Nang bumungad ako sa lugar, hindi ko inaasahang babagal ang magiging lakad ko upang mapasadahan ang buong paligid. If I'm not mistaken, this high-end restaurant is also trending on social media. Sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari ito ng mga Alienzas'.
The theme of the whole place are: crystals, water symbols, and expensive silver designs. It's a high ceiling place with indulging chandeliers. The thing that really caught my eyes is the vast illusion of a round waterfall in the middle. I thought that was real! Hindi pala.
Ang isa pa sa ikinagulat ko, sanay ako sa mga waiter na siyang umaalalay sa akin patungo sa table. Pero ngayon ay nakakapanibago; ‘yong mismong mataas nilang manager sa lugar na ‘to ang agad na dumalo sa akin. Siguro nga ay konektado rin ang restaurant na ‘to sa mga Adamos.
Tumayo si Aciel nang namataan ako. He's in his usual men's trousers, paired with a white dress shirt folded until his elbows. His eagle stares landed on my face down to my upper top. Para akong isang papel at ano mang oras ay maaari na akong tangayin na lang ng hangin. Hindi naalis ang tingin niya sa cowl neck top ko. Hindi ko na dinala ang crop coat ko dahil masyado akong nainitan kanina.
Binati kami pareho nitong manager sa tabi ko nang marating ko ang table. Ngumiti ako sa kanya, si Aciel naman ay tumango lang pagkatapos ay muli niya akong tinignan. Nanatili ang tingin niya hanggang sa lumapit na siya’t hinila ang upuan para sa akin. May mabuting loob din pala ang nilalang na ‘to kahit paano.
Halos bulong lang nang magpasalamat ako sa ginawa ni Aciel.
I decided to put my pochette bag on top of my lap. It was light, and the only thing inside of it was my new phone and my mini wristlet wallet. Malamig dito sa loob, mas ramdam siya ng balat ko dahil wala akong coat na suot. Sana pala ay dinala ko na lang.
“So,” panimula ko “Have you decided the amount of settlement that I'll pay? Or...is there any specific price for those things? Let me know...”
He looks so chill in his chair. He seems comfortable as he darts his eyes on mine. Samantalang ako rito, kailangan ko pang pasadahan ng tingin ang buong lugar upang maiwasan ang titig niya sa akin. He’s very intimidating. His eyes are too much to look at.
“Let’s order first.” Tugon niya.
Muli ko siyang tinignan bago tumango. Ngumiti naman ako sa waiter nang mapansing inilalahad na niya ang menu para sa akin habang nakangiti.Nahinto lang kami pareho nang marinig namin si Aciel.
“Let’s order.” Ulit niya, nakatingin na ngayon sa menu.
“My usual choice,” malamig ang boses niyang tugon sa waiter. “Additional wine. I’ll have Merlot and Cabernet Sauvignon for her.”
Sinabi ko na rin sa waiter ang nais kong order. Nang umalis siya’y mabilis na may pumalit sa kanya, dala-dala ang dalawang wine glasses. Sa palagay ko, ito ang naunang wine na in-order ni Aciel bukod sa additional wine na hiniling niya sa waiter kanina. Inilapat ang wine sa aming table. Hindi ko ginalaw ‘yong akin, iniiwasang baka matabig ko ito.
I cleared my throat. “Malaki ba ang halaga ng babayaran ko?”
Sa totoo lang, kinakabahan ako. Bukod sa mga libro niya, alam kong may namantsahan rin sa mga coat niya. Hindi ko alam kung magkano ang halaga ng mga coat niyang ‘yon, miski na rin ang kanyang libro. Kabado akong baka masyado pa lang mahal ang mga halaga no’n. Napansin kong wala rin pala siyang suot na coat sa mga oras na ‘to. Nakaramdam ako bigla ng kahihiyan. Siguro ay nag-iingat na siya, kaya hindi na siya nagsuot, dahil hindi na niya nais na matapunan ko muli ito ng kung ano mang inumin ulit.
“Not really.”
Mas lalo akong kinabahan. Sa pagkakasabi niya no’n, parang may katumbas talagang halaga ang mga ‘yon.
“What are you thinking?” tanong niya.
Lumapat ang mata ko sa mahalimhim niyang mata. Kuryoso ito pero mas nangingibabaw ang lamig na dulot sa akin.
“Pwede ko bang malaman kung magkano ang halaga kung sakali?” Tanong ko.
“I’ll drop the price later, but we’ll eat first. I don’t want to combine topics related to money when eating my food.”
Hindi ba’t ito naman talaga ang layunin ng meeting na ‘to? Magsasalita pa sana ako kaso ay dumating na ang first course namin.
Naging tahimik kami pareho tulad ng nais niya. I cannot believe that I’m eating with him. May kung ano sa dibdib ko ang nagwawala ngayon, ‘yon ang hindi ko maunawaan.
Iniwasan ko siyang sulyapan habang kumakain kami. Alam kong naliligaw pa rin ang sulyap niya sa akin habang abala siya sa sariling pagkain. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko rin naman siya magawang tignan. Naalala ko bigla ‘yong imahe nila ng girlfriend niya kanina sa isang restaurant kung saan ay naroon din ako.
Nang umabot na sa fourth course ang aming pagkain, doon na ako muling nagsalita.
“Aren’t we going to talk about the payment, Aciel? This is the purpose of this dinner meeting,” paalala ko.
His eagle stares attacked my sight.
“I know. Let’s finish our food first,” he said. “Let’s not ruin the ambiance of the food, Smile.”
Nagawa pa niyang uminom sa wine na mayroon siya. He’s so chill! D*mn, parang ako lang ang hindi na mapakali rito. Parang nais ko na tuloy kumawala sa presensya niya.
Sa huli ay nanahimik ako hanggang sa matapos kami sa aming pagkain. I wiped the other side of my lips using the provided table napkin. Pinanood niya akong gawin ‘yon pagkatapos niyang inuman ang kanyang Merlot wine. Ako naman ay uminom din bago nagsalita.
Ang hindi ko maunawaan sa utak ko ngayon, bigla na lang naba-blanko.
“Magtatagal ba tayo rito?”
“Why? Do you have any other dinner to attend?” Balik tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Parang may ibang kahulugan ‘yon. Bakit ba hindi siya matigil sa akusasyon niyang ‘yan?
“W-wala naman…”Tugon ko.
Nais kong sabunutan ang sarili. Bakit ako nauutal?
Ngumusi siya. “Wala naman pala.”
Umangat ang tingin ko sa kanya. Muli siyang sumimsim sa wine na mayroon siya.
“Magkano ang halaga ng babayaran ko?” Muli kong tanong matapos tikman ang wine.
“Stop worrying about the price, Smile.”
Sinulyapan ko siya. “Iyon naman ang pinunta ko rito.”
“Definitely,” aniya. “Pag-uusapan pa rin natin ang tungkol d'yan.”
Ako lang ba? Ako lang ba ang nababagalan sa usad nitong usapan namin? Gusto kong sabihin na niya ang proseso ng aming magiging usapan patungkol sa aking bayarin.
“Nagmamadali ka ba?” tanong niya, mistulang may nais malaman. “May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?”
Saglit kaming nagkatitigan.
“Yeah…” Sagot ko.
Kumunot ang noo niya. “Where?”
“Maari na ba akong umalis?” Pagwawala ko sa usapan.
Kung sakaling may oras pa, totoo namang sa grocery ang tungo ko pagkatapos nito.
“Where else will you go?”
Hindi ako tumugon. Sa katunayan, ano naman sa kanya iyon?
Uminom ako ng aking wine bago muling sinulyapan ang paligid. Nais kong walain ang usapan. Nahuli ng aking mata ang tingin ni Aciel sa akin. Nakita kong naghihintay pa rin siya ng aking magiging sagot.
Siya pa lang ata ang nakausap kong gan’to. Mahirap walain.
“Am I obliged to tell you that, Aciel?” I asked.
Napansin ko ang kaunting mangha sa reaksiyon niya. Umayos siya ng upo bago paglaruan ang dila sa sulok ng kanyang bibig. Hindi ko alam kung ano ang mali sa tanong ko; nagawa pa niyang ngumisi sa malamig at marahas na paraan.
