“May nakaiwan na naman ng gamit.”
Madalas itong mangyari dito. Kung hindi kagamitan ang naiiwan, minsan ay pitaka naman. Mabuti na lang at mga nagtatrabaho rin dito ang nakakapulot kung minsan. Kaya kung sakaling binabalikan ng may-ari, nakukuha pa rin nila ito pabalik.
Masinsinan kong kinikilatis ang libro, makapal ito at may kabigatan dahil naka-hard bound.
Pag tingin ko sa waitress na kasama ko, patungo na ito sa isang exclusive room, sa opisina iyon ni Execitive Chef. Siguro ay may sasabihin iyong mahalaga kay Ma'am Astra.
Hindi ko maiwasang buklatin itong hawak ko ngayon. Punong-puno ng highlights ang bawat pahina ng libro. Ang ilang pahina nito’y may mga nakadikit na sticky notes, at sa pinakagilid ng bawat pahina ay may mga nakasulat na explanations. Nasisiguro kong law student ang may-ari nito.
“Excuse me.”
Isang malamig at malalim na Ingles ang nagpatunghay sa akin. Sa hindi malamang dahilan, nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso.
“That’s my Crim Law.” Dugtong niya.
Napaatras ako nang kaunti, may bahid ng gulat sa 'kin, at tulala sa kung sino ngayon ang nasa harapan ko. Hindi ko siya kilala sa pangalan pero naaalala ko siya sa itsura. He's the man last night...iyong nasukaan ko.
Napansin ko na parang ako lang yata ang medyo nagulat sa aming dalawa. Samantalang siya’y walang reaksiyon tulad pa rin ng dati. Napaisip tuloy ako kung nakikilala kaya niya ang mukha ko? Palagay ko’y hindi na siguro. Dahil kung oo, makikitaan ko siya ng kahit reaksiyon man lang ngayon sa itsura.
“I’m running out of time and I still have class to attend,” he said, looking impatient in a dominant way.
I couldn't stop staring at him as I explore the details of his face. Last night when I saw him, I can only see how good-looking he is. Pero ngayong hindi na ako lasing, kitang-kita ko kung gaano siya pinagkalooban ng maykapal mula sa tindig, pustura, at itsura. He's too much that anyone could think of a Greek mythology figure when looking into his eyes.
Nitong huling kita ko'y pormal ang kasuotan niya, hanggang ngayon, wala pa rin itong pinagbago. He’s wearing his slim-fit trousers in a navy color, a white v-neck shirt inside, paired with a navy coat. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang mamahalin niyang titigan. He’s also holding his briefcase right now. I suddenly want to vomit when my eyes went down as I try to recognize the shoe brand that he's wearing. And it's a branded shoes! Nais tuloy lumuwa ng mata ko matapos kilalanin ang sapatos niya.
Mayaman!
“Miss, my book,” malamig niyang utas. "Hand me that thing now. Sa 'kin 'yan."
“Sorry, Ito ba?” tanong ko.
“Obviously,” tamad ang himig niyang tugon.
Inip niyang sinulyapan ang kanyang relo, nagpapahayag na siya’y tunay ngang nagmamadali na. May kung anong kumalabog sa puso ko nang muli niya akong tignan. Mabilis ko namang pinasadahan ng tingin ang harapan ng kanyang libro upang matandaan ko ang pangalan niya. Sana lang ay hindi niya napansin.
He scowled a bit as he take his book from me.
“Next time, just ask for my name.” He said.
Pinigilan kong umawang ang aking labi. Ikinagulat ko 'yon.
Paanong...nahalata niya?
Tumalikod na siya’t nagsimula nang maglakad. Naiwan akong hindi mabuo sa isipan ang salitang nais kong sabihin. Pero nang makabawi, do’n lang ako muling naglakas ng loob.
“Aren’t you going to say thank you? I found your book in Criminal Law One,” I said.
“You sure? I express my gratitude in a different way,” nagyeyelong dumantay sa aking dibdib ang kanyang mahalimhim na mata. “Ikaw, baka pagsisihan mo.”
