Nang mga sumunod na araw, wala naman masyadong ganap sa buhay ko. My usual routine in my daily life are: work, home, and if I have enough time to bake in my house, I'll do it. At tulad ng aking nakagawian tuwing nagbi-bake, binibigyan ko ang mga street children sa daan, o di kaya’y pinapadalhan ko naman sina Theron, Calli, at Zelestine.
“Last naman na ‘to,” saad ko habang nakatingin sa dough roller machine. “Pagkatapos ay chill na tayong lahat.”
Tinawanan ako ng mga kasamahan ko dito sa design and piping room habang abala ang bawat isa sa kanya-kanya nilang gawain.
Isa pa pala sa bumabagabag sa isipan ko ay ang babayaran kong libro kay Aciel, miski ‘yong coat din niya.
Paano na kaya 'yon?
These past few days, I've been planning to transfer my payment into Aciel's bank account sana…But unfortunately, dahil sa kabobohan ko, nakalimutan kong kunin ang kanyang account, o kahit contact man lang.
I always see him around five-thirty in this Cake and Cafe Shop, and he's busy reading as always. As a matter of fact, I attempted to approach him these previous days to ask for his bank details. I want to process the transfer of money immediately. But he always seems occupied with what he's doing. Dahil parati siyang abala at nakatutok lang sa kanyang mga libro, hindi niya napapansin ang presensiya ko. Ayokong maabala siya kaya’t palaging umaatras ako tuwing sibusubukan ko siyang lapitan.
Umiling ako. Inalis ko sa isipan ang malalim na iniisip at mas nag-focus sa ginagawa.
Right now, I'm still in the process of compressing the molding chocolate into the dough roller machine—this is used to flatten molding chocolates and dough. We are assigned by Ma’am Astra to create a Super detailed life-size Book cake. I'm so sure that this cake will need a lot of details again as expected.
“There’s a lot of execution on this,” saad ko habang pinapanood ang molding chocolate sa dough roller machine.
“Ngayong hapon din ito kakailanganin,” tugon sa akin ng head decorator. “Wala lahat ‘yong mga delivery car sa parking area. Dapat kasi magdagdag na si Executive Chef ng tauhan sa delivery… Hindi ko tuloy alam kung sino ang malas na mauutusan mamaya upang mag-overtime. Kailangan kasing mai-deliver agad ang mga ‘to.”
Dumako rin ang tingin ko sa dalawang cake. Actually, tapos na ‘yong isa, at ang tanging inaasikaso na lang namin ngayon ay itong isa pa. Dalawa kasi ang inutos ni Ma’am Astra na kailangang matapos rin kaagad ngayon.
“Kinabahan naman ako sa sinabi mo, Chef,” saad ko. “Malakas tuloy ang kutob ko na baka ako ang maatasan mamayang hapon.”
Humalakhak siya. “This is work, Hija. 'Tsaka halos lahat kami rito ay may mga edad na. Ikaw na lang ang natitirang pinakabata at malakas pa sa over time.”
Ayoko mag-over time ngayon; balak kong pumunta sa condo ng pinsan ko pagkatapos ng work ngayong hapon. Nais kong makita si Auntie Flavia dahil saglit na bumisita siya roon sa condo ng pinsan ko. Sinabi niya namang hihintayin niya ako bago siya tumulak paalis. Kaya sana, hanggat maari ay nais kong bilisan ang trabaho upang mas matagal ang maging pagkikita namin ni Auntie.
“Should I cover the base with chocolate rice cereal treats—”
Hindi ko naituloy ang nais sabihin nang tawanan ako ng isa sa mga cake artist dito. Napansin kong halos lahat sila ay naghahanda nang lumabas. Tumingala ako upang makita ang orasan. Doon ko nalaman na tanghalian na pala.
“Lunch muna, Smile. Masyado kang hands on d’yan,” saad niya, nag-aalis na ngayon ng apron at plastic gloves. “Last cake na itong inaasikaso natin kaya mabilis na lang ‘to.”
Awit. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom.
