Sheila’s POV
Maaga akong umuwi kanina para maabutan ko si ate Liza. Balak niya kasing mag-leave nang ilang araw. Tumawag kasi sa kaniya kahapon si Nanay at pinapauwi siya nito sa hindi ko malamang dahilan.
“Sheila, aalis na ako ha. Ipagpaalam mo na lang ako kay Miss Winter, nakapagpaalam na naman ako kay Manang Selya e,” sabi niya habang inaayos ang bag na kaniyang dadalhin paalis.
“Ano ba kasing nangyari? Bakit bigla kang pinauwi ni Nanay?”
“Siguro nami-miss lang ako ni Nanay. Huwag ka mag-alala, ikakamusta kita sa kaniya,” wika niya tsaka ako binigyan ng isang makahulugang ngiti. Nginitian ko na lang din siya bago siya tumayo at inihanda ang sarili sa pag-alis.
Hinatid ko siya sa may pintuan ng mansyon at pinanood ang kaniyang pag-alis.
Hindi ko maiwasang manlumo at isipin kung kamusta na kaya si nanay; kung maayos lang ba siya? Hanggang ngayon kasi ay nangungulila pa rin siya sa pagkawala ni tatay. Bata pa lang kasi kami ay wala na kaming tatay na kinalakihan ni ate Liza, at hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin ako sa sarili ko kung nasaan na nga kaya si tatay? Kung bakit hindi na niya kami binalikan? Inaamin ko, umaasa pa rin ako na balang araw babalik siya; babalikan niya kami. Sa loob ng labing pitong taon na hindi ko siya nasilayan, at tanging ang litrato lamang niya ang pinanghahawakan ko para mahanap siya kung sakali, ay hindi ko pa rin sinusukuan.
Mahirap mamuhay nang walang kinikilalang ama sa totoo lang. Ang kaliwa’t kanang masasakit na salita ay hindi nawawala, lalo na sa ngayon. Ngunit hindi ko naman maita-tanggi na dahil iyon sa hitsura ko, at wala naman akong ibang magawa kun’di ang hayaan nalang sila, dahil naniniwala ako na darating ang araw na magsasawa rin sila sa pang-aapi sa akin.
Lumabas ako ng kuwarto nang may narinig akong nagtatawanan na mga babae sa may bandang sala. Pagtingin ko ay si Miss Melody pala. Pansin ko ang dalawang kasama niyang babae na sa tingin ko ay kasing-edaran ko lang.
Patuloy lang sila sa pag-uusap. Wala naman akong balak na makinig sa buong pag-uusap nila kaya pumasok na lang ako sa kuwarto at nagbasa ng libro.
Matapos ang isang oras ay lumabas din ako para pumunta sana ng kusina dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw, ngunit kabababa ko pa lang ng hagdan nang tinawag ako ni Miss Melody, “Hoy pangit, bring us some foods here.” Ikinatango ko iyong bago dumiretso sa kitchen at kumuha ng makakain nila.
Pagkalabas ko ng kitchen ay nakita ko si Miss Winter na papaakyat ng hagdan. Nandito na pala siya? Napansin ko na parang basa ang kaniyang jacket sa may kaliwang braso. Hindi ko maiwasang magtaka.
“Hey! Ano ba! Akin na sabi `yong pagkain e!” Nabalik ako sa ulirat nang sigawan ako ni Miss Melody.
“S-sorry po,” paghingi ko nang paumanhin at napayuko na lamang.
“Are you stupid!? Gosh! Tanga na nga, bingi pa!” Hindi ko ininda ang masasakit niyang mga salita at nanatiling nakayuko.
“May tanga pala kayong maid dito?” rinig kong wika ng isang babae.
“Ashley, she's not a maid, pero…” ramdam ko ang pagsipat sa akin ni Miss Melody mula ulo hanggang paa, “parang ganoon na nga." Nagtawanan sila matapos n’yon. “Oh? Ano pang tinatanga-tanga mo r'yan? Alis na!” sa sinabi niya ay mabilis akong umalis.
Winter’s POV
Ang bodyguard na pinatulog ko noong nakaraan ang sumalubong sa `kin nang nakapasok ako sa loob ng bakuran ng mansyon, ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin at dumiritso na lang sa pintuan papasok.
“You know what, I am very speechless right now.” A sudden laughter echoed on the whole living room.
“Hoy pangit, bring us some foods here,” rinig kong utos ni Melody sa hindi ko malamang kung sino, ngunit napagtanto ko na si Sheila iyon nang bahagya kong naaninag ang pagpunta niya sa kusina.
“Wait a minute, is she the one you’re talking about, Melody?” I stopped from walking when one of the girl in Melody's circle spoke.
“U-huh. Siya nga.” Balak ko na sanang muling magpatuloy sa paglalakad pa-paakyat ng hagdan nang may biglang humigit sa kaliwa kong braso. I closed my eyes when I suddenly felt the pain of my wound. “And where do you think you’re going? May kasalanan ka pa sa `kin right— ” Hindi niya natapos ang balak na sabihin dahil napatakip siya sa kaniyang bibig habang nanlalaki ang dalawang matang nakatingin sa aking braso. “Oh my god. Y-You’re bleeding!? D-don’t tell me i-isa kang basagolera or something?”
I wanted to role my eyes on her, but I chose to not, instead I coldly gazed at her and removed her hands on my arm. Umakyat na ako ng hagdan matapos n’yon. Dumiretso ako sa banyo pagkarating ko sa kuwarto. Kumuha ako ng first aid kit at muling nilinisan ang aking sugat bago ito muling nilagyan ng benda.
My naked body made my dragon tattoo on my back visible; right side of my shoulder. Ayon kay Nanay Selya ay maliit pa lamang ako ay mayroon na ako nito. Hindi ko lang maiwasang magtaka kung bakit may ganito ako at kung para saan. I never got a chance to know the answer from Nanay Selya and my Dad when I’m asking regarding this tattoo. Tila iniiwasan na sabihin kung ano man ang sagot sa tanong na `yon. Wala akong maalalang araw na nilagyan ako ng tattoo sa aking likod, o ang araw na nagpalagay ako nito.
Nasa kalagitnaan ako ng pagdama sa aking malambot na kama habang nagpapahinga, nang bigla na lang akong nakarinig ng isang mahinang kaluskos sa bintana ng aking kuwarto. Bigla akong napatayo at nagtungo roon para silipin kung may tao ba o ano, ngunit wala naman akong makita.
I was about to go back to my bed when I felt something on my right foot. Bahagya akong umatras at lumuhod upang tingnan kung ano iyon; a necklace; a dragon necklace. Nilapit ko ito nang kaunti sa akin dahil may kung ano’ng sulat akong naaninag doon.
“Empire.” Napakunot ang aking noo matapos ko `yong mabasa. Tinitigan ko iyong mabuti dahil tila mayroon itong katulad.
Nagtungo ako sa banyo at tumalikod sa salamin. Winahi ko nang bahagya ang aking damit para masilayan ang tattoo ko roon. I looked at the necklace that I’m holding and back to where my tattoo is.
Paano naging magkaparehas silang dalawa?
Hindi ako pinatulog ng isiping iyon, kung paano naging magkapareho ang kuwintas at ang tattoo sa aking likod. How about I ask Nanay Selya about it? Or dad? I shook my head. Paniguradong hindi rin naman nila sasabihin kahit pa alam nila. I took a deep sigh.
What am I going to do with that necklace then? Should I throw it on a trash can or just keep it?
Siguro nga dapat ko muna `yong itabi. Mukhang mahalaga ang kuwintas na iyon. Kung sino man ang may nagmamay-ari n’yon…bahala na. I want to know what’s the meaning behind this, maybe not now, but I hope soon.
Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga dahil hindi na ako dinalaw pa ng antok. Napag-desisyunan kong tumungo sa labas, eksakto naman na pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Sheila. Tinaasan ko siya ng kilay hudyat ng pagtataka.
“Uhm, Miss Winter, pinapasabi nga pala ni ate na magl-leave muna siya ng ilang araw dahil kailangan niya munang bumalik sa probinsya para tingnan ang kalagayan ni nanay," wika niya na ikinatango ko na lang.
Tumungo ako sa kusina matapos n’yon para kumuha ng tubig na maiinom. A thoughts suddenly filled me while doing that. Hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa mga nangyari noon, kung bakit humantong sa ganito ang lahat.
Nakita ko kung paano nataranta si dad matapos may tumawag sa kaniya kanina-kanina lamang. And just because I am just a six years old girl, hindi ko pa lubusang naintindihan ang lahat.
“Baby, we need to go to hospital.” Binuhat niya ako pasakay ng sasakyan patungo sa hospital. Nang nakarating na kami ay patakbong pumunta siya sa isang nurse at nagtanong kung saan naroroon si mommy.
“D-dad? What happened to mommy?” Mahina at emosyonal ako ng mga oras na iyon kaya hindi ko napigilan ang maiyak.
“N-nagkasakit lang si mommy, kaya nandito tayo sa hospital para bisitahin siya. But she’ll be fine, okay baby?” Umalis kami sa may nurse station at nagtungo malapit sa isang k’warto na balak sana naming pasukan, ngunit hindi kami pinapasok ng doctor kaya napilitan kaming maghintay ni dad sa labas.
“Nasaan na po si mommy, Daddy?” Dad didn't speak, binigyan niya lang ako ng isang nag-aalalang tingin hanggang may biglang lumabas na doktor sa pinto na kalapit namin.
“D-doc? How’s my wife?” Bakas ang pag-aalala sa tuno pa lang ng pananalita ni dad. Napansin ko naman ang pag-aalinlangan sa mukha ng doktor na hindi ko lubos maintindihan kung bakit.
“Sir, we did our best, but I’m sorry—” Hindi ko na narinig pa ang sumunod na sinabi ng doktor, dahil sa mga oras na iyon ay tila nanigas ako sa aking kinatatayuan.
I didn’t know what to do that time. Kaagad akong pumasok sa k’wartong `yon at nakita na lang ang sarili na nakayakap sa katawan ng walang buhay kong ina.
“M-mommy, w-wake up! Mommy g-gumising ka! Daddy! Bakit ayaw magising si m-mommy? Daddy!” Mahirap para sa `kin na tanggapin ang ganoong klase ng pangyayari, lalo na’t sa mismong ina ko pa nangyari ang bagay na `to. She got into car accident, that’s what my dad told me.
“I-I’m sorry, baby it’s all my fault. Kasalanan ni daddy ang lahat.” Niyakap ako ni dad habang paulit-ulit niyang binabanggit ang mga katagang iyon na mas lalo lang nagpaiyak sa akin.
“S-si mommy…mommy wake up…n-natutulog lang p-po siya `di ba?” I asked but the people that are surrounding me just shook their heads, and all I could do was to cry.
Ang araw na iyon ang pinakamasalimoot na nangyari sa buong buhay ko; ang pagkamatay ng aking ina; that was also the day that my dad changed. Palagi na siyang umaalis ng bahay sa hindi ko malamang dahilan. The only thing that I had back then, was Nanay Selya. Palagi man niyang pinapaintindi sa akin na baka masyado lang nasaktan si dad dahil sa nangyari, alam kong hindi iyon dahil lang sa nawala si mommy. But I did understand my dad. I did. Hanggang sa dumating ang araw na may inuwi siyang babae rito sa mansyon kasama ang isang batang babae na halos kasing edad ko lang.
That’s when everything in me changed.