Mabilis na dumako ang tingin ko sa aking dibdib. Agaran ko itong isinara nang mapansing bukas pala ang tatlong butones! Lantad ang kaonting bahagi ng parte nitong aking dibdib. Hindi lang ako sigurado pero... baka kanina pa nga!
Grabe naman!
Pero dahil siguro’y puro kami babae sa design ang piping team kanina, wala nang sumita pa sa akin.
Nang muli siyang hinanap ng tingin ko, palabas na siya kaya hindi na ako muling nagkaroon pa ng pagkakataong tumugon.
“Anong nangyari? 'Tsaka saan na iyong libro na tinutukoy mo kanina?” tanong ng waitress sa akin, kadarating lang mula sa opisina ni Executive Chef.
Mabilis na bumalik ang aking wisyo.
“Iyong libro? Wala na. Kinuha na nung may-ari,” muli kong sinulyapan ang aking kasuotan, panay pa rin ang paninikip ng dibdib ko dahil sa kaba, at sa lalaking iyon. "Bakit hindi mo sinabing bukas itong butones ng damit ko?"
"Pasensiya ka na. Akala ko kasi naiinitan ka kaya nanatiling bukas 'yan."
Naiinitan? Airconditioned naman itong buong lugar, kaya paano nila naisip na naiinitan ako?
Kinuha ng waitress ang kanina’y hawak kong pamunas. “Ako na rito. Ang dami niyo nga palang tinapos na trabaho ngayon tapos inabala pa kita.”
Tumango ako. Sa huli ay nagpaalam na rin sa kanya. Iwinagayway ko muna sa kanya ang aking palad bago tuluyang tumulak palabas ng Cake and Cafe Shop.
Pagkalabas ko’y napansin ko na nagsisimula na ang araw sa kanyang paglubog. Binalot ng kahel ang kalangitan na siyang bumabagay sa tila walang katapusang tayog ng mga gusali, sa himig ng mga sasakyan, at sa pinaghalong init at lamig ng hangin. The ambiance could not be perfect as always, but the rays of sun, setting for its own coziness is flawless.
Pagtingin ko sa aking gilid, nakita ko na naman iyong may-ari ng Crim Law book. Si Acel ba? Akala ko ba ay umalis na siya? Hindi pa pala...
Mabilis na dumako ang aking paningin sa aking dibdib upang masiguro kung naisara ko ito ng maayos. Naalala ko na naman iyong pangyayari sa pagitan namin kanina sa loob. Nakakahiya! Ramdam ko tuloy ngayon ang mainit na daloy ng kahihiyan sa aking leeg patungo sa aking mukha.
May kausap siya sa kabilang linya habang nakasandal sa agaw pansin niyang sasakyan. Abala siya sa pakikipag-usap kaya siguro ay hindi niya ako kaagad napansin. Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya lalo. Kaya nang nilingon niya ako, agaran kong inilabas ang aking phone upang magkunwaring abala ako sa pagtitipa.
I cleared my throat.
“H-hindi kita tinitignan.” Dipensa ko sa mapagbintang niyang sulyap.
“Yeah, right,” he said, defining the sarcastic side of his voice. “You don't seem like you're typing something on your phone.”
Bumukas ang labi ko upang sana ay umalma, kaya lang mas minabuti kong sulyapan ang aking phone. Nang mapansing baliktad ito’y mabilis ko itong ibinalik sa tamang ayos. I cleared my throat as I try to think for an alibi. Honestly, I feel so stupid right now!
“Let me defend myself—” naputol ang sasabihin ko nang makitang nakapasok na siya sa loob ng sasakyan.
Dalawang beses pa siyang bumusina kaya mabilis akong gumilid. Pinanood ko siyang tumulak paalis ng lugar.
“Ang attitude no'n,” saad ko 'tsaka inilingan na lang.
Muli kong ibinalik ang buong atensiyon sa aking phone upang makapag-book ng taxi. At nang makarating ako sa bahay, walang sumasalubong sa akin. Bumuntonghininga ako habang ramdam na naman ang lungkot sa bawat sulok. Na-miss ko tuloy ang mga magulang ko.
I can still remember those days when my parents are so loud every time they try to educate me, and I regret those days that it pisses me off because now I know that...I was wrong. Ang lungkot lang dahil kung papipiliin na 'ko ngayon, mas pipiliin kong mapagsabihan nila araw-araw basta narito pa rin sana sila... dito sa aking tabi.
Pagod akong pumasok sa aking kwarto upang makapagbihis. Nang maupo ako sa dulo ng kama, mabilis kong kinuha ang aking phone upang buksan ang aking social media account. Mabilis kong itinipa ang pangalan nung lalaki kanina. Sigurdo naman akong mayroong socmed 'yon.
Acel Damos.
Umiling ako dahil mukhang mali ang una kong na-type na pangalan niya.
Pero halos lahat naman ng itinitipa kong username, wala namang lumalabas, at kung meron man ay ibang itsura naman. May social media account ba ang isang 'yon? Pakiramdam ko tuloy ay mali ang natandaan kong pangalan niya.
"Pangalan na nga lang, hindi ko pa tinandaan ng maayos. Ang tanga naman, grabe..." tanging nasabi ko.
Pagod akong humiga sa kama at inisip kung paano ko mahahanap ang username niya.
“Ano ba ‘yan, Smile! Alas tres ng madaling araw nandito ka?” bungad ni Calliope sa pinto nang puntahan ko siya. Binigyan niya ako ng daan upang makapasok sa loob ng condo niya. “Minumulto ka ba ng magulang mo ngayon? Mabuti na lang at hindi ka napahamak sa daan lalo pa’t madaling araw ngayon. Bakit ka narito? May kailangan ka? Oh, ba't hindi mo 'ko sinasagot? Hindi ka talaga magsasalita? Wow, nice talking, Smile.”
Nakasimangot ko siyang sinulyapan. "Sunod-sunod ang katanungan mo. Talagang hindi ko 'yan masasagot kaagad."
Hindi na siya sumagot pa. Halata namang hindi niya ako narinig dahil humihikab ito nang tumugon ako sa kanya.
Dumeretso ako sa loob ng kanyang kusina upang ilapag do’n itong cookies na dala ko. Nang bumalik ako’y nakita kong humiga na muli siya sa kanyang kama. Nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto kaya kitang kita ko siya mula rito. Nagmartsa ako patungo roon upang sabihin ang totoong sadya ko.
“May i-stalk-in tayong lalaki sa social media.” Panimula ko, sinubukan ko pa siyang kalabitin upang matuon siya sa akin.
“Stalk? Ano ka? Senior High School?" mapungay ang mata niyang sinulyapan ako. "Ikaw na lang. Hindi ako interesado sa ibang lalaki ngayon.”
Sumimangot ako. “Hindi naman para sa ‘yo, eh! Para sa akin ‘yon, kaya bumangon ka na riyan at tulungan mo ‘kong hanapin ang username niya.”
“Iyan lang ba ang dahilan mo kaya ka nagtungo rito?" padaing niyang utas. "Puyat ako. Nais kong magapahinga. Patulugin niyo naman ako."
"Minsan na lang tayo magkita ganyan ka pa sa akin."
"Manahimik ka. Ilang araw lang noong huling kita natin sa isa't-isa. Alas tres ngayon tapos ganyan lang ang sadya mo rito? Nakaka-stress ka, Smile," sa wakas ay bumangon na siya upang harapin ako, iritadong kinakamot ang ulo. "Antok na antok na 'ko. Pagkatapos akong guluhin ni Theron dito, ikaw naman ang sumunod. Mga perwisyo kayo sa buhay ko."
Sa huli ay wala siyang nagawa. Tamad niyang kinuha ang kanyang laptop. Ako naman ay nahiga na rin sa tabi niya habang abala na sa paghahanap.
