Mabigat ang bawat hakbang ko papasok sa private house ni Governor Daks. Kahit na nakapagpahinga ang isip ko nang ilang oras kasama ang mga magulang ko, parang unti-unting bumabalik ang lahat ng bigat sa balikat ko nang makita ko ang malalaking pintuan ng mansyon. Heto na naman ako. Balik sa hawla. Pagpasok namin ni Cyrus, agad akong dinalaw ng matinding kaba. Madilim ang paligid sa sala, tanging ang mga ilaw mula sa malawak na dining area ang nakabukas. Nang makalapit kami, nakita ko agad si Governor Daks. Nakaupo sya sa dulo ng mahabang mahogany table, prenteng nakasandal sa upuan habang marahang iniikot ang kopita ng red wine sa kamay nya. Nakasuot na sya ng itim na silk robe, nakabukas nang bahagya ang harapan kaya malinaw na nakalantad ang matigas nyang dibdib. Tumingin sya sa su

