Genius Dalisay

1556 Words

Habang abala si Governor Daks sa pagsusuot ng kanyang tactical gear at pag-aayos ng mga baril, halos mabasag ang pinto ng kwarto nang muling pumasok si Cyrus. Ang kaninang seryoso at kalmadong mukha ng tauhan ay napalitan ng matinding kaba at pamumutla. Halos madapa ito sa pagmamadaling makalapit sa Gobernador. ​"Boss!" humihingal na tawag ni Cyrus, mahigpit na hawak ang isang itim na tablet. "May... may nagpadala ng encrypted file sa secure line natin sa kapitolyo. Na-bypass nila ang firewalls natin, Boss. Isang video tape." ​Natigilan si Governor Daks. Ang pagkakasa nya ng baril ay huminto sa ere. Nagkatinginan kami. Ramdam ko ang mabilis na paggapang ng takot sa dibdib ko. ​"I-play mo," malamig at matigas na utos ni Gov. Inilapag nya ang baril at mabilis na lumapit kay Cyrus. Sumunod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD