bc

If I Let Go (Book 1 of If I Trilogy)

book_age16+
2.6K
FOLLOW
11.5K
READ
escape while being pregnant
friends to lovers
bxg
heavy
serious
novice
selfish
like
intro-logo
Blurb

Anaddy Mouera G. Fortalejo - she was known for her beauty, kindness, and brilliance. Most of the guys she met wanted her to be theirs. Sino ang hindi gugustuhing maging boyfriend niya? Halos lahat ay nasa kanya na! Ngunit sa kabila ng mga paghangang natatanggap, hindi siya ganoon kasaya. Because the guy she wanted to see what most of the guys saw in her had seen it in someone else.

Rodrigo Iñaki R. Villaraza - her bestfriend, her confidant, her love. Bata pa lamang sila noon ay alam na niyang ito ang nais niyang makasama habambuhay. He was the one, she was certain. May mangilang-ngilang beses niyang tinangkang magtapat ng pag-ibig dito ngunit palagi siyang naduduwag. Natatakot siyang masaktan; natatakot siyang magbago ang lahat. Kaya hinayaan niya lamang ang nararamdaman. Darating at darating din naman siguro ang araw na malalaman nito kaya mabuti pang hintayin na lamang kaysa pangunahan. She wasn't that scared that he might be in a serious relationship while she was still waiting for her chance. Iñaki was a notorious playboy. Wala pa itong balak na magseryoso.

But she was wrong.

Dumating ang isang babae at binago si Iñaki. And he admitted he loves the girl so much he couldn't let her go anymore.

Nagunaw ang mundo niya. She did not see that coming. She was not ready for that immeasurable pain in her heart. He fell in love, not with her.

Just as she was about to give up, a chance came up and she gambled. Sumugal siya kahit alam niyang wala siyang laban.

When she thought she was winning, another storm came that washed away everything she built.

Now, Iñaki hated her. At hindi niya ito masisisi. She was eaten by her greed.

There was no other choice but to surrender. What she felt

chap-preview
Free preview
Prologo
THAT SMILE . . . Kapag in love daw ang isang tao, kitang-kita iyon sa kanyang mga ngiti. And I couldn’t agree more. Nagtagpo ang mga mata namin. Agad kong inangat ang mga sulok ng bibig. Ganundin ang isinukli niya na may kasama pang thumbs-up. Nakakasilaw ang kanyang ngiti. Kahit kailan ay hindi ko pa nakitang ngumiti siya nang ganoon kasaya at katamis. Bakit nga naman hindi? He and the girl he loved, they were finally officially together. Dapat ay masaya ako para sa kanila. His efforts paid off. Pero paano nga ba ako magiging masaya kung ganitong pinupunit naman ang puso ko? Nagsipalakpakan ang mga nakikiusyoso. Ang iba naman ay nagtilian sa sobrang kilig at galak sa nasasaksihan. Kitang-kita ko, ramdam na ramdam ko ang sayang nararamdaman ngayon ni Iñaki habang nasa mga bisig niya ang babaeng unang nagpaintindi sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ganundin si Janette, ang babaeng minamahal niya, na hindi rin mapuknat ang ngiti sa labi. I bit my lower as I was trying to get a hold of myself. But I guessed it was too late. Isa-isang nag-unahan ang mga luha sa pagpatak. I was stunned, so embarrassed for a moment and immediately wiped those away with the back of my right hand. Masaya si Iñaki. Iyon ang importante. Akala ko matagal pa bago mangyari ito. But it was happening now right before my eyes. No one knew what I was really feeling inside. Sino nga ba naman ang makakahula? Makulay at maganda ang ngiti ng aking maskarang suot ngayon. Narinig ko ang pagtipa ni Beatriz sa keyboard, hudyat na nakuha na niya ang signal mula kay Iñaki na kailangan na nilang tumugtog. Pinaghandaang lubos ni Iñaki ang araw na ito — ang pagtatanong niya kay Janette kung puwede na bang maging sila. I was the one who planned this . . . for him. Kinailangan ko pang um-absent sa pang-alas siete ng gabi kong klase para maisakatuparan ang mga ito. Ganundin ang banda nina Beatriz na kinailangan ko pang suhulan para magsipayag. Sa ikasisiya ng pinakamamahal kong best friend, handa akong isakripisyo ang lahat. With an excruciatingly soulful song, the couple danced slowly and gracefully. Kitang-kita ko ang mga mata nilang magkahinang na punong-puno ng kasiyahan at pag-ibig para sa isa’t isa. They looked lost in each other. So in love, so drowned, and not capable of resurfacing. Habang tumatagal na nasasaksihan ko ang matinding pag-ibig nila para sa isa’t isa, palakas rin nang palakas ang panaghoy ng puso ko. Sumasakit ang dibdib ko ngunit pinipilit ko pa ring ngumiti at umaktong masaya. Masaya ako. Masaya ako, na halos madurog ang puso ko. “C-Congratulations!” pilit ang ngiting bati ko kay Janette nang natapos ang sayaw. She was misty-eyed. Sino nga ba naman ang hindi maiiyak sa ginawa ni Iñaki para sa kanya? She smiled, that smile which made my best friend fell for her. “Salamat, Addy!” Niyakap niya ako na sinuklian ko naman. My eyes met Iñaki’s who was just a few feet away. Katulad ni Janette, maluha-luha rin siya. Hindi ko na maipaliwanag ang sakit na lumulukob sa akin habang nakatingin sa kanya. Ilang beses niyang sinabi sa akin na liban sa pamilya niya, ang babaeng mamahalin niya lamang nang lubos ang makapagpapaiyak sa kanya. Umiiyak siya ngayon dahil mahal na mahal niya si Janette. Umiiyak din siya ngayon dahil mahal din siya nito. I suddenly felt a pang of guilt when I smiled at him forcefully and he returned it with a genuine one. Hindi ako karapat-dapat sa ngiting iyon. Just how I didn’t deserve to be his friend when I didn’t feel wholeheartedly happy for them. “Ikaw daw ang nagplano nito.” Janette smiled at me and held my hands. “T-thank you. Hindi mo alam kung pa’no niyo ako napasaya ngayon ni Iñaki.” “No problem.” I faked a smile. “You deserve it anyway.” I bit my lower lip and swallowed the lump in my throat. “Iñaki loves you so much, Janette.” Ngumiti siya. “And I love him, too . . . so much, Addy.” Nakita ko sa mga mata niyang mahal na mahal nga rin niya talaga ang best friend ko. Alam ko dahil iyon din ang nakikita ko kay Iñaki, at sa harap ng salamin. “UY, ADDY! BAKIT KA NAGMUMUKMOK DITO? Tara! Sayaw tayo!” aya sa akin ni Beatriz, kaibigan ko at bokalista ng bandang tumugtog kanina, habang hawak-hawak ang isang basong may lamang alak. Nandito kami ngayon sa isang bar kasama ang ilang kaibigan. Celebration daw ito para sa pagiging officially together ng best friend ko at si Janette. I brought Beatriz with me so I got company. Kung hindi lang busy si Carmela, my friend and her co-bandmate, hindi ko maiisipang isama siya. Karamihan sa kasama namin dito ay mga kaibigan nina Iñaki at Janette kaya medyo out-of-place ako. But I forgot Beatriz was a party animal and she loved boozes. Hindi niya naman ako sinasamahan dahil panay ang sayaw at inom niya. Kung hindi lang ako pipigilan ni Iñaki ay kanina pa ako umuwi. I shook my head and stirred my iced tea. “Ayoko. Ikaw na lang.” Muli akong tumingin kung nasaan ang magkasintahan, na sana hindi ko na lamang ginawa. Sumalubong sa akin ang tanawing ayokong makita. Nakahilig si Janette sa malapad na dibdib ni Iñaki. His eyes were on her face, so amused as if it was his first time seeing such beauty. Iniwas ko rin agad ang mga mata sa kanila at inisang lagok ang iniinom. “Magpapaka-bitter ka na lang ba rito?” Napatingin ako kay Beatriz na nakataas-kilay ngayon sa akin at tila kanina pa ako pinagmamasdan. “A-anong bitter ang pinagsasasabi mo d’yan?” Pagak akong tumawa. “Ikaw,” she sat beside me. “kaunting-kaunti na lang, magiging ampalaya ka na. Hindi lang ampalaya,” she wiped something on my left eye. “umiiyak na ampalaya.” Napahawak ako sa ilalim ng mga mata ko. Napakurap-kurap ako nang napagtantong may pumatak na mga luha nang hindi ko napapansin. You’re so pathetic, Anaddy. Tumikhim ako. “H-hindi, ah.” “Yeah, right,” maarteng aniya. Pilit niyang inabot sa akin ang iniinom na alak. “Drink.” Umiling ako at ipinatong sa tapat niya ang inumin. “Ayoko.” Huminga siya nang malalim at muling inabot sa akin ang alak. “Alam mo, Addy, ‘wag kang magmukmok dito! You’re frustrated? You want to let go of the pain? Then, this is it! Dance and drink! Walang masama rito, ‘no? ‘Tsaka ilang buwan na lang, mag-e-eighteen ka na. At least drink this.” Alam kong may hinala na noon pa sa akin si Beatriz, n alam niya ang pinakaiingat-ingatan kong lihim. Ganunpaman ay ni minsan ay hindi niya iyon sinubukang ikumpirma sa akin na ipinagpapasalamat ko. “Alam mo, minsan, ‘di naman masamang magsaya. Hindi naman masama na minsan ay iwan ang libro at alisin ang salamin na ‘yan,” dagdag niya sabay turo sa malaking salamin ko sa mga mata. “Kaya ka iniiwasan ng mga tao rito, oh! Napaka-modest mo naman kasing tingnan! You look stupid! Nasa bar ka tapos ang postura mo parang pupunta ng conference.” Napangiwi ako sa sinabi niya. I was wearing a white button-down, black slacks, and a pair of black stilettos. Bago ko kasi inasikaso ang plano namin ni Iñaki ay kagagaling ko lang sa subject ko kung saan ako ang nakatokang mag-report sa unahan. Hence, the attire. “H-hindi nga kasi ako umiinom, Beatriz,” diin ko. Umiling-iling siya at kinuha ang inumin saka muling iniumang sa akin. “Drink, Addy. And get wasted.” Napatingin ako sa kanya. Marahan siyang ngumiti. Bakas ang pag-unawa at pagkaawa sa mga mata niya. “Beatriz,” I bit my lower lip. “a-alam mo ba?” “Na ano?” kunot-noong aniya. “Na may gusto ka kay Iñaki?” My eyes went wide and I immediately covered her mouth with my hand, as if there was a chance another soul would hear her. Napalingon ako sa mesa nina Iñaki. Mukhang wala naman silang narinig. Diyos ko! Marahas na inalis ni Beatriz ang kamay ko sa kanyang bibig. “Ano ba . . .” “P-paano mo nalaman?” She rolled her eyes. “Hindi kasi ako tanga, Addy. Halatang-halata kaya sa’yo.” Halata raw pero bakit hindi naman nahahalata ni Iñaki . . . “Ano nang gagawin mo ngayon? May girlfriend na siya. Well, he had lots of girls in the past but this one’s pretty serious and I know you know that.” “W-wala.” Tumingin ako sa kanya. “M-may dapat ba ‘kong gawin?” Tumango-tango siya. “Oo. Ang mag-move on. But for now,” itinaas niya ang kanyang inumin. “let’s get drunk.” I never had the chance to look at other guys because Iñaki got me. He got me, bigtime. I lived most of my life with him in my heart. I couldn’t bring myself to imagine without him in it. Ngayong may nagsabi sa akin na kailangan kong burahin siya sa puso ko ay masakit — sobrang sakit. Hindi ko napigilan ang paghikbi. Kaya bago pa man masundan iyon ay kinuha ko na ang baso at ininom ang laman noon. Halos ma-deform ang mukha ko pagkatapos mainom ang alak. Mainit sa lalamunan at napakapangit ng lasa! Tinawanan ako ni Beatriz nang inagaw ko sa naglalakad na waiter ang isang baso ng tubig. That was awful! “Sige pa! Tama ‘yan, Addy! Magpaka-wild ka naman minsan!” natatawang sulsol niya pa sa akin bago ako iniwan para kumuha ng panibagong inumin. Hinawakan ko ang lalamunan. I felt like throwing up! Ramdam na ramdam ko rin ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi sinasadyang napaangat ako ng mga mata at nasalubong ang galit at nang-uusig na tingin ni Iñaki. Magkalapat nang mariin ang labi niya habang nakatunghay sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatungo. Pakiramdam ko ay para akong batang nahuling may ginagawang mali. Ramdam na ramdam ko ang palapit na presensya niya kaya hindi na ako nagtaka nang nasa tapat ko na siya makalipas ang ilang segundo. “What’s the meaning of this, Anaddy Mouera?” nagtitimping tanong niya sa akin. “Kailan ka pa natutong uminom? Bawal ka pang uminom dahil—” “She’ll be turning eighteen soon so why the fuss, Rodrigo Iñaki?” Beatriz interrupted. May hawak itong bote ng alak at isang baso. Napatingin dito si Iñaki. Kitang-kita ko ang pagtiim ng mga bagang niya. Alam ko na noon pa ay hindi na niya gusto si Beatriz na maging kaibigan ko. Bad influence daw ito. Party animal daw at manginginom. “For your information, Miss Beatriz Dominguez, ako ang best friend ni Addy. Kaya may karapatan akong kuwestiyunin ang mga ginagawa niya,” seryosong balik ni Iñaki. He looked annoyed. Tumaas ang isang kilay ni Beatriz. “Kaya naman pala napakaliit ng mundong ginagalawan ni Addy dahil sa’yo. Masyado kang dominante. Pakiramdam mo pag-aari mo siya. For your information, too, Mr. Rodrigo Iñaki Villaraza, tao rin at may sariling buhay ‘yang best friend mo. Hindi na ‘yan bata na kailangan ng tagabantay. Now, if you’ll excuse me—” Lalapit na sana si Beatriz sa akin nang harangin ito ni Iñaki. Napatayo ako. Mukhang nagkakainitan na ang dalawa. Kailangan ko nang pumagitna. “Tama na, Iñaki. Tama na,” pakiusap ko. “Ano . . . h-hayaan mo na muna kami ni Beatriz. Huwag mo ‘kong alalahanin—” “Anong ibig mong sabihin?” Madilim ang mukhang bumaling siya sa akin. “Hahayaan kita sa babaeng ‘yan? Para ano? Uminom? Kaya nga dito kita pinaupo at ‘di kasama namin dahil ayokong may tumudyo sa’yong uminom. And now . . .” “Hinihingi niya ba ang permiso mo?” sabat ni Beatriz. “Hindi, ‘di ba? Ano kaya kung hayaan mo muna sa’kin ang best friend mo at atupagin mo muna ang bago mong girlfriend?” “I-it’s okay, Iñaki. Ayos lang ako,” I assured him. “Bumalik ka na ro’n. Nakatingin na sila rito, oh. Janette . . . she looks worried.” Pinagmasdan muna niya ako nang matagal bago bumuntong-hininga. “Gusto ko lang linawin sa’yo, aalis ako rito sa harapan mo ‘di dahil pinapayagan kita. I’m giving you time to rethink.” Tinapunan muna niya ng tingin si Beatriz bago siya naglakad pabalik sa table nila. Hinila naman ako agad ni Beatriz at pinaupo. Alam kong nasa akin ang mga mata ni Iñaki pero hindi na ako nag-abalang tapunan pa siya ng tingin. “He’s not the one to decide how to rule your life, Addy,” sabi ni Beatriz sa akin habang sinasalinan ang mga baso. “Besides, siya naman ang dahilan kung bakit mo ‘to gagawin. You want to forget the pain even just for a while, right?” Kinuha ko ang isang baso at iniumpog nang mahina sa baso niya. “Cheers.” “ANG SABI KO NAMAN KASI SA KANYA, ‘wag siyang makikipagkaibigan sa babaeng ‘yon. Tingnan mo ngayon! Lasing! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kina Tito at Tita pagdating do’n. She’s so stubborn!” I tried to open my eyes but failed. Parang nawalan ako ng lakas at kakayahang buksan kahit man lang ang mga iyon. My stomach was churning in distate. I felt dizzy and drowsy! Nasobrahan yata ako ng inom sa bar kanina. Natatandaan ko pang hinila ako ni Beatriz sa dance floor. God knows what happened there! And then after that, everything went dark. “Hayaan mo na. Ngayon lang naman ‘yan, eh. Huwag mo nang pagalitan. Normal lang ‘yan sa mga teenager na uminom paminsan-minsan. Parang ‘di ka naman dumaan d’yan,” narinig kong sagot ni Janette sa best friend ko. Mukhang nasa sasakyan ako ni Iñaki. Nakakapanibago. Dati, ako lang ang nag-iisang babaeng isinasakay niya sa kanyang kotse. Ngayon, dalawa na kami. “You know I can’t let her drink. She’s Addy, my little sister. And that Beatriz, I really don’t like her. She brings no good!” Little sister. Iyon lang naman ang tingin niya sa akin. Mababasagin at kailangang protektahan. Hindi niya alam na nasasaktan ako tuwing ipinamumukha niya sa akin na batang maliit — na kapatid — ang tingin niya sa akin. May kapatid naman siyang babae. Makontento na siya roon. Ayoko rin naman siyang ituring na kuya. Nakatulog akong muli sa biyahe. The next thing I knew, I was inside his arms. “Kuya, anong nangyari kay Ate?” narinig kong tanong ni Keiffer, ang bunso kong kapatid. “She’s drunk. Nasaan sina Tito?” “They went to a party.” “Iaakyat ko lang ‘tong kapatid mo, Keiffer. Sabihan mo isa sa mga katulong niyo na magdala ng bimpo at maligamgam na tubig sa kuwarto ni Addy,” bilin ni Iñaki bago ko muling naramdaman ang paglalakad niya. Wala siyang ideya kung bakit ako uminom. At hindi niya na yata malalaman pa kahit kailan. I wanted to forget even just for a while. The pain was so overwhelming. Hindi ko kakayanin kung patuloy kong lulunurin ang sarili sa sakit at kalungkutan. Ngayong may babae na siyang sineseryoso, ano na kaya ang mangyayari sa akin? Naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likod. Humarap ako sa kaliwa kung nasaan siya. Alam kong galit niya akong pinagmamasdan dahil ramdam na ramdam ko ang talim ng mga mata niya. Huminga siya nang malalim na parang disappointed na disappointed siya sa akin. Gusto kong ngumisi. Ako rin, Iñaki. Disappointed din ako sa sarili ko. Dahil ganito ako. Masamang kaibigan. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata. Saktong tinalikuran na niya ako kaya agad kong hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya sa akin. Huli na para pigilan ang mga luhang wala naman kanina. “Princess, what’s wrong?” natatarantang tanong niya sa akin bago naupo sa kama. “May masakit ba sa’yo? Sabi ko naman sa’yong ‘di ka pa handang uminom—” Niyakap ko siya. Natigilan siya sa ginawa ko. Doon ay humagulgol na ako ng iyak. Bakit kasi hindi na lang ako, Iñaki? “I’m sorry, okay?” he cooed while combing my hair with his fingers. “Alam mo namang ayoko pang matuto kang uminom, ‘di ba? You’re still a minor and we had a deal—” “I love you.” I loved him since God knows when. I loved him more than a friend. I loved him as a man. A man that I wanted to spend my lifetime with. I loved him so much that it hurt. “I love you, too, baby. You’re my best friend and little sister. My princess.” Hinawakan niya ang aking mukha at tinitigan ako sa mga mata. “Tahan na. Nag-aalala na ‘ko.” Pinunasan niya ang mga luha kong hindi matigil-tigil sa pagtulo. He loved me as his best friend when I was seeing him as a potential lover. He was treating me as his little sister when I liked him to know me as a woman. I was his princess when I desired to be his queen. Sabi nila mapalad ang mga marunong maghintay. Ginagantimpalaan sila sa huli dahil hindi sila nagmadali. Pero bakit hindi totoo sa akin? I waited and waited but look at what it brought upon me. Pain. Indescribable, excruciating pain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook