Chapter Four: Oh No! She's Sick!

1890 Words
Kay ganda ng sikat ng araw ngunit tila ba daig pa ni Sofia ang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa tindi ng pagkunot ng noo niya. Bukod dito, nag-aalala rin siya na baka bigla na lang dumugo ang sugat niya dulot ng pakikipaglaban niya sa mga taong bigla na lamang humarang sa kaniya. Bagamat may kaunting kirot na nararamdaman pinagsawalang bahala na lamang niya ito at mabilis na kumilos upang umalis patungo sa kanilang paaralan. Kapapasok pa lang niya ng klasrum nila ay kaagad na siyang sinalubong ni Vince na tila ba isang bata kung makangiti sa harapan niya.   "Good morning, Sofia!" masayang bati sa kaniya ni Vince na may malapad na ngiti na nababakas sa mamula-mula nitong labi.   Sa pinapakitang kilos ni Vince daig pa nito ang nakalaklak ng isang kahon ng Enervon dahil sa pagiging hyper ng kilos nito. Isama pa ang pagiging malakas ng boses nito na tila ba nakakita ng bagong makakalaro. Para bang hindi man lang yata ito nakararamdam ng lungkot kahit kaunti man lang dahil sa palagi itong nakangiti tuwing makikita niya ang binata.   "Pwede ba huwag kang sumigaw nakakarindi ka alam mo ba 'yon, daig mo pa ang bakla kung makasigaw!" saad ni Sofia habang may nanlilisik na mata na ipinukol sa lalaking kaharap niya.   "Sofia naman ang bad mo talaga pagdating sa 'kin," sagot ni Vince kay Sofia habang naka-pout at sabay akbay niya sa dalaga.   Dahil sa ginawang pagnguso ni Vince mas lalo lamang nairita si Sofia dahil tila ba nagmumukhang aso sa paningin niya ang binatang si Vince. Kasabay pa nito ang pag-akbay sa kaniya dahilan para matamaan nito ang sugat niya. Kung kaya’t hindi niya maiwasan na mapadaing nang palihim dahil sa kirot na nararamdaman niya dulot ng kaniyang sugat.   “Aray! Tatanggalin mo ‘yang pag-akbay mo sa akin o babalian kita ng buto?” malamig na saad ni Sofia kay Vince na hanggang ngayon ay naka-pout pa rin.   Dahil sa ginawang pag-akbay ni Vince kay Sofia kaagad nakaramdam ng hapdi ang dalaga sa natamo niyang sugat. Kaagad namang nakaramdam ng hilo ang dalaga dala nang sakit na idinudulot ng sugat niya na tila ba may kalaliman. Para bang pakiramdam ng dalaga ay ang bigat-bigat ng pakiramdam niya dulot ng kaniyang sugat hanggang sa naramdaman na lamang niya na parang nahihilo siya. “Sofia are you okay?” nag-aalalang tanong ni Angelo kay Sofia.   Isa rin si Angelo Spade Uy sa mga kaibigan ni Vince na may edad na labing-walong taong gulang, nagmamay-ari rin ang pamilya nila ng ‘The Most Luxury Cars’ here in the Philippines. Bukod sa pagiging tagapayo sa buhay pag-ibig ng mga kaibigan nito, hindi rin maitatanggi ang angking kagwapuhan nito, na siyang dahilan kung bakit patay na patay sa kanila ang mga babaeng pumapasok sa paaralang pagmamay-ari ng pamilya ni Blake.   “I’m fine,” malamig na tugon ni Sofia kay Angelo na tila ba may ilang pa rin sa dalaga.   Oras na ng pananghalian ng mapasyahang kumain ni Sofia sapagkat kahit anong hanap niya kay Sapphire ay hindi niya ito makita. Kaya wala siyang ibang pagpipilian kung ‘di kumain na lamang mag-isa. Akmang lalabas na sana si Sofia ng klasrum nila ng harangin siya ni Vince.   "Sofia sabay ka na sa amin mag-lunch tutal wala ka rin naman kasama." Alok naman ni Vince kay Sofia habang kinakaway-kaway ang mga kamay na tila ba isang bata.   Kaagad namang lihim na sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga, sapagkat may makakasama na siya sa pagkain ng lunch. Tila ba ngayon lamang siya natuwa kay Vince kahit na palagi itong tila isang bata kung kumilos. Kung kaya’t mabilis naman siyang tumango sa harapan ni Vince na tila ba kunyareng napipilitan lang. Habang naglalakad sila kagaya ng dati nakatingin pa rin kay Sofia ang ilang kababaihan na lubos na humahanga sa grupo nina Vince. Hanggang sa tila nakaramdaman si Sofia ng panlalabo ng kaniyang mata at kaunti na lang ay bibigay na ang katawan niya. Napansin din ng dalaga na dumudugo na pala ang sugat niya sa kaniyang balikat. Sa halip na pansinin niya ang pagdurugo ng sugat niya mas pinili na lamang niyang manahimik, sapagkat alam na niya ang magiging reaksyon ni Vince.   "Sofia are you okay, bakit parang namumutla ka?" nag-aalalang tanong ni Vince kay Sofia na halata na ang pamumutla sa maganda nitong mukha.   Sandaling natahimik si Sofia dahil sa tinanong sa kaniya ni Vince, sapagkat kahit sabihin niyang ayos lang siya ay hindi maniniwala sa kaniya ang binata. Lalo na’t nasisiguro na niya ang labis-labis na niyang pamumutla dulot ng natamo niyang sugat.   "Ano bang sinasabi mo? Ayos lang ako no need to worry," seryosong sagot ng dalaga na tila ba walang pakialam sa nagdurugo nitong sugat.   "Anong ayos ka lang, bakit may dugo ka sa kanang balikat?" natatarantang tanong ni Vince kay Sofia na tila ba kaunti na lamang ay mapapaiyak na ang binata sa sinapit ng dalaga. Akmang magsasalita pa sana si Sofia ng bigla na lang siyang nakaramdam ng panghihina, hanggang sa unti-unti na siyang nilalamon ng kadiliman. Dahil sa pagkahimatay ni Sofia kaagad namang nanlaki ang mata ni Vince at kaagad na tinawag ang pinsan nitong si Blake.   “Blakeee… S-Si S-Sofia nahimatay, anong gagawin ko sa kaniya?” paiyak na tanong ni Vince sa pinsan nito habang hindi malaman ang gagawin sa dalagang nahimatay.   “Tsk. Such a childish! Let’s bring her to the Clinic,” malamig na saad ni Blake sa pinsan nito na tila ba naiyamot sa pasinghot-singhot na ginagawa ni Vince.   Bagamat sisinghot-singhot ang binatang si Vince kaagad nitong binuhat ang walang malay na dalaga upang madala sa klinik ng paaralan nila. Tila ba hindi maalis sa isip ng binata ang sinabi ng mommy nito na kapag nagkasugat ka ay hindi malabong may lumabas na puting kabayo sa sugat mo. Kung kaya’t mabilis pa sa kidlat ang ginawang kilos ni Vince sapagkat hindi man nito itanggi ay nag-aalala ang binata sa kalagayan ng dalaga. Lalo pa’t medyo malalim ang natamong sugat ni Sofia, ang labis din na kinatatakot ni Vince ay baka bigla na lamang lumabas ang puting kabayo sa sugat ni Sofia habang buhat-buhat pa ang dalaga.   Nang makarating sila ng klinik mabilis namang inasikaso ng nars ang dalagang walang malay at kaagad na nilinisan ang sugat ni Sofia. Isa-isa rin namang nagsidating ang mga kaibigan ni Vince na sumunod pala sa kanila sa klinik. Bagamat hindi gaanong malapit ang mga ito sa dalaga, mababakas pa rin sa mga gwapong mukha nila ang pag-aalala sa kalagayan ni Sofia.   “Dude, anong nangyari sa kaniya at bigla na lang nahimatay?” tila naguguluhang tanong ni Nathan sa kaibigan nitong si Vince na daig pa ang bata na sisinghot-singhot sa isang tabi, habang nakatitig sa walang malay na dalaga.   Isa rin si Nathan Lee Ittrualde sa mga kaibigan ni Vince, kagaya ng binata ay parehas lamang din sila ng edad. Bukod sa pagiging gwapo nito, kilala rin si Nathan bilang commoner ng kanilang grupo. Ngunit ang bansag na ‘yon ay dati lamang sapagkat ngayon ay may sarili na itong negosyo dahil sa ginawa nitong pagsusumikap.   “Hindi ko rin alam natatakot na nga ako baka mamaya may lumabas na puting kabayo sa sugat niya,” pasinghot-singhot na saad ni Vince na tila ba ay kaunting-kaunti na lamang ay malapit na itong umiyak.   Kaagad namang nagtawanan ang mga kaibigan ni Vince, dahilan para mainis ang binata sa mga kaibigan nito. Sapagkat tila ba hindi man lang ang mga ito nag-aalala sa kalagayan ng dalaga. Isama mo pa rito na tila naguguluhan si Vince kung bakit bigla na lamang nagtawanan ang kaibigan nito. Lalo na’t wala namang natatandaan si Vince na may sinabi itong katawa-tawa sa mga kaibigan nito. “Isip-bata ka talaga kahit kailan Vince, hindi na ako magtataka kapag umiinom ka pa ng gatas,” natatawang saad ni Nathan kay Vince na ngayon ay nakanguso na naman.   Kaagad namang naguluhan si Vince sa sinabi ni Nathan sapagkat talaga namang umiinom pa siya ng gatas. Sapagkat para sa kaniya, kailangan niyang uminom ng gatas para madali siyang makatulog. At saka naalala rin ni Vince ang bilin ng mommy nito na huwag na huwag kakalimutan na uminom palagi ng gatas bago ito matulog.   “Paano ka makaka-home run kung umiinom ka pa rin ng gatas?” nakangisi namang tanong ni Jonathan na tila ba nakakaloko.   Mas lalo lamang naguluhan si Vince sapagkat sa isip-isip niya, anong koneksyon ng pag-inom ng gatas sa paglalaro ng baseball? Kung kaya’t hindi mapigilan ni Vince na maasar sa kaibigan sapagkat alam nitong nangtri-trip na naman si Jonathan. Makalipas pa ang ilang oras nang nagpaalam ang kaibigan ni Vince kaya ito na lamang ang naiwan na magbantay sa dalaga. Kaagad naman nitong napansin na unti-unting iminumulat ni Sofia ang magagandang niyang mata.   "Gising ka na pala, ayos ka na ba?" malambing na tanong ni Vince sa dalaga habang tinitingnan ang balikat nito kung nagdurugo pa.   "Ayos na ako, nasaan nga pala ako?" Sofia said while checking the room.   "Nasa klinik ka ng paaralan natin dinala kita dito kasi bigla ka na lang nahimatay."   Dahil sa sinabi ng binata kaagad na nabigla si Sofia sa narinig, sapagkat hindi niya lubos maisip na muli siyang babalik sa lugar na ito. Hanggang sa hindi namamalayan ng dalaga na sunod-sunod na palang pumapatak ang mga luha niya sa maganda niyang mata.   "Anong ginagawa ko rito? Bakit nandito ako sa lugar na ‘to? Salamat sa pagtulong sa akin pero kailanagn kong umalis sa lugar na ‘to!" malamig na saad ng dalaga ngunit hindi nakatakas sa paningin ni Vince ang luhang dumadaloy sa mata ni Sofia.   Kaagad namang nataranta si Vince sapagkat nakita nitong lumuluha na ang dalaga sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa naisip ng binata na baka kaya umiiyak ang dalaga dahil naisip ni Sofia na may lumabas na puting kabayo sa sugat niya.   "Hoy! Ano ba bakit ka umiiyak may nagawa ba akong mali?"  saad ni Vince na tila ba maiiyak na rin. "Umalis na tayo rito. Ayoko sa lugar na ‘to. Natatakot ako!”   Dahil sa sinabi ng dalaga kaagad na napakunot ang noo ni Vince. Sapagkat nagtataka ito kung bakit natatakot sa ganitong lugar si Sofia. Hanggang sa bigla na lamang nanlaki ang mata ni Vince sa naisip na baka may multo sa klinik ng paaralan nila at bigla na lamang silang kaining dalawa.   "Tahan na huwag ka ng matakot nandito lang ako hindi kita iiwan, sige aalis na tayo rito huwag ka lang umiyak."    Dahil hindi malaman ni Vince kung paano papagaanin ang loob ng dalaga ay pinili na lamang nito na yakapin ang dalaga. Sapagkat walang alam ang binata kung bakit ayaw na ayaw ni Sofia ang pumunta sa klinik. Tila ba napansin ng binata na mayroong mapait na karanasan si Sofia kaya naisip na rin nito na mas nakakabuti kung umalis na sila sa klinik ng paaralan nila.   Naisip din ni Vince na mas maganda siguro kung kakalimutan na lang ni Sofia ang nakaraan sapagkat walang magandang maidudulot kung patuloy lamang tayong mabubuhay sa nakaraan. Dahil kung patuloy tayong mabubuhay sa nakaraan hindi natin namamalayan na napag-iiwanan na pala tayo ng panahon. Kumbaga marami na tayong natutunan sa ating nakaraan, sabi nga nila hanggang may buhay sige lang ng sige dahil hindi natin alam kung hanggang kailan lamang tayo mabubuhay sa mundong ibabaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD