isa naman ay kaagad niyang hinawakan ang kamay at pinilipit hanggang sa marinig niya ang paglagutok ng buto nito bago niya tuluyang bitiwan ang kamay ng naghihingalong assassin.
"Tsk! Ang hihina ninyo pala, sabihin ninyo sa nag-utos sa inyo na kung magpapadala ng papatay sa 'kin/sa amin iyong mahihirapan kami sa pakikipaglaban!" Seryoso at nakatiim ang bagang na saad ni Ice Queen habang tinatapakan ang tiyan ng isang assassin na ngayon ay tila isang asong naghihingalo.
Matapos ang madugong pakikipaglaban sa humahabol sa kanila, mabilis nilang nilisan ang lugar na tila parang walang nangyaring sagupaan. Makalipas pa ang tatlumpong minuto ay nakasakay na rin sila sa eroplano na patungo sa Pilipinas.
“Grabe muntik na tayong hindi umabot sa flight natin!” Magalgal na pahayag ni Clown Princess habang may kinakain na suman.
“Oo. Dahil kung bumilis ka lang ng kilos hindi nila tayo maaabutan. Kahit kailan talaga ang bagal-bagal mong kumilos.”
“Ang mean mo talaga tutal ang sungit-sungit mo sa ’kin. Ililibre mo ako sa Mall ninyo.”
Dahil sa kadaldalan at kakulitan ni Clown Princess nababagot na sumang-ayon na lamang si Ice Queen. Hindi rin lubos maisip ni Ice Queen kung, bakit ang hilig-hilig ni Clown Princess na mag-shopping?
“Fine! Tumahimik ka lang dahil nakakarindi ang boses mo.”
“Thank you. Hindi ka naman malulugi kasi kayo ang may-ari ng pinakamalaking Mall sa Korea at Pilipinas.”
Sa halip na sagutin ni Ice Queen si Clown Princess ipinikit na lamang niya ang mga mata at nagpadala sa kaniyang antok. Makalipas ang ilang oras naramdaman ni Ice Queen na ginigising siya ni Clown Princess. Hanggang sa naramdaman na lamang niya na papalapag na ang eroplano nilang sinasakyan. Sa tagal na rin na hindi bumabalik si Ice Queen sa Pilipinas nakalimutan na rin niya ang pasikot-sikot dito. Ibig sabihin din nito na simula na ang pagiging normal na estudyante nila. Iyong walang away na kahaharapin nila dala nang panganib na naghihintay sa kanila.
“Shocks! Ang init naman pala sa Pilipinas!” maarteng saad ni Clown Princess na nagpapaypay gamit ang kamay nito.
“Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mong babae ka!” malamig na litanya naman ni Ice Queen kay Clown Princess na tila tinalo pa si Lavinia sa kaartehang taglay.
“What! Mainit naman talaga sa Pilipinas, bakit ka ba nagagalit na naman?”
Sa halip na pansinin ni Ice Queen si Clown Princess naglakad na lamang siya upang humanap ng masasakyan nilang taxi. Hindi rin maiwasan ni Ice Queen na uminit ang ulo dahil sa kaartehan ni Clown Princess. Sapagkat sa halip na problemahin kung paano nila mapapanindigan ang pagiging normal na estudyante, pinili pa ni Clown Princess na problemahin ang init sa Pilipinas.