Chapter 3

1429 Words
Blaine Hindi pa ako ganoong nagtitiwala sa kan’ya, pero pumayag na rin ako na siya ang magmaneho. Sa kadahilanang, pagod at inaantok na rin kasi talaga ako. “Wait! Mag-picture muna tayo.” Sabay taas ng cellphone ko. “Uy! Nagagandahan ka sa akin ‘no?” Ngumiti siya. “Hindi! Isi-send ko sa email ng nanay ko. Ano na nga ulit ang full name mo?” Tumawa siya. “Hindi ka pa rin talaga nagtitiwala sa akin ng buo, I understand.” “The last time na nagtiwala ako, nasaktan lang ako ng sobra.” “Sabi na, eh! May tinatakasan ka rin.” Pangiti-ngiti siya. “Ewan ko sa iyo! Ano ng surname mo?” Kunwaring inis na sambit ko. “Malaguena, Dale Malaguena.” Agad ko namang sinend kay Mama. “Siya nga pala. Ikaw, ano’ng surname mo?” Ini-start na niya ang makina. “Gamueda.” “Nice to meet you, Blaine Gamueda. I’m Dale Malaguena.” Ngumiti siya at akmang makikipagkamay. Natawa naman ako sa kaniya.” Ikaw, ang dami mo ring alam!” Inabot ko ang kamay niya. “Nice to meet you, Dale Malaguena.” “Ayan! Oh, di ba? Mas okay na ang una nating meet.” Ngumiti siya. “Ang dami mo talagang alam.” Patuloy ako sa pagtawa. “Hindi rin! Madami pa akong hindi alam sa iyo.” “Ako rin naman. So, it’s a tie!” Patuloy ako sa pagtawa. “Siguro naman, strangers can be friends, right?” Nakatingin siya diretso sa aking mga mata. “Oo naman!” Tumango ako. “So, are you giving me the permission to know you more and be your friend?” Ngumiti siya. “Hmmm…pag-isipan ko pa.” Tumawa ako at napataas ang kilay niya. “Joke lang! Hmmm…I think mabuti ka namang tao, despite what I’ve seen earlier. So, why not?” “Grabe sa, I think. Natutuwa ako sa iyo. Ang honest mo at may sense of humor.” “Natutuwa nga ako, eh. Ako lang ba ito? Kakikilala lang natin, pero ang gaan na ng loob ko sa iyo. Like, I can be who I am. I can tell you whatever I want to tell. Ganito rin ba ang nararamdaman mo?” “Yes. Ganyan din ang nararamdaman ko, Blaine.” Ngumiti siya. “Alam mo ‘yon, mas madaling magkuwento sa stranger kasi walang judgment.” “Yes, tama! Kaya magkuwento ka na.” “Ikaw! Ang galing mo rin sumegway.” Tumawa ako. “Ganoon talaga! Maiba ako, nagtataka lang ako. Bakit sa email ka pa nag-send ng picture sa mama mo?” Lumingon siya sa akin at agad rin niyang ibinalik ang tingin sa daan. “Ah, ayon ba? Wala kasi akong social media account.” “Seryoso? Parang halos lahat ngayon may social media account na. Hmmm…puwede bang malaman ‘yong rason?” Pagtataka niya. “Para sa akin kasi mas masayang mabuhay outside social media. I love to travel and live my life to the fullest. Hindi sa nilalahat ko, ha? Marami kasing sa social media na lang ginugugol ang buhay. Ang buhay ay nasa labas ng social media. Spending time with my family and friends. Keeping pictures in my photo album. Old fashion ba?” Ngumiti ako at itinaas ko ang dalawang kilay ko. “Hmmm…sa bagay, tama ka naman. So, paano ka nakikipag-communicate sa friends and family mo? Through phone call at texts? Hindi naman old fashion, I find it cute.” Ngumiti siya. “Yes! Kapag sa work naman sa email.” “Nice!” Tumango siya. “Is it okay kung umidlip muna ako?” “Sure! Alam kong pagod ka.” “Dahan-dahan ka sa pagmamaneho.” Paalala ko. “I will. Iingatan kita at ang baby mo.” Ngumiti na lang ako at hindi na ako kumibo. Ipinikit ko na ang aking mga mata. Dale Napatingin ako sa kaniya, nakakatuwa siya ang honest at may sense of humor. La Union, here we go! Sumaging muli sa isip ko ‘yong problema ko. Nababalot na naman ako ng takot at pangamba. May dalawa akong pagpipilian kung paano ko iha-handle ang takot. Una, ay harapin ko ang lahat at matututo ako o kalimutan ko ang lahat at tumakbo. I just need time to think and to decide. Napalingon akong muli sa kaniya na mahimbing na ang tulog, para siyang anghel. Gusto ko pa siyang mas makilala. Sana kapag mas nakilala n’ya ako ay hindi niya ako iwasan. Napapangiti na lang ako rito habang nagmamaneho. Pipiliin ko muna ang kalimutan ang lahat at tumakbo. Enjoyin ko muna ang moment na makakasama ko siya. Malayo-layo pa ang biyahe papuntang San Juan. Naghahanap din ako ng ATM machine, may laman pa naman ‘yong card ko. Makaka-survive pa naman ako. Ihininto ko muna ang sasakyan, agad akong nagtungo sa ATM machine at nang makapag-withdraw ako ay agad rin akong bumalik. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng antok. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho patungo sa destinasyon namin, it’s already 8:03 PM. Maya-maya, nagising siya. “Nasaan na tayo?” Ang cute ng bagong gising na boses niya. “Nasa San Fernando na tayo.” “Sa San Juan tayo, right? Kumain na muna tayo. Medyo gutom na ako.” Napahawak siya sa t’yan niya. “Sige. Sa unang fastfood chain na madaaanan nating bukas. Okay lang ba sa iyo?” Lumingon ako sa kaniya. “Oo naman! Gisingin mo na lang ako.” Pumikit siyang muli. Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ginising ko na siya nang makarating kami sa isang fastfood chain. “Blaine, gising na.” Inalog ko siya. “Hmmm…kakain na ba tayo?” Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. “Yes. Halika na!” Tumingin siya sa salamin at nag-ayos ng sarili, nakakatuwa talaga siya. Inalis ko na ‘yong seat belt ko at nagtungo na sa fastfood chain. “Umupo ka na. Ako na ang mag-order. Ano bang gusto mo?” Tumingin ako sa kaniya at inaantay ang kaniyang tugon. “Chicken with rice at tsaka fries.” Ngumiti siya at agad nang naghanap nang mauupuan. Halatang antok pa siya. Agad na akong nagtungo sa counter at um-order na. “Good evening, Ma’am. May I take your order?” Masayang bati ng crew. “Good evening. Dalawang chicken with rice. Isang large fries, isang burger. Iyong drinks without ice.” Ngumiti ako. Inulit niyang muli ang order ko para kumpirmahin. Sinabi na niya ‘yong amount at nagbayad na ako. “For a while po.” Inabot sa akin ang number at ‘yong sukli ko. “Thank you.” Ngumiti ako. Nagtungo na ako sa kinaroroonan niya. Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya. Maya-maya, nahimasmasan siya. “Teka! Saan ka kumukha nang pambayad?” Akmang ilalabas ‘yong wallet niya. “Nag-withdraw ako kanina.” “Magkano ‘yong sa akin? I will pay.” Tumingin siya sa akin. “Huwag na, Blaine. It’s on me.” Ngumiti ako. “Hindi ako sanay na nililibre ako. Hmm...ganito na lang. Sa susunod na meal, it’s on me.” “Sige.” Tumango ako. “Thank you.” Ngumiti siya. “Wala ‘yon! Kumusta ang tulog mo?” Nakahawak siya sa batok niya. “Okay naman, medyo nangawit lang ako.” Tumawa siya. “Teka! Hindi ka pa ba inaantok? Ako naman ang magmamaneho.” “Hindi pa ako inaantok. Medyo malapit na rin naman tayo, eh.” “Ayon lang pala. Wala pa tayong accommodation.” Hinawakan niya ‘yong cellphone niya. “Wait! Mag-check ako.” Sabay browse. Nakatitig lang ako sa kaniya at napapangiti. “Nako! Fully booked lahat. Is it okay kung sa tent muna tayo matulog?” Itinaas niya ang isang kilay niya. “Sure! Walang kaso sa akin ‘yon. Kahit sa sasakyan pa nga, eh.” Ngumiti ako. “Bukas, maghahanap tayo nang mapag-stayhan. Usually, 12 noon ang check out. Mag-walk in na lang tayo.” Nakatitig lang ako sa kaniya. “Oh? Bakit ganiyan ka na naman makatingin?” Itinaas niya ang isang kilay niya. “Nabibilib lang ako sa iyo! Nakakatuwa at wala kang arte sa katawan, sa ganda mong ‘yan.” Napansin kong namula ang pisngi niya. “Sus! Maliit na bagay.” Ngumiti siya. Maya-maya, dumating na ‘yong order namin. “Here’s your order. Enjoy your meal!” Ngumiti si Kuya. “Salamat po.” Ngumiti rin ako. Nagdasal at kumain na kami. Hindi ko mapigilan na hindi siya tignan. Sobrang saya ko ngayon, hindi ko maipaliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD