Halos magkandaugaga ako sa kakaiyak habang nakayakap sa leeg nya. Wala akong pakialam kung basa na ng luha at sipon ko ang suot nyang hospital gown. Ang mahalaga sakin ngayon, buhay sya. Humihinga sya at kinakausap na ako. "Diyos ko po, Gov... akala ko talaga patay na kayo," hagulgol ko, pilit na isinisiksik ang mukha ko sa mainit nyang dibdib. "Ang dami-dami nyo pong dugo! D-Dahil po sakin kaya kayo nabaril! Kung hindi nyo po ako niyakap at tinulak—" "Will you stop crying?" paos na asik ni Governor Daks. Kahit nahihirapan, pilit nyang iniangat ang kamay nya para punasan ang mga luha sa pisngi ko gamit ang magaspang nyang hinlalaki. Nag-igting ang panga nya, pilit itinatago ang sakit ng sugat nya sa likod dahil sa taas ng pride nya. "I am a Dakila. I don't die from a stray bullet, Dali

