KABANATA 08

2885 Words
This previous day, I had received my salary from Cakes and Cafe Shop. I was surprised by my current income. Doble ang natanggap kong bonus mula kay Ma’am Astra. Dahil do’n ay mabilis akong nagpadala ng mensahe sa kanya upang magpasalamat. Natuwa ako dahil kung gan’to karami ang sahod, sisipagin talaga akong mag-over time. “We have a reservation at my friend's spa. But I told them to remove the other slot for the massage and Polygel nail extension.”Ani Zelestine. Tumango ako sa kanya. Sinamahan niya ako kanina na bumili ng panibagong phone. Kaya ngayon, sasamahan ko naman siya sa isang sikat na spa. Sinabi kong hihintayin ko na lang siya pero tulad ng inaasahan, hindi hahayaan ni Zelestine ang gano’n. Nagpa-reserve pa pala siya ng reservation para sa aming tatlo. Sayang nga lang dahil wala si Calli. “Bakit hindi makakadalo si Calli sa atin ngayon?” tanong ko.“Nag-chat ako sa kanya kagabi pero hindi pa yata niya na-seen hanggang ngayon.”  Abala siya sa pagpa-park nitong sasakyan bago niya ako sinagot. “Yeah, she's busy. I had received her direct messages through socmed, and she told me that her collaboration with her co-vlogger at BGC is still in the process of filming.”   Nang ma-park niya ang sasakyan, inabala ko na ang sariling mag-alis ng seatbelt, gano’n din naman ang ginawa niya.  “I'm so worried about her health. She's been staying up late ever since she started doing her collaboration with her co-vloggers during midnight.” Narinig ko siyang bumuntonghininga. Talagang nag-aalala siya para kay Calliope. Simula pa noon, kahit sino sa aming mga kaibigan niya, masyadong maalalahanin si Zelestine sa kahit anong pagkakataon. Pakiramdam ko tuloy, sa sobrang bait niya, parang hindi siya nababagay sa ganitong marahas na mundo. Sabay kaming lumabas mula sa sasakyan niya. Tumama ang init sa porselanang balat namin. Nang makalapit kami sa isa’t-isa, doon siya muling nagsalita. “I instructed her not to risk her health and, of course, take time to relax rin, ‘di ba? Masama ang pagpupuyat.” Aniya. “Hay nako, i-chat mo ‘yan kay Theron nang masabihan niya si Calli. Sila lang naman ang madalas magkausap,” tugon ko.  Dahil totoo naman. Kung sa amin magmumula ang advice, matagal bago kami i-seen ni Calli. Tamad din kasi mag-reply ang isang ‘yon. Nang makapasok kami sa loob agad kaming sinalubong ng isang staff at sinamahan kami sa isang exclusive room. “I know you've been working hard as well. I saw your rants on our GC these previous days about your multiple overtime at work.” Aniya. “Kaya pa naman,” tugon ko, nakapikit pa rin habang dinadama ang masahe sa aking likuran.“'Tsaka bawing-bawi naman sa bonus. Sugar daddy na lang ang kulang sa buhay ko.” After a couple of hours, indulging in a deep unwinding session, I feel so light and relaxed. And as of the moment, Zelestine and I are now sitting at the glam lounge chair, hinihintay rin namin iyong professional manicurist to fix our nails. “Are you sure you don't want to try this design for your nails? This one looks classy, Smile,”ipinasilip  niya sa akin ang isang malaking brochure. Umiling ako sa kanya. “Nah, I’m a baker, Zel. I can’t have long nails. Itong sa paa ko na lang, huwag lang sa mga kuko ng daliri ko.” “Oh, I’m sorry. I forgot. Pasensiya ka na.” Tugon niya. Tumuwid siya ng upo at saka inayos ang brochure sa ibabaw ng hita niya. We also spend an hour waiting for our nails to be finished. Pagkatapos no’n ay pareho na kaming tumulak ni Zel sa isang restaurant upang kumain naman para sa lunch.  Nang makarating kami sa isang restaurant ay agad kaming dinaluhan ng isang waiter. Habang naghihintay ng aming order, inaliw ko ang salriling panoorin si Zelestine habang sinusulyapan niya ang kanyang kuko.  Nang saglit ko namang inilibot ang aking paningin sa paligid, doon nahagip ng aking mata si Aciel. Noong una’y nagduda ako pero kinilala ko talaga siya ng maigi. Kasama niya ulit ‘yong kasintahan niya. Umirap ako 'tsaka inalis ang tingin sa gawi nila. Pero nang hindi makatiis ay muli kong iginala ang tingin ko sa kanilang pwesto. Nahuli kong pinagsisilbihan ni Aciel ‘yong babae sa pamamagitan ng paglalagay ng steak sa plato nito. “Are you…” nagtataka akong kinilatis ni Zelestine nang muli kong ibalik ang atensyon  sa aming mesa.  “Alright?” patuloy niya. Kanina pa palang maay nakahaing pagkain dito. Hindi ko napansin. Tumango ako, “Yeah. I’m fine. I’m so fine. I’m not distracted. Yeah, Of course! Bakit naman hindi ako magiging okay, ‘di ba? Sobrang okay ako.”  D*mn. Why do I sound so different?  Napansin ko ang pagkalito ni Zelestine sa naging asta ko.  “O…kay. Yup. You’re totally fine, Smile,” awkward niyang tugon, nalilito na rin sa akin. “Uh, let’s eat?”  Alok niya sa akin sa pagkain. Huminga ako ng malalim 'tsaka tumango.  Ngumiti siya bago inabala ang sarili sa kanyang pagkain. Ako naman ay muli na namang lumingon sa gawi ni Aciel. Kahit pigilan ko ang sarili, hindi ako mahintong pansinin ang kanyang presensiya.They are enjoying each other’s company…syempre naman; nagmamahalan ang mga ‘yan.  Ang sweet. I sarcastically stated inside my head. Hindi rin nakatakas sa akin kung paano sila mag 'cheers' pareho.Napakaraming restaurant pero bakit nataon pa kung nasaan ako ngayon?  Matapos kaming kumain, mabilis ko namang nahikayat si Zelestine na tumulak na paalis. Sinabi kong may kailangan akong ayusin, kahit na ang totoo ay hindi na talaga ako komportable sa inuupuan ko. “You’re sweating, Smile. Are you sure na ayos ka lang—”  “Oo naman!”  Mas lalong kumunot ang noo niya dahil napaka-high pitch ng naging tugon ko.  Nang umalis kami kanina sa restaurant, naroon pa rin si Aciel 'tsaka ‘yong girlfriend niya. Ni hindi ako sigurado kung napansin niya ako, pero nasisiguro ko namang hindi. Dahil nakapokus talaga siya kanyang kausap…sa kasintahan niya. Nagpaalam ako kay Zelestine bago ako tumapak palabas mula sa kanyang sasakyan, saglit pa muna kaming nag-usap bago ko siya hinintay na makaalis. Pagpasok ko sa loob, tumunog ang phone ko. Pag tingin ko’y tawag ito mula kay Theron. “Miss mo ‘ko?” bungad ko sa kanya. Humalakhak siya nang madinig ‘yon.  “Sabihin mo ‘yan kay Creon pag dating niya. Huwag sa akin.”  Umirap ako nang muli na naman niyang ipinaalala sa akin ‘yang kaibigan niyang ‘yan. Si Creon ay isa sa mga nanligaw sa akin noon pero bigla na lang lumuwas sa ibang bansa at hindi na muling nagparamdam. “Why’d you call?” Pag-iiba ko ng usapan. “I have a friend from Nueva Ecija and he owns this huge Agri-Firm. He’s finding an Agricultural Engineer—”  “Hindi ako pasado ng board exam, Theron.” Tugon ko, sigurado naman akong pasado ang hanap ng mga malalaking Agricultural Firm na ‘yan. “Patapusin mo muna 'ko, Smile,” he said. “Hindi naman kailangang pasado. Ang inilahad niya sa akin ay basta’t Agricultural Engineering ang natapos. I told him that I have a friend, so I gave him your name and your other contact details that I have.” Bumuntonghininga ako.Takot na takot talaga ako tuwing naiisip kong mahina ang kapasidad ko para sa isang bagay. Alam ko rin kasing kapalpakan lang ang aabutin ko roon. Inabala ko ang sariling tignan ang mga cabinet sa aking kitchen kung may laman pa ba ang mga ito. Habang ginagawa ko ‘yon, nakalagay naman sa tainga ko ang aking phone. “Thank you, Theron. Pag-iisap ko ‘yan,” tanging nasabi ko. “Here we go again, Smile. Huwag mo nang pag-isipan. Kung tinatamad ka, just let me know and I’m willing to process everything for you. I will not recommend this if I know that it might harm you, Smile.” Muli akong nagpakawala buntonghininga. Isinara ko na rin ang cabinet nang makumpirmang kailangan ko na pala ng grocery stocks.  “Mas marami pang mahuhusay sa aking iba diyan, Theron. Baka pumalpak ako ro’n.” “You have the potential, Smile. You will gain enough skills from my friend’s Agri-Firm, I assure you that. Don’t ignore this.”  