Nakatitig lang ako sa basang bimpo na hawak ko. Malamig pa ito, tanda na kakamabasa lang at kakalagay lang sa noo ko bago ako magising. Sino ang naglagay nito? Sino ang nagbihis sakin at nag-ayos ng pagkahiga ko? Imposibleng si Cyrus dahil malinaw ang banta ni Governor Daks na walang ibang pwedeng humawak sakin. Ibig sabihin ba... si Gov mismo? Pero bago pa man lumalim ang pag-iisip ko at mabuo ang isang imposibleng ideya sa utak ko, biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Tok. Tok. Bumukas ito at iniluwa ang seryosong bulto ni Cyrus. Nakasuot na naman sya ng itim na suit, tila laging handa sa anumang mangyayari. Pinasadahan nya ako ng tingin para siguraduhing maayos ang lagay ko bago sya nagsalita. "Gising ka na pala," kalmado at pormal nyang bati. "Naghihintay na si Gov sa dini