Humalakhak siya sa baritonong paraan, sapat lang upang kaming dalawa ang makarinig. Wala akong magawa kundi ang titigan lang siya. Kahit na pigilan ko ang sarili, hindi ko talaga maiwasang purihin siya. Sayang. Kung wala lang siyang kasintahan ay—what am I thinking!?
“Anong oras na?” tanong ko.
“It’s currently nine. Why? Late ka na sa iyong…” Hindi na niya nagawang dugtungan.
Alam niyang alam ko na ang kasunod no’n. Nagkatitigan kami bago ako sumagot.
“Wala akong ibang pupuntahan pagkatapos nito. May importante lang akong kailangang bilhin.”
Hindi ko alam kung namamalikmata ulit ako, pero nakita kong umangat ng kaunti ang gilid ng kanyang labi matapos kong sabihin ‘yon. At nang makabawi siya, mabilis din namang bumalik ang kanyang mukha sa dati nitong pagkaseryoso.
“Idagdag mo na lang sa payment ko ang mga ito,” tukoy ko sa pagkain.
“Nah. I’ll pay for this.”
Hindi na ako umalma pa. Kalaunan nag desisyon na akong magpaalam. Baka may date pa sila ng kasintahan niya. Pasensiya na dahil abala pa ata ako...
“I’ll go now.” I said, naghahanda na para sa aking pagtayo.
May sasabihin pa sana ako kaya lang ay nakalimutan ko kaya hindi ko na ito itinuloy.
“Yeah, we should go now,” he said. Itinaas niya ang kanyang kamay, hudyat na kailangan na niyang magbayad. Mabilis naman siyang dinaluhan ng isang waiter.
Ako naman ay nahinto 'tsaka siya sinulyapan. Hinintay ko munang matapos sila nung waiter.
“Ako lang ang aalis,” paglilinaw ko. “Maari ka pa rin namang manatili rito kung may hinihintay kang…”girlfriend na kasabay mo sa susunod mo pang dinner.
Kumunot ang noo niya. “Aalis ka, aalis na rin ako. Nag-iisa lang ang exit nila rito kaya sabay na tayo sa paglabas.”
Kaya nga ako aalis na upang maiwasan na rin ang presensiya niya. Tapos heto naman siya’t sasabay daw sa akin.
“Besides, it’s rude to let you walk alone going outside of this place.”
Kaswal niyang binitawan ‘yon.
“’Kaw bahala,” mahina kong tugon.
Tuluyan na akong humakbang. Binilisan ko talaga kahit na alam kong hindi rin naman ako sasabayan ni Aciel. Ngumingiti at yumuyuko sa akin ang mga nadadaanan kong waiter kaya tumutugon din ako sa kanila.
Napapitlag ako nang maramdamang may nakasunod na sa akin. Nang lingunin ko’y si Aciel na ‘yon. Hindi rin nagtagal ay sabay na kami sa paglalakad, hinila pa niya ako palapit sa kanya nang mapansing may makakasalubong akong waiter. Nagulat ako roon pero mas nagulat ako sa mainit na palad niyang dumapo sa akin. Inaasahan kong aalisin din niya kaagad ang kamay niya sa maliit kong baywang pero…nanatili na ito roon.
“Kamusta ‘yong waiter?” tanong ko nang maalala ang waiter na lumuhod sa harapan niya noon. “Naalis ba sa trabaho?”
Nang sulyapan ko siya habang naglalakad kami, namangha ako sa perpektong paggalaw ng kanyang panga.Salubong ang kilay niya na tila natural na niyang ekspresiyon.
“Do you like that man? May pamilya na ‘yon…”Sagot niya sa akin.
Naguguluhan ako sa sinabi niya.
“Tinatanong ko kung nasisante ba siya sa trabaho.” Paglilinaw ko.
“No," malalim niyang wika."Now, stop asking about that guy.”
May dati na ba siyang sama ng loob sa waiter na ‘yon? Hindi ko maintindihan…
Nang makarating kami sa harapan, bumitaw na sa akin si Aciel. Agad na bumungad ang kanyang sasakyan. Inabot ng valet sa kanya ang susi 'tsaka nito binuksan ang front seat. Hindi ko lang alam kung para sa akin ‘yon. Pero kung para sa akin nga, hindi rin naman ako tutuloy sa loob.
“Saang grocery ang tungo mo?”Tanong niya.
“Hindi na ako pupunta.” Pagsisinungaling ko.
Baka usisahin na naman niya. Hindi naman kaduda-duda pero ayoko lang sabihin.
Humarap siya sa akin. Sa paraan kung paano niya ako tignan, alam kong binabasa nito kung nagsasabi ako ng totoo.
“Uuwi na ako.” Patuloy ko.
“Saan ka sasakay?”
“...Taxi?”
Sinumulan ko nang i-open ang aking phone upang makapag-book na rin.
“You’re gonna ride a taxi with that kind of…” pinasadahan niya ng tingin ang aking pang-itaas na kasuotan.
Sa paraan ng kanyang sulyap, tila may problema na naman. Wala namang mali sa suot ko. Medyo revealing nga lang.
Bago pa ako makapag-book ay mabilis na niyang nakuha ang aking phone. Nakaramdam tuloy ako ng inis. Nang tignan ko ‘yong valet, halatang nalilito na siya sa aming dalawa habang pinapanood kami.
“Hey! That’s mine! Give it back.”
“Hop in. I’ll give you a ride,” utos niya. “You’ll have this back once you’re at home.”
“You don’t have to. Kaya ko naman!”
“I know. Of course you can. But I’m offering you a free ride for you to save money.”
Hindi ko siya makapaniwalang sinulyapan. Una sa lahat: close ba kami nito? at saka may kasintahan siya, ano ba!
“Malayo ang tirahan ko, Aciel.”
Sinundan ng tingin ko ang aking phone habang ibinubulsa niya 'yon.
“Hop inside,” utos nito, binabalewala ang huling sinabi ko.
Nang sulyapan ko ‘yong valet, mas inilahad niya sa akin ang bungad pintuan ng sasakyan ni Aciel. Bumuntonghininga ako 'tsaka nagmartsa patungo roon.
“Idagdag mo na lang rin itong pamasahe ko sa babayaran ko sa ‘yo.”
Hindi ko alam kung narinig niya dahil umikot na rin siya patungong driver’s seat. Umatake sa ilong ko ang pamilyar niyang amoy. Napakamamahalin ang simbolo ng amoy niya, miski na rin dito sa loob ng sasakyan.
Naging tahimik ako sa buong biyahe. Pero dahil kuryoso ako sa kanya, hindi ko na napigilan ang sariling magtanong.
“Ilang taon ka na?” Tanong ko.
Saglit akong inatake ng kanyang tingin. Saktong huminto ang sasakyan dahil sa kulay pulang simbolo na naglalaro sa traffic light.
“I thought you’re my stalker?” he teased. “It's hard to believe that you're not aware of my age.”
Ang feeling…Talagang idinidiin niyang stalker niya ako. Well, sa social media lang. Kasi minsan ko rin siyang hinanap noon. Pero hindi niya naman ako stalker sa personal, ah!
“Lakas mo naman kay Lord at binigyan ka ng gan’to kagandang stalker,” tanging nasabi ko.
Umalingawngaw ang malalim na halakhak niya sa loob ng sasakyan. Nang mapansing berde na muli ang kulay sa traffic light, umusad muli ang sasakyan.
“I just turned thirty,” he said as he scratches the bridge of his nose.
Napa ‘O’ ako nang malaman ‘yon. Marami pa akong nais malaman tungkol sa kanya pero mukha namang hindi siya ‘yong tipo ng taong maglalahad ng talambuhay.
“Uh...I’m twenty-five.” Wika ko kahit na hindi naman niya tinatanong.
Nang lingunin ko siya, wala siyang reaksiyon sa sinabi ko. Binalik ko ang tingin sa daan. Malamang ay hindi siya magiging interesado sa akin dahil may kasintahan nga siya.
Nanahimik ako. I’m a friendly person. Kung sinong makasama ko, parati kong nakakausap ng matagal. Pero itong si Aciel lang yata ang hindi ko magiging kaibigan.
“Anong ganap mo ngayon?” tanong ko. "...Sa buhay."
His eye brows shot.
“Are you a regular law student or…” I trailed off, iniisip ang tamang term sa nais kong sabihin.
“Irregular. I’m a working law student,” sagot niya, hindi na niya hinintay pang matapos ko ang nais sabihin.
Kung gano’n ay sobrang busy niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling mapatanong pa. Mas lalo lang tuloy ako naging kuryoso.
“Anong trabaho mo kung gano’n?”
Nilingon ko siya. Nanatiling malamig ang itsura niya habang nakatutok sa daan.
“I’m currently working as a Political Science professor.” Aniya.
Namilog ang mata ko nang marinig ‘yon.
“So…Ph.D ka na kung gano’n?”
Tumango siya. Nais tuloy malaglag ng panga ko.
“Hindi ka pa ba pagod mag-aral?” Natatawa ko namang sambit ngayon.
Law student pa kasi siya kaya paano niya ito pinagsasabay?
“Nah. I’m always infatuated with new achievements and that’s how I satisfy my life. I'm a bored person, you know.”
Wow, naman. Pahiram naman niyang utak mo kung gano'n. Ipapasa ko lang board exam ko saglit.
Bahagya akong nakaramdam ng hiya sa kaibuturan ko. Sa kalakaran ng buhay, maswerte siya kung gano’n. Lahat siguro ng naisin niya’y nakakamit niya.
“Buong PolSci subject sakop mo?”
Kung ako lang ang masusunod, tatahiin ko na talaga itong bibig ko. Baka isipin niyang gusto ko siya dahil napakarami ko ng katanungan sa kanya.
“I only teach Political Theory.”
Tumango-tango ako. Hindi ko alam kung ano ang subject na ‘yon.
“Bukod d’yan, ano pa ang naging...uh…work mo before?” muli kong tanong.
Sa puntong ito ay nilingon na niya ako. Noong una’y pansin ko ang pagtatakha sa sulyap niya, pero sa huli ay naging malalim ang paghinga nito bago sumagot.
“While working on my Ph.D. degree before, I once worked as a legislative assistant,” he answered. Sinulyapan niya ako saglit. “Done asking? Or do you still have any other questions in mind?”
Ngumisi siya sa naging reaksiyon ko. Pinigilan kong malaglag ang aking panga 'tsaka umayos ng upo. Nakakahiya namang tumabi sa kanya kung gano'n.
Umiling ako bilang tugon pagkatapos ay saglit na nabalot pa kami ng katahimikan.
“Ako naman ngayon,” sambit niya.
Sa sinabi niyang ‘yon, parang kinabahan ako. Pakiramdam ko sa sarili ko’y hindi ko makakayanan ang ibabato niyang tanong sa akin.
“Mind to share your fun experiences, or any memorable success in life? I’m sure you have a lot to tell.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Samantalang siya naman ay abala sa daan. I have nothing to tell. ‘Yon ang totoo. Nothing’s special about my life. Nothing’s unique. It’s all pain and a blurry passion. Pakiramdam ko nga...I don’t have purpose in this world.
“Wala pa…” mahina kong tugon pagkatapos ay hilaw na ngumiti. “Hindi ko pa nararanasan…Siguro…”
Nang yumuko ako, nahuli ko mula sa gilid ng aking mata ang paraan kung paano niya sukatin ang emosyon ko. Saglit ko siyang nilingon habang nakangiti, doon ko nakitang nabawasan ang pagkaseryoso sa mukha niya nang suklian ko rin siya ng malumanay na titig.
“Pero ayos lang naman,” pinilit ko ang sariling humalakhak. Alam kong alam niya ang dahilan sa pekeng tawa ko. “Baka hindi ko pa talaga oras sa ngayon…”
That's a lie. I know that my desired time will never... come.
Palihim akong kinagat ang ibabang labi ko. Even when I'm passionate for what I want, it still disappoints me. The process of waiting always disappoints me. Kaya naman…hindi ko tuloy maiwasang mahiya kay Aciel ngayon.