Gov Daks is surprised

1542 Words

Kinaumagahan, maagang-maaga pa lang ay nagmamadali nang kumilos sa loob ng maliit naming bahay sina Nanay Perlita at Tatay Ruben. Pareho silang nakabihis na ng mga luma at kupas nilang damit pang-trabaho. Kahit pagod pa mula kahapon, bakas sa mga mukha nila ang determinasyon. ​"Anak, maiwan ka na muna rito ha? Mauuna na kami ng tatay mo," paalam ni nanay habang nag-aayos ng bitbitin niyang plastic bag. "May papasukan na naman kaming trabaho. Yung tatay mo diretso agad dun sa construction site, ako naman tatapusin ko yung mga nilalabhan ko kina Aling Nena para makasahod agad mamayang hapon." ​"Mag-iingat ka rito, Dalisay. I-lock mo ang pinto pag-alis namin ha?" bilin ni tatay, sabay tapik sa balikat ko. ​Tumango ako at pilit na ngumiti, itinatago ang kaba at panginginig ng mga kamay ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD