bc

CHOKE ME GOVERNOR DAKS! (SSPG)

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
HE
age gap
heir/heiress
bxg
small town
judge
like
intro-logo
Blurb

WARNING‼️ EXPLICIT CONTENT‼️BAWAL SA BATA‼️" Parang awa nyo na Gov! Gagawin ko ang lahat para lang makalaya ang tatay ko"Si Dalisay ay isang dalagitang masayahin at mapagmahal. Siya ay nagiisang anak lamang at galing sa mahirap na pamilya. Nakakaraos naman sila at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Hanggang makulong ang tatay nya dahil nagnakaw sya sa isang tindahan na pagmamay ari ng Governor na si Dakila o Daks. Walang nagawa si Dalisay nang tinangay ang tatay nya.Ano kayang magiging kapalaran ng dalagita nang nagmakaawa sya kay Governor na palayain ang tatay nya kapalit ang katawan nya?

chap-preview
Free preview
Dalisay
Buhay mahirap, pero masaya. Yan yung paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko araw-araw. Ako nga pala si Dalisay. Bente-tres anyos. Sabi ni Nanay Perlita at Tatay Ruben, kaya daw Dalisay ang pinangalan nila sakin kasi busilak daw ang puso ko. Tsaka maganda daw ako, namana ko raw kay nanay nung kabataan nya. ​Di naman kami mayaman. Walang-wala nga kami kung tutuusin, pero sakto lang. Nakakakain kami tatlong beses sa isang araw. Minsan may meryenda pa nga kapag nakascore si tatay ng magandang benta sa pamamasada nya tsaka sa mga extra sideline nya sa bayan. Buo ang pamilya namin, nagmamahalan, at para sakin, sapat na yun para masabi kong swerte ako sa buhay. Wala na akong hihilingin pa kundi ang manatiling malusog ang mga magulang ko. ​Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan akala mo maayos ang lahat, biglang may babagsak na bomba para wasakin yung simpleng buhay na meron ka. ​Isang gabi, habang naghahanda kami ng hapunan, biglang may kumatok ng sobrang lakas sa pinto namin. Yung tipong akala mo gigibain yung maliit naming bahay. Pagbukas ni tatay, bumungad ang tatlong pulis. Wala man lang pasabi, bigla na lang nilang pinosasan si tatay. ​"Ano pong kasalanan ko?! Sir, teka lang po, nasasaktan po ako!" sigaw ni tatay habang pilit syang nilalabas ng bahay. ​"Tatay!" patakbo akong lumapit pero tinulak ako nung isang pulis. Napaupo ako sa sahig. ​"Ruben! Maawa na kayo, anong ginawa ng asawa ko?!" umiiyak na makaawa ni Nanay Perlita. Halos lumuhod na sya sa harap ng mga pulis. ​"Inirereklamo ang asawa nyo ng pagnanakaw sa isa sa mga malalaking store sa bayan," sabi nung pulis na may hawak kay tatay. "Malaki ang halaga ng nawawalang pera at mga kagamitan. Sa presinto na kayo magpaliwanag." ​Nanlamig ang buong katawan ko. Magnanakaw? Ang tatay ko? Imposible! Kahit kailan di kumuha ng di kanya ang tatay ko. Oo, mahirap kami, pero malinis kaming namumuhay. Lumaki akong nakita kung paano pagpawisan si tatay barya-barya lang ang maiuwi para samin. ​"Hindi totoo yan! Wala pong ninanakaw ang asawa ko!" iyak ni nanay. ​Wala silang pakialam. Kinaladkad nila si tatay papunta sa mobile. Habol kami nang habol ni nanay, iyak nang iyak, pero wala kaming nagawa nang umandar na yung sasakyan nila. Gumuho ang mundo ko nung gabing yun. Parang piniga yung puso ko sa sobrang sakit at awa habang nakikita kong umiiyak si tatay sa likod ng sasakyan ng mga pulis. ​Nung sumunod na araw, pumunta kami sa presinto. Dun namin nalaman kung sino ang nagpakulong kay tatay. ​Si Governor Dakila. ​Halos manghina ang tuhod ko nung marinig ko ang pangalan nya. Ang store na pinagbintangan kay tatay na ninakawan nya ay pagmamay-ari mismo ng Gobernador ng probinsya namin. Si Governor Dakila... o mas kilala bilang "Governor Daks" ng halos lahat ng kababaihan dito sa probinsya. Hindi lang daw dahil sa pangalan nya, kundi dahil... alam nyo na. Sikat sya dahil sobrang gwapo nya, matangkad, maskulado, at balita ko nga eh 'daks' din daw talaga in real life pagdating sa kama. Wala akong paki sa mga tsismis na yun dati. Bakit ko naman pag-aaksayahan ng oras yung mga ganitong balita eh mas iniisip ko kung anong uulamin namin kinabukasan? ​Pero ngayon, sya ang demonyong sumisira sa pamilya ko. ​Wala kaming pera pang-piyansa. Wala kaming pambayad sa magaling na abugado. Si tatay ang nag-iisang nagtatrabaho para samin. Kung makukulong sya nang matagal, paano na kami ni nanay? Araw-araw kaming bumibisita sa presinto, araw-araw kong nakikita kung paano unti-unting pumapayat at nanghihina si tatay sa loob ng malamig at maduming selda. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ang tatay ko na nagdurusa sa kasalanang hindi naman nya ginawa. ​Kaya nagdesisyon ako. Ako na ang gagawa ng paraan. ​Nandito ako ngayon, nakatayo sa labas ng malaking opisina ni Governor Daks. Manginig-nginig ang mga binti ko habang hinihintay na papasukin ako ng sekretarya nya. Nagmakaawa ako nang ilang oras sa labas para lang mabigyan ng chance na makausap sya. Napilitan na nga akong gumawa ng eksena para lang pansinin nila ako. ​"Miss Dalisay, pwede ka nang pumasok," sabi nung sekretarya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa, halatang nandidiri sa suot kong kupasing maong at simpleng t-shirt. ​Huminga ako nang malalim. Kaya mo to, Dalisay. Para kay tatay. Pagpasok ko sa loob, bumungad sakin ang sobrang laking opisina. Amoy mamahaling pabango na may halong kape at aircon. Sa dulo, nakaupo sa isang malaking leather chair ang isang lalaki. Nakatalikod sya sakin habang may tinitingnang mga papeles. ​Nang umikot ang upuan nya paharap sakin, halos nakalimutan kong huminga. ​Iba pala talaga kapag kaharap mo na sya. Sobrang gwapo nya, oo, pero may aura syang nakakatakot. Ang talim ng mga mata nya, yung tipong parang kaya kang hiwain ng tingin nya. Nakasuot sya ng puting polo na nakabukas ang unang dalawang butones, bakat ang malapad at maskulado nyang dibdib. ​"So, ikaw pala ang anak nung magnanakaw," malamig at malalim na boses nya. Parang dumagundong yun sa buong kwarto. ​Kahit kinakabahan at parang gusto ko nang umiyak, pinilit kong maging matapang. "H-Hindi po magnanakaw ang tatay ko, Governor. Wala po syang ninanakaw sainyo. Nagmamakaawa po ako, palayain nyo na po sya. M-Maawa po kayo samin. Mahirap lang po kami, sya lang ang inaasahan namin ni nanay..." tuloy-tuloy kong sabi, halos mabasag na yung boses ko. ​Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa. Dahan-dahan. Ang bigat ng tingin nya. Parang hinihubaran nya ako sa mismong kinatatayuan ko. Bigla syang tumayo at naglakad palapit sakin. Umatras ako nang konti pero huminto rin ako kasi ayokong isipin nya na duwag ako. ​Tumigil sya sa mismong harapan ko. Sobrang tangkad nya, kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha nya. Ang lapit nya sakin. Naamoy ko yung mamahaling pabango nya, nakakahilo. ​"Walang magnanakaw na umaamin, Dalisay," mababang sabi nya, tinititigan ang mga labi ko bago umakyat sa mga mata ko. "Nakunan ng CCTV ang paglabas ng tatay mo sa likod ng store ko nung gabi ng nakawan. Sya lang ang tao dun. At malaki ang nawala sakin." ​"Pero hindi nya gagawin yun! B-Baka po napadaan lang sya! Governor, parang awa nyo na... Kahit anong gawin ko, gagawin ko. Magtatrabaho po ako sainyo nang walang sweldo, babayaran ko po yung nawala kahit paabutin pa ng ilang taon, pakawalan nyo lang po ang tatay ko." Tumulo na ang mga luha ko. Lumuhod na ako sa harapan nya. Wala na akong pakialam sa pride ko. Gusto ko lang makalaya si tatay. ​Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at itinayo. Ang init ng mga kamay nya at ang higpit ng hawak nya, pero hindi nakakasakit. ​"Kahit ano?" tanong nya, may kung anong naglalaro sa mga mata nya. Isang ngising mapanganib ang sumilay sa labi nya. ​"O-Opo... kahit ano," utal kong sagot, mabilis ang t***k ng puso ko. Di ko alam kung dahil ba sa takot o dahil sa kaba sa lapit namin. ​Tinitigan nya ako ulit. Nilapit nya ang mukha nya sakin hanggang sa maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa pisngi ko. Ibinaling nya ang labi nya malapit sa tenga ko. ​"Hindi ko kailangan ng katulong, Dalisay. Marami ako nyan," bulong nya, nakakapanindig-balahibo ang boses. "Pero kailangan ko ng mapaglilibangan." ​Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako. "A-Ano pong ibig nyong sabihin?" ​Humawak ang isang malaki at mainit nyang kamay sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa matigas nyang katawan. Ramdam na ramdam ko ang init nya. Ang bilis ng t***k ng puso ko, halos lumabas na sa dibdib ko. ​"Gusto mong makalaya ang tatay mo?" Tumingin sya diretso sa mga mata ko, seryosong-seryoso. "Madali lang. Maging parausan kita. Tuwing kailangan ko ng magpapasaya sakin, ibibigay mo. Kapag gusto ko, pupunta ka. At tuwing nasa kama tayo, akin ka." ​Napatigil ang paghinga ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Tinitigan ko ang malamig nyang mga mata, naghihintay kung nagbibiro lang sya, pero wala akong nakitang kahit anong awa. Seryoso sya. ​"P-Parausan...?" nanghihina kong bulong. ​Hinaplos nya ang pisngi ko pababa sa leeg ko, nakakapaso ang bawat dampi ng daliri nya. "Ano, Dalisay? Ibibigay mo ba ang katawan mo kapalit ng kalayaan ng tatay mo... o hahayaan mo syang mabulok sa kulungan?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Six Months Rule

read
32.7K
bc

Wife For A Year

read
72.0K
bc

Daddy Granpa

read
296.7K
bc

My Cousins' Obsession

read
193.7K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
64.8K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
59.8K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
263.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook