Unang araw pa lang ng pasukan pero mapapansin mo na na tila hindi magkanda-ugaga ang mga babae. May naglalagay ng face powder, mayroon naman na kinakapalan ang lipstick sa labi at ang pinaka-malala ay iyong, ilang babae na sinadyang buksan ang tatlong butones ng uniporme nila. Hanggang sa nakarinig sila ng tunog ng mga sasakyan na tila paparating na. Ganoon na lamang ang lakas ng sigawan ng mga babae nang makita nila na isa-isang bumababa ang mga gwapong lalake na tila ba pinagpala sila ng Panginoon dahil sa taglay nilang kagwapuhan.
"Gosh! Ang pogi ninyo talaga."
"OMG! Blake, take me, take me I'm all yours."
"Argh! You're so hot, Blake!"
Dahil sa lakas ng sigawan ng mga babae hindi maiwasan ni Blake na maiyamot. Sapagkat naririndi ang binata sa malakas na sigawan ng mga babae na tila ba walang bukas kung makasigaw. Samantalang kaagad naman na hinawakan ni Vince si Blake upang makumpira kung mainit nga ito, ngunit, ganoon na lang ang pagkalito niya ng malaman na hindi naman mainit si Blake. Kaya hindi maiwasan ni Vince na mapanguso sapagkat tila ba niloloko lang naman siya ng babae at kung ano-ano ang sinasabi. Ang kinainis pa ni Vince ay ng isigaw ng mga babae na kunin na raw sila ni Blake.
Tila ba daig pa ni Vince ang bata kung makanguso dahil hindi niya matanggap na tila pinalalabas ng mga babaeng sumisigaw, na isang kidnapper si Blake dahil sa sinasabi ng mga ito na kunin na raw sila ni Blake. Habang kaunting-kaunti na lamang ay tila sasabog na sa sobrang inis si Blake dahil sa mga babaeng kulang na lamang ay sambahin sila. Bukod sa pagiging cold ni Blake, hindi nito gusto ang mga babaeng naghahabol sa mga lalake na tila ba isang aso. Hindi rin maitatanggi na may angking kagwapuhan ang isang Blake Christian Monteverde, bukod sa pagiging matangkad nito, kapansin-pansin din ang matangos nitong ilong at ang labi nitong mamula-mula na tila kay sarap halikan, isama mo pa ang makinis nitong mukha na tila mahihiyang tumubo ang tagihawat sa sobrang kinis nito.
Isa pa sa kinaayawan ni Blake ay ang mga babaeng maiingay na daig pa ang manok kung tumalak nang tumalak. Ayaw din nito sa mga babaeng kulang na lang ay maghubad sa harapan sa sobrang iksi ng mga suot ng mga ito. Kung kaya’t hindi na kataka-taka para kay Blake na may ibang mga babaeng nababastos, sapagkat sarili nga nila hindi magawang irespeto iyong ibang tao pa kaya. Samantalang tila isang bata na nag-iisip si Vince kung ano ba ang dapat niyang gawin sa mga babaeng daig pa ang nakakita ng mga artista kung makasigaw. Para bang kung makasigaw ang mga ito ay kulang na lamang ay mapunit ang lalamunan ng mga ito. Hanggang sa naalala niya ang sinabi ni Blake noong nakaraang linggo sa kanilang Panjama Party.
“Mga prinsesa kayo kaya huwag kayong maghabol sa amin na parang aso. Dahil ang naghahabol lang ay mga aso at hindi kayo aso dahil PRINSESA kayo,” malamig na turan ni Blake.
Tila ba sariwa pa rin sa isip ni Vince ang binitawang salita ng pinsan niyang si Blake sa isang babae na bigla na lamang nakisali sa Panjama Party nila. Sapagkat hindi maalis sa isip ni Vince ang narinig at nakita niya ng mga araw na ‘yon kung saan palihim niyang sinundan si Blake. Nagulat na lamang siya nang makita niyang may kausap na babae si Blake na tila ba nahihiya pa sa pinsan niya ang hindi niya kilalang babae.
“Dude, bakit kanina pa kitang napapansin na nakanguso at nakakunot ang noo?” naguguluhang tanong ni Kyle kay Vince habang nakapamulsa sa suot nitong pantalon.
Isa rin si Kyle sa mga kaibigan ni Vince, si Kyle Xander Santinel ay parehas lamang ang edad sa pinsan ni Vince na si Blake. Bukod sa ito ang genius sa grupo nina Vince ito rin ang tagapagmana ng kompanya nila.