Kahit hindi naman kami literal na magkaharap ay nagawa ko pa rin ang tumango sa kanya. “Oo…thank you so much, Theron.” “Welcome. Nasa condo ko pa rin pala ‘yong damit mo noong nalasing ka. Kukunin mo ba rito, o ako na ang maghahatid nito riyan?” Oo nga pala…Muli ko na namang naalala na may damit pala akong naiwan sa lugar niya. Damit ko ‘yon noong nag-over night kami nila Calli at Zel sa lugar niya dahil sa kalasingan ko no'n.  “Ikaw na maghatid dito. Marami akong bibilhin sa grocery kaya baka masyado ng late kung dadaanan ko pa sa condo mo.” Nagtaka ako nang maramdamang wala na akong kausap. Pagtingin ko’y naputol na pala ang call.  Ang Theron na ‘yon! Basta-basta na lang akong binabaan ng telepono.   Umiling ako 'tsaka inilapag ang aking phone sa countertop. Nasa site ‘yon ang sa alam ko kaya baka nawalan ng signal.  Nagtungo ako sa ref upang sunod na i-check ito. Itong grocery ko pala ang nakaligtaan kong alalahanin kaninang magkasama kami ni Zel. Kailangan ko na nga talagang bumili ngayon dahil sigurado akong mawawalan na naman ako ng oras sa pamimili sa mga darating na araw dahil sa work. Tumunog muli ang aking phone kaya isinara ko na ang ref. Alam kong si Theron muli ito dahil naputol ang tawag kanina. Sumandal ako sa countertop bago iyo sagutin. “Namatay ang call kanina. Hindi nga pala ako makakarating sa condo mo dahil may gagawin ako. Ikaw na lang ang pumunta dito kung sakaling may oras ka. Basta sabihan mo ‘ko.” Panimula ko. “Who’s coming over to your place?”  Isang malalim na boses ang nagpatindig sa balahibo ko nang marinig ‘yon. Hindi ako agad nakapagsalita.   “This is Aciel.” Patuloy niya. Nag unahan ang kabog ng puso ko. Umawang ang aking labi bago sinulyapan ang screen nitong aking phone. Hindi ko na ito binasa kanina dahil ang alam ko’y si Theron ang tumatawag. Si Aciel pala... “Bakit ka n-napatawag?” Nais kong sabunutan ang sarili dahil  hindi ko na napigilang mautal. Tahimik ang background niya, wala rin akong marinig na ingay.  “I called to discuss with you the details regarding our meeting. Are you free today? Tell me, so I could find a reservation for us near your place.” Naging blanko ang utak ko. Nais ko siyang tanggihan pero mukhang hindi rin naman siya papayag sa gusto kong mangyari. Nagtatakha tuloy ako kung nasaan ‘yong girlfriend niya ngayon. Pumikit ako ng mariin tsaka inalala ang naging bungad ko dito sa call. Baka ang iniisip niya’y may kakaiba akong gagawin dahil sa nasabi ko. Nais kong linawin ‘yon pero may parte sa aking hindi naman na siguro  kailangan, 'di ba? “I’m not free today.”  Pinilit ko maging kaswal kahit na parang hirap akong gawin ‘yon. “You're not available 'cuz you're expecting someone to visit your place.” Pumikit ako ng mariin. Sinasabi ko na nga ba’t ‘yon ang iisipin niya. Kinalma ko ang sarili at saka muling nagsalita. “Hindi ‘yan ang usapan natin,” paglilinaw ko.“Mga gaano katagal naman ang gugugulin nating oras para sa magiging meeting natin kung sakali?” “Well, it depends, Smile.”  Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa mga kasagutan niya. Anong it depends? “Tungkol lang naman sa payment ang pag-uusapan natin. Maikli na lang ‘yon.”  “I'm planning to fit you into my schedule, and that’s why I’m asking for your free time today. I suggest we should meet at dinner.” Nais kong umalma sa huling salita niya. Inaasahan ko naman talagang magiging maikli ang aming usapan. Dahil ang babayaran ko lang naman  ang aming tatalakayin. Bukod pa riyan ay pwede na sa akin ngayong hapon. “Palagay ko naman ay saglit lang ang magiging usapan natin mamaya. Maaari na ngayong hapon-”  “Matatagalan tayo.”  Kumunot ang noo ko sa naging salungat niya sa akin. Gustong-gusto ko talagang kumontra kahit na alam kong hindi rin ako magwawagi sa huli. “Today’s weekend so it’s my rest day. Can’t we move that next week?” “May iba ka pa bang gagawin? Someone will visit you, yeah?”  Hindi ko alam pero parang may ibang kahulugan ‘yon para sa 'kin. “My schedule's loaded next week. Besides, tomorrow’s Monday, so I have a full load scheme. You know, law school and work…” Patuloy niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala naman akong choice. Ako naman ang may atraso. Mas mabuti na rin sigurong magkita na lang kami ngayong araw na ‘to upang matapos na rin ang alalahanin ko.  “Sige…I’ll wait for the details of your preferred meeting area,” tugon ko. Nahinto ako nang maalala ko ‘yong girlfriend niya. Hindi ko alam kung tama itong itatanong ko, pero mas mabuti na rin siguro upang alam ko ang dapat na gawin. “Teka, uh…” muli kong sabi. Wala akong ibang marinig mula sa background niya. Kinabahan ako sa iniisip na naghihintay siya ng mga susunod na sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang reaksyon ng emosyon ko…wala namang espesyal kung tutuusin. “Yeah?” mababa ang boses niyang tugon. “Wala bang ano…” magagalit? Hindi ko na natuloy dahil parang hindi dapat sabihin. Nang hindi ko na makayanan ang kaba sa loob ko, mabilis ko nang pinutol agad ang linya. Nilingon ko ang aking phone pagkatapos. Doon ko nakumpirmang kinakapos pala ako ng hininga sa naging pag-uusap namin. Nakita ko ang isang unknown na numero sa aking screen. Alam kong si Aciel ang tumatawag pero muli ko itong pinatay.  Mabilis akong nagtipa ng mensahe sa kanya, hinihingi ko na ang detalye ng lugar kung saan at anong oras kami magkikita.  Wala pang ilang minuto ay mabilis ko nang natanggap ang mga detalye. Kumunot ang noo ko dahil sa isang high end restaurant pa pala siya nagpa-reserve. I was planning to dress up simple. Pero dahil sa isang high end kami magkikita, pahihirapan pa ako ni Aciel na pumili ng isusuot.  Napagpasyahan kong huwag na lang tumuloy sa grocery. Dahil kung magtutungo ako do’n ngayon, sigurado akong mata-traffic ako’t may posibilidad na baka ma-late ako sa usapan namin ni Aciel. Wala rin akong ibang choice kundi gawin ang pamimili sa susunod na araw.  Pagkatapos ko maligo, inaliw ko ang sarili sa panonood ng movie habang pinapatay ang oras. Nang oras na upang mag-ayos, naglabas ako ng isang dress, pagkatapos inilapag ‘yon sa kama. It’s a turtle neck with a slit. Nang hindi makuntento ay naglabas na naman ako ng isa pa, pagkatapos ay nasundan muli ito ng isa, at isa pa ulit, hanggang sa napuno na ang ibabaw ng kama ko dahil sa dami ng pagpipilian kong kasuotan sa ibabaw ng kama. “T*ngina, why am I preparing too much?” naiinis kong saad sa sarili.  Sa huli ay nilubayan ko na ang mga dress. Ang wierd.  I decided to wear my high-rise slim waist dress pants in the color beige, paired with a black sleeveless cowl neck camisole top. I'm also planning to pair my cowl neck camisole top with my formal beige crop coat, and of course, I'll never forget to pair my whole outfit with my ankle strap three inches stiletto. Kinuha ko ang aking phone 'tsaka nag-mirror selfie, pagkatapos ay ini-upload ko agad ito sa aking social meida account.  Habang abala ako sa pagbabasa ng mga early comments, nahagip naman ng mata ko ang mensahe sa akin ni Aciel. Sinabi niyang on the way na siya. Ang usapan namin ay alas otso pero alas siyete pa lang naman. Ang aga niya naman.  Nainitan ako sa coat na suot ko kaya inalis ko na lang ito. Nagtungo ako sa aking vanity table upang simulan na ang pag-aayos. “Should I put makeup?” I asked myself. Litong-lito ako, hindi ko alam kung paanong ayos ang gagawin ko sa sarili. Umaasa ako na sana ay maging kalmado ako sa presensya ni Aciel mamaya. Baka kasi hindi ko na naman kayanin, baka makalikha na naman ako ng katangahan sa harapan niya. Nahinto ako nang mapansin ang malalang talbog nitong puso ko. Calm down, Smile. Walang espesyal sa taong 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD