Shiro’s POV
The students immediately left the room after the bell. Hindi ko naiwasang magtaka dahil hindi ko siya napansin sa buong classroom. She’s absent or she skipped her class?
I shook my head and sarcastically laughed at myself. Tsk. Why am I even asking myself about her absence? I shouldn’t care.
“Shiro, tara na!” Napukaw ang atensyon ko nang tinawag ako ni Eros.
They’re outside near the doorway and I’m the only one who left behind. I stood up and silently walked outside the classroom. Nauna akong naglakad sa kanila kaya’t sumunod silang tatlo sa akin.
“You go first. I forgot something,” saad ko na ikinatango nilang tatlo.
I turned my back and headed back to our classroom. I didn’t know that I forgot my phone due to too much thinking why she didn’t attended her class. Tsk. Lumabas rin ako pagkatapos ko iyong nakuha. I’ve planned to go to the cafeteria where my friends are, ngunit naudlot `yon nang maparaan ako sa garden ng university. I stopped near the tree where there’s a bench. I roamed around because I felt something strange, but then I saw nothing. I was about to continue my walk when I heard crackles. Napaangat ako ng tingin sa puno dahil tila roon nanggagaling ang kaluskos.
My eyes widened in shock when I noticed that someone’s going to fall that made me to be alert.
Winter’s POV
I cursed myself when I opened my eyes and saw that I’m laying on a grass, and above of me is a guy that I’ve never expected to be here in this place; hugging me like he’s protecting me to get hurt. I was stunned when I met his eyes. How come that he’s here and hugging me?
“Ehem! Akala ko ba may nakalimutan ka, Shiro?” Naitulak ko nang wala sa oras si Shiro nang nakarinig ako ng boses. I could feel my cheeks burning in red. What the hell did just happened?!
“What the hell are you two doing here?” tanong ni Shiro sa dalawa na ngayon ay halata ang pagpipigil na tawa. Darn it.
“Ano’ng ginagawa niyo kanina?” Kiel asked together with his laugh. Yeah, I could still remember his name.
“Tsk.”
“What’s funny?” kalmado ngunit may halong inis na tanong ko sa dalawa. If I could just punch them so they could stop laughing, then I would.
“Pasensya na sa istorbo, Winter ah. Masyado kasing mabilis itong kaibigan namin e,” wika ni Eros habang si Kiel ay patuloy pa rin sa pagtawa. Kulang na lang ay tumalsik ang laway mula sa kaniyang bibig. I shook my head and ignored them. Balak ko na sanang umalis para pumunta ng cafeteria nang may kamay ang humawak sa aking braso. Napapikit ako nang mariin at hinarap si Shiro.
“Ehem! Shiro, aalis muna pala kami ni Eros. Istorbo kami e,” rinig kong wika ni Kiel na wala na yatang plano na huminto sa pang-aasar.
Shiro didn’t took a single glance at them and remained his eyes on mine.
“What?” I asked almost with my creased forehead.
“Nothing. Why so grumpy?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“I’m not,” I said that made him smirked.
“Kanina inis ka, ngayon kalmado ka na?” Naningkit ang mata ko sa kaniyang sinabi. Why does he care anyway?
“Bitawan mo ako.” Mabilis kong inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. He can talk to me without holding my arm, but I didn’t say that I would love to talk to him. Pasalamat na lang ako dahil walang mga estudyante na dumaan kanina.
“Why are you blushing then?” I threw a death glare at him. How dare he?
“Talk to yourself, Shiro,” ang huli kong sinabi bago ako tuluyang umalis.
Inis akong nagtungo sa cafeteria; hindi pinansin ang mga mata naming nakatingin sa aking gawi. I immediately looked for a table that isn’t occupied. Wala akong nakita, ngunit nahagip ng tingin ko ang table kung nasaan si Sheila. Naglakad ako patungo roon at naupo sa katapat na upuan. I’m still pissed though. I chose to skip my classes because I’m not in the mood, and then that incident happened.
“Miss Winter, okay ka lang po ba?” Nagawi ang paningin ko kay Sheila nang bigla itong nagtanong.
“I’m fine. Don’t mind me.” Bahagya siyang natahimik at napatango nalang kalaunan.
I could feel her eyes that’s observing me; masyado itong malikot para hindi ko mapansin. Nang nahagip ko naman ang kaniyang mata ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na lang para bumili ng pagkain.
Shiro’s POV
We're inside the HQ, and I couldn’t help but to smile for a bit when I remembered what happened earlier. To be honest it wasn’t my intention to lost my balance earlier after I caught her from falling.
Darn it! I really don’t know what’s with her that really caught my attention. Was it because that she’s very familiar?
“What are you thinking? You looked crazy while smiling as fuck.” Napatingin ako kay Cloud nang bigla itong nagsalita. I shook my head but the smirk on my face didn’t fade.
“What do you think?” Sinalubong ko ang kaniyang tingin, ngunit mabilis lang siyang umiling bago bumalik sa libro ang kaniyang atensyon.
“I think the right question is ‘who’?” Tinapunan ko nang masamang tingin si Eros, ngunit ang gago ay ngumisi lamang sa akin.
Tsk. Mga wala talaga kuwentang kausap.
I kept myself busy thinking what happened earlier since we still have two hours to spend with before our next class.
“Kiel, nasaan na nga pala `yong bagay na pinapagawa ko sa iyo?” tanong ko kay Kiel nang bigla ko `yong naalala.
“Alin, Shiro?”
“About Winter,” maikli kong tugon sa kaniya, inutusan ko kasi siyang hanapin ang background information ng babaeng `yon, baka may malaman ako kahit ano tungkol sa kaniya.
“Teka, `yong information ba na tungkol sa kaniya?” I nodded as an answer. Tumayo siya sa pagkakaupo at inilagay sa table na kaharap ang kaniyang kinakain. Dumiritso siya sa may itaas matapos n’yon at makalipas lang ang ilang minuto ay bumaba na rin siya. “Oh ayan.” May folder siyang inilapag sa mesang kaharap ko. “Hindi ko lang sigurado kung `yan lang talaga. Wala na kasi akong mahanap na ibang impormasyon, bukod diyan.” Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.
“What do you mean?” Napabuntonghininga siya, napansin ko naman na lumapit na sina Cloud at Eros patungo sa aming direksyon.
“Tingnan mo na para malaman mo.” Bumalik ang tingin ko sa folder saka iyon binuksan. Ganoon na lamang ang pagtataka ko sa aking nakita, gano’n din si Eros at Cloud na ngayon ay nakakunot ang noo.
“Are you sure about this, Kiel?” paniniguradong tanong ni Eros. Hindi ko sila pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa impormasyon na nakapaloob doon. “Sigurado kang ito lang ang nakuha mo?” I glanced at Kiel for a bit.
“Hindi ko alam, Shiro pero masyadong mahirap makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniya. `Yan lang talaga ang nakuha ko.” My eyes landed on the paper as I’ve read all the information inside of it. It showed only her name, but not her parents. I’ve also found out that her mother died when she’s in grade school due to car accident. Kasalukuyang may bagong asawa ang kaniyang ama.
Binasa ko pa ang ibang inpormasyon tungkol sa kaniya, ngunit hindi ko naiwasang magtaka dahil wala naman akong nakitang kakaiba. She mastered all kinds of martial arts and she knew how to use different kinds of weapons. Hindi na `yon nakakapagtaka dahil kahit sino naman ay p’wedeng matuto ng ganoong klase ng bagay.
“Wala namang kakaiba sa kaniya ah.” I couldn’t help but to agreed to what Erosb just said. Wala talaga.
“Wala rito ang pangalan ng totoong nanay niya.” Napabaling ako kay Cloud na ngayon ay nakaturo ang daliri sa papel.
Binalik ko ang tingin doon at ganoon na lang din ang pagtataka ko sa tinuturo ni Cloud. Napansin ko na wala nga ang pangalan ng nanay niya roon. Nakakapagtaka lang.
“Huh? Patingin nga.” Nabitawan ko ang folder nang hinablot ni Kiel iyon at tiningnan.
“Oo nga. Ngayon ko lang napansin na wala rito ang pangalan ng nanay niya.”
“Ang sabi rito, namatay ang nanay niya sa isang car accident noong nasa grade school pa lang siya.” Napabaling ako kay Cloud na ngayon ay nasa kaniya na ang papel.
“Iyon na yata ang pinakamahabang salita na narinig ko sa `yo. Lumi-level up ka na ngayon ah!” Eros said while tapping the shoulders of Cloud. Cloud didn’t bother to rode at his jokes dahil nanatili ang seryoso nitong ekspresyon.
“Ano bang mapapala natin diyan?” tanong ni Kiel. Kung sabagay, bakit ko nga ba kailangang alamin ang mga impormasyon tungkol sa babaeng `yon? Tsk. I don’t even know her that much.
Napabuntonghininga ako bago kuhanin sa kanila ang papel. I stood up and arranged my things.
“We don’t know, Kiel. But I knew that there’s something that we need know about her.”
Hindi ko na alam kung bakit ko `to ginagawa, pero tila may nagtutulak sa akin na alamin kung sino ba talaga ang babaeng `yon.