“Naiinis na kasi ako sa mga babaeng ito ang ingay-ingay nila,” naka-pout na saad ni Vince kay Kyle habang nababakas sa gwapo niyang mukha ang pagkainis sa mga maiingay na babae.
“Hayaan mo na sila huwag mo na lang silang pansinin,” saad naman ni Kyle habang nakatitig kay Jonathan na tila ba tuwang-tuwa na pinagkakaguluhan ng mga babae.
Sa hindi malamang dahilan hindi alam ni Vince kung bakit tila ba may galit sa babae ang kaibigan niyang si Jonathan. Tila ba damit lamang na madaling palitan ang mga babae para kay Jonathan. Dala nang inis ni Vince nagpasya siya na umalis na lang upang pumunta sa Canteen ng School nila para bumili ng paborito niyang orange juice. Sa mga oras din ‘yon tila ba gustong tawagan ni Vince ang mommy niya dahil sa mga babaeng walang tigil sa pagsigaw. Dahil sa lutang si Vince habang naglalakad hindi niya namalayan na may nakabangga na pala siya dahilan para matapon ang juice na kabibili lamang niya sa Canteen.
"Tsk! What the! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" malamig na turan ng babaeng tila ngayon lamang nakita ni Vince sa School na pinapasukan niya.
Sa hindi malamang dahilan kaagad na nilukob ng takot ang puso ni Vince dahil sa malamig na tingin na ipinupukol sa kaniya ng babaeng kaharap niya. Kaagad namang napayuko si Vince sa takot sa babaeng kaharap niya, hanggang sa dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya sa babaeng kaharap niya habang nakangusong nakatingin sa babae.
"Omo! Sorry, Miss! Hindi ko talaga sinasadya," saad ni Vince sa babaeng kaharap niya at tila ba kaunti na lang ay tutulo na ang luha ng binata. Tila ba isang bata si Vince na hinahanap ang presensiya ng pinsan niyang si Blake upang humingi ng tulong.
"Tsss! I'm fine. Pasalamat ka at nagmamadali ako."
Sa mga oras na ‘yon kaagad na nakahinga nang maluwag si Vince dahil sa sinabi ng babaeng kaharap niya. Ngunit hindi pa rin mawawala ang takot na lumulukob sa puso ni Vince, sapagkat tila ba napa-praning siya na baka anytime ay bigla na lamang siyang kagatin sa braso ng babaeng kaharap niya.
"Sorry talaga Miss, saan ka ba pupunta at nagmamadali ka?" hinging paumanhin ni Vince sa babaeng kaharap niya habang naka-pout sabay yuko sa harapan ng dalaga.
"Malamang hinahanap ko ang room CH213,” seryoso at malamig na turan ng dalaga kay Vince habang palinga-linga sa paligid na tila ba may hinahanap.
"Yehey! Classmate pala kita gusto mo sabay na lang tayong pumunta sa room," malakas na pahayag ni Vince sa babaeng kaharap niya habang tila isang bata na taas-baba ang kilay.
"Tsk! Pwede bang huwag kang sumigaw nakakarindi ka," seryosong saad ng dalaga kay Vince habang nakataas ang isa nitong kilay.
Kaagad namang bumalik ang takot ni Vince dahil sa paraan ng pagtitig sa kaniya ng dalaga. Tila ba kahit wala itong ginagawa ay kikilabutan ka na, dahil sa lamig ng boses nito at ang maganda nitong mukha na hindi man lang mababakasan ng kahit anong emosyon.
"Hehehe! Sorry Vince nga pala!" Masayang pahayag ni Vince sa babaeng kaharap niya sabay lahad ng kamay niya na parang bata na humihingi ng shake hands sa kausap.
"Sofia, by the way. Tsk! Such a childish!”
Hindi malaman ni Vince kung bakit tila ba pamilyar sa kaniya ang presensiya ni Sofia. Tila ba nakasalamuha na niya ito hindi niya lamang matandaan kung saan at kailan. Habang patungo sila sa classroom nila kaagad namang kinulbit ni Vince si Sofia na siya namang ikinalingon ng dalaga.
“What?”
“Hehehe! P-Pwede bang daan muna ulit tayo sa Canteen? Bibili lamang ako ng waffle,” nakangusong pahayag ni Vince kay Sofia na tila ba nauubusan na nang pasensiya.
Walang nagawa si Sofia kung ‘di sumang-ayon na lamang sa kagustuhan ni Vince. Bukod sa hindi nito alam ang room nila nakaramdam din ng inis ang dalaga kay Sapphire. Sapagkat malinaw pa sa tubig ang usapan nilang dalawa na sabay silang papasok ngunit ang kinalabasan ay mag-isa lamang si Sofia dahil sa nauna na ang kaibigan nitong si Sapphire. Hanggang sa naalala ni Sofia kung bakit tila pamilyar si Vince, sapagkat ang binata ‘yong nakita ng dalaga na kumakain ng ice-cream sa Airport. Sa katotohanan hindi na dapat maaalala ni Sofia si Vince kung hindi lamang sa hitsura ng binata sa Airport na daig pa ang isang bata dahil sa dami ng amos sa mukha.
Nang makabili sila ng waffle ni Vince tila napansin ni Sofia na masamang tingin ang ipinupukol ng mga kababaihan na estudayante sa gawi nito. Sa halip na pagtuunan pa ito ng pansin binalewala na lamang ni Sofia ang mga impaktang babae na kulang na lang ay matunaw ang dalaga sa masasamang tingin ng mga ito. Habang naglalakad sila ni Vince patungo sa classroom nila napansin ni Sofia ang mga impit na tili ng mga babaeng estudyante kapag dumadaan sa harap nila si Vince. Kung kaya’t napapailing na lamang si Sofia sa mga inasta ng mga babaeng estudyante. Tila ba basta gwapo ay titilaan na kaagad ng mga ito. Kaya’t hindi na nagtataka si Sofia kung bakit marami ng nasasaktan ngayon, dahil may mga ibang babae na gwapo ang hanap pero manloloko naman.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating sila sa Classroom nila, kaagad namang natanaw ni Sofia si Sapphire na prenteng nakaupo habang may kakaibang tingin na ipinupukol dito. Samantalang tila wala namang pakialam si Vince sa paligid dahil patuloy pa rin ang binata sa pagkain ng waffle niya. Pagkaupong-pagkaupo pa lamang ni Sofia ay kaagad itong niratrat ng tanong ni Sapphire.
“Ano ‘yon Sofia? Bakit sabay kayo ng lalaking ‘yon? Don’t tell me boyfriend mo siya?” hindi makapaniwalang tanong ni Sapphire kay Sofia na ngayon ay mariing nakatitig sa babaeng kaharap nito.
“Mananahimik ka o bubusalan ko ‘yang bibig mo,” malamig at seryosong saad ni Sofia kay Sapphire na tila ba nabigla pa sa paraan ng pagsasalita ni Sofia.
Kung pagmamasdang mabuti ang kaanyuan ni Sapphire Ashley Luego, hindi maitatanggi na nagmula ito sa mayamang pamilya. Batay na lamang sa kinis at puti ng balat nito, tila ba naghuhumiyaw ang karangyaan nito. Ang matangos nitong ilong na tila ba bumagay sa maliit nitong mukha, isama mo pa ang labi nito na tila kay pula kahit walang lipstick. Bukod dito, hindi mo aakalain na saksakan ito ng daldal na tila ba hindi ito napapagod sa kakasalita nito. Dahil sa sinabi ni Sofia kaagad namang natahimik si Sapphire sapagkat alam nitong walang magandang kalalabasan kapag pinagpatuloy pa nito ang pagtatanong kay Sofia. Sapagkat alam ni Sapphire na ang pinakaayaw sa lahat ni Sofia ay ‘yong mga taong maiingay.
Nang mga oras din iyon tila ba gustong-gusto nang mambugbog ni Sofia dahil sa kaingayan ng mga kaklase nito. Isama mo pa rito ang ilang kababaihan sa Classroom nila na kulang na lamang ay patayin si Sofia sa mga masasamang titig na ipinupukol sa dalaga. Sa halip na patulan pa ni Sofia ang mga papansing kaklase nito mas pinili na lamang ng dalaga na ipikit ang mga mata.
Hindi rin lubos maisip ni Sofia kung bakit napagkamalan itong girlfriend ni Vince, samantalang nagkasabay lamang naman sila sa pagpasok. Naiinis din ang dalaga kapag naaalala nito iyong mga babae na kulang na lang ay magpakamatay dahil lamang sa iniwan sila ng mga kasintahan nila. Tila ba para kay Sofia, isang kahangalan na gawin mundo ang dapat ay tao lang.