1
Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng mamatay ang Mama. Hindi pa rin matukoy kung sino ang may gawa nun sa kaniya. Tikom ang mga bibig ng mga taong nasa pinangyarihan. Palagay ko'y nabayaran sila. Mga tao nga naman.
Nakasaad sa autopsy report na bali-bali ang mga buto ni Mama. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Hindi naman siguro isang malaking truck ang nakasagasa, at sa pagkaka-alam ko bawal dumaan sa Cadiz. Cadiz ay daan palabas ng Heusca at papunta sa Utrera.
Hindi pa ako nakakapagsampa ng kaso dahil na rin hindi pa malaman ang suspek. Dalawang taon na pero ang imbestigasyon ay hindi pa rin umuusad. Hindi ko alam kung sino ang nasa likod ng lahat. Gusto kong maki-alam, ang sabi naman ni Vince ay Ipa-ubaya na sa kanila ang kaso, dahil wala naman daw akong alam sa mga kasong tulad ng sa aking Mama. Noong una ay nagmamatigas pa ako, kalaunan ay napapayag niya ako. Natauhan akong tama nga siya.
"So, anong plano mo ngayon?" tanong ni Gab. Nakakumbaba ito.
Napa-isip ako bigla sa tanong niya. Ano na nga nga ba ang plano ko. Dalawang taon na simula ng maulila ako, ang tanging gusto ko lang ay makamit ang ang hustisya at tuparin ang hiling ni Mama na makapagtapos ako.
"Katulad pa rin ng dati."
"Kaya mo bang ipagpatuloy ang business niyo?"
"Para sa'n pa't nag-aaral tayo ng entrepreneur," natawa ako, mahinang pagtawa.
Bahagyang nag-kibit balikat "Sorry, I'm so stupid," napahawak siya sa kaniyang noo at natawa.
"Kamusta na nga pala buhay mo sa manyon?"
Napa-iwas siya ng tingin. Dahil sa inakto niya, alam ko ng hindi siya okay. Na may nangyayari sa kaniyang hindi maganda.
"Hell as f**k!" singhal nito "Hindi ko alam kung anak pa ba nila ako, o isa nalang akong pabigat sa buhay nila."
Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya ngayon paniguradong ganiyan rin ang mararamdaman ko. Baka isumpa ko pa pagnagkaganon.
"Konting tiis nalang, Gab. Makakaalis ka rin sa puder nila,"
Ayaw ko naman magbitaw ng salita na pwedeng ikapahamak ng kaibigan ko. Ayaw kong bigyan siya ng option dahil panigurado, desisyon niya ay agad-agad, hindi pa pinag-iisipan.
"Pagsara mo ng shop, sama ka sa'kin."
Kumunot ang noo ko "Saan naman" Taka akong nakatingin sa kaniya.
"It's a secret."
Natapos ang kaklase, sabay kaming lumabas ng silid ni Gab. Isa-isa ng nagsisiglabasan ang mga estudyante. Kami naman ay naglalakad na palapit sa gate.
"Sa shop ang diretso mo?" Tanong niya
Tumango lang ako bilang tugon. Routine ko na ito, pag-uwian agad akong pupunta sa mga shop, tapos ako na ang magsasara.
"Sayang," ngumuso ito "paniguradong nandiyan na naman ang sundo ko."
"Wala naman bago roon," natawa at napairap ako.
Sa tuwing labasan ay nandiyan na agad ang sundo niya, mga tauhan ng kaniyang daddy. Hindi na nga kami nakakagala, hindi na napupuntahan ang gusto namin puntahan dahil sa mga bodyguards. Daig pa niya ang anak ng Presidente.
"Sabi na, e," mas lalong humaba ang nguso niya. Bagsak balikat at ang mukha ay punong-puno ng pagkadismaya.
Dahil paglabas namin ng gate at bumungad agad ang sundo. Maririnig mo ang sunod-sunod niyang buntong-hininga. Naglakad na siya palapit sa sasakyan. Nilingon niya ako.
"Dress elegant. I'll pick you before 6." at sumakay na siya sa sasakyan.
At ngayon, ako nalang ulit mag-isa. Nakakalungkot man pero sanay na ako. Ayaw ko man sanayin ang sarili na malungkot pero, wala, sanay na.
Nagpara ako ng taxi at nagpahatid. Nakarating na ako sa shop namin dito sa Heusca. Nakapagbukas ako ng dalawang flowershop dito sa heusca. Noong una binalak kong isara lahat ng shop ni Mama. Kalaunan nahimasmasan ako, ipagpatuloy nalang ang naumpisahan ng mga magulang ko.
"Kamusta, hija?" tanong ni Tita Felie ng mapansin ang presensya ko.
Tita Felie ay bestfriend ni Mama, sila ang magkasangga sa lahat. Siya ang umalalay kay Mama rito sa shop. Ngayon ay siya rin ang umaalalay sa'kin, binibisita niya rin ako sa bahay sa Utrera. Sobrang bait niya.
"Ayos naman po. Ako na po muna rito, magpahinga po muna kayo." naglakad ako palapit sa counter at inilapag ang gamit roon.
"Nagpahinga na ako, hija. Ikaw, dapat magpahinga ka muna. Lalo't galing ka sa byahe"
"Kaya ko naman po. At saka 'di naman nakakapagod ang byahe."
"Napakatigas talaga ng ulo," sunod-sunod ang pag-iling "mana talaga sa ina."
Parehas matigas ang ulo namin. Walang nagpahinga, parehas kaming nagbantay. Si Tita tumutulong sa pag-aayos ng bulaklak dahil sunod-sunod ang pagpasok ng costumer. Ako, narito sa counter.
Alas kwatro na ng hapon nang maubos ang mamimili. At napagpasiyahan na rin namin na magsara na. Mabuti at maaga namin natapos ang pag-aayos ng bulaklak.
"Bye po," humalik ako sa pisngi.
"Mag-iingat ka," maingat na tinapik-tapik ni Tita ang aking balikat.
"Kayo rin po."
Ipinara ako ni Tita ng taxi. Hindi pa talaga siya uma-alis hanggat 'di ako nakakasakay at nakaka-alis ang taxi. Ginawa ko ay sumakay na. Paalis ang taxi at lumingon ako sa gawi ni Tita, nakangiti ito.
Nakarating na kami sa Utrera. Bago pa man lumampas si Kuya sa isang malaking bahay ay pinara ko agad. Inabot ko ang bayad at saka bumaba. Kinuha ko ang susi ng bahay sa bag, sinusian ko ang gate para mabuksan. Ganoon rin ang ginawa ko sa pintuan.
Unang hakbang palang ang nagagawa ko pero nakaramdam na agad ako ng lungkot. Sa malaking bahay na ito. Ako lang mag-isa ang nakatira. Kaya siguro nakakaramdam ako ng lungkot.
Isang mabigat na hininga ang aking pinakawalan.
Pumanik ako sa taas. Kailangan kong ayusin ang sarili ko, dahil maya-maya ay paniguradong narito na si Gab. Dumiretso ako sa banyo para linisin ang sarili at upang maginhawaan na rin. Lumabas ako ng banyo na may isang makapal na tela ang nakatapis , sa aking katawan.
Naupo ako sa upuan kung saan nakaharap ako sa isang malaking salamin. Kitang kita ang mukha. Ang morenang kulay ng aking balat ang nangingibabaw.
Pinatuyo ko ang buhok gamit ang blower. Naglagay ako bg palamuti sa mukha, hindi gano'n kakapal. Naghanap na ako ng damit na masusuot. Isang itim na dress ang nahanap, bukas ang likod. Manipis na strap, may mahabang hiwa dahilan para makita ang binti.
Natapos kong ayusin ang sarili. Bumaba ako at sakto tumunog ang bell. Diretso ako sa gate, dala-dala ang susi. Pagbukas ko ng gate bumungad sa'kin ang isang babaeng tulad ng suot ko. Si Gab, magkatulad kami ng suot, naiba lang ang kulay.
"Twinning," natutuwa niyang sambit.
Natawa ako, hindi dahil paheras kami ng suot, natawa ako dahil sa inasal niya. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Naupo siya sa couch. Pumanik ako sa taas para kunin ang clutch bag. Pagbaba ko, nakangiti si Gab, busying busy sa kaniyang cellphone. Hindi niya napansin na nakatayo na ako sa harapan niya.
"What's with that smile?" nakaturo ang hintuturo ko sa labi niyang nakangiti, halos abot tenga ang ngiti.
Napukaw ko ang atensyon niya. Halos mataranta ito, hindi alam ang gagawin. Sa huli ay itinago niya ang cellphone niya.
"Masaya lang ako... Walang bodyguard."
Nagbikit balikat ako "Sabi mo, e" natatawa akong umirap.
Tumayo siya at sabay na naglakad palabas. Nilock ko ang lahat at sumakay sa sasakyan dala-dala ni Gab. Naupo ako sa shotgun seat habang si Gab ay nasa driver seat. Nagsimula ng mag-ingay ang makina.
"Paano ka nakalabas ng bahay niyo ng walang bantay?"
Sandali siyang tumingin sa'kin, nakangiti. Kalaunan ay ibinaling niya ang atensyon sa daan "Well, because of kuya"
"Buti nalang may anghel ako sa bahay," dagdag pa niya.
"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko
"Sa party," mahina ang kaniyang pagkakasabi.
Nakarating kami sa isang malaking hotel at mukha itong mamahalin. Pagparada niya ng sasakyan, sabay kaming pumasok sa loob. Magarbo ang party na ito, hindi kung sino-sino o basta-basta ang may selebrasyon.
Hawak-hawak ni Gab ang palapulsuan ko. Ramdam ko ang paghila niya. Sumusunod lang ako sa kaniya. Hindi naman pamilyar ang mga mukha ng mga bisita. Mukhang mga makapangyahiran ang mga narito. Bawat nadadaanan namin ay ngumingiti pa siya, minsa'y nakikipag-kamay.
"Nice to see you again, Gabliona."
"It's been a while, Kiel," at nagbeso si Gab sa tinawag niyang Kiel.
Nag-uusap sila. Hindi ko alam kung ano 'yun, naririnig ko lang na may pangalan silang binabanggit na hindi ko naman kilala. Abala ang mga mata ko sa paglibot.
"Oh... Btw this is Eulia, my bestfriend."
Narinig ko ang pangalan ko. Awtomatikong nabaling ang tingin ko sa kanila. Napangiti ako.
"Eulia Leticia Gracia," inilahad ko ang kamay ko para makipagkamay.
Inabot niya ang mga kamay ko at nakipagkamay, "Malkiel Cruz."
Nagkwento si Gab kay Malkiel. Halos ako nga ang laman ng kwento niya. Kwenento niya na nga talambuhay.
Nagpa-alam na kami kay Malkiel. Halos lahat ng makita namin na kilala ni Gab ay hihinto kami at makikipagchikahan siya at ipapakilala niya ako.
"Mr. Mayor!"
Hindi ko alam kung sino ang tinatawag niya. Pero may isang matangkad na lalaki na nakasuot ng puting suit ang lumingon. Isang lalaking hindi ganoon kakisig. Singkit ang mga mata, hugis ng labi ay puso, ilong na matangos.
Napahawak ako sa aking ilong. Nakaramdam ako bigla ng inggit. Alam kong mali 'yon. Kahit na ang taong nasa paligid ko ay matatangos ang ilong, sakaniya lang ako nakaramdam ng pagka-inggit.
Naglakad ito palapit sa'min, nakangiti. Makikita mo pati ang ngipin niya ay maputi sing puti suot niyang suit.
"You look stunning, Gab."
"Ang gwapo mo pa rin Mr. Mayor. Walang kupas," bumeso siya.
Mayor na siya sa lagay niyang 'yan. Hindi siya katandaan tingnan. Ang bata niya pa. Sabagay sa politika walang pinipiling edad.
Nagpalit-palit ang tingin ko habang nag-uusap sila. Nagtatawanan sila, hindi ako makatawa kahit nakakatawa na ang pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako kasali.
"Mr. Mayor, this is Eulia, my bestfriend" agad naglipat ang tingin niya sa'kin "Eulia, Aaron Zac. Mayor of Heusca."
"Ang bata, 'no," pabulong niyang ani. Natawa ng bahagya ang Mayor, siguro ay narinig niya ang binulong ni Gab.
"May binebenta ka bang penthouse?"
"Kaya mo bang bilhin?"
"Hindi ako. Siya." at itinuro ako ni Gab. Kaya wala sa sarili kong itinuro ang sarili.
" 'wag mong maliitin 'to. Lahat ng flowershop na nakatayo sa Heusca pag mamay-ari niya," maangas na sabi niya.
"Ng mga magulang ko," pagtatama ko pa.
Naghahanap ako ng penthouse sa Heusca. At naikwento ko kay Gab. 'Yung affordable sana, kaya ng bulsa. Hindi ko naman alam na pati rito sa Mayor ay magtatanong.
"Yes, I have. A lot." ngumiti ito sa'kin "We can talk about it, when you have your free time."
Party ba ito o business?