(FADZ POV)
"Oh Lupe, kaaga-aga busangot na yang mukha mo." Tanong ko sa bestfriend ko habang andito kami ngayon sa field nagpapahinga kasama si Traenhz. Busangot na ang mukha mula pa kanina sa klase. Ano naman problema nito?
"Naapakan lang ang pride ko Fadz." Sagot nito na busangot parin ang mukha.
"Then, sino naman ang nakaapak sa pride mo?" Tanong ko ulit dito habang ito si Traenhz nakangiti lang. "Merun ba akong hindi nalalaman na kayo lang dalawa ang may alam? Unfair ninyo ah hindi naba tayo magbestfriend?" Pansin ko kasi sa dalawang ito sukatan ng tingin if isa sa kanila ang magsasabi ng pangyayari na wala akong alam.
"Si Lupe na lang tanungin mo fadz tungkol dyan!" Boses ni Traenhz ." Bumaling ako kay Lupe.
"Anong problema mo?" tanong ko na naman ulit.
Naikwento ni Lupe ang buong pangyayari ang bestfriend pala ni Lovely ang dahilan ng busangot nitong mukha ngayon. Natatawa ako dahil lang sa isang nerd nasira ang mood ni Lupe. "HAHAHA!" Hagalpak kong tawa.
"Anong nakakatawa doon?" Naiirita nitong tanong.
"Well, di mo akalain na isang nerd lang pala ang magreject ng mga paanyaya mo HAHAHAHAHAH!" at tumawa narin si Traenhz. Sakit tuloy ang tiyan ko sa katatawa. Big deal na sa kanya iyon hindi naman kasi siya sanay na hininindian ng mga babae. "HAHAHAHAH!!!"
"Bwesit makaalis na nga!" padabog na umalis si Lupe.
"Hoy saan punta mo? Hoy Lupe! Wag kana magalit parang yun lang?! HAHAHAH!". Ayon umalis na iniwan kami ni Traenhz na napangiti na lang sa inasal ng aming kaibigan.
"Sa tingin mo traenhz anong dapat natin gawin ng sa ganoon maibsan ang pagiging busangot ni Lupe? tanong ko sa kanya na ngayon abala sa paglalaro mg ML. Naku pag hindi mawala ang pagiging busangot niya paano na?
"Simple lang ang solusyon si Swen ang dapat magpangiti sa kanya muli." Sagot nito na nakatuon parin ang mata sa nilalarong ML.
"Paano? At baki't kailangan pa ni Swen papangitiin si Lupe eh di naman sila close at wala naman silang relasyon hindi ba?" Tanong ko ulit dito. Huminto ito at nakatingin na sa akin.
"Yun din ang di ko alam hayaan na lang natin na si Lupe na ang gagawa ng paraan." Aniya saka nagpatuloy muli sa paglalaro.
(LUPE POV)
Kainis naman tong dalawa kong kaibigan pinagtatawanan ako eh! Hindi naman kasi nila naranasan ang eh reject! Ayun padabog akong umalis mula sa kanila. Tama naman sila sa isang nerd lang ako naging busangot haisst! Bullshit!! Asan na kayang nerdy na yun mapuntahan nga kanina ko pa hindi siya hindi nakikita.
(SWEN POV)
Kumain kami ngayon sa canteen ng aming University. Tulad ng nakagawian burger at pizza sa akin kay beshie ay waffles at pancakes parin with honey butter on the top at drinks namin ay mango juice. Nguya lang kami ng nguya kanina pa hinahanap ng aking mga mata si Lupe. Pero walang Lupe absent ba sya?
(LOVELY POV)
Sarap na sarap ako sa mga pagkain madami akong naubos. Habang nilagok ko ang juice napapansin ko si beshie na palinga linga ang mga mata sa paligid. "Sino hinahanap mo?" nakakunot noo kong tanong.
"Si Lupe." Nakayuko nitong sagot.
"I see." Pasang-ayon ko na ngayon paubos na ang kinakain ko.
"Alam mo naman na crush ko si Lupe kaya hindi ko talaga maiwasan na hanapin sya at saka kanina ko pa sya hindi nakikita eh..." nakangusong sagot nito.
"Para talaga tong bata hmmmm.. ganoon pala pag crush mo ang isang tao ano? Hindi ko pa kasi naranasan ang ganyan. Ang alam ko lang this few days ago masakit ang kinailaliman ng aking dibdib." Walang linya kong sagot at nagpunas ng tissue sa bibig.
" Ano beshie? Masakit ang kinailaliman ng iyong diddib? Naku baka may sakit kana sa puso mas mabuti pa na magpacheck up kana tara samahan kita." Natataranta itong tumayo at sabay hila sa akin.
"Oyyy! ano kaba wala akong sakit sa puso." Pagpipigil ko dito na kapwa na kami nakatayo sa tabi parin ng aming pinagkakainan at siya ring pagdating ni Lupe.
"Hi girls! Ummm lovely pwede ko bang hiramin si Swen may pag-usapan lang kaming dalawa." Binitawan ako ni Swen at nakatingin lang sya kay Lupe.
"Saan mo naman dadalhin bestfriend ko?" Nakapameywang kong tanong.
"Don't worry Rose wala akong balak masama kay Swen." Panigurodo nito.