Chapter 2

1842 Words
Dale Nagtago ako sa isang tindahan ng mga prutas. “Pare, maghiwa-hiwalay tayo. Tiyak! Hindi pa nakakalayo ‘yon!” “Sige, tara!” Narinig kong kumaripas sila nang takbo. Napaupo na ako sa sahig at hinahabol ko ang paghinga ko. Maya-maya, nakita ako ng tindera, “Miss, ano’ng ginagawa mo r’yan? Okay ka lang ba?” Tumingin ako sa paligid, medyo nakalayo na sila. Hindi pa sapat ang lakas na naipon ko sa sandaling pagtatago ko rito, pero kailangan ko nang umalis. Baka mapukaw pa ang atensyon nila. “A-ah! Okay lang po ako. Nagpahinga lang po ako saglit.” Ngumiti ako. “Okay ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka. Teka! Ikukuha kita ng tubig.” Tumingin ako sa kinaroroonan ng mga humahabol sa akin. Nagsisimula na silang magtanong-tanong. Maya-maya, bumalik na si Ate na may dalang tubig. Lumingon ulit ako, pabalik na sila sa kinaroroonan ko. Agad kong ininom ang tubig. “Maraming salamat po. Mauna na po ako.” “Sigurado ka bang ayos ka lang?” “Opo. Maraming salamat po ulit.” Napatingin ako sa kanila, natanaw at itinuro ako noong isa. Agad akong tumakbo palayo. Narinig ko na lang na napasigaw si Ate sa gulat. Binilisan ko ang takbo. “Makikiraan po. Salamat!” Napapatingin sa akin ang mga taong nadadaanan ko at mababakas ang pagtataka sa mga mukha nila. Lumilihis rin sila sa akin. “Makikiraan po.” Lumingon ako sa likod, medyo malayo pa sila. Nakita ko ang isang sasakyan sa di kalayuan, kakapasok lang ng driver nito. Binilisan ko ang takbo patungo roon. Gaya ng mga humahabol sa akin, hinahabol ko na rin ang aking paghinga. Sa wakas! Nakarating na ako sa tapat ng sasakyan. Bahala na! Naglakas loob na lang akong buksan ito at pumasok. Napatingin ako sa may-ari nito na nakanganga at natulala. Naistorbo ko pa siya sa pagkain niya ng tupig. Sobrang kinakabahan na ako at lumingon ako sa likuran, medyo malapit na sila. Sa kalkulasyon ko kapag hindi pa niya pinaandar itong sasakyan, katapusan ko na. Napasigaw ako at nagmaneho na siya. Buti naman kahit puno nang pagtataka ang kaniyang mukha ay nakinig siya sa akin. Ang dami niyang katanungan. Naiintindihan ko naman siya, I dragged her into my mess. Matapos ang medyo mahabang diskusyunan, pinaandar na niyang muli ang sasakyan. Nagpakilala na ako sa kan’ya at inaantay na makipagkamay siya sa akin. Nakakunot ang noo niya. “Sorry.” Tumingin ako sa kaniya, ibinaba ko na ang kamay ko at inaantay kong sabihin niya ang pangalan niya. “Blaine.” “I’m sorry, Blaine. I dragged you in this mess. I also want to thank you for trusting me despite of what happened earlier.” “You really should be sorry. Ano pa bang magagawa ko, di ba? Dawit na ako rito. Ang gusto ko lang naman mag-travel hindi trouble.” “I understand and I’m really sorry.” “Teka! Bakit ka nga ba hinahabol ng mga ‘yon?” “Mahabang kuwento, dahil sa pera.” “Hey! Mga sindikato ba ‘yon? Please— gusto ko pang umuwi nang buhay.” “Hindi! Ikukuwento ko na lang along the way. Matagal pa naman tayo magkakasama.” Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Ha‽ Hanggang kailan mo ba tatakasan ‘yang sabit mo? Why not just give them the money? Sobrang laki siguro no’n.” “I just need time to think and kung paano ko mababarayan si Madam.” “Ah! So, utang pala ang tinatakasan mo.” “You know what? Mag-enjoy na lang muna tayo. Di ba? Sabi mo gusto mo lang mag-travel. So, here I am! I can be your travel buddy.” Ini-spread ko ang arms ko at ngumiti. Tumingin naman siya sa akin at itinaas ang isang kilay niya. “What‽” “Ayaw mo ba ‘yon? You have companion.” “Gusto kong mapag-isa.” Malungkot ang tono ng boses niya. “Hmmm…alam mo? I guess we have something in common.” Inurong ko ‘yong inuupuan tsaka ko ipinatong ko ‘yong paa ko sa harap at nakalagay ang mga kamay ko sa likod ng ulo ko. “Hey! Masyado ka na atang comfortable, hindi pa tayo close. Can you? Please —” Tinitigan niya ako nang masama at napatingin sa paa ko na nakapatong sa harap. Nakakatuwa kasi siyang asarin. “Okay! Sorry — relax.” Tatawa-tawa ako sabay baba ng paa ko. “Ang cute mo mainis.” “Ah! Iniinis mo pala ako. Dale, hindi pa tayo close. Hindi ko na nga makukuha ‘yong peace at relaxation na gusto ko. Huwag mo nang dagdagan pa.” Seryoso at malungkot ang tono ng boses niya. “I’m sorry. Ang laki ng perwisyong nadulot ko sa’yo. Hayaan mo akong bumawi.” Ibinulsa ko ang kamay ko at kinuha ang natitirang pera ko. “May eight hundred pesos pa ako. Tara! Ilibre kita.” “You should save that money.” “Huwag mo na akong tanggihan. Sa malapit na bus stop may masarap na lugaw doon.” Ngumiti ako. “I’m not hungry.” Nakakunot angf kaniyang noo. Napahawak naman ako sa aking t’yan ko at napalingon naman siya. “Okay! Sige! Baka hindi ka pa kumain, pero huwag mo na akong ilibre.” Napangiti ako sa aking narinig. I knew it! Kahit nuknok ng kasungitan at katarayan ang babaeng ito ay may mabuti siyang puso. Kung ako rin naman siguro ang nasa lugar niya, maiinis ako. “Blaine, minsan lang ako manlibre. Tatanggihan mo pa?” “Okay, fine! Mukhang hindi mo naman ako titigilan, eh!” “Buti alam mo! Persistent kaya ito.” Ngumiti ako. “Makulit! Ayon ang sabihin mo!” Napatingin lang ako sa kan’ya na seryoso sa pagmamaneho. Maya-maya, huminto na kami sa bus stop. Kinuha niya ‘yong box ng tupig at tumbler sa backseat. “Ako na ang mag-o-order. Ano’ng gusto mo?” Nang maka-order na ako ay agad na akong bumalik sa lamesa namin. “Ito na!” Ngumiti ako sabay lapag sa harap niya. “Salamat.” Ngumiti siya. Sa unang pagkakataon ay nasilayan ko ang kaniyang mga ngiti. Hindi maitatanggi ang tanglay niyang kagandahan lalo na kapag nakangiti siya. Umupo na ako at nakatuon pa rin ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay nagdadasal. “Oh‽ Bakit ka nakatitig nang gan’yan? May dumi ba ako sa mukha?” “A-ah! Wala. Natuwa lang ako na nagdarasal ka bago ka kumain.” Ngumiti ako at sumubo na. “Ganoon naman dapat, eh! Oh‽ Kumuha ka lang ng tupig. Masarap pa rin naman ito kahit malamig na.” Kinagat na niya ang tupig na hawak n’ya. “Salamat. Pasensiya na, hindi mo nakain ‘yan noong mainit pa.” “Wala na tayong magagawa tapos na ‘yon. Ang importante makakain ko pa rin naman ito.” “Ang dami ko talagang atraso sa iyo.” “Sinabi mo pa!” Tumawa siya. Natulala ako nang marinig ko ang tawa niya. “Oh? Natutulala ka na r’yan.” Patuloy siya sa pagtawa. Nahimasmasan ako and I clear my throat. “Blaine, maraming salamat talaga and sorry.” “Nako! Ang isipin mo na lang, how can we get out of this mess? There’s no point na magalit pa ako sa iyo at awayin kita. Wala naman iyong maitutulong sa atin, right now.” Nakakamangha naman kung paano siya mag-isip. “Thank you talaga. Huwag kang mag-alala, mag-iisip ako ng paraan. Sa ngayon, enjoyin na lang natin itong trip mo.” Ngumiti ako. “Yeah! Sana lang hindi tayo mahuli ng mga humahabol sa iyo.” “Saan nga pala ang destination mo?” Sabay subo ng lugaw. “Baguio.” “O-Oh? Baguio pala. Hmmm…ayaw mo bang mag-side trip muna tayo sa La Union?” Tumingin ako diretso sa kaniyang mga mata. “May itinerary na ako.” Matipid na tugon niya. “Hmmm…gan’yan ba kayong mga traveler? Nakaplano na lahat?” “Depende naman, pero siyempre kung gusto mong sulitin ang trip mo dapat well-planned para sulit ang oras. Hindi ‘yong kapag andoon ka na tsaka ka pa lang mag-iisip.” “Hmm…ganoong klase ka pa lang traveler. Alam mo bang mas masaya ‘yong hindi planado? Iyong wala kang ideya.” “Oo, masaya nga ‘yon lalo kung marami kang oras.” Uminom siya ng tubig. “T-Tutal sinira ko naman na itong bakasyon mo. Hayaan mo akong maging tour guide at travel buddy mo.” Ngumiti ako. “Alam mo, ikaw! Gan’yan ka ba talaga?” “Ano? Makapal ang mukha?” Nagtawanan kami. “Hmm…well, oo! I mean ‘yan! I-jeopardize ang trip na ito?” “Aray! Come on! You’re looking for fun, di ba? So, I’m giving it to you. Let’s make this one different sa mga travel mo noon.” “Talagang iba ito! Nasa panganib ang buhay ko, hindi nang dahil sa extreme activities.” Patuloy siya sa pagtawa. “Okay! I’ll cut you there. I know, it’s my fault.” Napahawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. “Kaya nga, hayaan mo akong bumawi. Mag-e-enjoy ka, promise!” Ngumiti ako. “Hmmm… kung sa bagay, kung ito na rin naman ang huling trip ko. Bakit hindi?” “Grabe! Hindi ito ang huling trip mo. Biglang ang nega mo na.” Tumawa ako. “So, deal?” Tumingin ako diretso sa kan’yang mga mata. “Sige! Just go with the flow na lang ako.” Ngumiti kami sa isa’t-isa at inubos ko na ‘yong lugaw ko. “Kumain ka ng tupig.” Alok niya. Sa sandaling oras na nakasama at nakilala ko siya, ang gaan na ng loob ko sa kaniya. Gusto kong bumawi sa kaniya at maging masaya pa rin siya sa trip niyang ito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ko siya. “Hey! Why are you looking at me like that?” Nakakunot noo siya. “Wala. Ang ganda mo kasi. I’m wondering, ano or sino ang tinatakasan mo? Maybe your boyfriend? Kaya mag-isa ka lang sa trip na ito.” Tumawa siya. “Alam mo, ikaw! Nagiging pakialamera at tsimosa ka na.” “Oh! Bakit? Or nagmo-move on ka?” Tumingin ako diretso sa kaniyang mga mata. “Ewan ko sa’yo!” Patuloy siya sa pagtawa at napapailing pa. “Kahit hindi mo sabihin, pareho lang tayong may tinatakasan.” Ngumiti lang siya. “Oh! Tapos ka na ba? Tara na?” “Yes! Akin na ‘yang susi. Ako naman ang magmamaneho.” “Marunong ka ba?” Nakatingin siya diretso sa aking mga mata. “Nako! Baka may masama kang balak at saan mo pa ako dalhin.” “Siyempre marunong ako. Alam mo, ikaw! Sira ka rin!” Tumawa kaming pareho. “Oh, siya! Ingatan mo ang baby ko!” Sabay abot ng susi. “I will.” Ngumiti ako at pumasok na kami sa sasakyan niya. Alam kong pagod na siya sa pagmamaneho, kaya ako naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD