KABANATA 04

3364 Words
Pilit kong pinukaw sa isipan ang naging pangyayari sa hallway. Hindi naman ako ganoon kaapektado dahil kung tutuusin ay wala namang dahilan. Hindi pala talaga friendly ang isang ‘yon. Nadagdagan ng dalawang tao dito sa loob ng van ngayong pabalik na kami sa Cake and Café Shop. Nang simulan sa loob ng sasakyan ang usap-usapan patungkol sa swerte, nakikinig lang kami ni Halsey sa matatandang cake artist habang taimtim na iniintindi ang kanilang usapan. Kaya naman nang mas lumalim pa ang kanilang usapan, hindi ko na rin mapigilang mapaisip patungkol sa kanilang topic. “What’s the difference between luck and being blessed?”tanong ni Halsey sa kalagitnaan ng biyahe. Nagkibit balikat ako. “I couldn't tell you that. I've never experienced the taste of luck, and I'm not that blessed either, kaya hindi ko alam.”  Humalakhak ang isa sa cake artist na kasama namin,“Hija, ang swerte ay kusang dumarating. Maniwala ka’t magpaparamdam din ‘yan.” I smiled at her. Pagkatapos ay sa labas na ako bumaling. Ayokong maramdaman niyang sumasalungat ako sa ideyang mayroon siya. Gusto ko ng swerte. Sino naman ang may ayaw no’n, hindi ba? But, I guess, luck is avoiding me. At kahit kailan siguro’y hindi ako kakapitan nito. But, I’m confused. Kailangan ba na iasa sa swerte ang lahat? Well, fortunes in this world are common. I believed in luck when I was still young, that it controls everything. But now that I’ve witnessed misfortunes in life, I now conclude that it only rules half of our lives. Ang kalahati nito ay sa tadhana nakasalalay, habang ang kalahati naman nito ay pansarili ng desisyon. Ano ba 'yan. Dahil sa topic nila'y hindi ko maiwasang mag-isip na rin. Naging abala ang lahat nang makarating na kami sa wakas sa kanya-kanya naming gawain. Umikot ang buong oras ko kay Halsey habang inilalahad sa kanya ang mga mahahalagang bagay na kailangan niyang tandaan sa trabaho, lalo na rito sa Design ang Sculpting area. Pero nang sumapit ang hapon, dumagsa na rin ang ilan sa mga law students dito sa Café upang mag-aral. Kaya naman, nagprisinta akong tumulong muli sa pagse-serve. Kawawa naman itong dalawang waitress dito sa counter ngayon. Wala kasi iyong ibang kasamahan nila. “Gan’to karaming law students ang pumaparito tuwing hapon na?” tanong ni Halsey. Tumango ako.  “Talaga? Ang gwapo nila—” “Shh…” putol ko sa kanya habang abala sa isinasalin na ice sa kape. “Huwag ka nang maingay. Hindi maaring maistorbo ang mga ‘yan. Istrikto sila.” Nang matapos ang trabaho’y sa bahay na ako agad nagtungo. Niyayaya ako ni Calliope sa isang Meet and Greet Party pero tumanggi ako dahil sigurado akong dudumugin siya ng mga fans niya roon. Ayokong maging abala pa sa kaniya ang presensiya ko. Sinabihan ko siyang balitaan na lang niya ako ng mga kaganapan sa event niya. Habang nasa bahay, naisip kong maglinis muna ng kwarto pagkatapos kong kumain. At nang sumagi muli sa isipan ko ‘yung law student sa hallway kanina, doon ko na naman naramdaman ang pag gapang ng kahihiyan sa akin.  “Bakit ko ba kasi nilalapitan ang hindi ko naman kakilala?” bulong ko sa sarili habang inaayos ang cosmetics sa aking vanity table. “Parang ngayon lang nag-sink in sa ‘kin ang lahat. Nakakahiya nga ‘yon, self…” Hindi ako makapaniwalang umiling nang masulyapan ko ang aking pigura sa salamin. Aaminin kong naaliw akong nasilayan ko muli siya sa hallway kanina, pero baka huli na rin ‘yon dahil nakakahiya talaga. Nakakahiya... Masyado siguro akong feeling close sa kanya, kaya gano'n ang naging trato niya. His actions are showing some seriousness, strength, and decisiveness. Kaya siguro ay hindi ko ka-vibe ang mga gano’n.  Ramdam ko ang matayog na pader sa pagitan namin. Sayang, gusto ko pa naman sana siya maging comfort buddy.Awit talaga… Sa pagtulog, paulit-ulit na tumatakbo ang imaheng ‘yon sa isipan ko. Umaasa akong makakaligtaan din ito ng aking isipan sa oras ng trabaho, pero mali ako. Naalala ko rin kasing inakusahan din pala niya akong stalker niya. Sa ganda kong ‘to? Stalker? “Ekis na 'ko sa kanya,” tanging nasabi ko, may panggigigil din sa cake na nasa harapan ko na ngayon.  “I was trying to be friendly…Gusto ko pa nga siyang i-follow sa social media. 'Tsaka mali siya dahil hindi ko naman siya ganoon kagusto. Hindi ‘yon ang iniisip ko sa mga oras na ‘yon. Mali siya roon. Hindi ko siya ini-stalk.” Diretso kong sambit. Napansin ko ang bahid ng gulat sa mga cake artist dito sa loob habang nakatingin sa akin, naguguluhan sa aking inaasal. Hindi sila nagsalita nang tugunan ko sila ng hilaw na ngiti. Pero nanatiling tikom ang kanilang labi. Binalewala ko sila at nagpatuloy na lang sa trabaho. Pakiramdam ko tuloy ay ang weird-weird ko ngayon dahil kaninang umaga pa ako gan’to. “You’re going to ruin the cake, Lazcano.” Nilingon ko ‘yong nagsalita. Laking gulat ko nang makitang narito na si Ma’am Astra dito sa silid. Nang sulyapan ko muli ang cake, nasobrahan ko ang piping sa ibabaw nito. Ngumiwi ako matapos bitiwan ang piping bag upang ayusin muli ang ginagawa. “Sorry po. Aayusin ko ‘to,” tugon ko. Hindi na ako nakarinig pa ng ibang sagot mula kay Ma’am Astra. Nalaman kong nag-supervise lang siya kaya siya naparito. At kung minamalas ka nga naman, nataon pa talagang nag-supervise siya kung kailan lutang ako. Ayan tuloy, itong kapalpakan ko na naman ang nakita niya. Pagkatapos ko sa sunset mixture ng piping, naging abala naman ako sa paglalagay ng mga edible prints. Matrabaho ito dahil miski maliliit na detalye ay kailangang makita sa print nitong cake. Istrikto pa naman si Executive Chef lalo na sa bawat detalyeng inilalagay. Nang sumapit ang eksaktong oras para sa lunch, tama nga ang hinala kong dadayuhin ako ni Halsey sa design and piping area. Nakita ko siyang nakaabang na sa may malapit, at nasisiguro kong ako ang sadya niya. Inayos ko ang cake na hindi pa tuluyang natatapos, pagkatapos ay ipinasok muna ito sa room temperature upang hindi masira. “Lunch, Smile,” ngumiti siya sa akin pagkalabas ko. “Libre mo kung gano’n,” tugon ko habang pareho na naming tinatahak ang daan patungong locker room. “Uy, char lang,” mabilis niyang bawi sa akin. Madamot pala ‘to, eh. “Sapat lang ang pera na mayroon ako rito. Pasensiya kana…”  Nang lingunin ko siya, kita ko ang hiya sa kanyang mukha. I tapped her back gently. Nakalimutan ko, seryoso pala kausap ang isang 'to minsan. “No pressure. Itabi mo na lang ‘yan. Ipangtatagay natin ‘yan sa susunod,” humalakhak ako matapos sabihin ‘yon. Mabilis niyang inalis ang kamay kong nakapatong na sa likuran niya.  “Bad influence ka,” paratang niya tsaka ako mahinang itinulak habang natatawa na rin. Namataan namin ang mga law students na nag-aaral dito sa café. Tahimik kami pareho ni Halsey sa paglalakad upang wala kaming maabala ni isa. Nang makalabas kami, napagkasunduan naming kumain na lang sa isang fast food. “Halatang mayaman ka. Baka hindi ka sanay kumain sa mga gan’to, Smile,” nahihiyang sambit ni Halsey matapos ibaling ang tingin sa mga imahe ng pagkain. Umiling ako, “Kung mayaman ako, bakit pa ako nagsisipag sa trabaho? Kaya mali ka. Nagtitipid ako tuwing mag-isa lang ako, sanay din ako sa gan’to. Tsaka tuwing kasama ko ang ilan sa mga kaibigan ko, doon lang ako nakakakain ng mahal. Lalo na pag si Theron ang nanglibre, nako!” OA kong paliwanag habang umiiling. “Ipapakilala kita roon. Pwede mo maging sugar daddy ‘yon!”   Ngumiwi siya sa sinabi ko, pinipigilan ang ngiti. Halatang alam niyang nagbibiro ako kaya gan’yan siya.  “Kung ako ang kaibigan mo, hindi ko alam kung matutuwa akong binubugaw mo ‘ko sa ganyang paraan.”  Umakbay ako sa gitna ng aming paglalakad.  “Nga pala, kamusta sa Design ang Sculpting?” Pag-iiba ko ng usapan. “Ayos naman. Nagpapatawa sila roon kaya naaaliw ako kahit na kabado ako sa chocolate na ini-sculp ko. Akala ko pagagalitan ako kanina, tabingi kasi 'yong itsura ng ginawa ko no'ng una.” “Nga pala, tapos ka na sa kolehiyo ‘di ba?” muli niyang wika. “Anong natapos mong kurso?” Hindi ako kaagad nakapagsalita. Bitter talaga ako sa mga gan’tong usapin. Sa katunayan, nitong mga nagdaang araw ay halos nawawala na sa isipan ko ‘yan. Pero dahil sa naging tanong ni Halsey, muli na naman itong sumagi sa aking isipan. Bumuntonghininga ako bago nagsalita. “BS in Agricultural Engineering.” Sagot ko. Napa-O siya sa sinabi ko. Magsasalita pa sana siya pero muli siyang tumikom nang alisin ko ang akbay ko sa kanya, at ibaling sa ibang direksiyon ang aking tingin. Sabay kaming kumain pagkatapos ay naging agaran din ang pagbalik namin sa work. Madami pang detalye ang kulang sa ginagawa kong cake, kaya kapag hindi ko matatapos ‘yon bago mag alas-singco, baka mag-over time ako. May kutob kasi akong bukas na kakailanganing ma-deliver ‘yong Sunset cake. Saktong pagpasok ko sa baking area kanina, si Ma’am Astra agad ang nakita ko. At tulad nga ng iniisip ko,  bukas na nga talaga kailangan ang Sunset cake.  Ang hilig talaga sa rush ni Boss. Crammer siguro ‘to noong nag-aaral pa lang siya. Napansin kong nanginginig na ang kamay ko sa paglalagay ng maliliit na detalye ng cake kaya huminto na muna ako saglit. Sampung minutong pahinga muna bago ko ipagpatuloy itong ginagawa ko siguro. Sinulyapan ko ang aking phone at nakitang mayroong missed calls si Auntie Flavia sa akin. Mabilis akong nagtungo palabas upang makasagap ng signal. Medyo mahina kasi ang signal dito sa loob. Pagkalabas ko’y sinubukan kong maglakad nang hindi tumutunog ang sapatos upang hindi maabala ang ilang law students na nag-aaral dito sa loob. Alas singco pa naman na ng hapon. Nakatutok ako sa screen ng aking phone habang hinahanap ang pangalan ni Auntie Flavia sa contacts.  Habang malumanay ang mga nagiging yabag ko sa sahig, marahas namang tumama ang aking tagiliran sa isang edge ng mesa. Umawang ang labi ko dahil sa sakit. Nabitawan ko rin ang aking phone, pagkatapos ay napahawak ako sa gilid ng aking tiyan upang maibsan ang kirot sa parteng ‘yon.  “F*ck…ang sakit…” daing ko, halos mapaupo na sa sahig. Halos nahihirapan na akong huminga sa sobrang sakit ng parteng tinamaan. Nakarinig ako ng isang marahas at pabulong na mura.Pag-angat ng tingin ko’y saktong mahuhulog na rin dapat sa mukha ko ang isang malaking tumbler bottle, pero mabilis niya itong nasalo bago tumama nang tuluyan sa akin. Siya ulit? It's him, Acel, with his usual attire and his books. May kasama siya sa table niya, lalaki rin at hindi ako sigurado kung kaibigan niya ito. Agad na naglakbay ang mata ko sa mantsa ng kape sa coat niya. Kahit na dark ang kulay nito ay halata pa rin ang bahid ng kape ro'n. Bukod pa riyan ay medyo basa rin ang kaunting parte ng sahig at sapatos niya dahil sa likidong natapon.  Idiiniin ako ang aking palad sa parteng natamaan dahil nararamdaman ko na naman ang pagkirot. Sobrang sakit talaga nitong gilid ko. Napansin kong maayos niyang ipinatong ang tumbler sa ibabaw ng mesa upang hindi na muli ito mahulog.  Ngumiwi ako nang piliting tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Umambang tutulungan ako nitong kasama ni Acel pero hindi niya itinuloy. May hawig sila ng kasuotan kaya nasisiguro kong pareho silang law student sa parehong unibersidad.  Nanlamig ako nang dumapo ang dalawang palad ni Acel sa magkabilang braso ko. Hindi ko alam pero kakaibang pakiramdam ang umatake sa aking tiyan ngayon.   Sinulyapan niya kung saan naro'n ang aking phone, umigting ang panga nito nang pulutin niya iyon. Kinilatis din niya ang basag na screen dahil nabitiwan ko ito kanina. “I’m sorry, Sir,” dinig kong paumanhin ng isa sa mga waitress, medyo natataranta pa ang boses.  “Smile, ang tanga mo! Humingi ka ng tawad!” pagsita pa nila sa akin. Nataranta rin ako at nanginginig na ang labi. Bad trip naman ang mga 'to! Kita naman nilang sobrang sakit nitong tagiliran ko ngayon!  “I-I’m sorry, Acel…” halos ngumiwi na ako dahil ramdam ko pa rin ang kirot. I’m not even sure if 'Acel' is the proper way to call him.  “Can you stand?” mababa ang boses niyang tanong sa akin, dahilan iyon upang magtaasan ang balahibo ko. Tumango ako sa kanya bilang tugon. Mas kabado pala ang puso ko pag gan’to kami kalapit. Parang kagabi lang nang sumasagi siya sa aking isipan, tapos narito na siya  ngayon...malapit na sa akin.  Hindi ko alam na pumaparito rin pala siya upang mag-aral.  Tatayo na sana ako pero naramdaman ko na lang ang naging maingat na hawak niya sa maliit kong bewang at sa aking hita. Parang naalis ako sa sariling kaluluwa nang buhatin na niya ako. Walang kahirap-hirap niyang ginawa 'yon, kaya pakiramdam ko tuloy ay ang gaan-gaan ko sa bisig niya. Hindi mahinto ang puso ko sa pagwawala habang kinakapa ang tamang salitang nais kong bitiwan. Napansin ko rin ang paghila niya sa silyang malapit lang sa kanya gamit ang kanan niyang paa.   “Acel-” “It’s Aciel,” pagtatama niya sa akin habang marahan akong inilalapag sa silyang hinila niya. Tumango ako. Pinanood muna ang paraan kung paano niya ilapag ang phone ko sa ibabaw ng aking hita. “Uh…” nahihiyang panimula ko. “Pasensiya ka na. Mukhang nabasa iyang mga libro mo. Babayaran ko-” “Goodness, Smile! What have you done again?” si Ma'am Astra. Mabilis ang naging pagdalo ng ilang waitress upang linisin ang naging kalat sa sahig, miski sa kaonting bahagi ng mesa. Humihingi rin ang mga ito ng tawad sa kasama ni Aciel na law student din sa palagay ko. Nang humakbang ng kaunti palayo si Aciel sa akin, napansin ko ang mabilis na pagdalo ng isang waitress sa kanya pero tumanggi siya rito. Dismayadong umatras ang waitress 'tsaka nagtungo na lang sa mesa upang tumulong sa pagpupunas.  Hindi ito ang unang beses na may naperwisyo akong costumer, kaya alam kong galit na si Ma’am sa akin ngayon. Kaya naman kahit na medyo masakit pa ang tagiliran ay pinilit ko pa ring tumayo na mistulang wala ng iniinda. Ayokong madagdagan pa ang galit sa akin ni Ma’am. Naramdaman kong sinulyapan naman ako ni Aciel dahil sa ginawa kong pilit na pagtayo. “I’m sorry, Executive Chef. Nasagi ko po itong gilid ng mesa,”paliwanag ko kahit na malabong hindi niya ako mapagagalitan. “Aksidente po. Tumama kasi itong tagiliran ko d'yan sa matulis na bahagi ng mesa. Pasensiya na po…” “Paulit-ulit na lang ba tayo sa gan’to, Smile?” mahinahon niyang saad ngunit alam kong galit na siya sa akin. Kitang-kita ko rin ang dismaya sa mukha ni Ma’am. Alam kong sa loob niya’y kumukulo na ang dugo niya lalo na’t ayaw niya sa mga taong parati na lang nagkakamali. Sunod ko namang sinulyapan iyong kasama ni Aciel na umambang tutulungan dapat ako kanina. Abala siya sa panonood sa amin at halatang naistorbo siya ng lubos dito sa pangyayari. Miski na rin ang karamihan dito sa loob ay naabala rin sa idinulot kong eskandalo..  Pasimple ko muling sinulyapan si Aciel, nahuli kong nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung kanina pa siya nakatingin, o baka nagkataon lang. Kinakabahan ako ngayon sa totoo lang. Inabala ko ang sarili sa hawak kong phone. Hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis sa kinatatayuan ko ngayon, o humingi pa muli ng tawad bago lumisan. “Wait. Let me get some tissues to wipe off your shoes,” stress na saad ni Ma’am Astra nang mapansin ang  basang bahagi ng sapatos ni Aciel. Mukhang magkakilala sila. Tumango si Aciel. Muli niyang ibinalik ang sulyap sa akin nang tumalikod na si Ma’am. Ako naman ay yumuko dahil sa kahihiyan.  Dapat na rin ba akong umalis? "Aalis na rin ako-" "No." He said. “It’s my fault. I’m sorry…” wika ko, baka iyan ang nais niya muling marinig.  Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko sa loob dahil sa nangyaring ito. “If you're trying to hook my attention, never execute this kind of technique,” mukhang tinutukoy niya ang naging aksidenteng pagbangga ko sa kanilang mesa. “Mapapahamak ka pa sa ginawa mo.” Patuloy niya. Nalaglag ang aking panga at hindi makapaniwalang nilingon siya. Ang mabilis na kabog nitong aking puso ay  napalitan ng iritasyon.  Sino namang tanga ang ibabangga ang tagiliran sa matulis na bahagi ng mesa!?  Sa tingin ba niya ay ‘yon ang intensiyon ko sa nangyari? Na magagawa kong mag eskandalo ng ganito?  Kinalma ko ang sarili nang mapansing pabalik na si Ma’am Astra kasama ang isa pang waitress sa tabi niya, dala-dala ang dalawang box ng wipes. Hindi naalis ang tingin ni Aciel sa akin. Halatang naghihintay siya sa magiging tugon ko. Ang sa ‘kin lang ay mali siya ng inaakala, at ‘yon ang nais kong linawin ngayon sa kanya. “Hindi ‘yon ang tumatakbo sa aking isipan, Sir. Aksidente ang nangyari. Lubos akong humihingi ng tawad dahil doon. At kung...may  nasira sa iyong mga gamit dahil sa kapabayaan ko, handa akong magbayad,” saad ko kahit na hindi sigurado kung gaano kalaking halaga ang mabibitiwan ko. Saglit kong sinulyapan ang makakapal niyang libro sa ibabaw ng mesa. Ang isa sa mga ito’y nabuhusan nga talaga ng kape.  Nanatili ang tingin niya sa akin, tinitimbang ang bawat ekspresyon ng aking mukha. His presence is very intimidating. I feel like melting in front of him anytime here. Pero kahit na ganito ang kanyang epekto, pinilit ko talaga ang sariling magsalita. “Narito lang naman ako kung maniningil ka. Pero tulad ng sinabi mo, kung huling araw ko na sa trabaho ngayon, ako na lang ang kusang magpupunta sa unibersidad kung saan ka nag-aaral upang mabayaran ka. Huwag kang mag-alala dahil babayaran kita.” Patuloy ko.  Pagkatapos no’n ay nilampasan ko na siya. Ayoko nang pahabain  pa ang usapan dahil baka mas madagdagan ang akusasyon niya sa akin. Sana ay naging malinaw sa kanya na wala akong intensiyong magpa-cute sa kanya. Hindi ko na inabala pa ang sariling sulyapan pa muli ang kanyang gawi. Alam kong hindi ko kakayanin ang dulot ng madilim niyang ekspresiyon. Mukha pa naman siyang mabuting tao kaninang tinulungan niya ako. Pero dahil sa naging akusasyon niya muli sa akin, nagbago muli ang pananaw ko sa imahe niya.  “Smile, anong nangyari?” tanong ni Halsey sa akin.  Hindi ko pinansin ang tanong niya. Mas abala ang isipan ko sa nangyari. Umiling ako at iniisip kung ano ang dapat kong maramdaman. Inabala ko ang sariling dungawin  ang aking phone at kinilatis ang sira nito sa screen. Nag-off ito kaya sigurado akong napuruhan ito ng malala kaninang nabitiwan ko. Umiiling akong ibinalik ito sa aking bulsa.   Ang dami ko naging pagkakamali ngayong araw na ‘to. I don’t even know if I should consider this day  a bad luck or…a good fortune. Nahinto ako nang mapasadahan ko ng tingin ang aking hita. Ang imahe ng naging pagbuhat ni Aciel sa akin kanina’y nagsisimula na namang lumapat sa isipan ko. "Kalma, binuhat ka lang upang matulungan sa pagtayo. Walang ibang ibig sabihin ‘yon. Tatanga-tanga ka kasi kanina…”  Kusa akong umiling dahil sa kabobohan kanina. Kaya hindi ako dinadapuan ng swerte dahil gan'to ako parati. Laging palpak.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD