I hate latecomers —Gov Daks

1495 Words
Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkababa ko ng selpon. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, halos gusto nang kumawala sa dibdib ko. Nanlamig ang buong katawan ko at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Ano nang mangyayari sakin? Anong gagawin sakin ni Governor ngayon gabi? ​Iba't-ibang malalaswang eksena at nakakatakot na senaryo ang nag-uunahang pumasok sa isip ko. Virgin pa ako. Wala akong alam sa mga ganitong bagay. Pano kung saktan nya ko? Pano kung totoo ang mga bali-balita tungkol sa kanya? Na sobrang hayok sya sa laman at walang sinasanto kapag nasa kama na? Mapapatay ba nya ako sa sakit? Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, pero kanino? Sa mga magulang ko? Para ano, para ipahamak ulit si tatay? ​Napabuntong-hininga ako nang malalim. Pilit kong pinakalma ang sarili ko kahit panay ang panginginig ng mga kamay ko habang nag-aayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng simpleng pantalon tsaka manipis na jacket kase medyo malamig na ang simoy ng hangin. Wala na akong pakialam sa itsura ko. Hindi naman ako pupunta dun para makipag-date eh. Pupunta ako dun para ibenta ang sarili ko. ​Mayamaya pa, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid hanggang sa biglang... may narinig akong mahinang ugong ng sasakyan. ​Ilang sandali pa, nakita ko ang pagtama ng maliwanag na ilaw mula sa labas, tumatagos sa mga siwang ng sawali naming dingding. Huminto ang sasakyan sa mismong tapat ng maliit naming bahay. ​Napalunok ako. Alam ko na. Eto na yun. Sila na yung sundo ko. ​Dahan-dahan akong tumayo mula sa papag. Bawat hakbang ko parang may pabigat na nakatali sa mga paa ko. Bago ako tuluyang lumabas ng pinto, sumilip muna ako sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog sina nanay at tatay. Rinig ko pa ang mahinang hilik ni tatay. Ang payapa ng mga mukha nila. Di nila alam na sa mga oras na 'to, isusugal ng nag-iisa nilang anak ang buong pagkatao nito para lang mapanatili ang kapayapaan na yan. ​"Para sainyo 'to, nay, tay..." pabulong kong usal habang pinipigilang pumatak ang mga luha ko. "Kahit anong mangyari sakin, para sa inyo 'to." ​Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lumabas sa malamig na gabi. Bumungad sakin ang isang napakalaki at kintab na kintab na itim na SUV. Nangingibabaw ang sasakyan na yun sa eskinita namin. Biglang bumukas ang pinto sa backseat at lumabas ang isang matangkad na lalake, nakasuot ng itim na suit. Seryoso ang mukha nito pero hindi naman ganun nakakatakot kumpara kay Gov. ​"Miss Dalisay," tawag nya sakin nang makalapit ako. "Ako nga pala si Cyrus, isa sa mga tauhan ni Governor Dakila." ​Tumango lang ako, di makapagsalita kase parang may nakabara sa lalamunan ko. Inalalayan nya akong makalapit sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto. ​"Sumakay na po kayo. Kanina pa nag-aantay si Gov sa private house nya," seryosong dagdag ni Cyrus. ​Private house. May sarili pa pala syang bahay bukod sa malaking mansyon nya sa bayan. Lalo akong kinabahan. Ibig sabihin, tagong-tago yung pupuntahan namin at walang makakarinig sakin kahit anong isigaw ko. Pero wala na akong atrasan. Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob ng kotse. Pagkasakay ni Cyrus sa driver's seat, agad nyang pinaandar ang SUV at umalis kami sa lugar namin. ​Sobrang bango ng loob ng sasakyan, amoy mamahaling leather at aircon. Ang layo sa amoy ng alikabok at usok sa lugar namin. Tahimik lang ako sa buong byahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinapanood na lumampas ang mga puno at kalsada. Unti-unti kaming lumalayo sa kabihasnan. Wala akong ibang kinakapitan ngayon kundi ang rason kung bakit ko to ginagawa. Para sa pamilya ko to. Para kay tatay. Kayang-kaya mo to, Dalisay. Ipipikit mo lang ang mga mata mo at matatapos din to. Napansin siguro ni Cyrus na kanina pa pinagpapawisan at panay ang paglalaro ng mga daliri ko dahil sa matinding kaba kaya nagsalita sya. ​"Kinakabahan ka ba, Miss Dalisay?" tanong nya, nakatingin sakin mula sa rearview mirror. ​Napatingin ako sa kanya. Pwede ba kong magsinungaling? Hindi eh. Halatang-halata naman na halos mamatay na ako sa takot. Tumango ako nang dahan-dahan. "O-Oo... sobra. Hindi ko kase alam kung anong gagawin ko... o kung anong mangyayari sakin pagdating dun. Wala pa kong karanasan sa mga ganitong bagay." ​Tumango-tango si Cyrus, nanatiling nakatutok ang mga mata sa madilim na kalsada. "Natural lang na matakot ka. Pero may isang bagay kang dapat malaman, Dalisay." ​"A-Ano yun?" ​"Kapag nakuha ka na ni Gov... wala nang pwedeng umangkin sayo. Kahit sino. Sa kanya ka lang." Ang seryoso at ang bigat ng boses nya habang sinasabi yun. Parang may babala sa bawat salita. "Tsaka, wag mong kalilimutan, ikaw mismo ang nagsabi sa kanya na gagawin mo ang lahat kapalit ng kalayaan ng tatay mo. Gustong-gusto ni Gov ang mga taong handang isugal ang lahat. Natuwa sya sa determinasyon mo kaya asahan mong hindi ka nya titipirin sa mga gusto nyang gawin sayo." ​Natahimik ako. Parang may bumarang malaking bato sa lalamunan ko. Totoo naman ang sinabi ni Cyrus. Ako ang nag-alok. Ako ang lumuhod. Ako ang nagsabing 'kahit ano'. Wala akong karapatang magreklamo ngayon dahil sarili kong bibig ang nagpahamak sakin. Ginusto ko to para kay tatay, kaya dapat panindigan ko. ​Hindi ko namalayan, halos isang oras din ang byahe namin bago kami pumasok sa isang malaking gate na gawa sa bakal at napapalibutan ng mataas na pader. Pagpasok ng sasakyan, tumambad sakin ang isang napakalaki at sobrang gandang bahay. Para syang modernong mansyon na puro salamin at ilaw, napapalibutan ng mga puno. Sobrang ganda pero sobrang nakakapangilabot kase ang tahimik ng paligid. ​Huminto ang sasakyan sa tapat ng napakalaking pinto na gawa sa makapal na kahoy at bakal. Agad na bumaba si Cyrus para pagbuksan ako. Nanginginig ang mga binti ko nang humakbang ako pababa ng SUV. ​Inihatid nya ako hanggang sa tapat mismo ng pintuan, pero laking gulat ko nang huminto sya at humakbang patalikod. ​"H-Hindi ka papasok?" kabadong tanong ko kase inakala kong ihahatid nya ko hanggang sa loob. ​Umiling si Cyrus. "Hanggang dito lang ako. Pumasok ka na lang. Naka-facial recognition ang pintong yan kaya di na kailangan ng susi. Naka-register na ang mukha mo dyan kanina pa." ​Nanlaki ang mga mata ko. "P-Paanong naka-register? Eh ngayon lang ako nakapunta dito..." ​Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Cyrus. "Walang imposible kay Governor, Dalisay. Nakuha nya agad ang mga detalye mo simula pa lang nung tumapak ka sa opisina nya. At para sabihin ko sayo... namangha nang husto si Gov sa ganda mo kaya ikaw mismo ang inalok nyang maging parausan nya. Maraming nag-aambisyon sa pwesto mo, pero ikaw ang pinili nya. Kaya galingan mo na lang sa loob." ​Pagkasabi nun, tumalikod na si Cyrus at naglakad pabalik sa sasakyan. Iniwan nya akong nakatayo mag-isa sa harap ng naglalakihang pintuan na yun. Lalo akong dinalaw ng matinding kaba. Naka-register na yung mukha ko? Namangha sya sa ganda ko? Ibig sabihin... pinagnanasaan na nya ako nung mga oras na nagmamakaawa ako sa kanya? ​Kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa makaramdam ako ng sakit. Humarap ako sa pinto. May maliit na camera doon at pagtapat ng mukha ko, umilaw ito ng green at may tumunog na 'click'. Kusa itong bumukas. ​Tuloy-tuloy na ang pagkabog ng dibdib ko na parang tambol. Dahan-dahan akong pumasok. Ang lamig sa loob. Napakagara ng bahay, lahat ng gamit mamahalin. Wala masyadong ilaw, puro dim lights lang ang nakabukas kaya lalong nakakakaba ang paligid. ​Naglakad ako papasok, sinusundan ang mahinang liwanag na nagmumula sa likurang bahagi ng bahay kung saan rinig ko ang alon ng tubig. Narating ko ang isang malaking glass door na nakabukas at tumutumbok sa isang napakalaking private pool. ​At dun ko sya nakita. ​Nakatayo at nakatalikod sya sakin habang nakaharap sa pool. Wala syang suot na pang-itaas. Tanging manipis na silk na pantalon lang ang suot nya. Kitang-kita ko ang malapad, maskulado, at basa nyang likod na parang kakatapos lang nyang lumangoy. May hawak syang isang kopita ng champagne sa kanang kamay nya. Kahit nakatalikod sya, ramdam na ramdam ko yung nakakapanginig-laman na aura nya. Parang sinasakal ako ng mismong hangin sa paligid. ​Bago pa man ako makapag-salita o makagawa ng kahit anong ingay para ipaalam na nandito na ako, bigla syang nagsalita. Ang malalim, buo, at nag-uutos nyang boses ay umalingawngaw sa buong lugar. ​"You're five minutes late, Dalisay." ​Dahan-dahan syang lumingon, ang mga mata nya, nag-aapoy sa matinding pagnanasa at pagka-irita, ay dumiretso sa mga mata ko. Itinaas nya ang kopita at ininom ng isang lagok ang alak bago ito inilapag sa kalapit na lamesa. ​"And you know what?" Isang mapanganib na ngisi ang gumuhit sa labi nya habang unti-unti syang naglalakad palapit sakin na parang isang gutom na halimaw. "I f*****g hate latecomers."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD