Nilingon ko ang parte ng lugar kung saan rinig na rinig pa rin ang indak ng musika. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang tahimik na paligid. Bumuntonghininga ako ngunit parang hindi parin sapat upang maging kalmado ang pintig nitong puso ko. Nang muli ko siyang tinapunan ng tingin, nakahilig pa rin siya sa railings habang nakatingin sa ibang direksiyon na nakahalukipkip.
“Uh…” basag ko sa katahimikan. “Gusto mo ‘bang mag…ano…”
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi sa kahihiyang mag-alok sa kanya ng cookies na mayroon ako ngayon. I was supposed to hand these cookies sa mga street children kanina. But unfortunately, when I found out about the result of my exam, I broke down and I went into this kind of place, which is absurd. Dahil hindi pala ito ang tamang lugar upang maglabas ng hinanakit sa buhay. Nilingon ko ang cookies bago muling magsalita.
“Gusto mo ‘bang tikman itong…” muli kong saad pero hindi ko alam kung bakit hindi ko madugtungan.
Walang hiyang utak naman ‘to! Mag-aalok na lang ng cookies, hindi pa alam kung anong pangungusap ang dapat na bitiwan. Bobo ka self.
Nang muli ko siyang lingunin, kunot na ang kanyang noo habang minamasdan akong maigi. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang nang suriin niya ako mula ulo hanggang sa paa. Pakiramdam ko tuloy ay may malisya nga sa nasabi ko. Dahil do’n, I protectively crossed my arms over my chest.
“H-hindi ito, a,” dipensa ko bago sulyapan ang aking katawan. Pagkatapos ay sinadya kong damputin ang lalagyan ng cookies at dinala ito sa kabilang side ko upang agaran niya itong makita. “I mean…itong cookies na mayroon ako ang inaalok ko sa 'yo. Hindi itong... baka lang kasi iba na ang iniisip mo d'yan.”
Nanatili ng panandalian ang tingin niya sa akin. Kalaunan ay inilingan niya ako pagkatapos ay inayos nito ang coat na nakapatong sa kanyang balikat.
“I never said anything,” mababa ang boses niyang wika.
Hindi ko siya nagawang tugunan kaagad. Oo nga naman. Wala pa naman siyang binibitiwang salita.
Inilahad ko sa ere ang cookies upang makita niya ito. Sinulyapan niya naman 'yon, pero parang hindi rin siya interesado. Kung bibigyan ko ng kahulugan ang bawat tingin niya, parang kahit kailan ay hindi ko maaaninag ang tunay niyang emosiyon.
“Sayo na lang ‘to,” saad ko, kahit na ramdam kong hindi na komportable ang aking himig.
Bakit kasi siya ganyan? Dinala niya ako rito, tapos ay ganyan naman ang trato niya.
Hinihintay kong abutin niya mula sa akin itong alok kong cookies, pero parang hindi naman siya interesado.
.“Kukunin mo ba? Cookies ang laman nito sa loob. Sayang naman kasi kaya sa 'yo na lang.”
Wala siyang reaksiyon. Nakaka-offend. Malakas ang kutob kong hindi niya ito kukunin mula sa akin. Nanatili ng panandalian ang tingin niya sa hawak ko bago niya ibalik ang tingin sa aking mata. Kaya nang makumpirmang wala nga talaga siyang balak na kunin ang cookies, muli ko itong inilapag sa sahig.
Tao pa ba 'tong kausap ko? Baka naman nagsasalita na lang ako mag-isa ngayon sa sobrang kalasingan?
“Labhan ko na lang ‘yang coat mo. Ano, gusto mo ba?” tanong ko. “Huwag kang mag-alala dahil ibabalik ko naman 'yan ng walang mantsa.”
I smiled at him. It's weird that even when I'm drunk, I can still speak at him without saying any stupid things, except a while ago, of course. Kanina kasi talagang nahihilo ako, ngayon lang yata medyo nahimasmasan nang kanina’y maisuka ko ang nainom. His glance is enough to make me feel sober and forget things for a while. Ang ipinagtatakha ko lang, the only thing that I'm conscious right now is awkwardness.
“I don't have any plan for setting up a meeting with you again.”
Tamad ang tono niya nang sabihin 'yon. Noong una ay hindi ko kaagad nakuha ang kahulugan no'n, pero habang tumatagal ay unti-unti rin namang naunawaan ng utak ko. Pwede namang ipadala ko na lang sa kanya ang coat niya kung ayaw niya akong makita ulit, hindi ba? Medyo feeling naman ang isang ito.
“Lalabhan ko lang ‘yang coat mo, Boss,” paglilinaw ko sa aking nasabi. “Huwag kang mag-alala, harmless chick ako.”
Nagawa ko pang kumindat sa kanya matapos kong sabihin 'yon bilang isang biro. Sana...
He smirked. “If you're persuading me to see you for the second time, sorry but, I will only set a schedule for a meeting if it might involve work or anything related to my studies.”
Parang nakaramdam ako ng kaonting kahihiyan sa loob ko. Sabi ko na nga ba't gan’to ang tipo ng taong tinutukoy ni Calliope na mahirap landiin. Wala naman akong balak. It's astonishing to look at him, like an expensive painting. His tall figure is roaring the supremacy of a Greek God. Women would drip in desires to seize his attention. Nakakapagtakha ngang kausap ko ang isang kagaya niya ngayon.
“Awit,” tanging nasabi ko. Minsan na nga lang magkagusto, natiyempo pa yata ako sa mataas ang standards sa babae . “Ano ba talaga? Hahayaan mo ba akong labhan ‘yang coat mong ‘yan, o hindi?”
I’m hoping that he would allow me to do it. Sa pagkakataong ito, mas tinignan ko na siya at pinantayan ang humihigop niyang enerhiya sa mata. Sa totoo lang, nais kumurap-kurap ng aking mata nang makumpirma ko kung gaano siya pinagpala sa itsura. I tried to prevent myself from blinking so I could focus more on my words. Mahirap kumurap habang naghihintay sa magiging tugon niya sa totoo lang.
“Hindi,” malamig niyang sagot, as usual.
Nakaramdam ako ng kaonting dismaya pero pinigilan ko lang. Sabagay, mukhang mamahalin talaga ang coat niya kaya’t siguro duda siyang baka hindi ko na ito ibalik pa. Hindi naman ako gano’n. Sa katunayan, nais ko lang suklian ‘yung gaan ng pakiramdam na nahanap ko sa presensiya niya ngayon. Yun lang. Hanggang do’n lang. Hindi naman ako mabilis ma-fall, hindi talaga.
“What kind of jaw-dropping physical appearance do I possess for you to have this chill conversation with me?” I playfully asked.
His eyebrows shot, parang nais ilingan ang nasambit ko. Nahiya tuloy ako.
“I'm not wearing my reading glass, so how could I clearly see your jaw-dropping—What?” he mocks. "Lucky for you 'cuz I'm in the mood to act polite."
"Wow," labas ilong kong utas. "I should be thankful for seeing how polite you are, then."
Tumaas ang kilay nito 'tsaka ako inismiran.
Sa isipan ko’y kumukunot na ang aking noo. I never imagined na may mga gan’tong tao na ganyan na ang level ng politeness nila. Kung sabagay, a soft-hearted response, I guess, will never suit the tension he has. His overpowering presence routed my feeling of being tipsy and in grief earlier. I'm not even aware of this capability that I have to overcome his existence.
Nang muli kong tignan ang paligid, alam kong oras na upang lumisan. Kanina palang ay binabalak ko nang umuwi, hindi lang natutuloy dahil sa alak. Siguro ay oras na rin upang umuwi dahil may trabaho pa ako bukas.
“Babalik na ako sa loob upang hanapin ‘yong kaibigan ko. Sigurado akong stress na ‘yon sa paghahanap sa akin,” sambit ko. Tumayo ako’t nilinis ang aking pwitan gamit ang isa kong palad. “Tsaka hindi naman na ako gaanong nahihilo kaya maiiwan na kita rito. Thanks sa time, ha? I hope hindi ka na-fall sa akin, kasi hindi ako nahulog sa ‘yo.”
He smirked again after hearing that. Pakiramdam ko'y nayayabangan na ito sa akin. Nang makabawi siya sa sinabi ko’y tumuwid ito ng tayo at nakapamulsang pinanood ako.
“Let’s just wait for your friend to come out.” Suhesiyon niya.
Umiling ako sa kanyang sinabi. Sa sobrang dumi ng utak ni Calliope, baka iba isipin no’n pag namataan akong may kasamang lalaki dito. Lalo na’t narito kami sa parking area at may mga kotse pa. Baka isipin no'n ay 's*x in the car' ang ganap namin dito.
“Huwag na. Aalis na ako,” pagtanggi ko. “And thank you…”
Nang magtama ang aming tingin, nakita ko ang paraan kung paano bumuka ang kanyang labi para sa panibagong salita, pero sa huli ay hindi na niya itinuloy ito. Tumango na lang siya sa akin, hudyat na hinahayaan na niya akong lumisan.
“Uh…” muli kong saad. “Law of attraction: Magkikita tayo muli, ah?”
He smirked. He even looked away to prevent himself from smiling. Pero sa huli, nang ibalik niya ang tingin sa akin ay bumalik ito sa dati at malamig niyang ekspresyon. Hindi na rin ako magtataka do’n.
I waved at him and showed him my genuine smile even though it feels awkward to do it. Wala siyang naging tugon do’n sa ginawa ko, kaya nagpasya na akong tumuloy na sa paglalakad. Sinadya ko rin na iwanan ‘yung cookies, kaya sana ay kunin at pansinin niya ‘yon. Nang malapit na akong makaalis sa parking area ng lugar, doon ko namataan ang paglabas ni Calliope kasama ang siguro’y kadarating lang na mga kaibigan namin.
“Gaga, kanina pa kita hinahanap!” bungad sa akin ni Calliope habang papunta na sa akin.
“Chill,” I mouthed.
Matapos kong sabihin ‘yon ay sumenyas naman ito na parang gugulpihin na ako.
“Smile, look at you! Oh, no…” nag-aalalang bungad naman ni Zelestine nang namataan ako. Mabilis niyang nilampasan sina Calliope at Theron sa paglalakad patungo rin sa gawi ko. I already expected her to react that way. She’s always genuine and caring. “Are you alright? How do you feel right now?”
“Sana ay nagyaya kayo. May laklakan palang naganap,”ani Theron habang naka-pamulsang naglalakad. Agad kong napansin na hanggang ngayon ay nakauniporme pa rin siya, at hula ko’y kagagaling lang nito sa proyektong inaasikaso niya sa isang site. Kalaunan ay nilabas nito ang kanyang phone upang kunan ako ng litrato.
Nakaramdam ako ng hilo kaya mabilis akong kumapit kay Calliope. Mabilis naman akong inalalayan ng kaibigan, naramdaman ko rin ng agaran ang suportang ibinigay sa akin ni Theron.
“Ano ‘bang ginagawa mo dito sa parking lot ng bar, ha? Wala naman ‘yung sasakyan ko rito,” ani Calliope habang tinutulugan niya si Theron na ibangon ako ng maayos.
“Wala. Sumuka lang ako,” pagsisinungaling ko, ayoko lang na madagdagan pa ang katanungan niya. Hirap kasi akong mag-isip.
Nang lingunin ko si Theron, kitang-kita ko ang mapaglarong sulyap niya sa akin na tila may nalalaman sa nangyari. Umirap ako sa kanya na siyang hudyat ng kanyang naging malalim na halakhak.
“And don’t worry, I’m sober now,” dugtong ko upang mabawasan ang alalahanin nila.
Alam kong sinalubong nila ako na ganito, maingay at walang bahid ng lungkot sa kanilang mga mata. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman kong ayaw nilang maramdaman kong malungkot ang araw na ito para sa akin. Kilalang-kilala ko na sila. I know that they’re all affected with my failures as well. Nasaksihan nilang tatlo kung paano ko pangarapin ang maging isang successful. Pero ang nangyayari, kabiguan ang tugon sa akin ng kapalaran.
“I’m sorry, Smile, I still have work to do, so I came here late. But don't worry, okay? We're here for you now. Narito na ako,” nilingon ko si Zelestine matapos niyang sabihin ‘yon. “I know what you feel. Nahihirapan ka ngayon. And I don't want to stress you out either, so promise me to relax your mind once we got home into Theron's condo, ‘kay?”
Nagawa pa niya akong yakapin kaya kusang bumagsak ang ulo ko sa balikat niya. Tama siya. I feel so drained. Muli kong naramdaman ang pagod at hilo nang saglit kong maipikit ang mata pero agaran ko rin namang iminulat.
“Oo nga, sa condo na lang tayo ni Theron matulog,” sang-ayon ni Calliope. “Siya na rin mag drive sa ‘tin papasok sa mga work natin bukas.”
Nakita ko rin ang ginawang pagsiko ni Calli kay Theron.
“Wow,” ani Theron sa kanya. “Iyon lang pala ambag ko sa pagkakaibigang ito.”
Sinulyapan siya ni Calliope. “Oh yes, driver.”
Sa huli, wala namang magagawa si Theron kung hindi ang um-oo sa amin. Inutusan ni Zelestine si Theron na buhatin ako hanggang sa makarating sa bagong 'baby' daw niya, ‘yung brand new niyang sasakyan. Sa backseat ako inilagay ni Theron kaya doon na rin umupo si Calliope upang mabantayan ako. Si Zelestine naman ay nasa harapan, kasama si Theron doon.
Nakalagay na ang aking ulo sa hita ni Calliope ngayon. Habang umaandar ang sasakyan, naramdaman ko muli ang aking hilo. Pero nang ipikit ko ang aking mata, muli kong naalala ‘yong naging usapan namin nung lalaki kanina. Sana’y natanong ko sa kanya kung ano ang social media account niya nang ma-follow ko siya. Sayang naman.
“Smile,” tawag ni Theron.
Nakapikit na ako kaya hindi ko alam kung imumulat ko ba ang aking mata upang masulyapan siya. Pero dahil hindi nakikisama ang mata ko, napagpasyahan kong huwag na lang siyang tugunan ng tingin.
“Hmm…” daing ko bilang tugon.
“P*cha, umungol na,” natatawang saad nito. “Kung nasusuka ka, sabihin mo, a? Calliope, paki lagyan nga ng supot muna ‘yang bibig ni Smile at baka magkalat.”
Tulad ng inaasahan, si Theron ang bumuhat sa ‘kin papasok sa kanyang condo, nakasunod lang naman sina Zelestine at Calliope sa amin. Nang maihiga niya ako, mabilis kong namalayan ang pag aalagang ginawa sa akin ni Zelestine at Calliope.
“Tabihan niyo si Smile sa kama. Sa living area na ako matutulog,” dinig kong sambit ni Theron nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
May mga ilang usapan pa akong naririnig mula sa kanila pero hindi ko ito lubusang maunawaan dahil sobrang inaantok na ako. Ang idinulot sa akin ng alak ay pagod, at ang nais ko na lang na mangyari ngayon ay ang matulog. Pero tila hindi umaayon ang isipan ko sa nais ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking antok nang maalala ko muli ‘yong lalaki kanina. Hindi tuloy mapakali ang utak ko ngayon. Naiirita ako sa sarili ko dahil nais ko nang magpahinga pero hindi ko naman magawang mahuli ang aking antok. Hanggang sa hindi ko namamalayang sobrang diin na nang pikit ko sa aking mata dahil sa malalim na pag-iisip.
“Zelestine,” tawag ko, iminulat ko na rin ang aking mata upang masulyapan siya.
“Hmm?” malambing niyang tugon sa akin 'tsaka ako niyakap. “What is it? I thought you’re at sleep now.”
“Calli,” tinawag ko rin si Calliope.
“Ano na naman, Smile? Hindi ba’t lasing ka? Matulog kana nga.”
Pagod ko siyang nilingon habang naka-ngisi. Nakita kong pikit na ang parehong talukap ng kanyang mata at halatang pagod din. Nang tignan ko rin si Zelestine, nakapikit na rin ito. Kalaunan ay dinala na rin ako ng aking imahinasyon sa himbing ng tulog.
Kinaumagahan, bumungad ang tubig at gamot sa akin na dala ni Calliope. Hinilot ko ang aking sentido upang maibsan ang hang over na nararamdaman. Ang sakit ng ulo ko, grabe!
“Sa susunod, lumaklak ka muli ng alak, ha? Husayan mo sa ganyan,” she sarcastically said.
“Thanks, I love you too,” I replied.
Si Zelestine ang umasikaso ng mga susuotin ko pagkatapos niyang mag-ayos sa sarili. Mabuti na lang at may mga ilang kagamitan kami rito sa condo ni Theron na maari pa rin naming masuot. Samantalang si Calliope naman, may sarili na namang mundo kasama ang camera niya.
Pagkatapos naming mga babae sa pag-aayos ay hinatid na kami ni Theron sa kanya-kanya naming trabaho. Inuna niyang ibaba si Calliope sa vlogging studio nito, pagkatapos ay ako naman ang sumunod na bumaba sa Cake and Café Shop.
“Bibisita muli akong Cake and Cafe Shop kung sakaling matapos ko lahat ng trabaho sa site,” bilin ni Theron sa akin bago ako bumaba ng kanyang sasakyan.
“Huwag na. Hindi ka kailangan do’n.”
Humalakhak siya sa sinabi ko.
Sinulyapan ko naman si Zelestine at nagpaalam na bago tuluyang isara ang pinto ng sasakyan.
Tulad ng nakagawian ay agad akong nagtungo sa mga cakes na nakahilera upang masimulan ko na ang paglalagay ng piping.
Habang abala ako sa paglalagay ng mga disenyo sa cakes, muli ko na namang naalala ‘yong lalaking nakausap ko sa parking lot. Hindi ko inaakalang hanggang dito sa trabaho ay bubulabugin niya ang payapa kong isipan. Naalala ko pa ang buong imahe niya kagabi, pero nang magising ako kaninang umaga, bigla na lamang nawala ang kanyang malinaw na itsura sa akin. Ang tanging naaalala ko na lang sa ngayon ay…gwapo siya.
“We’ll deliver all of these cakes before eight AM, so I’m expecting an early birds tomorrow. Is that clear everyone?” anunsiyo ni Ma’am Astra, ang aming Executive Chef.
“Yes Chef/ Yes po, Executive Chef,” we all said in chorus.
Tumango lang ito sa amin bilang tugon.
Ang ilan ay hindi pa nakakapag-ayos nang lisanin ni Ma’am Astra ang silid kaya’t naging abala muli ang mga ito.
Tumulak na 'ko paalis pagkatapos ko sa sariling gawain, palubog na rin kasi ang araw. Pero bago pa man ako humakbang palabas, nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko dito sa loob. Paglabas ko’y bumungad sa akin ang isang waitress na nagpupunas ng mga tables at high chairs. Siguro’y inutos rin ni Ma’am Astra na magsara na rin ng maaga ngayon dito sa café.
“Tulungan na kita.”.
Tumango ito sa akin 'tsaka ako nginitian. Kumuha muna ako ng isang pamunas bago nagtungo sa isang mesa. Pag lapit ko’y may isang bagay na nakapatong sa ibabaw no'n, pinukaw nito ang atensiyon ko kaya mas lalo kong nilapitan.
“Ano ‘to?” bulong ko sa sarili.
Mas kumunot ang noo ko habang minamasdan ang makapal na librong hawak ko ngayon. I scowled more because of curiosity.
“Revised Penal Code…” sambit ko sa title nitong libro. “Criminal Law one…” Aking patuloy.
Nang kilatisin ko kung kanino ang libro, mabilis kong nahanap ang pangalan ng may-ari. Nasa may ibabang parte ito ng libro at maliit lamang ang pagkakasulat, sapat lang upang mahanap at mabasa kaagad.
“Aciel D. Adamos…”