“Smile, Hija, please sort out your plans in life,” ani Auntie Flavia mula sa kabilang linya. “You have mentioned exactly right after your parents died that you will be taking over this baking shop.” Bumuntonghininga ako. Abala ako sa paghuhugas ng aking plato at sa iba pang kagamitang pangkusina. Naka-loud speaker at nakapatong sa isang phone stand ang phone ko habang kausap ko si Auntie sa video call. “Auntie, wala naman pong mali na kayo ang namamahala niyan,” tugon ko. “I know, I know. But, I’m convincing you to manage this baking shop. Tinanggihan na ito ng Mama mo noon kaya hinayaan ko. Nais niyang tumira kayo ng payak d’yan sa siyudad at natupad naman ‘yon,” nakikinig lang ako sa paliwanang ni Auntie habang abala pa rin sa aking hinuhugasan.“Ikaw ang inaasahang mamamahala nito, Sm

