Gulat na gulat ako. Nakatayo lang ako sa pintuan ng bago kong kwarto, nakatitig sa makapangyarihang Gobernador ng aming probinsya na ngayon ay nakatayo sa harap ko, may yakap na unan, at nagtatanong kung pwede ba siyang makitabi sakin. Gusto kong tumawa. Gusto kong asarin sya hanggang sa mamula nang tuluyan yung mukha nya, pero nang makita ko yung lalim ng itim sa ilalim ng mga mata nya at yung pagod sa mukha nya, mabilis na lumambot ang puso ko. Ang totoo nyan, hindi ko na rin naman kailangang mag-inarte. Miss na miss ko na rin ang demonyo ko. Kahit ilang oras pa lang kaming hindi magkatabi, hinahanap-hanap na ng katawan ko ang init nya. Dahan-dahan akong umatras at binuksan nang maluwag ang pinto. "P-Pasok po kayo, Gov," pabulong kong sagot, pilit na itinatago ang ngiti sa mga labi

