I'm passionate when it comes to baking. It always reminds me of my parents. Sa ganitong paraan nila ako napagtapos sa kolehiyo. And until now, it’s still painful to think how I handle my life now without them. But it's always necessary to take a break from everything syempre. Miski sa baking na nakahiligan kong gawin ay kailangan ko rin ng pahinga.
My passion can still make me feel so tired, and the only comfort that's left is my reasons for staying into this.
Since it’s Sunday, plano ko talagang maglinis sa buong bahay at diligan ang mga halaman sa garden. I’m wearing my usual clothes at home: sleeveless crop top, cotton pantylet, and a fluffy indoor slippers. Mag-isa na lang naman ako rito kaya’t komportable na ako sa gan’to. Isa pa, nagtitipid ako sa kuryente kaya nakapatay ang aircon dito sa bahay, dahilan kung bakit mainit.
Binuksan ko lahat ng bintana bago ako magsimula sa pag-mop ng sahig. Pagkatapos ko naman sa sahig ay sunod ko namang inayos ang mga libro sa bookshelf. Pinagsama-sama ko lahat ng mga libro patungkol sa pagluluto at baking, ‘yung ilan namang libro ko noong kolehiyo ay pinagsama ko na rin.
Saka lang ako nahinto nang makita ko ang final Thesis ko noong Senior year ko sa College. I squatted as began to open my thesis book. Tuwing naaalala ko ang mga pinagdaanan ko sa kursong ‘to, magulang ko lang ang tangi kong naiisip. Kung may kakayahan lang akong ibalik ang oras, sana noong bata pa lang ako’y ginawa ko na ang lahat para atleast nakagawa man lang ako ng ikaka-proud nila sa akin.
“Sana hindi natapos sa pagsisisi ang lahat…Pakiramdam ko, ang dami kong hindi kayang gawin,” paos na bulong ko sa sarili.
I'm undecided when I was about to enter college, so I declined when they asked me to take up a BS in Agricultural Engineering. First; we're not Hacienderos, and Second; I suck with numbers. But I saw hope in my parent’s eyes. They’re hoping for me to become successful one day, and it's already inculcated into their minds that being an Agricultural Engineer would make my life easy and contented as well. Pero mali, dahil masyado rin akong dumepende sa paniniwalang ‘yan. Kaya naman, ang tanging napapansin ko na lang ay ang mga kamalian at kabiguan ko sa ngayon.
I’m trying to organize my life even without my parent’s opinion. Mahirap din pala ‘yung walang sumisita sa lahat ng desisyong ginagawa. Untill now, I’m still trying to find my way where I could possessed my capabilities.
I should be grateful for what I have. Pero parang may humihila sa akin parati upang hindi makausad. I feel so insecure about everything. Lalo na ngayon at wala ang mga magulang kong nagpapagaan sa loob ko. Ang tanging nagpapalakas ng loob ko ay ang pagmamahal ng mga tao sa buhay ko. I still have my genuine relatives and friends. And with their love, I can feel virtue and contentment in life.
Isinara ko ang thesis book ko 'tsaka nagpasyang magdilig na sa garden. Alas-onse nang matapos ako sa paglilinis sa loob ng bahay. Kaya naman paglabas ko’y mataas na ang sinag ng araw. Hinarang ko ito upang hindi tumama ng diretso sa aking mukha habang abala sa pagdidilig. Dumeretso ako sa tatlong puno ng Papaya upang diligan ang mga ito, pagkatapos ay sinunod ko naman ang mga Bonsai.
“Five million subscribers na ako, Smile!”
Halos mabitiwan ko ang hose na hawak nang madinig ko ang boses ni Calliope. Nakakunot ang noo kong tinapunan siya ng tingin dahil sa init na tumatama sa porselana, at namumula ko ng mukha. Isinara ko ang poso pagkatapos ay nagtungo sa direksiyon niya. Nang makalapit na ako sa kanya, doon niya ako niyakap ng mahigpit kahit na pawisan pa ako.
“Limang milyon na ang sumusubaybay sa maingay mong boses,” humalakhak ako matapos sabihin ‘yon.
“Parang hindi naman kita subscriber d’yan, Smile,” aniya, bumitaw na sa yakap.
“Napilitan akong gawin ‘yon!” biro ko.
“Hoy, napakasama ng bigbig mong ‘yan, ah. Itikom mo ‘yan,” banta niya sa akin.
Ngumisi ako pagkatapos ay tumapak na sa loob. Masaya ako sa estado ng tagumpay niya. Parang bawat araw na lumilipas ay may nakakamit siya.
I faked a cough, “Baka naman may mag blow out sana d’yan. Iyong Five million subscribers sana.”
“Kaya nga narito, ‘di ba?” sumunod ito sa akin sa kusina habang nag-aalis na ng cardigan. “Tara dinner?”
“Tayo lang?” tanong ko, abala na sa hinahandang meryenda para sa aming dalawa.
“Kasama natin si Zelestine. Pagkatapos diretso tayo ng bar after dinner!” excited niyang tugon sa akin. “Teka nga…grabe naman dito sa loob ng bahay mo, parang microwave oven na sa init!”
Hindi ko siya pinansin matapos buksan ang ref upang kunin ang juice na naroon, “Si Theron, hindi kasama?” ulit kong tanong.
“’Yun nga, eh. Busy si Engineer.”
“Here,” inilahad ko ang platitong may lamang meryenda. “It’s a Bulacan style Pressed Custard Sponge Cake.”
“Ang arte,” natatawa itong inabot ang platito mula sa akin. “Pinangalanan pa talaga, ang yabang mo!”
"'Yan naman kasi talaga ang tawag d’yan,” saad ko.
Nagtawanan lang kami. Sabay naming pinagsaluhan ang meryendang ihinanda ko. Nagpasya na rin si Calli na sa bahay na kumain ng pananghalian. Pinaalalahanan niya rin akong susunduin niya ako ng mga alas-sais dito sa bahay bago siya tuluyang tumulak paalis.
Nang mag-isa na lang ako muli sa bahay, tinapos ko na ang mga natitirang gawain sa loob ng kusina. Naligo ako pagkatapos. Cream sleeveless shirt ulit ang suot ko at seamless pantylet. Tama si Calli; parang microwave oven na nga talaga rito.
Nanood ako saglit ng movie upang malibang naman ako habang pinapatay ang oras. Hanggang sa kusa na lang akong humihikab, kaya nakatulog pa rin ako kahit na mainit ang panahon.
Pagkagising ko’y medyo pawis ako dahil sa init ng panahon. Nagdidilim na rin kaya hula ko’y baka nasa alas-singco na siguro. Hirap kong ibinukas ang talukap ng aking mata upang ma-check sa aking phone ang oras. Noong unang sulyap ko sa screen ay medyo nahirapan pa akong basahin ang mensahe dahil may basag nga ang phone ko. Pero kahit paano ay nababasa ko pa rin naman ng maayos.
From Zelestine Escarrer:
Hi, Smile! We’ll gonna have our dinner. Gosh, I miss you! See you later. muah muah!
From Calliope Leos:
smile, dapat bihis na bihis ka na mamayang susunduin na kita a? alas tres pa lang dapat magbihis ka na kaagad. nakapabagal mo pa namang gumalaw
Nagtipa ako ng mensahe para sa dalawa, sinabihan ko silang kita-kits na lang kami mamaya.
Nang muli kong i-check ang oras, mag si-six na pala! Dali-dali akong nagtungo sa kwarto upang kumuha ng towel. Binilisan kong maligo dahil alam kong may kabagalan pa naman akong mamili ng mga susuotin tuwing may lakad. Pagkatapos kong maligo, nag-blower na muna ako ng buhok bago dumeretso sa wardrobe upang mamili ng ng maaaring masuot.
My go-to outfits are turtle necks and high-waisted jeans, paired with sneakers. But since I'll be having my dinner date with the girls, I’ll make sure to dress up a bit more extra tonight.
I have decided to wear a cowl neck satin dress with lace detail on it. It was a gift from Zelestine, hindi ko nga lang matandaan kung kailan. But I'm hesitant to wear this because I feel like it's showing too much of my skin. But since I'm running out of time already, ito na lang ang isusuot ko.
Nagtungo ako sa vanity table upang mag-ayos. I tried to define the natural waves at the tip of my hair using my curler. This dress that I'm wearing is showing too much skin on my back. So, I've chosen to let my hair untied as it dances at my nape and shoulders. I began to apply some blusher to define my rosy cheeks and nude lipstick for my pouty lips. At last, I picked my nude ankle strap stiletto heel to complete my outfit.
Noong huling punta ko ng bar ay naka pajama lamang ako. Hindi ko na rin maalala kung paano ko nalusutan ang dress code sa entrance ng bar na ‘yon. Nakatulong na rin siguro iyong parati naming kasama si Theron sa VVIP kaya’t namukhaan siguro ako.
Hapit na hapit sa katawan ko ang aking kasuotan, at bukod pa riyan ay medyo kita rin ang aking dibdib dito. I look so different with this outfit. I’m slender so I don’t really struggle for choosing my outfit. Kahit ano ay bumabagay sa hugis ng katawan ko.
Sinulyapan ko muna ang buong bahay bago ako nagpasyang tumulak palabas. Naghihintay na roon si Calli kaya’t dali-dali na rin akong nag martsa. Hawak ko ang maliit na purse na ang laman lang ay basag na cellphone at maliit na pitaka.
“Wow, ikaw pa ba ‘yan?” bungad ni Calli nang maupo ako sa driver’s seat.
“Huwag kang ma-starstruck, ako lang ‘to,” tugon ko habang ikinakabit na ang seatbelt.
“Yabang,” she replied as she began to drive. “Akala mo naman talaga may lalandiin ka sa outfit na ‘yan.”
“Dadaanan ba natin si Zel?” tanong ko.
Umiling ito sa akin. “Hindi. Ihahatid daw siya, nakalimutan ko kung sino.”
“Ayusin mo driving skills mo, ah. Mahal ko pa buhay ko,” paalala ko sa kanya.
“Nag-improve na ‘ko, Smile. Kaya baka pilay na lang ang matatamo natin ngayon,” tugon niya sa akin.
Humalakhak siya nang saglit niya akong sulyapan. Inilingan ko siya’t hindi na lang tumugon. Mamaya magdilang anghel ang isang ‘to. Ayoko namang may mangyaring masama sa aming dalawa. Inabala ko ang sariling mag-update kay Zelestine na OTW na kami ni Calli sa restaurant. Sinabihan ko na rin siyang sagot lahat ni Calli ang night out namin ngayon.
Nang makarating kami sa isang Spanish high end restaurant, iginiya kami ng isang waiter sa isang table reservation para sa amin para sa tatlo. Pagkaupo ay kaagad silang nag-serve ng wine sa table namin.
Sakto namang bumungad na rin si Zelestine.
Bumeso ito kay Calli, “Calli, you look so gorgeous as always.”
“Tignan mo ‘yang outfit ni Smile, Zel. Pakiramdam ko talaga may nilalandi ‘yan, eh,” ngumuso pa si Calli upang maituro ang gawi ko.
Ako na lang parati ang nakikita ng isang 'to.
“Oh my…you’re a goddess!” mabilis na bumeso sa akin si Zelestine. “You look so hot with that cowl dress, babe. You’re so toned.”
I thanked her for complementing me. Si Zelestine na 'yan, bihira lang pumuri.
Naging abala kaming tatlo sa usapan patungkol sa work, o sa kahit anong mga ganap sa buhay namin. Pero napukaw ang buong atensiyon ko nang may namataan akong isang pamilyar na presensiya.
Dalawang beses ko pa itong sinulyapan upang makumpirma kung si Aciel ‘yung nakikita ko. Hindi naman kalayuan ang table nila mula sa amin kaya malaya ko siyang maaninag. Sigurado akong siya ‘yon dahil sa tindig niya.
Nanliit ang mata ko nang mapansing isang mestiza ang kasalo niya sa table. Both of them are talking professionally, but I can’t stop myself from assuming that something is going on between them. I’m not really sure if that’s his girlfriend. I don’t know Aciel personally, so I have no idea about him. But looking at his figure and the way he carries that kind of intimidating vibe with that girl, I can say that he seems picky and has a high standards when picking a...woman?
Mukha namang hindi niya ako mapapansin mula rito dahil abala ito sa pakikipag-usap. Parang nitong huling araw lang noong huli ko siyang nakita, naalala ko rin na may kapalpakan pa pala akong nagawa sa kanya. Isa pa pala ‘yon sa dapat na iniisip ko. Hindi naman siya naniningil pero willing naman akong magbayad. Hindi ko lang alam kung paano siya i-approach nang hindi ako pumapalpak tuwing kakausapin na siya.
“Bakit ba tingin ka nang tingin sa direksiyon na ‘yan? Napakarami ko nang nasabi rito, Smile,” ani Calliope.
Pinilit kong kumalma upang hindi mapansin ni Calliope kung sino ang tinitignan ko. Muli akong bumalik sa aking pagkain habang kalmado.
“Siya ba ang tinitignan mo?” itinuro niya ang direksiyon ni Aciel.
Pinandilatan ko siya ng mata 'tsaka marahas kong ibinaba ang palad nito. Nakaka-stress talaga kasama ang babaeng ‘to. Naniniwala na akong sa isang grupo ng magkakaibigan, may isang pahamak. At sa amin, si Calliope na ang isang ‘yon.
“Huwag ka na riyan. Kita mong may kasintahan na.”
"Hindi ko siya tinitignan."
Hindi siya umalma pero alam kong hindi siya kumbinsido.
“I'm not consciously looking at him. I mean, come on! It's normal to roam your eyes around this place. It's astonishing—”.
Hindi ko naituloy dahil pinutol ako kaagad ni Calli. "Oo na, just eat.”
“I don’t even know him!” mahina kong depensa pero may diin pa rin.
Magsasalita pa sana muli ako pero inunahan ako ni Zelestine.
“I think I know him,”mataimtim pa itong nag-isip.“As I remembered, he’s an Adamos. Yeah...”
Hindi ako nagsalita, mas naging interesado bigla sa maaring idugtong ni Zelestine sa kwento. Pareho nilang sinulyapan ni Calli ang direksiyon ni Aciel. Uminom naman sa wine si Zelestine bago ako muling sulyapan.
“Yeah, it's possible…He’s an Adamos. I first met him at the Political party, and the second time is when I represented our family name in a certain elite party. His clan is a well-known lawyers, so… I’m not really sure if he’s into politics as well.”
“How about the girl? Is that his girlfriend?” tanong ko kay Zelestine.
Nagkibitbalikat ito. “She’s unfamiliar. So, maybe?”
Kinakabahan ako dahil tingin sila nang tingin sa gawi nila Aciel. Nang sulyapan ko ang parehong direksiyon, doon na nahuli ni Aciel ang tingin ko. Mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanilang parte, mas dama na ngayon ang kaba sa dibdib ko. Siguro naman ay hindi siya dito sa direksiyon namin nakatingin, ‘di ba? Kabado lang siguro ako kaya medyo praning ako. Tama, hindi siya rito nakatingin.
“Uy, Smile, dito siya nakatingin! Tignan mo kasi, dali!” mahina lang pero may excitement sa tono ni Calli nang sabihin ‘yon.
"Kung dito siya nakatingin, alisin mo na ang tingin mo sa kanila kung gano'n."
Mukhang namang hindi niya ako narinig dahil nagawa pa niya akong kalabitin nang paulit-ulit. Pinigilan ko siya sa ginagawa niya, kinakabahan na rin. Mariin akong pumikit tsaka pinigilan ang sariling lingunin ang parteng iyon nila Aciel. Ayokong isipin niyang tinitignan ko ang gawi nila. Nang mahuli ni Zelestine ang itsura ko, ngumisi siya sa akin tsaka nagpatuloy na lang sa kanyang iniinom na wine.
“Can you guys please stop looking at their way? We might look suspicious to them,” suway ko.
Mahina silang tumawa habang naiiling na pinapanood ako. Ako naman ay hindi na mapakali. Ni hindi ko alam kung uubusin ko na ba itong natitira kong inumin, o tatapusin itong pagkain.
“Subukan mo umalis at magtungo muna sa rest room. Pag sinundan ka ng tingin, doon ko masasabing ikaw nga ang tinitignan.”
Pinanliitan ko siya ng tingin. Anong tingin niya sa akin? Susunod sa payo niya?
Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga, “Sige, wait lang.”
Tumawa si Calli. Mahina naman siyang timampal ni Zelestine bago ako sulyapan.
“I was just kidding. Umupo ka na ulit, Smile,” mabilis na bawi ni Calli habang hinahaplos ‘yong tinampal na parte sa kanya.
Inirapan ko siya matapos sabihin ‘yon. Ngayon pa talagang nakatayo na ako’t saka niya babawiin ‘yan?
Itutuloy ko na lang ang magtungo roon sa C.R.
“Excuse me,” paalam ko sa dalawa.
Nahinto ako sa paghakbang nang mapansing kailangan ko palang dumaan sa table nila Aciel bago ako makarating sa rest room. Bukod pa riyan, nahalata ko rin na wala na ‘yong girlfriend niya sa table nila. Naroon pa rin naman ang bag nung babae, kaya palagay ko'y nagtungo rin ‘yon sa rest room.
Nais tuloy umatras ng ihi ko pero nang saglit na dumapo ang tingin ko sa table niya, nahuli ko siyang kanina pa ako pinapanood. Nagkunwari akong parang nadaanan lang siya ng aking tingin, pagkatapos ay nagmartsa ako’t hindi na alintana ang kaba sa dibdib ko.
Malapit ko na madaanan ang table niya nang maramdaman kong para na 'kong matatalisod. I prevented myself to fall, kaya naman ay dali-dali akong kumapit sa waitress na malapit sa akin upang hindi ako tuluyang matumba. Dahil sa ginawa ko, nabuhos ang laman ng mga wine glass.
Agaran kong naayos ang pustura ko, pero nang lingunin ko si Aciel, nilakbay ng tingin ko ang basa niyang coat.
Hindi ito ang unang beses na nakitang kong natapunan siya sa coat. Parang nitong huling araw lang noong may nagawa na naman akong kapalpakan sa kanya. Namilog ang aking mata tsaka napaatras sa nangyari. Kusang lumapat ang palad ko sa aking bibig dahil sa eskandalong muli kong naidulot. Nakita ko ang paraan kung paano pasadahan ng tingin ni Aciel ang kanyang basang kasuotan. Kalmado lang siya at malamig ang tingin niya.
“I’m sorry…” mahina kong sabi.
Pero walang nakarinig sa akin. Abala na ang waiter sa paghingi ng tawad sa kanya. Halos lumuhod na rin ito sa harapan ni Aciel. Sumilay ang awa sa aking kaibuturan. Hindi ko tuloy alam ngayon kung paano na naman reresolbahin ito.
Nang dumating na ang supervisor, doon ko na nasaksihan kung paano tumulo ang luha nitong empleyado. Napalunok ako dahil naaawa ako at alam kong guilty ako sa pangyayaring ito. Ako ang dapat sisihin…
“Eres un empleado estupido! ” may pagmamadali saa lakad nito nang patungo na sa aming gawi, nakapako ang tingin sa empleyado. “I told you to avoid mistakes!”
Nagulat ako sa supervisor. Ang karamihan din ay medyo naabala na dahil sa pangyayari.
Nang saglit kong nilingon si Aciel, kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Kitang-kita ko rin kung paano niya suriin ang aking kasuotan ngayon, pakiramdam ko tuloy ay matutunaw na ‘ko dahil sa titig niya. Itinaas rin niya ang palad sa waitress nang abutan siya nito ng table napkin, hudyat na tinatanggihan niya ang alok na tulong sa kanya.
Wikang Espanyol ang naririnig kong salita nitong supervisor nila pero alam kong pinagagalitan na niya itong lalaki ngayon. Naaawa ako kaya naglakas loob na akong magsalita.
“Excuse me,” singit ko sa usapan. “I’m sorry, it’s my fault. Don’t put all the blame—”
“No, no, Señorita. I want to ask for an apology. Rest assured that this won't happen again. I'll ask the head manager to—”
Nasilayan ko kung paano daanan ng lungkot ang mukha nitong lalaki. Marahan kong hinawakan ang magkabila nitong braso upang tulungan siya sa pagtayo mula sa pagkakaupo.
“No…please, Madame. This is my fault. Don’t fire him,” kumbinsi ko sa supervisor.
Hindi agad nakapagsalita ang supervisor nang makita akong tinutulungan pa rin ang kanilang empleyado sa pagtayo nito.
Mahinang humalakhak si Aciel, doon niya nakuha ang buong atensiyon ko...naming lahat.
“I’m the actual victim here,” aniya.
Kumunot ang noo ko dahil parang sinasabi niyang dapat ay siya ang mas lalong pagtuonan ng pansin kaysa dito sa waiter na hawak ko ngayon. What an ass! Narinig ko kung paano muling humingi ng tawad sa kanya itong lalaki, miski na rin itong supervisor.
Pinigilan ko itong lalaki sa paulit-ulit niyang pagyuko, at sa paulit-ulit din niyang paghingi ng tawad. Hindi dapat ganito.
Hindi nakatakas sa akin kung paano bumaba ang tingin ni Aciel sa aking mga palad na nakahawak pa rin sa magkabilang braso nitong lalaki. Nanatili ang tingin niya roon at hindi ko alam kung bakit dito siya nakatingin, o baka mali lang ako ng pagpapakahulugan.
“Fire him,” malamig niyang utos, hindi pa rin naaalis ang tingin sa kamay ko.
Umawang ang labi ko matapos ng sinabi niya. Pinantayan ko ang sulyap na iginagawad niya sa akin, medyo iritado na sa presensiya niya. Binitawan ko itong lalaki 'tsaka siya pinagtuonan ng pansin. Nakaka-badtrip siya pero kailangan ko maging kalmado. Ako ang puno't dulo nito.
“I told you, it’s my fault. Wala naman siyang kasalanan,” may diin sa boses ko. “Hihilingin mo talagang maalis siya sa trabaho? Wala ka ‘bang pagmamahal sa kapwa? Sana naman ay may natitira kang pagmamahal.”
Patuloy sa pagtaas-baa ang aking dibdib dahil sa malalim na paghinga. Ngumisi siya matapos ang sinabi ko. He played his tongue inside the corner of his mouth without breaking his stares.
“Love, huh?” ulit niya na parang nais maliitin ang nabitiwan kong salita.
Malalim ang pinakawalan niyang halakhak. Masarap dinggin ngunit nakakapikon ang kahulugan. Tila nang-iinsulto!
“You're hallucinating. You can't just mix love with this kind of situation. There should be a suitable resolution for this, not love," malamig ang boses niyang tugon habang marahas na sinasalakay ako ng mahalimhim niyang mata. "He indeed made a mistake. I don't really care if it's unintentional or not. Don't be so dramatic, baby. Quit your delusions. Hindi ito madadaan sa pagmamahal.”