Hindi ko mapigilan ang sariling umirap. Anong mali sa akin? Anong mali sa katawan ko? Kahit kailan ay hindi ako naging conscious sa mga pinipili kong kasuotan. Nang ibaba ako ni Aciel sa bahay, hindi na naalis sa isipan ko ang binitiwan niyang kataga bago siya tumulak paalis. “Stop wearing tops like that. You’re not hot.” wtf!? What’s wrong with him? Pangit ba itong hubog ng katawan ko? Nang sabihin niya ‘yon, sinuri ko talaga ang aking katawan sa harapan ng salamin. Sabagay, balingkinitan iyong girlfriend niya, kaya malamang ay gano’n din ang gusto niya. Gano’n din naman ako, balingkinitan din pero…medyo kinulang nga lang dito sa harapang bahagi. Itinigil ko ang pag-iisip. Nagsisimula na naman akong ikumpara ang aking sarili sa ibang tao. Mas mabuti siguro na simulan ko na lang ang

