It's absurd to think about how people envisioned the gap between employees and bosses. I couldn't imagine their treatment a while ago. The waiter seems sincere in his work. Well, it wouldn't happen kung hindi ako naging clumsy sa paglalakad kanina. But, I did explain the situation behind that scene already…and I didn't know that they were biased with Adamos clans. Parang lahat ng dipensa ko para sa lalaki kanina’y hindi nila naririnig, tanging si Aciel lang ang pinapakinggan nila!
Ano ‘to? Dahil respetado ang mga Adamos, kung anong hilingin nila ay ‘yon ang mas matimbang?
Bago ko lisanin ang buong lugar kanina, ipinaliwanag ko nang maayos sa supervisor ang tunay na nangyari. Since, wala namang nasira, hiniling kong huwag nilang alisin ‘yong lalaki sa trabaho. Hindi ko lang alam kung tutuparin nila iyong naging pakiusap ko.
Saglit akong dumungaw sa aking phone nang maramdamang may nag-chat sa akin. Nang tignan ko ito, mensahe ni Theron sa GC ang nabasa ko. Nakita ko na rin na na-seen ito si Zelestine, si Calliope naman ay abala sa daan kaya hindi pa niya nababasa ang chat mula kay Theron.
“I’m glad that you convinced them not to fire the waiter. He looked so helpless earlier. Naawa ako kanina…” ani Zelestine habang nakatingin sa phone, sigurado akong nagtitipa ito ng mensahe sa group chat para kay Theron.
“That’s what I did, sinabi kong huwag siyang alisin,” saad ko, ibinaba na ang phone 'tsaka tumingin na sa bintana. “Hindi ako sigurado kung tutupad sila sa hiling ko.”
Patungo na kami ngayon sa bar tulad pa rin ng napag-usapan. Sa katunayan, nawalan na ako ng gana patungo roon dahil sa nangyari sa restaurant kanina. Kung hindi lang dahil kay Calliope at Zelestine, baka nasa bahay na ako ngayon.
“Nakapag-usap ba kayo ni Mr. Adamos?” tanong ni Calliope, abala pa rin sa daan.
Tinutukoy niya si Aciel, kung naayos ba namin ‘yong kanina. Hindi, hindi namin naayos. Nag-walk out ako sa harapan niya kanina. Kinausap ko rin kasi 'yong pinaka-head na manager nd restuarant pagkatapos.
“Hindi. Hindi kami nakapag-usap,” pagsisinungaling ko. “Nga pala, bilin ni Theron sa GC, uminom daw ng naaayon sa kakayahan.”
Parehong tumango ang dalawa sa akin.
Nang makarating kami roon, mabilis na hinila ako ni Calli sa VIP area namin. Nagbilin din siya sa akin na huwag ko siyang hanapin dahil nasa dance floor lang naman siya. Si Zelestine naman ay inaliw ang sarili sa mga inumin sa harapan namin. Nais kong sundan si Calli sa baba, pero ayoko naman iwanan mag-isa rito si Zelestine.
“Badtrip kanina…” panimula ko.“Paabot naman ako ng Margarita, Zel.”
Inilahad niya sa akin ang isang glass coupe ng Margarita.
“Let’s go dance?” alok niya sa akin.
“Susunod ka kay Calli sa ibaba?” tanong ko.
Uminom muna nito sa kanyang Margarita bago siya tumango sa akin.
“Yeah. You’re not dancing?” tumayo na ito mula sa couch.
“Sunod ako,” tugon ko.
Nakangiti siyang nagpaalam sa akin kaya tinanguan ko lang siya. Nang mag-isa na lang ako, sinulyapan ko ang mga nakahilerang shots ng Margarita at Daiquiri. ‘Yung unang inom ko pa lang ng Margarita kanina, nais nang umatras ng sikmura ko. Hindi ko alam dito kay Calli kung bakit gan’to karami itong nasa table namin, lalo na’t alam naman niyang mahina kami ni Zelestine sa inuman.
When I tried the Daiquiri, it taste like a mixture of rum cocktails with the balance of sweet and sour. Pero nang bumaba na ito sa lalamunan ko, doon nako napangiwi sa init na dulot nito.
“Gagi, ‘di ko kaya ‘to,” tanging nasabi ko kahit na mag-isa lang naman at walang nakaririnig.
Uminom ako ng tubig pagkatapos ay pinasadahan ko ang aking buhok upang maayos ang harapang bahagi nito. Nagpasya akong tumayo upang umindak din sa dance floor. May pasok pa ako ng maaga bukas pero bahala na.
I'm holding the glass coupe of Margarita in between my ring and middle finger. I danced with the crowd. I received some compliments from strangers when I stepped more onto the dance floor. Hindi ko namataan sila Calli at Zelestine dahil sa dami ng tao. May mga estrangherong sinusubukan akong lapitan pero ako ang kusang umiiwas.
Sana pala ay ‘yong phone ko na lang ang dinala ko upang nakapag-selfie ako, at upang makunan ko rin sana ng litrato itong buong paligid. Itinaas ko sa ere ang glass coupe 'tsaka umindak kasabay ng musika.
Pero nahinto nang may mainit na palad ang dumapo sa maliit kong bewang. Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko na nasa ere. Bago pa man mangyaring maibaba ko ang glass coupe, marahan nang nakuha mula sa akin ang baso.
Agad kong nakilala ang kanyang mukha nang saglit ko siyang masulyapan. Sinubukan ko siyang harapin pero pinigilan niya ako at pinanatili ang aming posisyon. Nag unahan ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin habang hawak niya ako sa bewang mula sa likuran.
“May atraso ka sa ‘kin,” malamig na bulong niya.
Nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi niya. Tumama ang ilong niya sa aking batok, the warmth of his breath is touching the skin of my neck. Until I felt his other hand slowly moving on my stomach, creating gentle circles on it. My breath became so heavy as I watch his forearm around my slim waist. I feel so tired already, and I wanted much more of his support and hot touches.
“Ikaw…” mahina kong utas, medyo nanghihina na sa init ng haplos niya. “What are you doing here?”
Hindi siya nagsalita. Nang subukan ko muli siyang harapin, doon niya lang ako hinayaan. His warm hands traveled around my waist to claim my slim back. He made it stayed there. I looked up at his blazing brown eyes as I try to calm my heart. It won't stop from hammering so loud!
“I hate you earlier,” saad ko nang maalala ‘yong pangyayari kanina.
“I hate you either.”
Nakaramdam ako ng inis sa binitiwan niyang salita. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi niya ako hinayaan. Dahil sa ginawa ko, mas naging malapit pa ang katawan namin sa isa’t-isa.
Inilapit nito ang kanyang mukha sa aking tainga, “I hate your clothes, Smile. So please, let’s talk somewhere else. Not here.”
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Nagulat ako dahil kilala niya ako! Paano niya nalaman ang pangalan ko?
“Come here,” patuloy pa niya.
Naramdaman ko ang malayang paglalakbay ng kanyang kamay patungo sa aking pulso. Marahan akong hinila nito kaya’t kusa kong pinahintulutan ang aking sirili na sumama sa kanya. His scent, his touch, his words…it feels like a real comfort, like home.
But he has a girlfriend, right?
A dimmed VVIP room welcomed us. It's way different compared to our VIP room. This room's design is more on minimalism black and white, and the blue lights under the huge opposite couches are adding more complexion to the whole room. The glass table at the center area surrounded by the blinking naughty blue lights wowed my sight. I'm not sure if this is a just a normal VVIP room in general because I think this belongs to an exclusive VVIP membership for the elite ones. There's also an aquarium inside with crystal blue water because of the reflection of the blue light.
I sat down like a behaved feline, nervous with this presence that I'm with. Hindi ako nagsalita sa aking pwesto. Nilakbay ng aking mata ang iba’t-ibang uri ng alak sa ibabaw ng table. Hindi ko mapangalanan ang iba dahil hindi na ako pamilyar sa mga ito. Kabado akong nilingon siya habang inaayos nito ang tupi ng kanyang button down shirt. Nakita ko rin na nakalapag na iyong glass coupe na hawak ko kanina sa dulo ng mesa.
Inalis ko ang tingin sa may direksiyon niya nang tapunan 'ko ng sulyap. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Siguro nalaman niya ito noong pinagalitan ako ni Ma’am Astra sa harapan niya, mukha pa namang magkakilala sila.
Umuga ang parteng inuupuan ko kaya alam kong nakaupo na siya sa parehong couch kung nasaan ako ngayon. Hindi na ako makahinga ng maayos, hindi ko alam kung bakit ako pumayag na mag-usap kami sa ganitong napakapribadong lugar. Kabado ako…pero kahit na gano’n ay gusto ko pa rin itong nararamdaman ko. T*ngina, ang gulo ko rin, eh!
Umurong pa ako lalo nang maramdaman ang paglapit niya.
“I-ill pay you, okay? I don’t have my cash right now, but I will take full responsibility with all the damage that I had caused you. Bukas na bukas ay babayaran kita.”
Narinig ko ang naging halakhak niya sa sinabi ko. He rested his other arm at the back rest of the couch as he watches me with his eagle stares. Ang awkward. Ang awkward matapos ng sinabi ko. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nanginginig na ako ngayon. Masyadong revealing itong suot ko kaya’t siguro gan’to na lamang ako lamigin.
“Come here,” he said, tapping the space beside him. “I’m not gonna harm you.”
Hindi ko siya pinakinggan. Nanatili pa rin ako sa pwesto ko, sa pinaka dulo na nitong couch.
“Sabi mo may atraso—”
Hindi ko naituloy ang sasabihin nang may pumasok na isa pang lalaki sa loob nitong silid. He’s the law student in the Café with Aciel. Dito ko nakumpirma na kaibigan niya nga siguro ito. Naka-button down shirt siya katulad ni Aciel pero kulay asul nga lang ang kanya. Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa kaharap naming couch, pagkatapos ay dinampot niya ang isang silver na phone sa ibabaw. Saglit niya rin akong sinulyapan bago napunta ang buong atensiyon kay Aciel. Uminom siya ng mga dalawang shot bago sulyapan ang kaibigan.
“Gotta go, bruh,”itinuro niya ang bungad ng silid gamit ang kanyang hinlalaki. “Happy chill week, Ace.”
Ngumisi si Aciel sa kanya. “Yeah, probably our chill week. No readings, cases, and sh*t recits.”
“Precisely,” humahalakhak na tugon ng lalaki bago tumulak palabas.
Nabalot kami ng katahimikan. Walang naglakas loob na magsalita sa loob ng mahabang segundo.
Lumapit siya sa akin kaya’t natarantang isiniksik ko pa lalo ang sarili sa dulo ng couch kahit na wala naman ng espasyo pa. Nakaharap siya sa akin at pinapanood ako. Ako naman ay diretso lang ang tingin. Naramdaman ko ang naging paghawi niya sa hibla ng mga buhok na humaharang sa aking mukha pagkatapos ay isinalikop niya ito sa aking tainga.
Nilalandi ba 'ko nito?
“What were you saying?” he asked.
Saglit ko siyang sinulyapan, nagtama ang tingin namin sa isa’t-isa. Nang matantong hindi ko pala kayang tignan ang tsokolate niyang mata, muli kong ibinaling ang tingin sa harapan ko. Nasa gilid ko siya kaya nararamdaman ko ang mainit na pagtama ng hininga niya sa aking balikat.
“Tapos na ba tayong mag-usap? I already gave you the assurance that I’ll pay you tomorrow,” sabi ko pagkatapos ay palihim na lumunok. “May pag-uusapan pa ba tayo bukod sa nabanggit mong atraso ko?”
“Uh-huh…” chill niyang wika, inaalis na ang natitirang espasyo sa pagitan namin.
Kinabagan ako lalo sa sinabi niya. Sobrang lapit namin sa isa’t-isa, kaya hindi ko alam kung legal pa ba ito. He has a girlfriend, so I’m trying to remain our distance. Ang problema ko lang, pinapatay niya nang paulit-ulit ang espasyo namin sa gitna.
“Can we abide our distance? Mag-uusap lang naman tayo kaya hindi naman siguro kailangang gan’to tayo kalapit sa isa’t-isa.”
“Tinatamad akong lumayo,” tugon niya.
Nalaglag ang panga kong nilingon siya.
“A-Are you flirting?”
Umalingawngaw ang tawa niya sa buong silid habang umiiling, tila may katawa-tawa sa sinabi ko.
“What do you think, Smile?” balik tanong niya.
Sasagot na sana ako pero inunahan niya ako.
“In fact, I should be the one asking you that.”
“Na alin? I don’t want to flirt with you and I have no plans for...”
His eye brows shot. Aliw na aliw siyang pinanonood ako sa itsura ko ngayon. I can feel the heat of my neck going up to my face. Hindi ko alam kung paano dipensahan ang sarili.
“Why are you stalking me, then?” he asked.
Hindi pa ba siya tapos d'yan?
Bumaba ang kamay niyang nakapatong sa back rest ng couch sa aking likuran. Nanatili ang mainit na palad niya roon kaya’t mas lalong nagwala ang dibdib ko.
“Oh, please…I’m not stalking you, Aciel,” sambit ko. “Sa ating dalawa, baka ikaw ang stalker. Bakit ka narito?”
“Chill,” he chuckled. “I follow people when they’re suspicious.”
Umawang ang labi ko nang madinig ‘yon mula sa kanya.
“Anong tingin mo sa ‘kin? Mamamatay tao? Sindikato gano’n?”
“Yeah. A harmless syndicate maybe...”
Wala akong ibang intensiyon sa kanya. Mali rin ang ganito kami kalapit sa isa't-isa.
“Aalis na ako. Wala naman na siguro tayong ibang pag-uusapan pa.”
Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang hita ko upang pigilan ako. Naka upo na ako muli. Nanatili ang tingin ko doon sa kamay niya. Naramdaman ko ang naging paglapit niya muli sa akin habang naroon sa ibabaw ng tuhod ko ang kamay niya, preventing me to stand. The veins in his hands made him look so strong and flex. I feel so tiny beside him.
I really find him hot and attractive, yes.
Ang lapit niya. Ito ang nagpapakaba sa akin.
“Liar,” I said, pinantayan ko ang kanyang tingin.“You’re flirting. I can tell that.”
Mas lalo niya akong tinitigan. He, then, chuckled.
“I told you, I don’t flirt.”
Of course! Malamang dahil may kasintahan ka nga.
“That’s the right thing to do. You should never flirt." Saad ko.
Kumunot ang noo niya nang sabihin ko ‘yon.
“So please, let me go. You’re cheating,” patuloy ko.
“What?” kunot-noo niyang tanong sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Muli kong inalis ang kamay niya sa akin pero agad din naman itong bumalik sa dati niyang ayos, nasa hita ko na naman. Ulit. Nawalan na ako ng pag-asang makakaalis pa ako, kaya’t sumuko na lang ako’t sumandal. Mas lalong tumama ang palad niya sa aking likuran nang gawin ko 'yon, inayos niya naman ang pwesto ng kamay niya kaya nagmukhang nakaakbay na siya sa akin.
Masyadong malapit ang ayos namin sa isa’t-isa kaya maaaring mapagkamalang may kung ano sa pagitan namin, kahit ang totoo ay wala naman.
“Parang noong nakaraan lang ay pinagtatabuyan mo ‘ko. Mabuti naman napansin mo na ‘ko ngayon.” Pag-iiba ko ng usapan.
“May atraso ka nga, pinagbabayad ko ang may atraso sa akin.”
Pinanliitan ko siya ng mata. Pakiramdam ko talaga baka hindi ko makakasundo ang isang ‘to. Kung banggitin niya ang atraso sa akin, parang may mabigat na kabayaran.
“Allow me to leave, please,” I said. “Babayaran naman kita.”
I can see how he prevented himself from smiling. He even pouted to stop his smile. Pero huli na siya dahil kitang-kita ko kung paano siya naaaliw sa akin ngayon. Nakaramdam ako ng iritasyon sa kaibuturan ko.
“Are you mocking me?” inis kong tanong kahit na hindi naman kami close.
Pakiramdam ko kasi ay pinagtatawanan niya ako.
Mas lalo kong pinantayan ang kanyang sulyap matapos ang naging tanong ko. Naging seryoso siya nang mapansin niyang hindi na ako nagbibiro.
“I don’t flirt with law students. Hindi ikaw ang tipo ko,” patuloy ko.
Nakita kong ikinagulat niya ang sinabi ko. Pero nang makabawi ay idinaan niya muli sa tawa. Hindi rin nakatakas sa akin ang naging pag-igting ng kanyang panga habang umiiling. At sa naging asal niya, tunay na nagparamdam sa akin ito ng kahihiyan.
Medyo assuming ba ako sa nasabi ko?
“Yeah, you don’t like me,” he said using his mocking tone.
Muli niyang inayos ang mga hibla ng buhok na tumatakas mula sa pagkakasalikop nito sa aking tainga. Nanatiling tikom ang bibig ko. Pakiramdam ko kung magsasalita ako muli ay mapapahamak na naman ako.
“Who’s with you?” tanong niya nang makabawi sa naging halakhak.
Bakit niya tinatanong? Close ba kami nito?
“I’m with my friends.” Tugon ko.
“The two ladies a while ago?”
Tumango ako sa kanya. Bumuga ako ng malalim na hininga upang maibsan ang kaba. Naramdaman kong tumayo na si Aciel. Kusang umangat ang tingin ko sa kanya nang ilahad nito kanyang palad sa akin.
“I’ll escort you to your friends. Let’s go.”
Nanatili ang tingin ko sa palad niya. Tumayo ako pero hindi ko inabot ang kamay niya. Naalala ko noong unang kita ko sa kanya, naglahad rin ako ng cookies, pero hindi niya ‘yon tinanggap. Ngayon, nais kong maramdaman niya ‘yong ganoong klase ng pakiramdam.
Inilagay niya sa loob ng bulsa ang kamay niya nang mapansing hindi ko balak hawakan ‘yon.
“I can go there alone. Hindi mo na ako kailangan pang samahan,” paniniguro ko sa kanya. “Babayaran ko ang mga law books na natapunan ng kape, miski iyong mga coat mong namatsahan. Huwag kang mag-alala.”
Hindi siya tumugon sa sinabi ko. Paglabas ko'y nakasunod pa rin siya sa akin. Tumalbog ang puso ko nang makita siyang naka-sunod. Napansin ko rin na napapatigil siya saglit dahil may mga bumabati sa kanya pero ang buong atensiyon niya pa rin ay na sa akin.
Sa katunayan, nais magwala ng puso ko sa mga oras na ito. Dismayado lamang ako dahil kailangan kong umastang hindi ko siya gusto; alam kong may kasintahan siya at ayokong manira ng relasyon.
Pagkarating ko sa aming VIP room, naroon na ang mga kaibigan ko. Nagulat ako dahil meron na rin si Theron sa loob.
Muli kong dinungaw ang aking likuran upang makumpirma kung naroon pa rin si Aciel, pero wala na siya.
“I thought you’re busy,” bungad ko kay Theron, kinakapa kung tama ba ang hinala kong beast mode siya.
Sa totoo lang, kinakabahan na ako tuwing biglaan ang sulpot ni Theron, lalo na kung ganyan kaseryoso ang kanyang itsura. Alam ko kasing tutol na naman siya sa gan’tong night out namin.
Dinaluhan ko sila ni Zelestine sa pag-aalaga sa lasing na lasing na si Calliope. Naghuhubad na ito kaya pinipigilan siya ni Theron. Natatawa rin ito habang may kaunting ungol na lumalabas sa bibig niya kaya mas lalong naiinis si Theron sa naririnig.
“Zelestine called me. You guys should stop drowning yourselves in drinks if you can’t be responsible enough!” iritado niyang wika.
“Sila pagsabihan mo. Dalawang shot lang nainom ko, Theron,” tanging nasabi ko, nagbabaka sakaling maibsan ang inis nito sa amin.
“Even so! Ihahatid ko na kayo sa mga bahay niyo," aniya, inaayos si Calliope sa bisig niya. “Doon na kayo sa sasakyan ko sumakay. Ipapa-drive ko na lang sa assistant ko ‘yong kotse ni Calli.”
Napa-tango na lang kami ni Zelestine habang pinapanood si Theron na inaayos ang pustura ni Calli sa bisig niya. Galit nga siya.
“I’m sorry…I forgot to remind Calliope—”
“Tss. You’re drunk as well, Zelestine. I’ll call your parents that I’ll be driving you home,” putol ni Theron sa kanya. “Smile, paki alalayan si Zelestine. Ako na rito kay Calli.”
Pagkatapos ng bilin niya ay lumabas na siya sa b****a ng silid, buhat-buhat si Calli. Pagod na sumandal sa akin si Zelestine nang kaming dalawa na lang sa loob.
“Beast mode talaga si Theron sa atin, Zel. Dapat kasi hindi kayo naglasing ng malala,” tanging nasabi ko habang inaabot ang purse naming tatlo. “Kayo kasi, sinabihan niya tayo sa GC kanina pero hindi pa rin kayo nakinig.”
“I want to vomit, Smile,” mahinang wika niya, tila walang narinig sa sinabi ko.
Nataranta akong itinayo siya, “Huwag dito. Doon tayo sa CR!”
Sinubukan ko siya itayo. Nakaalalay lang ako sa kanya palabas hanggang sa tuluyan na naming narating ang restroom. Inalalayan ko rin siya papasok sa loob ng cubicle. Pagkatapos ay humakbang rin palikod nang mapansing nais niyang mapag-isa.
Hinayaan ko lang ang aking kaibigan sa loob ng cubicle, nanatili akong naghihintay sa kanya.
Habang hinihintay ko siya, humarap muna ako sa salamin.
Nakapagtataka dahil…I can still smell his scent. Sa sobrang lapit namin ni Aciel siguro kanina, dumikit ang amoy niya sa akin. Kumalabog ang dibdib ko habang inaalala ang naging usapan namin pareho. Kalaunan ay napalitan din ako ng dismaya.
“Sayang lang…He’s not single.”
Dismayadong bulong ko habang nakaharap sa repleksiyon ko sa salamin.