Dati, mag-isa lang akong kumakain sa labas. Pero nang dumating si Halsey, tuwing mayroon lang naman siya, doon kami sabay na kumakain pareho ng tanghalian sa labas. She’s a working student kaya may mga pagkakataong wala siya dahil hindi naman siya full time. TTH ang sched niya parati.
Bumuntonghininga ako. “Ayokong mag-over time…”
“Why?” tanong sa akin ni Halsey, abala sa pagkain.
“Wala… malakas lang ang kutob ko na baka ako ang atasan mamaya sa delivery.”
“Noong huling araw nag-over time ka rin,‘di ba?” tanong niya.
Tumango ako bilang tugon, problemado sa iniisip ko ngayon. Gusto ko kasi talagang makita si Auntie Flavia mamaya…kaya gustong-gusto kong makaalis dito ng maaga.
“Ayaw mo no’n? Usap-usapan na ikaw talaga ang paborito ni Executive Chef,” patuloy niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
“May paborito bang palagi na lang nasisita? Nalagyan na yata ng baking flour utak mo, Halsey.”
Nagawa ko pang ilingan ito.
Alam kong nagbibiro siya. Bukod pa riyan, hindi lang siya ang unang tao na nagbato sa akin ng ganyang biro. Madalas talaga akong biruhin ng mga kasamahan ko dito sa Cake and Café. Dahil kahit ilang beses man akong pumalpak, hindi pa rin ako nasisisante sa trabaho.
Nagpalakpakan ang buong Design and Piping team nang matapos namin itong huling cake. Masaya ang lahat dahil natapos namin ‘yon nang hindi nagmamadali. Bumeso ako sa mga cake artists namin at head decorators habang binabati sila.
“Smile, tawag ka ni Executive Chef.”
Nanlumo ako nang madinig ‘yon. Hinagod ng kasamahan ko ang aking likuran 'tsaka ako nginitian. Awit, alam ko na kung ano ang dahilan.
Nang tumapak ako sa office ni Executive Chef agad akong nagsalita, “Saang lugar ihahatid ang mga cakes, Chef?”
Mukhang inaasahan na rin ni Ma’am na ‘yon ang sasabihin ko. Ako lang naman kasi ang masipag sa overtime.
“I’m so sorry for asking you this but…can you…” hindi niya naituloy ang nais sabihin dahil hinilot pa nito ang kanyang sentido. “Is it alright if I’ll ask you to deliver, Smile? Is it fine?”
Tumango ako. Wala naman akong ibang choice kundi ang um-oo dahil halatang stress siya. Isa pa, nakakahiyang tanggihan si Ma’am.
“Okay, do you have cash?” tanong niya habang humuhugot ng isang asul na pera sa branded niyang pitaka. “Our delivery trucks and van are still not here. I’m worried that they might arrive late.”
Tulala ako sa kanya habang minamasdan siya. I can’t help myself but to admire her features. She’s young and successful already. Kung hindi ako nagkakamali, nasa apat na taon ang agwat namin. Matagal na akong nagta-trabaho rito pero kahit kailan ay wala pa akong nasasagap na balita na mayroong kasintahan itong si Chef. Taas siguro standards nito. Mas lalo ko siyang hinahangaan ngayon dahil alam niya rin ang prayoridad sa buhay.
“Smile, are you listening?” Aniya.
“Yes po! Yes po!” tugon ko, medyo nahiya ng kaonti dahil napalakas pa yata ang boses ko.
“Good. Sa parehong unibersidad mo ihahatid ang mga cakes, doon mismo sa lugar kung saan natin hinatid ang mga spiral cakes noong nakaraan,” saad niya habang inilalapag ang pera sa ibabaw ng mesa. “Here’s the cash. Pasensiya ka na kung ikaw na naman ang mago-overtime, Smile. Don’t worry, you can go home immediately pagkatapos nito. ”
She, then, gave me her genuine smile. Biglang tumaba ang puso ko nang makita ‘yon mula sa kanya. Grabe, ang ganda niya!
“Ayos lang, Ma’am. Basic lang ‘to,” tugon ko.
Ngumiti din ako pabalik sa kanya bago tumulak palabas.
Pagbalik ko sa Design ang Piping room, nakabalot na sa matibay na cake box ang dalawang cake. Nang subukan kong itaas ang isa, halos mataranta ako dahil muntik ko pa itong mabitiwan. Nataranta naman ang Head decorator sa akin kaya dinaluhan niya ako kaagad.
“Oh, kaya mo ba?” nag-aalalang tanong niya.
“Ang bigat pala nito,” tanging nasabi ko. “Hindi kaya masisira itong box kapag binuhat ko na? Sana ay matibay ang mga ito.”
“Matibay ‘yan,” she said as an assurance.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam na rin kami sa isa’t-isa. Ako naman ay nagtungo muna sa locker upang alisin ang apron na suot ko. Nagdalawang isip pa ako kung kukunin ko pa ba ang aking bag. Malaki ang mga cake kaya baka mahirapan ako sa pagdadala, kaya naisip ko rin na itong maliit na pitaka ko na lang ang dadalhin.
Inabala ko muna ang aking sarili upang sabihan si Auntie Flavia na hindi kami magkikita ngayon. Sinabihan ko na rin siyang sa probinsiya na lang ako bibisita upang makabawi.
Nang makarating ako sa unibersidad, pinahintulutan naman ako no'ng grab driver na ipasok sa loob ‘yong sasakyan upang hindi na masyadong malayo ang lalakarin kong distansiya. Ang bilin din sa ‘kin ni Ma’am Astra, sa law department ko ito ide-deretso. Sinabi rin niyang may sasalubong sa aking staff sa bungad ng gusali pag narating ko na ‘yon.
Tama nga siya, agad na may sumalubong sa akin.
“Hi! Are you from Cakes and Café Shop?” bungad niya sa akin.
I smiled. “Yeah.”
Dinaluhan niya akong bitbitin ang cakes, kinuha niya mula sa akin ang isa kaya inilihis ko ang hawak ko.
“No need, Ma’am!” pigil ko sa kanya. “This is part of my job.”
Pero hindi siya nakinig. Kinuha pa rin niya itong isang box ng cake mula sa akin.
“Ano ka ba? Ayos lang! Tulungan na kita, ganda.”
“Para sa’n po pala itong cakes?” kuryoso kong tanong habang sinusundan siya sa paglalakad.
“Kaarawan ng Dean nitong Law Department ngayon. Kaya sa library natin ipupunta ang mga ‘to upang hindi niya makita.”
Hindi na ako nagsalita. Inilibot no na lang ang tingin habang sinusundan siya.
“Iba talaga ang pakiramdam tuwing may kasamang maganda,” pabirong wika niya. “Halos lahat ng tingin napupunta sa gawi natin.”
Hilaw lang akong ngumiti sa kanya, mas maliit siya sa akin kaya napansin kong tumitingala siya tuwing dinudungaw ako. Nang makarating kami sa library ng Law Department, mabilis akong namangha sa lawak ng espasyo nito.
“Dito na lang, ganda,” anito.
“Uh, sige po,” tugon ko naman.
Naging abala ako sa final touches ng cakes. Nang tignan ko ang orasan, malapit na pa lang mag alas-sais ng gabi. Mas lalong tumahimik sa labas dahil tanging mga irregular students na lang ang nasisiguro kong narito ngayon. Ang mga tao dito sa loob ng library ay um-onti na rin.
“Ace!” Dinig kong sambit ng isang boses, panlalaki at malalim.
Pag lingon ko’y agad kong nakilala kung sino, at siya ‘yong kaibigan ni Aciel na palagi niyang kasama sa Cake ang Café Shop tuwing nagbabasa sila ro'n.
“’Di ko dala codals. I only brought my ipad.”
Nang lingunin ko kung sino ang tumugon, kaagad kong nakilala si Aciel. Hindi ko alam na narito rin pala siya sa library. Napansin kong paalis na sana siya pero muli niyang hinarap ang kaibigan. And as expected: he’s wearing a button down shirt, slacks, and his usual branded shoes. May nakasabit na bag sa kanyang balikat, 'tsaka may hawak din siyang isang ipad.
“Huwag na tayo pumasok, man,” dining kong kumbinsi sa kanya.“Hindi ko natapos basahin ‘yong buong case. Kabado ako.”
Nahaharangan ako ng isang matangkad na estudiyante kaya siguro malabong mapansin ako ni Aciel mula rito. Patapos na rin naman na ako sa ginagawa kaya balak ko na rin sanang umalis. Kaya lang, hinihintay ko munang makalabas si Aciel bago rin ako tumapak palabas.
Nahuli kong ngumisi si Aciel sa kaibigan.
“I’m done reading the whole case, including the digest version of it. Good luck sa ‘yo. Singco is waving at you now.” Ani Aciel tsaka humalakhak.
Narinig ko ang naging mura ng kanyang kaibigan sa kanya. Nalilito ako kung ano ang tunay na usapan nila. Mukha tuloy akong tsismosa dito.
Nang sulyapan ko si Aciel sa dati nitong pwesto, paalis na sila pareho. Doon ako bumuntonghininga tsaka nagpasyang lumabas na rin ng library.
“The final touches are done. Una na po ako, Ma’am,” paalam ko.
Tinanguan ako nung librarian at ‘yong babaeng nakasama ko kanina sa hallway.
Pagkalabas ko’y bumungad ang street lights sa paningin ko dahil sa madilim na paligid. Palabas na ako ng building nang sumabog ang buhok ko dahil sa malakas na ihip ng hangin. Inayos ko ito 'tsaka inilagay sa likuran ng aking tainga.
“Sh*t…” tanging nasabi ko nang maramdamang may nawawala sa bulsa ko nang kapain ko ito. “‘Yong pitaka ko nawawala! Sh*t!”
Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung paano ako makakauwi ngayon. Mabuti na lang at wala doon ‘yong mga mahahalagang cards na mayroon ako.
“Ang tanga ko naman. Paano ko ‘yon nawala?” saad ko habang sinusuri ang buong sulok ng building.
Nang mapadpad ako sa library, sarado na ito. Nanlumo ako habang sinusubukang buksan ‘yon. Dahil sa frustrasyon ay napasabunot ako sa sarili habang tinatahak muli ang hallway patungo sa bungad nitong departamento.
“Ako na talaga ang bobo,” iritado kong paratang sa sarili.
Imposibleng naiwan ko 'yon sa grab kanina dahil saka ko lang naman ibinulsa ang pitaka ko nang makalabas ako ng sasakyan. Sayang ‘yon dahil nasa dalawang libo mahigit din ang laman no’n.
“Bobo ko, badtrip,” sambit ko habang umiiling.
Mabuti na lang at hindi ko nawala itong phone ko. Inabala ko ang sariling magtipa ng mensahe para kay Theron. Kung hindi siya busy ngayon, maswerte ako.
Umupo ako sa isang bench, sa may tabi ng matayog na ilaw habang nagtitipa.
Matapos no’n ay inabala ko ang sarili sa mga taong dumadaan. Ang ilan ay pauwi na at ang ilan naman ay papasok pa lang sa evening classes nila.
Nang madinig ko ang ring ng phone ko, alam kong si Theron ‘yon.
“Hello, Theron,” bungad ko nang masagot ang tawag. “Pasundo naman ako, Pogi.”
“Wow,” he sarcastically stated from the other line. “Pogi pag may kailangan. Galing, ah…”
Narinig ko pa mahinang halakhak niya mula sa kabilang linya. Mukha namang hindi busy ang isang ‘to ngayon.
“Sige na...Grabe naman...” kumbinsi ko sa kanya. “Nawala ko pitaka ko.”
“Nak ng! Ba’t ba palagi ka na lang tinatakasan ng mga pitaka mo? Miski noong kolehiyo tayo gan’yan pa rin.”
“Pasundo na. Ang tigas naman ng puso mo…” pangongonsensiya ko sa kanya.
“Chill, You don’t have to sugar coat your words. Darating ako, Smile,” he said. May narinig pa akong tumatawag sa kanyang background. “Sige na…I’ll hang up now. Darating ako. Just make sure to DM me your location, ‘kay?”
Ngumiti ako matapos niyang sabihin ‘yon. Nag-DM ako kaagad kay Theron sa socmed niya kung nasaan ako ngayon. Nag-reply naman siya kaagad na maghintay lang daw ako saglit dahil kakausapin niya lang saglit ang Head Engineer na kasamahan niya sa trabaho.
Nanatili akong naghihintay sa may bench. May mga tao pa rin sa paligid hanggang ngayon. Nang tumingala ako sa langit, napansin kong maaliwalas ito at madami ring bituin. Sayang dahil hindi ko maaninag ang buwan.
“Alone?” isang malalim na ingles ang nagpataas sa balahibo ko.
Paglingon ko’y isang matayog na pigura ang humaharang na sa ilaw na tumatama sa akin. Nang sa wakas ay namukhaan ko siya, doon na nag-unahan ang bilis ng pulso ko. May kung ano talaga sa akin ang hindi ko maunawaan tuwing nariyan na siya.
“You’re still here. Who’s with you?” Muling tanong niya.
Umusog ako nang umupo siya sa parehong bench kung saan ako nakaupo. Agad na naglaro sa ilong ko ang mabango at pamilyar niyang amoy. Napansin ko rin na may isang dangkal na siyang bond paper na dala-dala, at sa ibabaw no’n ay isang latest na ipad. Inilapag niya ito sa tabi niya kaya’t naging dahilan ‘yon upang mas lumapit pa siya sa akin.
Kinabahan akong umusog nang maramdaman ko ang paggalaw niya. Kinakabahan ako dahil mamaya baka narito lang pala sa paligid ‘yong mestiza niyang girlfriend.
“Hi, Lods,” wala sa sariling nasabi ko, kinakabahan na kasi ako sa presensya niya.
Kumunot ang noo niya. “Lods?”
“Idol ‘yon.” Tugon ko, still trying to act low-key.
Bakit ba gan'to na lang ako kabahan tueing siya na?
“I know what it means. Just call me by my name. Not lods, Smile.”.
“O…kay,” I awkwardly responded.
Walangyang puso ‘to. Normal pa ba ‘to? Ang bilis ng kabog, parang tanga...
“Nga pala,” pag-iiba ko ng usapan upang maibsan ang kaba. “Can I have your bank details? I’m planning to transfer my payment.”
“I almost forgot about that. Since you have mentioned that topic, I guess we need to set a meeting for that,”sambit niya habang pinaglalaruan ang Apple pen sa daliri. “A formal one.”
Sinulyapan ko siya.
“Kailangan pa ba ng gano’n? Hindi ba pwedeng magpalitan na lang tayo ng email, o numero upang doon na lang natin matalakay ang lahat?”
“You're right. We need to have each other's contact numbers too.”
Umiling ako. Hindi kami nagkakaintindihan.
“That’s not what I meant, Aciel. I said, we don’t have to sort out an schedule for this. Napakaliit na usapin na lang nito. Maaari namang pag-usapan ito sa pamamagitan ng email.”
“Here,” inilahad niya sa akin ang kanyang phone.
“Type in your contact number and email here,” patuloy niya, parang walang paki sa sinabi ko.
Saglit kaming nagkatitigan bago dumako ang tingin ko sa phone niya. Napansin kong latest ‘yon. Hindi rin nagtagal ay kinuha ko na ‘yon at saka itinipa ang email account ko sa kanyang phone. Inilahad ko rin sa kanya kaagad ang phone matapos gawin iyon.
“You forgot to put in your contact number,” he said.
“It isn’t needed, Aciel.”
“It’s necessary.” Malalim ang boses niyang tugon.
Honestly, I couldn’t understand myself now. Miski siya ay hindi ko rin maunawaan. I’m not stupid. Nais kong malaman ang dahilan kung bakit kailangan pa niyang makuha ang contact number ko.
“Like I said, you can just directly message me through my email.”
Ayos lang naman sa aking makuha niya ‘yong numero ko, kaya lang mas propesyonal kung sa email na lang kami mag-uusap.‘Yon naman kasi dapat…
“Why are you hesitant in giving me your number? Do you think I'll hit you through text messages? I'm professional when it comes to necessary matters like this, Smile.”
Malalim ang saglit na halakhak niya. Bumuntong hininga ako nang matanto ang ibig niyang sabihin. Oo nga naman. masyado lang akong nagbibigay ng double meaning.
“We’ll talk professionally, and I guarantee you that.” Dugtong niya.
“Parang lumalabas na assuming pa ako dito, ah.”
I heard him smirked as he crossed his legs in a manly way.
“Ikaw ang may sabi n’yan.”
Umawang ang labi ko nang bitiwan niya 'yon. Pero muli ko rin namang itinikom.
Sa huli ay inabot ko na lang ang phone niya. Tama nga naman siya. Malamang ang pag-uusapan lang namin ay iyong dapat na pag-usapan at wala ng iba.
Inilahad ko pabalik ang kanyang phone matapos kong itipa ang aking numero.Tahimik na ako matapos no’n.
Hindi na ako nagsalita. Walang nagsalita sa amin pero nararamdaman ko ang atensiyon niya sa akin. Ako naman ay diretso lang ang tingin sa mga dumadaan.
Gusto ko siyang kausapin kaya lang ay mayroong pumipigil sa akin. Napapahinto ako tuwing naiisip kong may girlfriend talaga siya.
“So, kailan ang professional meeting natin?” Basag ko sa katahimikan.
Idiniin ko talaga ‘yong ‘professional’ sa pangungusap ko.
“I’ll tell you soon. Just wait for my update.”
Tumango na lang ako, medyo naubusan na ng sasabihin.
“Para saan pala iyang dala-dala mo?” tanong ko nang mapansin ang dala niya kanina. Kuryoso ako sa makapal na bond paper niyang dala. Napakarami kasi no’n.
“These are my readings.” Aniya.
Hindi ko napigilang sulyapan pa ‘yon lalo. Seryoso ba siya?
“Ilang linggo mo ‘yan babasahin?” muli kong tanong.
“I have to finish this until tomorrow night,” aniya, pinaglalaruan pa rin sa daliri ‘yong digital pen niya.
“Hanggang bukas lang ng umaga!?” gulat kong tanong.
“Uh-huh,” tumango siya. “We have recits regarding this case so…I have to study and finish this quickly.”
Grabe, sinusulyapan ko pa lang ‘yong kapal ng babasahin niya, parang sumasakit na ang ulo ko. I can’t help but to admire him. Mas lalo tuloy tumataba ang puso ko habang kasama siya’t itinatangay ng hangin ang bawat hibla ng aking buhok ngayon. Gusto ko pa siyang makausap at makilala lalo. Sana...
“Do you want me to—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabilis akong tumayo nang maaninag ko na ang sasakyan ni Theron na paparating. Kumaway ako dahilan upang bumusina si Theron nang siguro’y napansin niya ako sa gilid.
Muli kong sinulyapan si Aciel sa likod ko. Nakita kong nakapamulsa na siya habang kinikilatis ang papalapit na sasakyan ni Theron sa gawi namin.
“Mauna na ako,” nginitian ko siya matapos sabihin ‘yon. “Ano nga pala ‘yong sinasabi mo kanina? Hindi ko kasi naintindihan.”
Nagkatitigan kami. Hinintay ko ang sasabihin niya pero umiling siya sa akin. Mahalimhim ang mata nitong ibinalik muli ang tingin sa sasakyan ni Theron.
“Sige…una na ako kung gano’n. Hintayin ko na lang email mo,” paalam ko.
Ang mistulang Agila nitong sulyap ay tumama sa akin. Tikom ang kanyang labi ngunit alam kong may pahiwatig. Hindi ko nga lang alam kung ano...
Binuksan ko ang front seat 'tsaka umupo. Nang muli kong sinulyapan si Aciel sa kinatatayuan niya'y nakapamulsa pa rin ito. Madilim ang salamin nitong kotse pero tila tumatagos ang kanyang sulyap, parang nag sasalubong pa rin ang aming tinginan. Doon ay hindi ko na napigilan ang talbog nitong puso ko.