Kabanata 3

2934 Words
“WHAT ARE YOU DOING HERE? Wala rito si Iñaki. He went out.” Nagbukas-sara ang bibig ko habang nakatingin kay Serafina na nakataas ang kilay sa akin habang nakahalukipkip. That was why I was here because Iñaki wasn’t around. Her eyes were piercing through me. Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa ako bumulagta. Ipinakita ko sa kanya ang kare-kareng dala. “Pinabibigay ni Mommy.” Kamuntikan nang tumapon ang hawak-hawak ko nang hablutin niya sa akin iyon. “You can go now.” “Serafina!” Napalingon kami sa loob ng bahay matapos umalingawngaw ang mabagsik na boses na iyon. I saw how Serafina’s expression changed from bitchy to horrified. “I-Iñigo!” She faked a smile. “Y-you’re awake!” Standing meters away from us was Kuya Iñigo, the firstborn Villaraza. Galit na galit ang anyo nito habang nakatingin sa asawa na namumutla na sa takot. “What are you doing?” “N-nothing!” she lied. Napatingin naman ito sa akin. “Did she do anything to you, Addy?” I glanced at Serafina who was threatening me with her eyes. Napalunok ako saka muling ibinaling ang mga mata kay Kuya Iñigo at pilit na ngumiti. “H-hindi naman, Kuya.” “See?” Inakbayan ako ng maldita. “We’re friends! Ikaw naman . . . Gano’n ba ang tingin mo sa’kin? Palaaway?” “Oo,” walang kagatol-gatol na sagot ni Kuya Iñigo. “Nakakainis minsan ‘yang kaprangkahan mo.” At inalis ni Serafina ang pagkakaakbay sa akin. “Why are you here, anyway?” “You didn’t go home last night.” Napangiwi ako nang nakitang ngumuso siya. “I waited for you for hours!” Kuya Iñigo hissed. I suppressed a smile while looking at him. Among the Villaraza siblings, Kuya Iñigo was the most mysterious and most difficult to deal with. He rarely talked and showed his emotions. Bilang lang ang pagkakataong nakita ko siyang ngumiti o tumawa. Hindi naman siya masungit pero dahil sa pagiging tahimik at seryoso, napagkakamalan siyang ganoon. So seeing him showing his emotions to his wife, Serafina, was kind of amusing. “I-Iñigo!” tawag ni Serafina sa asawa nang umakyat ito sa hagdan. “Hoy! Damn it! Fernando!” But he didn’t stop. Binalingan niya ako at ibinalik sa akin ang kare-kare. “Ikaw na magdala sa kusina.” And then she left, incessantly calling her husband. Napailing-iling na lamang ako. Serafina was a certified a brat. She was so in love with Kuya Iñigo that she threatened every girl outside the Villaraza family that came for her husband. And I wasn’t excluded. Medyo close din kasi kami ni Kuya Iñigo. He taught me how to play guitar and I was one of the first people to see his newly-composed songs. He sang, too. We shared some common things and his wife didn’t find it comfortable. She saw me as a threat so she’s go bitchy on me whenever I was around. And I didn’t get it. If she was confident with his husband’s love for her, bakit siya ganyan umakto? It’ was very childish! She was quite annoying but somehow I admired and envied her. Napakatapang niyang babae. She got no inhibitions to show her love for Kuya Iñigo. If I were just like her . . . Tuwang-tuwa si Tita Glenda sa dala kong kare-kare. Dahil doon ay gusto niya akong maghintay sa niluluto niyang sinigang. “Do you know this certain Janette, sweetheart?” Halos mabilaukan ako sa tanong ni Tita. I happened to be eating blueberry cheesecake she offered. Agad-agad kong inabot ang baso ng tubig at ininom iyon. “Are you okay, Addy?” she asked, worried. I nodded. “O-opo.” “So . . .” she trailed off. “Do you know this Janette I’m referring to? She’s an Ocampo, I guess. She goes to the same school as you and Iñaki.” “Opo. Kakurso po siya ni Iñaki.” She nodded. “How is she?” “Mabait po siya at matalino, Tita. She’s a scholar.” “I see . . .” Silence prevailed between us. It was making me uncomfortable. Why was she asking about Janette? Alam niya na kayang girlfriend ito ni Iñaki? Did he tell her about Janette? “Is she dating my son?” Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Tita Glenda sighed deeply. “I think she does.” Tuluyan ko nang hindi natagpuan ang dila ko. Mabuti na lang at dumating si Serafina. The heavy atmosphere lightened up. Dapat ko bang sabihin kay Iñaki ang napag-usapan namin ni Tita? It looked like Tita just got the news from a source, not from his son. She seems displeased. Ayaw niya ba kay Janette?   SUNDAY MORNING. Hindi pa masyadong sumisikat ang araw kaya naisipan kong mag-jogging. Agad kong isinuot ang jacket na kulay itim at ang gray jogging pants. Kinuha ko rin ang rubber shoes na nasa ilalim ng kama. Ipinuyod ko ang buhok ko saka inalis ang contact lenses at pinalitan iyon ng kinasanayan kong salamin sa mata. Nang matantiyang handa na ako ay bumaba na ako sa sala. “Good morning, Mom. Dad, good morning,” bati ko saka ginawaran sila ng tig-isang halik sa pisngi. “Magdya-jog lang po ‘ko saglit.” “Isama mo si Shinichi. Ilang araw na ring ‘di ‘yon nakakapaglakad-lakad sa labas,” utos ni Daddy habang abala sa binabasang diyaryo. Napangiwi naman ako. “Dad, I’m going to jog. Hindi ako maglalakad.” Binalingan niya ako saka in-adjust ang eyeglasses niya. “Parehas din ‘yon. Take him.” Napaikot na lamang ako ng mga mata. Lumabas ako ng bahay saka pinuntahan si Shinichi na mukhang excited nang nakita ako. For an old dog, he was quite energetic. “Behave, boy. Behave,” utos ko nang dilaan niya ang pisngi ko habang inaalis ko ang pagkakatali niya sa pader. Nang nakalagan ito ay agad akong tumakbo palabas na sinabayan naman nito. Nang nasa tapat na kami ng bahay ng mga Villaraza ay nakita kong nag-iinat si Iñaki. Naka-jacket siya at naka-cargo shorts. His hair was kind of messy. I found it cute especially when he yawned. “Addy!” tawag niya sa akin saka ako kinawayan. “Jogging?” Tumango ako. Mayamaya pa ay tumakbo na siya palapit sa amin ni Shinichi na hindi na naman mapakali dahil sa kanya. Naalala ko bigla ang pag-uusap namin noong huli ni Tita Glenda. I wanted to tell him about it but I guessed I shouldn’t meddle. It was between him and his mother. “Hello, Shinichi boy!” he greeted before patting the dog’s head. Tumahol naman ito. “Makikisabay ako, ah?” Ngumiti lamang ako. “May tanong ako.” Napatingin ako sa kanya. “Please answer this honestly. Iniiwasan mo na naman ba ‘ko?” Reflexively, I shook my head. “H-hindi, ah! Ano kasi, busy kami. Alam mo na. May performance kami sa isa sa mga minor subject namin.” Tumango-tango siya. Totoo naman ang sinabi ko. May performance kami sa isang minor subject at next week na iyon. That kept me busy. At isa pa, simula nang sabihin sa akin ni Janette na alam niya ang lihim ko, mas pinili ko ang makakabuti: ang pag-iwas sa kanya. Ginagawa ko iyon hindi dahil iyon ang gusto ko kundi iyon ang tama. Kung gusto kong mag-move on, kung ayokong magkaroon sila ng hidwaan ni Janette o kung anupaman, kailangan kong gawin kung ano ang nararapat. At ang pag-iwas sa kanya ang unang hakbang. Wala akong balak na sirain ang pag-iibigan nila. Alam kong masaya si Iñaki. Alam kong mahal niya si Janette. Sino ba ako para humadlang? Kailangan kong magparaya. Kailangan kong magpakumbaba. Kung ang pagpaparaya at pagpapakumbaba ang dalawa sa mga dahilan para manatiling masaya si Iñaki, handa akong gawin iyon. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya lamang ang bukod-tanging lalaking hinayaan kong pasukin ang buhay at puso ko. Handa akong magsakripisyo para sa kanya. Alam kong kung aaminin ko ang nararamdaman ko para sa kanya ay mababasag siya. Malulungkot siya. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Ayokong magkasira kami. He was my best friend after all. Tatanggapin ko na lamang, kahit paunti-unti, ang katotohanang hindi kami ang para sa isa’t isa. “Akala ko iniiwasan mo na naman ako. Ilang araw na ‘ko pabalik-balik sainyo. Laging sinasabi ni Tita na nasa kwarto ka. Kapag pinupuntahan naman kita ro’n, lagi mong dinadahilan na busy ka. Malapit na sana akong magtampo,” salaysay niya. Bigla siyang ngumuso saka ako binalingan. “Kapag iniwasan mo na naman ako, malulungkot na talaga ako nang sobra.” Ngumiti na lamang ako bilang tugon. Oo. Masasaktan ka. Pero mas masasaktan ka kung aaminin ko ang pag-ibig ko saiyo. Nauwi sa paglalakad ang dapat sana ay pagdya-jogging namin. Paano ba naman kami makakapag-jog kung ganitong kuwento siya nang kuwento? Napapangiti ako hindi dahil sa mga ikinukuwento niyang hindi ko naman maintindihan. One thing I loved about him was he was easy to please. Unlike his older brother, he gave away his smile to everyone. He was a very good catch. Maliban sa mabait at masayahin, magandang lalaki rin siya. Matangkad siya at halos hanggang leeg lamang niya ako. He was physically fit. Nagdyi-gym siya kaya maganda ang pangangatawan. May kahabaan ang maitim na buhok niya. Medyo singkit ang mga mata niyang malalim at napakatangos ng kanyang ilong na nakuha niya kay Tito Redentor, ama niya, na mula sa Espanyol na pamilya. Mamula-mula rin ang kanyang labi. Malarosas ang mga pisngi niya na lalong tumitingkad tuwing naiinitan siya. He had a perfect set of pearly white teeth. Makinis ang balat niya at may kaputian. I couldn’t blame anyone when everyone wanted to be his girl. Although he was kind of a casanova, but well that was before. Mayaman, matalino, athletic, mabait, at masayahin. He was almost perfect. Napakasuwerte nga talaga ni Janette sa kanya. Nakakainggit. “Malapit ka nang mag-debut.” Napatingin ako sa kanya. Nasa kalangitan ang mga mata niya dahilan para mas napansin ang kanyang adam’s apple. I bowed my head and fiddled with the leash. Oo nga. Malapit na pala ang birthday celebration ko. A month and a week from now. “After that, you’re legal. Puwede ka nang mag-boyfriend, uminom . . . everything. Hindi ka na bata. Isa ka nang ganap na dalaga.” Saka siya tumungo at sinipa ang bato na nasa harapan niya. “Hindi pa ‘ata ako handa para ro’n, Addy.” Napatingin ako sa kanya. “Bakit naman? Ako nga, medyo excited na. Uuwi rin kasi ‘yong ilang relatives namin from US, eh. I haven’t met them for a while.” Tumigil siya sa paglalakad saka ako hinarap. Nagtatakang napatigil din ako. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay sa kalsada. “Can you promise me one thing?” aniya sa malumanay na boses. Napakunot-noo ako. “Ano bang pinagsasabi mo?” Kinuha niya ang isa kong kamay saka ako tinitigan sa mga mata na ikinalakas ng t***k ng aking puso. “Promise me, even if you’re already an adult after the debut, magiging wais ka sa pagtanggap ng mga manliligaw. Kailangang pasado muna sa’kin ang mga ‘yon bago mo payagang manligaw, ah.” I covered my mouth and chuckled. “Sira ka talaga. Parang may manliligaw naman sa’kin . . .” “Bakit naman wala? Marami ang may gusto sa’yo, Addy. Hindi mo lang alam,” makahulugang sabi niya. “Oh, sige na nga! Promise ko sa’yo na lahat ng magiging manliligaw ko dadaan muna sa’yo.” Ngumisi siya. “Pinky swear?” Tiningnan ko ang nakalahad na pinky finger niya na ikinangiti ko. We did another pinky promise. “Dapat lang na dumaan sa’kin ang magiging first boyfriend mo, ‘no! Kailangan kong alamin kung hanggang sa’n ang kaya niyang gawin para sa’yo! Kailangang may makapantay man lang sa pagpoprotekta at pag-aalaga ko sa’yo bago kita ipamigay!” litanya niya habang nakaakbay sa akin. “Iñaki, hindi ako bagay na ipinamimigay.” Umingos lamang siya. “Kung p’wede nga lang ayaw kitang mag-boyfriend, eh.” Kung hindi ko lang alam na umaaktong kuya at best friend siya ay kikiligin ako. Nakakaasar lang isipin na kayang-kaya niyang magbitiw ng mga salita nang ganoon lang, ni hindi alam kung ano ang epekto ng mga iyon sa akin. “Ang gandang ng kalangitan, ‘no?” sabi niya habang nakatitig doon. “Serene, peaceful, heavenly . . . dapat talaga nag-astronaut na lang ako!” Napatawa ako nang mahina. “Hindi nakakarating ang mga astronaut sa langit.” Pabiro niya akong inirapan. Napagdesisyunan naming maupo sa concrete bench sa parke sa subdivision. Medyo umiinit na rin kasi at mukhang pagod na ang aso. “Malapit ka na palang g-um-raduate,” ani ko habang hinihimas ang batok ni Shinichi na nasa aking tabi. Tumango-tango naman siya. “Yeah. Ang dali lang ng panahon. Ito at magtatapos na ako. As planned, magtatrabaho ako sa kompanya.” “Madali lang talaga ang panahon. Malapit na akong mag-Third Year. Ilang taon na lang, magiging architect na ‘ko.” “Alam mo, may pinaplano ako.” Nakangisi siyang bumaling sa akin. “Do you have any idea?” Umiling-iling ako. Inilapit niya ang bibig sa aking tainga. At ang ibinulong niya sa akin ay gumibang muli sa mundo ko. “Magpo-propose na ‘ko ng kasal kay Janette.” Tigalgal kong ibinaling ang ulo sa kanya. He was smiling like an idiot. He had this dreamy look on his face. Kung gaano kasaya ng aura niya ay kabaliktaran naman ng nararamdaman ko. “P-propose? Magpo-propose ka sa kanya?” ulit ko. “Are you serious? She’s still in college! At ang bata-bata niyo pa!” “Calm down, best friend! Chill, okay?” natatawang sabi niya sa akin. “Yes, I’m dead serious. I’m going to propose right after the graduation ceremony. Alam kong magugustuhan siya nina Mommy at Daddy. She’s a nice girl and I love her. And I know they’ll understand. ‘Tsaka proposal palang. Hindi naman kami agad-agad magpapakasal. But if it happens, well . . .” Nagunaw bigla ang mundo ko. Nanginginig ang kalamnan ko. Bigla akong nanghina sa sinabi niya. Ilang buwan pa lamang sila! Paano niya naiisip ang mga bagay na ito? “Siya na ‘yon, Addy,” nakangiting pukaw niya sa akin mula sa pagkakatulala. “Hindi ko na siya pakakawalan pa. Alam kong sasabihin mo sa’kin na nabibigla lang ako pero hindi. Seryoso ako. I want to marry her and spend my lifetime with her. Sigurado na ‘ko. Pinag-isipan ko rin ito nang matagal. Kaya alam kong sigurado na ‘ko at handa.” Hindi ako umimik. I bit my lower lip. I kept on telling myself this was not the right time to cry, and definitely not with the right person. “Ano, Addy?” Sinundot niya ako sa tagiliran. “Masaya ka ba para sa’kin?” Napatingin ako sa kanya. Those hopeful eyes I couldnt afford to reject . . . Kaya kahit gaano man ang pagkontra ng puso’t isipan ko ay tumango ako. “O-oo naman. Masaya ako para sa’yo. Ano lang kasi, nakakabigla.” Ngumiti siya saka ako niyakap. Nagulat ako pero agad din namang nakabawi. Niyakap ko siya pabalik. Tears streamed down my face. “Thank you, Addy. You’re always the best!” sabi niya saka bumawi sa pagkakayakap. “Huwag kang gan’yan! Baka maiyak din ako!” Sinamantala ko ang pagkakataon na mas lalong umiyak. Napatawa lamang siya saka ako muling niyakap. Hindi niya alam na umiiyak ako hindi dahil sa masaya ako. Kundi dahil dumurugo ang puso ko. Dahil nasasaktan ako. “Tahan na, ano ka ba! Dinaig mo pa ‘ko, eh!” alo niya sa akin saka bumawing muli sa pagkakayakap at pinunasan ang mga mata ko. “Stop it already, okay? Alam mong natataranta ako ‘pag umiiyak ka, eh! Tahan na, please . . .” “I-I’m just happy,” I lied. At para mas maniwala siya ay pilit akong ngumiti. “I’m so happy, Iñaki. So happy for you.” “I’m expecting that. Tahan na,” aniya saka sinulyapan ang wristwatch. “Tara! Uwi na tayo. Magkikita kami ni Janette mamayang alas otso. Kailangan ko pang magpaguwapo.” Umiling-iling ako. “M-mauna ka na. Dito na muna ako.” Kumunot ang noo niya. “Are you sure? Baka kung mapa’no—” Umiling-iling akong muli. “Mauna ka na, please. Kaya ko na rito. K-kaya ko ‘to.” Ilang segundo muna niya akong tinitigan saka nagsalita. “Okay. Mag-iingat ka pag-uwi. Huwag kang magtatagal, ah.” Tumango ako saka kumaway sa kanya. Kumaway din siya pabalik saka nag-jog pauwi. Nang nawala na siya sa paningin ko ay napatitig ako sa kalangitan. Mayamaya, isa-isa nang nahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD