(SWEN POV)
First time kong nakasama sa paglalakad si Lupe ang saya ko sobra. Sawakas napansin nya ang isang katulad ko at 'di lang yun kinikilig pa ako dahil yayain pa naman ako ng isang heartrob at isa sa crush ng University. Kaso di ako pumayag dahil halos kainin na ako ng buo ng ibang mag-aaral na babae na nagkagusto sa kanya paano na pag pumayag ako edi ako lagot at tiyak na dumugin ako at sabunutan ako ng lahat. Ayaw kong mangyari yun, ayaw kong bulihin nila ako kasi nerdy at kulot pa ang buhok. Nalulungkot tuloy ako ngayon chance na yun eh dun na yun pwede ko pa sana ipagliban ang pagpunta kay Lovely. Ang duwag mo self haisst... Nagpout na lang ako sayang talaga eh...Saka ko na lang siguro bisitahin si beshie mauwi muna ako sa bahay.
--------------KIRIGAWA MANSION-----------
(TRAENHZ POV)
"What's wrong bro kunot noo ka ata ngayon is their any problem?" Si Lupe pag karating nya dito sa aming mansyon parang wala sa mood. Tila binagsakan ng langit at lupa.
"I felt rejected bro! kung alam mo lang!" Naiinis nitong sagot.
"Relax bro. Drink Wine first ng sa ganun mahimasmasan yang pagkainis mo. " Pakalma ko dito ito ang unang beses nakita ko si Lupe na naiinis ng sobra.
"How can i relax?!" Naiinis nitong sagot na hinalamos ang dalawang palad sa mukha. Ininom ko muna ang wine na nasa can saka ito sinagot.
"Tell me then, who rejected you?" Nakahilamos parin ang dalawang kamay nito sa mukha.
"That uyly nerdy! Siya na nga itong niyaya at treat ko pa naman siya pa itong hihindian ako! nainsulto ako kanina sobra!" Saka binaba ang dalawang kamay na nakahilamos sa mukha at nilagok ang isang can ng beer. Pagkaubos ay agad itong tinupi gamit ang kanang kamay.
"Oh come on bro how come did you invite her eh di naman kayo close? At sa dinami ng babae sa campus at bakit sa isang nerd ka nag aya?" Naguguluhan kong tanong na napapangiti sa inasal nito.
Ayun nakwento nya ang buong pangyayari na kaya niya eh treat si Swen dahil may utang na loob siya pero hindi pumayag si Swen. "Bro, maybe she's really busy indeed hindi mo sya masisisi just accept the fact na hindi lahat ng pagkakataon na ang isang tao ay alway's available. " Payo ko kay Lupe na nakasandal ang ulo sa sofa.
------------------At Classroom--------------
(LOVELY POV)
Nakasakay lang ako ng tricycle papuntang school lunes ngayon kaya traffic. Nauna na si Fadz hindi man lang ako pinasabay sa kanyang kotse. Nung gumala sila kasama si Sam madaling araw na din siya nakauwi at ganoon nga sa couch parin ako nakatulog buti na lang napansin ko ang pagdating nya siguro siya ang bumuhat sa akin papuntang silid ko? nung nakatulogan ko ang paghihintay sa kanya. Imposible naman nag sleep walking ako hindi ba?. Hindi nya ako pinapansin pero he cares me right? Maybe awa lang siguro yun walang halo pag-alala nalulungkot kong sambit sa sarili habang nasa tricycle.
Nakarating na ako sa klase at tumabi kay Swen. "Good morning beshie kumusta?" bati ko sa kanya at nagpout ito saka sumagot.
"Good morning din beshie Okay lang." Walang kabuhay buhay nitong sagot.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Merun beshie sayang eh yun na yun eh!" sagot nito tapos nagpout ulit na parang bata.
"Anong yun na yun eh? Diko magets?", naguguluhan kong tanong.
"Kasi beshie niyaya sana akong kumain ni Lupe kahapon after ng klase namin sa Arts Subject. Eh treat nya ako bilang ganti sa naitulong ko sa kanya. Ako kasi ang nagbigay ng idea sa kanya dahil malapit ng matapos ang aming klase at dealine na rin ng araw na iyon. Ayaw ko rin naman na ako lang ang makapagtapos gusto ko lahat kami makapasa. Araw na yun wala sya kahit anong idea kaya hayun tinulongan ko si Lupe na bigyan kong ano ba ang gusto nya sa part of paintings. Tapos ang napili nya oild paiting." Mahabang paliwanag ni Swen.
" Then bakit hindi ka pumayag na niyaya ka pala nya?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay harap-harapan kami nag-uusap. Wala pa kasi ang professor namin iwan. Maaga pa din naman kaya habang may oras may time kaming makipag-usap sa kaklase.
"Ang totoo beshie super duper happy ako kaso beshie andun yung mga babaeng nagkagusto kay Lupe. Ang sama ng mga tingin nila na tila nagbabanta. Halos lamunin na ako ng lupa sa sobrang takot. Makikita din naman kasi sa mukha nila ang galit at inggit. Ayaw kong bulihin nila ako ulit dahil Nerd ako at ayaw ko pati ikaw madamay. Ayaw ko iyon mangyari sa ating dalawa. Mas okay na rin iyon para iwas gulo mula sa kanila diba? Duwag na kung duwag natatakot lang talaga ako beshie." Mahabang lintaya nito ulit na makikita mismo sa kanyang mga mata ang sinseridad.
" It's okay beshie mas maganda na nga yan kasi ikaw kusa lumalayo sa playboy na yun." Tumango lamang ito at siya din ang pagdating ng aming guro na si Mam Tina sa history Subject.