Chapter Five: Childhood Memories (Part 1)

1692 Words
Dahil sa hindi inaasahang pangyayari muling bumalik ang mapait na nakaraang nangyari sa buhay ni Sofia. Nakaraang nais na niyang kalimutan ngunit tila ba lagi siyang kinakain ng kaniyang konsensya. Hindi man niya ninais ang nangyari ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang sinisisi ang sarili. Kaya nga kaagad siyang nagpahatid kay Vince upang makaalis na sa lugar na ni minsan ay hindi niya naisip na muli niyang babalikan. Bagamat napansin ng dalaga na gustong magtanong ng binata hindi na lamang niya ito pinansin sapagkat hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa nakaraan niya.   Mataas ang sikat ng araw ngunit tila ba walang pakialam ang dalawang batang nag-uusap habang may ngiting nakapaskil sa kanilang mga mumunting labi. Para bang kahit mataas ang sikat ng araw ay wala man lang sa mga ito sa halip pinagpatuloy lamang ng mga ang paglalarong ginagawa nila.   "Rea, tara laro tayo sa Park please,” saad ng batang si Vanvan habang naka-puppy eyes na kaharap sa batang babae.   "Pero, Vanvan hindi ba sabi ng mommy mo bawal kang umalis kasi baka mapahamak ka," nag-aalalang sambitla ni Rea sa harapan ni Vanvan.   Dahil sa sinabi ni Rea kaagad namang nalungkot si Vanvan sapagkat nais talaga nitong maglaro silang dalawa sa may Park. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Rea ang bigla na lamang pagsimangot ng kalarong si Vanvan, isama mo pa rito na nanghahaba na rin ang nguso nito.   "Pero, Rea naman dali na kasi sandali lang naman tayo sige na please,"  muling saad ni Vanvan habang naka-pout sa harapan ni Rea na tila ba nagpapa-cute sa harapan ng batang babae.   "Sige na nga, pero promise mo sandali lang tayo,"  pagsang-ayon ni Rea kay Vanvan na tila ba natuwa sa narinig na sagot sa batang babae.   "Yehey! Salamat Rea, the best ka talaga,” sabay yakap ni Vanvan kay Rea dahil sa sobrang katuwaan.   Habang masayang naglalaro sina Vanvan at Rea sa Park bigla na lamang may lumapit sa kanila na mga goons at mabilis na hinila si Vanvan, habang pilit itong pinapasakay sa sasakyang tumigil sa harapan nila. Dahil dito, kaagad na nakaramdam ng takot ang batang si Rea sa maaaring mangyari sa kanila ni Vanvan. Bagamat may takot na nararamdaman si Rea matapang niyang pinigilan ang mga goons na balak dumukot kay Vanvan. "Hoy! Mga pangit na goons bitiwan ninyo si Vanvan! Saan ninyo siya dadalhin?" matapang na tanong ni Rea sa mga pangit na goons habang pinagpapapalo ang braso nito.   "Pwede ba bubwit huwag kang magulo kung ayaw mong pati ikaw ay saktan ko!" matapang na saad ng isang goons kay Rea sabay tulak nito sa batang babae.   "Ano ba kailangan ninyo sa akin? At saka wala kang karapatan saktan si Rea!” galit na pahayag ni Vanvan sa mga bad goons na nanakit sa kaibigan nitong si Rea.   "Aba matapang kang bata ka! Sige na dalhin na rin natin itong isa pang bubwit mahirap na baka magsumbong pa ito sa mga pulis," tila nakakatakot na saad ng goons sa kapwa pangit na goons na kasama nito.   Hanggang sa bigla na lamang na binuhat ng mga hindi kilalang tao ang dalawang bata at mabilis na ipinasok sa sasakyan hanggang sa bigla na lamang may pinaamoy ang mga ito sa dalawang bata dahilan para mawalan sila nang malay. Nang mawalan ng malay ang dalawang bata kaagad namang nakahinga nang maluwag ang grupo na dumukot sa dalawang bata. Sapagkat, hindi na nila kailangan pang mangamba na baka magsisigaw ang mga ito na maging dahilan pa upang mabulilyaso ang plano nila.   Makalipas pa ang ilang oras ng makarating ang hindi mga kilalang tao sa isang lumang Warehouse, kasama ang dalawang bata na wala pa rin malay. Ilang minuto pa ang lumipas ng magising ang batang si Rea na kaagad nakaramdam ng takot sapagkat hindi niya alam kung nasaan silang lugar. Bukod dito, natatakot din siya sa maaaring mangyari sa kanilang dalawa ni Vanvan.   "Vanvan, anong gagawin natin natatakot na ako?" mahinang tanong ng batang si Rea habang patuloy na umiiyak sa harapan ng batang si Vanvan.   "Tahan na Rea huwag kang matakot nandito naman ako hindi kita pababayaan," matapang na saad ni Vanvan habang nangingilid na rin ang mga luha nito.   Nang bigla na lamang narinig nina Vanvan at Rea ang usapan ng mga pangit na goons na dumakip sa kanilang dalawa. Kung kaya’t hindi maiwasan ng dalawang bata na kainin ng kanilang takot sapagkat naiisip nila na hindi malabong patayin sila ng mga taong dumakip sa kanila. Isama mo pa rito na hindi nila alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang silang dinukot ng mga ito.   "Pare, anong gagawin natin? Iyong batang lalaki lang ang kailangan natin," saad ng isang dumakip sa kanila na tila ba namomroblema.   "Tawagan muna natin ang mga magulang ng batang lalake at humingi ka ng dalawampung milyon kapalit ng anak nila!" nakangising saad naman ng isang dumakip sa kanila na tila ba asong nauulol.   "Sige pare, paano naman 'yong batang babae. Anong gagawin natin sa kanya?"    "Patayin na lang natin siya wala naman siyang pakinabang at saka iyong batang lalake lang naman ang kailangan natin."    Dahil sa narinig nina Vanvan at Rea kaagad namang napaiyak lalo ang batang babae sapagkat hindi nga sila nagkakamali ng iniisip nila dahil may balak talaga ang mga ito na patayin ang isa sa kanila. Kaya kaagad na napaisip ang batang si Rea kung paano na lamang ang magulang niya kapag namatay na siya. Naisip din ni Rea na kawawa naman si Vanvan kapag namatay siya kaagad dahil mawawalan ng kalaro si Vanvan.   "Rea tahan na dali lapit ka rito tatanggalin ko ang tali mo," mahinang saad ng batang si Vanvan na tila determinadong makaalis sa lugar na pinagdalhan sa kanila.   "Paano mo natanggal ang tali mo?" nagtatakang tanong ng batang si Rea kay Vanvan habang may luha pa rin dumadaloy sa maganda niyang mata.   "Maluwag lang kasi ang pagkakatali nila sa akin kaya madali kong natanggal ang tali," mahina pa ring saad ni Vanvan habang mabilis na tinatanggal ang tali sa paa at mga kamay ng batang si Rea.   Nang matanggal na ni Vanvan ang tali sa kamay at paa ni Rea dahan-dahan silang kumilos upang makaalis sa lugar na ‘yon. Habang tahimik nilang binabagtas ang daan palabas, kaagad namang sumilay ang magandang ngiti ni Rea ng makalabas sila ng lumang Warehouse. Ngunit, kaagad namang nawala ang magandang ngiti ng batang si Rea nang makita sila ng mga nagbabantay sa labas ng Warehouse. Hanggang sa ang ngiti ni Rea ay bigla na lamang nawala sa takot na nararamdaman niya dahil nahuli silang tumatakas ng mga taong dumukot sa kanila.   "Anong akala ninyong dalawa makakatakas kayo sa amin!" nakakatakot na saad ng bantay kina Vanvan at Rea habang may nakakalokong ngisi na nakapaskil sa labi nito.   Kaagad namang humigpit ang kapit ni Vanvan kay Rea at kaagad na may ibinulong sa batang babae. “Tahan na pagsabi kong takbo, tatakbo kaagad tayo.”   Kagaya nga ng sabi ni Vanvan kaagad silang tumakbo nang mabilis upang makalayo sa nagbabantay. Ngunit, ganoon na lamang ang takot ng dalawang bata, nang makarinig sila ng pagputok ng baril. Ganoon na lamang din ang takot ni Rea ng makita niyang mayroong tama ang balikat ni Vanvan, dahilan upang mas lalo pa siyang mapaiyak sa takot at pag-aalala sa kababata.   "Vanvan may tama ka sa balikat mo!" natatakot na saad ng batang si Rea habang palinga-linga sa paligid.   "Ayos lang ako Rea kailangan lang natin makaalis dito," saad naman ni Vanvan na tila ba hindi man lang nababahala sa dumudugo nitong balikat.   Hanggang sa sunod-sunod na nakita ni Rea ang mga pulis na tutulong sa kanila ng kababatang si Vanvan. Ngunit ganoon na lamang ang takot sa puso ni Rea ng bigla na lamang himatayin si Vanvan, kasabay naman nito ang isang ambulansya na tila ba kararating lamang. Kaagad na naging mabilis ang kilos ng mga rescuer upang buhatin ang walay malay na si Vanvan. Wala namang sinayang na oras ang mga ito at kaagad na umalis patungo sa malapit na Ospital habang hawak-hawak naman ni Rea ang kamay ni Vanvan na ngayon ay malay.   Ilang minuto lamang ang naging biyahe at kaagad silang nakarating sa Ospital upang tingnan ang kalagyan ni Vanvan. Kung kaya’t walang nagawa ang batang si Rea kung ‘di ang tahimik na umiyak sa isang tabi habang nakayuko na tila ba nahihiya sa mommy ni Vanvan.   "Tita, sorry po. Kasalanan ko po ang lahat ng ‘to kung hindi sana kami pumunta ng Park hindi sana mapapahamak si Vanvan!" lumuluhang saad ng batang si Rea habang nakayuko sa harapan ng mommy ng kababata niyang si Vanvan.   Tila ba ng mga oras na ‘yon sinisisi ni Rea ang sarili, sapagkat kung hindi siya pumayag na maglaro sila sa Park wala sanang masamang mangyayari sa kababatang si Vanvan. Akmang magsasalita sana ang mommy ni Vanvan ng makita nitong papalapit ang doktor sa gawi nila ng batang si Rea na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Sa paraan pa lamang ng pag-iyak ni Rea mahahalata mo na sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari sa kababata niyang si Vanvan.   "Excuse me, Ma’am, kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" may paggalang na tanong ng doktor sa taong kaharap nito.   "Ako nga po. Kumusta po ang kalagayan ng anak ko?" saad ng mommy ni Vanvan na tuluyan ng napaiyak dahil sa sinapit ng anak.   "Didiretsahin ko na po kayo, 50-50 po ngayon ang lagay ng anak ninyo, dahil na rin sa maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya nanganganib ang buhay niya ngayon."  Dahil sa narinig nila mas lalo silang napaiyak dahil sa lagay ni Vanvan. Tila ba ng mga oras na ‘yon, mas lalong sinisi ni Rea ang sarili niya dahil sa sinapit ng kababata. Kaagad namang napaupo ang mommy ni Vanvan sapagkat hindi nito matanggap ang sinapit ng anak. Kung kaya’t walang magawa ang batang si Rea kung ‘di ang sabayan na lamang sa pag-iyak ang mommy ni Vanvan. Bukod dito, hindi rin maalis sa isip ni Rea na kasalanan niya ang lahat kung bakit nasa peligro ngayon ang buhay ng kababata niyang si Vanvan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD