Nang tuluyang sumara ang malalaking oak doors ng mansyon at mawala ang tunog ng matutulis na takong ni Victoria, sabay kaming nakahinga nang maluwag ni Governor Daks. Para kaming nakawala mula sa isang nakakasakal na kwarto. Unti-unting naglaho ang nakakapasong amoy ng mamahaling pabango ng ex-fiancée nya. Pero kahit wala na si Victoria, naiwan naman ang isang napakabigat na ulap ng tensyon sa loob ng bahay. Marahas na bumuntong-hininga si Gov Daks. Binitiwan nya ang bewang ko at mabilis na naglakad papunta sa sala, pabalik-balik na naglalakad habang sapo-sapo ang kanyang noo. Nag-igting ang panga nya, ang mga mata ay nanlilisik sa matinding pag-iisip. "Cyrus!" dumadagundong na tawag ni Gov. "Yes, Boss," mabilis na sagot ng tauhan, agad na inilabas ang tablet nya. "Track her conv

