(AUTHOR'S POV) "Kasambahay mo? Bahay ito ni Kessy!" Maktol niya. 'Don't tell me magkasama sila sa iisang bobong si Kessy at Traenhz? Ginagago ba nila ako?' green minded niyang tanong sa isip. "This is my home! And please stop calling me a pervert! I am not a pervert! Kung mambubuso man ako huwag sa katulad mong pangit!" Galit niyang tugon. Nasaktan naman ang dalaga sa sinabi ng binata kahit alam niya sa kanyang sarili na pangit siya. Nang mapagtanto ng binata ang kanyang sinabi ay nakita niyang lumuluha ito at tumalikod ang babae para punasan ang mga luha. Nasasaktan siya lalo dahil mismo sa sarili niyang mahal nagmula ang katagang pangit siya. Nanlambot naman ang binata at hindi niya alam ang dapat sasabihin. Pagkatapos niyang punasan ang kanyang mga luha ay ngumiti siya ng mapakla.

