(AUTHOR'S POV) Tanghaling tapat hinatid si Swen ni Valker sa boarding house nito. "Swen, ummm...Hehehe..." Napakamot ito sa ulo. "Anong nangyari sayo? May sasabihin kaba?" Tumango naman si Val. "Ummm kasi ano... Iwan...ko kung nakapag move on kana..." Natotorpe nitong sabi. "Val, anong ibig mong sabihin?" "Kasi... Ano... Gusto kita Swen." Nahihiya niyang sabi. Nagulat man ang dalaga ay ngumiti lang ito. Nagkataon na kakarating lang ni Lupe papunta sa boarding house ni Swen at saktong narinig niya ang tanghaling pagtatapat ni Valker. Huminto siya at nakikinig. 'Please Swen sabihin mo na hindi mo siya gusto?' usal niya sa kanyang isipan. Mas lalo siyang natatakot na paano kung sasagutin ni Swen si Val? Paano na siya?' "Thank you Val. Seryoso kaba sa sinasabi mo? At alam mo naman