“Ano ulit ‘yung pangalan?” tanong nito sa akin.
“Acel Damo.” Tugon ko.
“Damo? As in grass?” paglilinaw niyang tanong sa ‘kin.
Tumango ako. Miski ako’y hindi rin sigurado sa nasabi. Ngumiti ako sa kanya bilang tugon pero irap lang ang inabot ko mula sa kanya.
Tumagal ng ilang segundo bago muling magsalita si Calliope sa gilid ko.
“Wala naman, eh! Puro matatandang lalaki ang nagpapakitang litrato, Smile,” hinarap niya sa ‘kin ang screen ng kanyang laptop. “Bobo, may sugar daddy ka ba? Baka naman pamilyadong tao itong Damo na ‘to, Smile, ah!? Maawa ka sa mga anak nito.”
Kumunot ang noo ko. “Hindi, ah! Gwapo ‘yon.”
Nagtalo kami ni Calliope patungkol sa usaping ‘yan. Ang hindi ko lang naman sigurado ay kung may kasintahan siya, o wala. Sa huli ay sumuko siya sa mga pinagsasasabi, may duda pa rin sa akin.
Nagpatuloy lang kami sa ginagawa hanggang sa lumipas rin ang ilang minuto.
"Kolehiyo na lang sana tayo ulit."
Out of nowhere bigla kong wika, dahilan upang tapunan ako ng tingin ni Calli. Itinigil ko ang ginagawa sa phone 'tsaka hinayaang mabalot ng malambot niyang kama ang aking likuran.
"Itong ganitong edad, pakiramdam ko...ito iyong nakaka-stress," nanatili ang tingin ko sa kulay mocha niyang kisame. "Hindi ko alam kung saan ako lulugar, hindi ko alam kung ano pa rin iyong gusto ko."
May pang aalu ang tingin niyang iginawad sa akin. Inilapag niya sa di kalayuan ang kanyang laptop bago ako tinabihan.
"Maybe you're just pressured. That's the disadvantage when you don't sort out your plans in life. Sa dulo, malilito ka na kung ano na ang susunod mong gagawin."
Sa sinabi ni Calli, mas lalo akong nawala sa sarili. Paano ba ang tinutukoy niya? All of them are living a satisfying life. Bakit ako hindi? Bakit wala akong maramdamang magandang nangyayari sa aking buhay--I over think again.
Kinaumagahan, saktong alas-sais y medya nang makarating ako. Pagdating ko sa Cake and Café ay buhat-buhat na nila ‘yong spiral cakes. Inilalagay na nila ang mga ito sa loob ng delivery car, kasama na rin ang ilang cupcakes sa loob.
Inanyayahan ako kaagad ni Executive Chef na sumakay na sa kabilang van nang namataan ako upang i-assist iyong bagong intern sa design and sculpting team.
“Hello po,” nahihiyang bati sa ‘kin ng intern bago ako tabihan. “Halsey nga po pala, Ate. Sabi po kasi ni Executive Chef na ikaw daw iyong mag a-assist sa akin. Kanina pa pala kita hinihintay.”
“Gano’n ba? Umusog ka rito kung gano’n at baka may papasok pa mamaya,” ihinandog ko sa kanya ang natitirang espasiyo sa tabi ko. “Baka ikaw ‘yong kapalit ni Theron sa Design ang Sculpting Team. Bakit daw ako ang napili para i-assist ka?”
“Sa tingin po kasi ni Ma’am ay magkalapit lang daw tayo ng edad, Ate,” aniya.
Paulit-ulit ang 'ate' niya. Feeling ko tuloy sobrang tanda ko na.
“Stop calling me ate. How old are you?” Tanong ko.
“I’m nineteen. Working student din,” mahiyaing sagot niya sa akin.
Tumango-tango lang ako. Sa kalagitnaan ng biyahe, may mga naging katanungan ako sa kanya patungkol sa kung ano-ano lang, minsan nagpapatawa tapos benta naman sa kanya mga corny kong jokes. Ayos pala ka-bonding ang isang 'to. ‘Yong isang matandang cake artist na kasama namin ay sumasali rin naman kahit paano sa nagiging usapan namin.
Umayos ako ng upo nang makitang papasok na kami sa isang malaki at kilalang unibersidad. Sa parehong bintana ng van ay dumungaw rin si Halsey, kaya pareho na kami ngayong sumisilip sa labas.
“Ano pala ang gagawin ko mamaya?”
“Wala tayong gagawin. Tutulong lang tayo sa pagbubuhat ng cakes pagkatapos pwede na tayong mamasyal,” tugon ko, nakatingin pa rin sa labas.
“Seryoso? Pwedeng mamasyal sa gitna ng trabaho?” gulat niyang tanong.
Magtatanong ang isang 'to tapos hindi rin naman pala maniniwala.
“Oo, hindi naman kasi tayo pwedeng mangialam sa retouch ng cakes. Hindi tayo cakes artist kaya tutulong lang tayo,” I explained.
Nagdilang anghel ako sa sinabi kay Halsey. Nagtungo ang buong team sa Law Department. At halos lahat ng nadadaanan namin ay seryoso sa kanya-kanyang pag-aaral.
Balita ko'y may ipinagdiriwang silang kaarawan ng isang law-professor sa departamento nila, ang ilang usapan ay hindi ko na narinig tumulong na rin ako sa paglalapag ng mga cakes sa isang silid. Maingat din kami sa ginagawa upang walang masira.
“May pa-cake pa pala ang mga nasa Block A,” dinig kong saad ng isang law student na dumaan. Malapit lang kasi ako sa bintana kaya dinig ko.
May narinig din akong tugon, “Sana talaga mag-declaire sila ngayon ng ceasefire.”
Madaming pumuri sa mga cake na inilapag sa dalawang pinagdikit na parihabang mesa. Naging abala tuloy si Executive Chef kasama na rin ‘yong cake artist na kasama niya sa pagpapaliwanag ng mga naging proseso ng paggawa.
Nang tumama muli ang tingin ko sa bintana, halos pagdudahan ko pa ang sariling mapaningin nang matanaw ko si Acel. Nagmadali akong humakbang palabas upang mas lalo kumpirmahin kung siya nga.
“Acel!” sigaw ko, sapat lang upang madinig niya.
Mabilis kong nakuha ang atensiyon ng lahat miski na rin siya. Nang sa wakas ay nahanap ako ng mahalimhim niyang mata, gano'n din kabilis ang naging pagkunot ng kanyang noo. Naglakad ako palapit sa kanya dahilan upang bumuo ito ng kaunting bulungan sa paligid.
“Law student ka pala talaga, ‘no?” aliw na aliw kong bungad habang papalapit. “Nga pala, anong username mo sa social media? Follow kita.”
Seryoso lang ang tingin niya sa akin na tila may nagawa akong pagkakamali sa buhay ko sa mga oras na 'to.
“Are you stalking me?” malamig ang boses niyang salubong sa akin.
Para akong sinampal ng isang malamig na yelo sa trato niya.
“H-Ha?” tanging nasabi ko, naba-blanko ang isipan dahil sa mabigat niyang presensiya.
"Sorry but," walang gana nitong kinamot ang tungki ng kanyang ilong, tila hirap sa aking presensiya. “Stalkers are not my type.”
Napako ako sa kinatatayuan matapos niyang sabihin ‘yon. Sumulyap siya sa ibang direksiyon 'tsaka inayos ang kanyang suot na salamin. Sinamantala ko ‘yon upang paulit-ulit na kumurap dahil sa sinabi niya. Pero kalaunan ay ibinalik din ang tingin sa akin.
"Stalking is a criminal offence, Miss. You're giving me the awareness that I'm being followed by your provoking presence," the supremacy of his voice is well-pronounced as it echoes in my ear.
Walang ganang umiling ito sa akin bago ako tinalikuran. I even heard him murmured a deep curse as he continuously walks away.