CHAPTER 3

1489 Words
IT WAS HIM!  It was really him!  Iyon ang walang sawang isinisigaw ng utak ni Sasha habang pinagmamasdan ang lalaki sa likod ng podium.  Nagpatawag kasi ng biglaang meeting sa conference room ang kanilang supervisor para ipakilala ang bagong managing director na papalit sa dati nilang amo na nagtu-tour around the world para sa golden anniversary nila ng asawa nito.  Nang sabihin sa kanya kanina ni Cindy na ang lalaking nakilala niya sa LRT ay naroon sa opisina nila, inakala niyang naroon ito upang kunin sa kanya ang cellphone nito.  Pero naisip niya, paano nito nalaman kung saan siya nagtatrabaho kung sakaling tama ang hinala niya ng pagpunta nito roon.  Ngayon lang niya nalaman na hindi siya ang pakay nito doon. Hanggang nang mga sandaling iyon, hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harap na naman niya ang lalaki.  At pinagpapantasyahan lang naman ito ng halos lahat ng babaeng empleyado ng Timber Land.  At siya?  Heto ay hindi magawang hindi maki-join in sa pantasya galore ng mga kasamahan niya. “As of this moment and for the coming weeks, or probably months, ang anak na muna ni Mr. Arnulfo Altavano ang mamahala sa buong Timber Land,” wika ng kanilang supervisor.  “Let’s all give a warm welcome to Mr. Raiden Altavano.” Halos manakit ang mga kamay niya sa pagpalakpak nang tawagin ang pangalan nito.  Daig pa ng ingay ng palakpakang iyon ang isang beauty contest kung saan ito nanalo. Raiden.  Ang ganda ng pangalan.  Raiden Altavano. “Thanks,” wika ng lalaki na agad nakapagpatahimik sa buong conference room.  “I’ll be here for a while but that doesn’t mean you’ll have to adjust for me.  Just do whatever you’re doing before my father left for his much needed vacation.  I’m only here to supervise the day-to-day operations of the company…” Ang ganda rin ng boses.  Parang kumakanta ng lullabye. “Sorry na lang kayo, mga girls,” narinig niyang wika ni Dahlia.  “Hindi na ninyo puwedeng pagpantasyahan si Mr. Raiden Altavano.  Naunahan na kayo ni Sasha.” Napatingin siya sa mga kaibigan.  Base sa mga narinig niya, binakuran na ng mga ito si Raiden para sa kanya.  She could only smile. “Hindi kami naniniwala,” wika ng isa sa mga kaopisina nilang babae.  “Imposible namang pansinin ng isang tulad ni Sir Raiden ang ordinaryong tulad ni Sasha.” Kagatin kaya niya ito sa tenga?  Pero hindi niya iyon kailangang gawin dahil ipinagtanggol na siya agad ng mga kaibigan. “Aba, bakit?  Por que ba ordinaryo lang tayo e hindi na tyao puwede pansinin ng mga prinsipeng gaya niyan?” “Oo,” kontra agad ng isa sa mga ito.  “Dahil ang mga prinsipe ay para lang sa mga prinsesa.  At ang mga gaya natin na walang kotse ay para lang sa gardens ng mga palasyo.  Hanggang tingin lang tayo sa mga prinsipeng iyan.” “Hoy,” singit ni Cindy.  Mukhang may naka-trigger na naman sa pagiging aktibista ng mga kaibigan niya noong college.  “Wala sa sampung utos ng Diyos na bawal ang mayaman sa mahirap.  O ang mga prinsipe sa mga ordinaryong bulaklak.” “Oo nga,” segunda ni Dahlia.  “Bakit tayo mag-i-stick sa idea na iyan na idinidikta lang naman ng kung sino-sinong Poncio Pilato sa society natin?  May sarili tayong mga utak.  Gamitin natin iyon para mag-isip.” “Ayokong mag-isip.  Mahirap iyon.  Sumasakit ang ulo ko.” Sabay nagtawanan ang mga ito.  Ang mga kaibigan naman niya ay napasimangot na lang.  Mukhang fired up pa naman ang mga itong makipag-debate.  Pero obvious din na ayaw ng makipagtalo pa sa kanila ng mga ka-opisina nila. “Hayaan na lang ninyo ang mga iyan,” konsola niya kina Dahlia at Cindy.  “Since wala na silang balak na makipag-argumento sa inyo, panalo na kayo.” Nakuntento naman agad ang dalawa. “Pero ano nga kaya ang ginagawa ng lalaking iyan sa tren, ano?” pabulog na tanong ni Dahlia upang hindi sila marinig ng iba nilang ka-opisina.  “I mean, siya ang anak ng may-ari ng Timber Land.  May kotse naman siguro siya, ano?” “Oo nga,” sang-ayon ni Cindy.  Pare-pareho na silang nakamasid sa nagsasalita sa likod ng podium.  “Hmm, baka coding siya ngayon.  Ang suwerte mo, Sasha.  Nagkita na kayo sa tren, nagkita pa kayo rito.  O, di ba?  Iyan ang tinatawag na tadhana.  Uyy…” “Oh, yeah.  Crush mo nga pala ang lalaking iyan.”  Siniko siya ni Dahlia.  “Lapitan mo siya mamaya, Sasha.” “Ang totoo, iyon na nga rin ang iniisip ko.  Kailangan kong maibalik sa kanya ang cellphone niya.” “Kunin na muna natin ang number niya.  Tutal naman ibabalik mo na rin iyan sa kanya.” “Anong gagawin natin sa number niya?  Baka magalit pa iyon dahil hindi naman niya tayo kilala e nalaman natin ang number niya.” “Huwag ka ng magmalinis, Sasha.  Come on, girl.  Magpakasama ka naman minsan.” “Oo nga.  Aba, hindi rin maganda na masyado kang mabait.  Madali kang kukunin ni Lord.” Inilayo niya sa mga ito ang kipkip na cellphone.  “No.  Natingnan na natin ang mga pictures niya.  Tama na iyon.” “Anong picture?  Wallpaper nga lang iyon.” “Basta.” Hindi na rin siya napilit ng mga ito.  On her part, she just wanted to get rid of it.  Para kasing iba na naman ang magiging hatid sa kanya sa oras na magkaroon pa siya ng kaugnayan dito.  Sabi nga ng iba nilang kasamahan, hindi na ito puwede pang pagpantasyahan.  Nararamdaman niya ang panghihinayang pero isang buntunghininga lang ang katapat niyon.  Kaya bumuntunghininga na lang siya.  Walang nangyari pero puwede na rin. Natapos ang meeting na iyon na tila wala naman siyang naintindihan sa mga sinabi ni Raiden.  Nakatanga na lang kasi siya sa guwapong lalaki habang lumilipad kung saang dimensyon ang isip niya, kasama ito.  Hindi rin niya nagawang pigilan ang sariling mangarap. “Sasha, puntahan mo na si Sir Raiden bago pa iyan makaalis.”  Itinulak na siya ng mga kaibigan patungo sa platform kung saan kausap pa ng supervisor nila ang lalaki.  “Habulin mo na, bilis!” Sugod naman siya.  Excited.  Ngunit ilang hakbang na lang siya rito nang may isang babaeng dumaan sa tabi niya at dire-diretso ito sa lalaki.  Napahinto siya nang halikan nito sa pisngi si Raiden. “Laurie.” “Ikaw, ha?  Bakit hindi mo sinabing ikaw na ang bagong director ng Timber Land?  Kung hindi pa sinabi sa akin ni Joseph, hindi ko pa malalaman.” “Well, now you know.” Natawa lang ang babae.  “Then why so grumpy?  Siguro dahil sinugod kita rito, ano?  Ikaw naman kasi, nag-text ako sa iyo na tawagan mo ako kanina.  Hindi ka naman sumagot.” “My phone’s missing.  Sorry kung hindi kita natawagan.” “Missing?  Since when?” “This morning.” Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.  Ito na ang pagkakataon niya para umeksena.  Pero ayaw namang kumilos ng kanyang mga paa.  Tila iyon napako na lang sa kanyang kinatatayuan.  Bakit?  Dahil ba sa nakikita niyang eksena ngayon?  Because in front of her, the woman who kissed Raiden, was the woman he was with on his cellphone.  At medyo naiilang siya rito.  Hindi rin niya alam kung bakit nagpapaapekto siya ng ganito sa dalawang ito.  Pero talagang hindi niya magawang kumilos ngayon upang lumapit sa mga ito.  Siguro saka na lang kapag mag-isa na lang si Raiden.  Ayaw niyang makaistorbo sa mag-asawang ito. “Sir, dapat ay ini-report mo na agad iyon sa pinakamalapit na pulisya kanina,” wika ng supervisor nila. “Oo nga naman, Raiden.  That cellphone was important to you.  Lagi mong sinasabi iyon.  Wait.”  Inilabas na ng babae ang sarili nitong cellphone.  “Baka puwede tayong makipag-negotiate sa kung sino man ang nakakuha niyon.” “Don’t bother yourself, Laurie.” “Its not a bother.” Daig pa niya ang binuhusan ng isang baldeng tubig nang marinig ang ingay na iyon.  Na nanggagaling sa hawak niyang cellphone.  She never thought she could ever wished of dying when Raiden’s group suddenly turned to her.  Napansin niya ang tila pagtahimik ng buong paligid.  At kahit hindi tumingin sa mga kasamahan niya, alam niyang nakatutok na ang mata ng mga ito sa kanya. I’m dead.  Unti-unti, na tila ba may sarili ring isip ang kanyang kamay, ay inilahad niya kay Raiden ang cellphone nito na tumigil na sa pag-iingay.  I’m really dead.  Muli lang siyang nakaramdam nang imbes na kunin nito ang cellphone ay sa kamay siya nito hinawakan at hinila palapit dito.  He then secured her in his arms. “Oh, yeah,” wika nito.  “Nakalimutan ko nga pala iyan sa inyo kagabi.  Pasensya na at nakalimutan ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD